Share

CHAPTER 18

[RANN] 

Isang linggo ring hindi nagpakita si Spyru pagkatapos ng araw na iyon. Wala rin siyang naging paramdam sa aming dalawa ni Damon, hindi rin naman nagsasalita si Damon tungkol sa nangyari kaya hindi ko rin maiwasang hindi mapa-isip sa kung ano man ang pinagkakaabalahan ng kakambal ng asawa ko. 

"Tulala ka na naman. Anong meron?" Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ko na naman ang boses ng dahilan kung bakit hindi nagpapakita si Spyru sa bahay. Masama ko siyang tinignan at inis na sinaksak ng stick yung fishball na nasa kawali ng manong na nakita naming nagtitinda ng fishball sa labas ng condominium building dahilan para may mga ilang patak ng mantika ang tumalsik mula sa kawali. Parehas tuloy na gulat na napatingin sa akin yung tindero at etong hudas na katabi ko. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status