Share

Chapter 2

It was already past midnight when I arrived home. The lights in our sala were opened and I saw my mother with her phone in her hands. She was smiling while typing something on it.

My forehead creased. Dahandahan akong lumapit kay mama pero dahil malakas ang pakiramdam niya ay lumingon siya sa akin.

“Lian, nandiyan ka na pala. Kanina pa kita hinihintay,” sabi ni mama.

“Sorry po. Nag-hangout po kasi kami ni Lovely. Bakit n’yo po pala ako hinihintay? Dapat po natulog na kayo,” sagot ko.

Ngumiti si mama at iminuwestra ang tabi niya. Nagtataka man ay umupo pa rin ako doon. Inilapag niya ang kaniyang phone sa center table bago humarap sa akin.

“Anak, paano kung may nanliligaw sa akin? Mabait siya at maalaga. Ayos lang ba kung sasagutin ko siya?” tanong ni mama.

Hindi ako nakakibo agad. Mahigit isang dekada nang walang lalaki sa buhay ni mama. Alam kong marami talagang nanliligaw sa kaniya kahit noong kamamatay pa lang ni papa pero ni isa ay wala siyang binigyan ng pansin. Kaya ngayong sinasabi niya ito sa akin, alam kong gusto niya rin ang lalaking tinutukoy niya.

Tumango ako. “Oo naman, mama. Hindi n’yo po kailangang magtanong sa ‘kin. Gusto ko lang pong malaman kung...masaya po kayo at mahal n’yo po ba ang isa’t isa?”

Napangiti si mama at napayuko. Teka...kinikilig ba siya?

“Oo, mahal ko siya. No’ng una pa lang kaming magkita sa photoshoot, crush ko na siya kaagad, e.”

Natawa ako. “Wow! Nagkaka-crush ka pala, ‘ma. Siguro gwapo, ‘no?”

Tumango siya. “Oo. Kaya nga no’ng sinabi niyang liligawan niya ako dahil may gusto siya sa akin, hindi talaga ako makapaniwala. Gusto ko na siyang sagutin, Lian. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya na gusto ko rin siya.”

“Edi go! Sabihin mo na sa kanya, mama. At saka huwag na kayong magtaka na gusto niya kayo. Maganda ka po at mabait. Sa inyo nga ako nagmana, e. Basta, kapag kayo na, ipakilala mo po siya sa ‘kin, ha?”

Masaya ako para kay mama. Masaya ako na nakahanap siya ng lalaking muling magpapatibok sa puso niya. Hindi ko akalaing makikita ko siya ulit na ganito kaliwanag ang mukha. Mapapanatag na ako na may taong mag-aalaga kay mama at sana hindi siya saktan ng taong ‘yon.

“I will, Lian. Kapag hindi na siya masiyadong busy. Hands on kasi siya sa mga business niya kaya sobrang successful niyang businessman.”

Hmmm. Mayaman din pala ang manliligaw ni mama. Almost perfect na, ah? Sabagay, deserve naman ni mama na magkaroon ng gano’ng lalaki sa buhay niya.

Ako kaya? Kailan kaya ako makakakilala ng lalaking talagang magmamahal sa akin? Iyong hindi ako lolokohin dahil lang sa may pagkukulang ako bilang girlfriend.

“Bakit parang nalungkot ka? Hindi ko pa pala natatanong kung kumusta ang araw mo. Kasama mo ba si Anton kanina?”

Napatingin ako kay mama at umiling. “Hindi po. Break na po kami, mama.”

Natahimik si mama sa sinabi ko. Walang ano-ano’y niyakap niya ako at hindi ko mapigilang maiyak. Sabi ko, hindi na ako iiyak. Hindi siya worth it iyakan. Ayaw kong magsayang ng luha sa manlolokong katulad niya.

“I’m sorry, anak. Hindi ko kaagad napansin na may pinagdadaanan ka pala tapos nagkwento pa ako tungkol sa love life ko,” sabi ni mama.

Suminghap ako bago kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti.

“Ayos lang po ‘yon. Sumaya nga po ako sa kwento n’yo, e. Atleast, isa po sa atin ang merong malagong love life,” natatawang sabi ko.

Nagkwentuhan pa kami ni mama tungkol sa ibang bagay bago kami nagpasyang matulog. Kahit hindi maganda ang naging araw ko kahapon, magaan pa rin ang pakiramdam ko. Blessing in disguise na rin siguro ang nangyari. Para mailayo sa akin ang taong hindi worth it ng pagmamahal ko.

Weekends came and I spent it on cleaning our house. I also did our laundry for the whole week then I went to the supermarket to buy groceries. Masasabi kong naging productive naman ang weekends ko kaya masaya ako.

Nang dumating ang araw ng Lunes ay sinalubong kaagad ako ni Lovely sa gate.

“Lian, grabe pinag-alala mo ako no’ng Friday! Umuwi ka na kaagad? Hindi mo man lang ako hinintay,” bungad niya sa akin.

Sabay kaming naglakad sa pathway. Magkaiba kami ng building dahil magkaiba naman kami ng course. Mass communication kasi ang course ni Lovely.

Hindi ako agad nakasagot dahil naalala ko na naman ang nangyari nang gabing ‘yon. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na hindi na ako virgin. Parang nararamdaman ko pa nga ang bawat haplos niya sa katawan ko pati ang labi niya sa aking balat.

“Huy! Lunes na Lunes lutang ka!” sabi ni Lovely at siniko pa ako.

Ngumiti ako. “Mala-late na ako sa first class ko. Mauna na ako, ah? See you later!”

“Hala! Maaga pa naman ah!”

Hindi ko na siya pinansin at nauna na akong maglakad papunta sa tourism department. Hindi ko pa kayang ikwento kay Lovely ang nangyari. Mas gusto kong sarilinin na lang muna iyon.

Sariwa pa sa akin ang lahat. At akala ko ay ilang araw lang ay mawawala rin sa isip ko ang lalaking ‘yon. Pero lumipas ang ilang linggo, hanggang sa umabot na ng tatlong buwan ay naaalala ko pa rin siya.

Ako kaya naiisip niya rin? Siguro, hindi. Baka ilang babae na rin ang naikama niya pagkatapos ko.

Naging abala ako sa maraming gawain sa school. Ang hirap maging graduating student lalo na kung may mga terror kang professors. Kailangang magsipag para hindi magkaroon ng lacking activities. Ayaw ko namang hindi makasama sa pagmartsa, ‘no. Malulungkot si mama kapag nangyari ‘yon.

Sobrang nakakapagod pero kailangang tiisin. Kaunting push pa, maisusuot ko na rin ang itim na toga.

“Manong, diyan lang po sa red na gate,” sabi ko sa tricycle driver.

Huminto siya at saka ako bumaba. Inabot ko sa kaniya ang bayad bago ako nagpasalamat. Hindi ko na kinuha ang sukli dahil gusto ko nang pumasok sa loob ng bahay namin. Nakita ko ang magandang kotse na nakaparada sa labas kaya namangha ako.

Ngayon kasi ipapakilala ni mama ang boyfriend niya. Almost three months na silang magkarelasyon at sa wakas makikilala ko na rin siya. Sa loob ng ilang buwan nilang relasyon, walang araw na hindi ko nakikita si mama na nakangiti. Ngayon lang siya nagkaoras na sumama dito sa bahay namin dahil umalis siya para sa business trip nila.

“Mama, nandito na po ako,” sabi ko pagkapasok ng pinto.

Wala sila sa sala pero may naririnig akong boses sa kusina kaya doon ako dumiretso. Naabutan ko silang nagtatawanan habang nagluluto. Hindi nila napansin na nandito ako dahil pareho silang naka-focus ang atensyon sa isa’t isa.

Tama si mama. Gwapo nga ang boyfriend niya. Nakasuot siya ng office attire kaya sa tingin ko galing pa siya sa trabaho. Siya ang naglalagay ng ingredients sa kaldero habang si mama naman ang naghahalo no’n.

Sobrang ganda nila tingnan. Bagay na bagay silang dalawa. Hindi ko alam kung iistorbohin ko ba sila o papanoorin na lang muna.

Aakyat na muna sana ako sa kwarto nang mapansin ako ng boyfriend ni mama.

“Hey, how long have you been there? Come on, join us,” he said.

Lumingon din si mama sa akin. “Lian, nandiyan ka na pala. Halika dito.”

Lumapit ako sa kanila. Hinawakan ni mama ang balikat ko at nakangiting tumingin sa lalaki.

“Rayver, she’s my daughter, Lian. Lian, siya ang boyfriend ko, tawagin mo siyang Tito Rayver,” pagpapakilala ni mama sa amin.

Ngumiti ako. “Hello po, Tito Rayver. Salamat po sa pagmamahal at pag-aalaga sa mama ko.”

He laughed before he held my mother’s hand. “You don’t have to thank me. Ako dapat ang magpasalamat dahil dumating siya sa buhay ko. Anyway, you should practice on calling me dad because I’m planning to marry your mom soon.”

Napanganga ako sa sinabi niya. Maging si mama ay mukhang nagulat. At mas lalo kaming nagulat nang maglabas ng singsing si Tito Rayver at lumuhod sa harap ni mama.

Sabay kami ni mama na napatakip sa bibig.

“Annika, my love. I’ve been dreaming of spending the rest of my life with you. I want to wake up every morning with you by my side and to see your face before I sleep. Please, be with me forever. Marry me?” Tito Rayver proposed.

Mas nauna pa akong naiyak kaysa kay mama. Sobrang saya ko ngayon at nasaksihan ko ang ganitong eksena sa buhay ng mama ko. Hindi kailangan maging magarbo para maging memorable ang isang bagay. Basta nagmamahalan silang dalawa, sobrang special ng pagkakataong ‘to para sa akin.

Papa, alam kong masaya ka rin para kay mama kung nasaan ka man ngayon. Hindi na po malulungkot si mama. At meron na pong mag-aalaga sa kaniya katulad ng pag-aalaga mo.

“Yes, Rayver. I will marry you,” my mother said.

Isinuot ni Tito Rayver ang singsing sa daliri ni mama at nagyakap silang dalawa. Halos hindi ko maawat ang luha mula sa mga mata ko.

“Congrats sa inyong dalawa, mama, Tito Rayver. I’m happy for the both of you,” I said.

Lumapit ako sa kanila at nakisali sa yakapan nilang dalawa. Punong-puno ang puso ko ngayon. Parang nabuo ulit ang pamilya ko. Kahit na wala na si papa, masaya akong magkaroon ng pangalawang ama.

“I can’t wait to bring you two in my house. Lian, you’re going to meet your step-brother soon. Are you excited?”

Napangiti ako. Noong bata pa ako, gusto ko talagang magkaroon ng kuya. Pero hindi nangyari dahil nga panganay ako. Kaya ngayon, sobrang nae-excite ako na makilala siya. Sana nga lang mabait siya katulad ni Tito Rayver.

Dalawang linggo lang ang lumipas ay isinama na kami ni Tito Rayver sa bahay nila. Pero pagkababa pa lang ng sasakyan ay na-realize kong mali ako.

Hindi ito bahay. Mansyon ‘to. Sobrang laki, e!

Halos malula ako habang pinagmamasdan ang kabuuhan ng mansyon. Kulay itim at puti ang labas nito at malalaking salamin ang naghahati sa bawat pader. Malawak ang garden sa harap ng bahay habang may garahe naman sa hindi kalayuan.

Bago makarating sa main door ay aakyat muna ng hagdan at pagpasok sa loob ay naagaw kaagad ang pansin ko ng napakalaking chandelier na nakasabit sa kisame.

“Wow,” hindi ko mapigilang sambitin.

Dito ba talaga kami titira ni mama? Ni minsan hindi ko naisip na makakapasok man lang ako sa ganitong mansyon.

“Honey and Lian, welcome to my house. From now on, this will be your home, too. Kung may kailangan kayo, huwag kayong mahihiyang magsabi sa mga kasambahay natin.”

Inilibot ko ang paningin sa paligid. May malaking hagdan sa kanan at katulad ‘yon ng mga nakikita ko sa internet. Ang mga gamit, feeling ko nagkikislapan sa sobrang linis at mukhang mamahalin.

“Rayver, sobrang laki naman pala nitong bahay mo. Dito na talaga kami titira?” rinig kong tanong ni mama.

“Yes, honey. Kaming dalawa lang ng anak ko ang nakatira dito bukod sa mga kasambahay. Madalas pa nasa condo si Arc kaya ako lang ang nandito. But now that you are here, this house will finally become a home.”

Nagtungo na sila sa kung saan kaya sumunod na lang din ako. Pumasok kami sa isang pintuan at bumungad sa amin ang mahabang mesa. Dining area pala itong pinuntahan namin at may mga pagkain na ring nakahain sa hapag.

“Let’s eat first. Alam kong nagutom kayo sa biyahe,” sabi ni Tito Rayver.

Lumapit sa amin ang isang matandang babae na naka-uniform na pangkasambahay.

“Sir, tatawagin ko po ba si Sir Arc?” tanong nito kay Tito Rayver.

Mukhang nabigla si Tito Rayver. “Nandito siya? Akala ko sa condo siya umuwi kagabi.”

“Madaling araw na po siya dumating. Gusto niya daw po kasing salubungin ang step-mother at step-sister niya.”

“Sige, pakigising na lang siya. Lian.” Napalingon ako kay Tito nang tawagin niya ako. “Gusto mo bang sumama kay Manang Aida para gisingin ang kuya mo? Kilala ko kasi ‘yon, kapag walang ibang taong manggigising sa kanya, hindi siya babangon.”

Alanganin man ay tumango pa rin ako. “Sige po.”

Tumayo ako at sumama kay Manang Aida paakyat. Lumiko kami sa kanang bahagi ng second floor at dumiretso sa pintong kulay gray. Kumatok doon si Manang Aida bago nagsalita.

“Sir Arc, gumising na po kayo. Kasama ko po ang step-sister n’yo ngayon kaya bumangon ka na po,” sabi ni Manang Aida.

Naghintay kami ng ilang segundo pero wala man lang nagbukas ng pinto. Mukhang tama nga si Tito Rayver. Hindi kaagad gumigising ang anak niya.

Bumuntonghininga ako. “Sige po, manang. Bumaba na po kayo. Ako na lang po ang gigising kay...kuya.” Halos pabulong kong binanggit ang huling salita.

Tumango siya at iniwan na ako. Kumatok ako ulit sa pinto bago ko pinihit ang doorknob. Nagulat pa ako dahil bukas ito. Pagpasok ko ay sinalubong ako madilim na paligid. Kaonting liwanag lang ang pumapasok galing sa bintana dahil nakasarado pa ang kurtina no’n.

Lumapit ako doon at binuksan ang kurtina para lumiwanag ang paligid at saka ko nabasa ang nakaukit sa sa kahoy na nakasabit sa pader.

Archron Raiden.

I guess that’s his full name.

Nakadapa doon ang step-brother ko at wala pang suot na pang-itaas. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasubsob siya sa unan. Bahagya siyang gumalaw dahil sa liwanag.

“Close the curtains,” he mumbled.

“Pinapagising ka na ni Tito Rayver. Sorry kung pumasok na ako, naghihintay na kasi sila sa baba,” sabi ko.

Hindi siya kumibo kaya lumapit pa ako sa kama. Grabe naman matulog ang isang ‘to. Gamit ang hintuturo ay kinalabit ko siya sa balikat.

“Huy, gising na. Ang sabi ni Manang gusto mo kaming salubungin ni mama pero bakit tulog ka pa?” tanong ko.

Kinalabit ko siya ulit. He groaned before he caught my wrist and pulled me. I was caught off guard that’s why I landed to the bed beside him. Umangat ang mukha niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita siya.

“Ikaw?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status