Share

CHAPTER 36

[RANN]

"Damon…" Hindi siya umiimik, ilang beses ko nang tinatawag ang pangalan niya pero hindi pa rin siya gumigising. Nakangusong ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya habang pinapakinggan ang pintig ng puso niya. Magmula nang magka ayos kami at malaman niyang buntis ako ay halos hindi na nga siya umalis ng bahay, todo bantay siya sa akin. Binibigay niya lahat ng kailangan ko, sinusunod ang lahat ng gusto ko.

Dumating na rin sa puntong si Tanya na mismo ang nagpresintang bumalik na lang ng mansion dahil nga sa hindi na ako halos maiwan ng asawa ko rito sa bahay niya.

Marahan kong inangat ang kamay ko at sinusundot-sundot ang pisngi ni Damon habang mahimbing lang siyang natutulog ngayon. Alas tres na ng madaling araw, pero hindi ko maiwasang hindi maghanap ng makakain ng mga ganitong oras, kita ko rin namang napupuyat si Damon sa ganitong sitwasyon namin, pero hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko.

Umangat ako ng kaunto at saka ko siya hinalikan sa pisngi, marahan at magaan lang.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status