Share

Chapter Nine

Pagkarating sa mansyon ay kaagad na tumuloy si Abbey sa silid niya samantalang si Gayle ay muling umalis pagkatapos siyang ihatid. Bumalik ito sa bar para raw tingnan kung ano na ang nangyari roon. 

Pagpasok sa loob ng silid ay kaagad na ibinaba ni Abbey ang dalang clutch bag sa kama at tumuloy sa banyo para maghilamos. Pakiramdam niya ay nanlalata siya. Parang nauubos ang lakas niya na hindi niya maintindihan. Pagkatapos maghilamos ay tinuyo niya ang mukha gamit ang tuyong towel na nakasabit sa towel rock. Isang buntong- hininga ang pinakawalan niya bago lumabas ng banyo. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya at sa paghahanap niya kay Callehan pero sisikapin niyang mahanap ang lalaki. 

She's turning twenty- one few weeks from now at sa loob ng dalawampong taon niya sa mundo ay hindi niya naramdamang itinuring siyang iba ng kinilal

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status