Share

Chapter Eleven

Marahang humugot ng buntong- hininga si Luc habang hawak sa kanang kamay ang kopitang may lamang alak. Pinaikot- ikot niya ang hintuturo sa bunganga niyon habang matamang nag- iisip. Nasa loob siya ng kanyang opisina at hindi mawala sa isipan niya ang naging pag- uusap nila ni Callehan na siyang lubos na nagpagulo sa kanyang isipan. Muli ay naalala niya ang huling sinabi ng lalaki.

"Kaya mo bang saktan at gawing kasangkapan sa iyong paghihiganti ang kaisa- isang alaala na iniwan ni Delaney?"

"Ano ang ibig mong sabihin? Sabihin mo sa akin kung ano ang nalalaman mo, Willmore!"

"Why don't you find it yourself? Magaling ka, hindi ba?"

Binitawan ni Luc ang hawak na kopita at tumayo mula sa pagkakaupo. Humakbang siya palabas ng opisina at tumuloy sa kanyang silid na nasa ikatlong palapag. Lumapit siya sa built-in cabinet at mula sa pinakaitaas ay kinuha niya ang isang lumang box

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status