Good day po, pa comment naman po kung may nagbabasa ba ng Loving His Cruelty 😭 dyan.
1st DayKasalukuyang kumakain ng agahan sa canten ang grupo nila Amanda. Dahil sa semi-summer class ay hindi na rin sila pinagbabayad at isahan na rin ang mga nilulutong pagkain para sa kanilang lahat. Ito ang kanilang magiging unang araw sa isla na kailangan nilang tapalan ang mga kulang nilang grades upang maka proceed sa 3rd year. At ganoon din ang mga graduating students.Napalingon si Amanda sa paligid nang makitang nag kakagulo sa labas at lahat ng mga studyante ay patungo sa basketball court upang makiusyoso sa nangyayari.“Kuya, anong meron doon?” nag tatakang tanong ni Amanda sa kaniyang kuya Zeil at napatayo na sa kinauupuan niya para sumilip sa bintana.“Ewan baka may nag-aaway lang siguro.” ani niya habang walang pakialam at nag patuloy na lang sa pagkain. Nakita niya naman si Lyka na patakbong pumasok sa loob ng canteen habang umiiyak. Maputla ang mukha nito na para bang takot na takot. Nagtataka naman s'yang bumalik sa kanilang table.“Babe anong nangyari?” nag aalalang t
2nd DayLumipas ang isang buong araw ay bumalik na ulit sa ang normal ang lahat na para bang walang nangyaring krimen sa loob ng paaralan. Ngunit hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig nila sa mga nangyayari sa loob ng school. Napapabalita rin na hindi pa rin nakikita si Aira na kagabi pa nawawala.Pinatawag ang lahat ng mga pumunta sa beach party nang gabing ‘yon ngunit ni isa sa kanila ay walang alam sa nangyari sa dalawang babae. Habang nasa freezer naman ang katawan ni Angel dahil hindi pa rin ito maiuuwi sa kaniyang pamilya dahil sa kawalan ng signal at hindi rin matagawan ang mga pulis na iimbistiga sa nangyari.Napag-alaman rin nila kina Trey at Zeil na may mga studyante na ring isa-isang nawawala. Hanggat maari ay hindi na sila lumalabas ng kani kanilang dorm tuwing gabi at dapat ay laging naka-double lock ang mga pinto ng kanilang kwarto upang walang mag takang pumasok.“Ouch…. You Bitch!” sigaw ng babaeng na bangga ni Amanda at natapuanan ng tray ng pagkaing hawak nito.
Kasalukuyang nagre-retouch si Jessa ng kanyang mukha nang mag salita ang kaibigan n'yang si Maurine."Jessa hindi na natin kailangan pang mag ayos ng mukha dahil papalinisin rin lang naman tayo sa inidoro ng Marie na 'yun." ani niya habang nakapatong ang kanyang baba sa kanyang palad. Napairap na lang si Jessa sa sinabi ng kaibigan at ibinalik ang make-up kit sa kanyang hand bag."Sino nag sabing pupunta agad ako doon? Nakakatamad kaya. 'Saka lang ako pupunta kapag malapit na silang matapos sa paglinis." ani nito sa kanila at nag lakad papunta sa bandang likod ng kanilang classroom para ilagay ang kaniyang mga libro sa kaniyang locker.Napakunot ang kaniyang noo nang makita ang pulang rosas na nakalagay roon at isang maliit na sulat."Kanino naman galing 'yan? Kay Jay?" tanong ni Maurine nang makita ang hawak na rosas ni Jessa at inaamoy amoy ito."I don't know, maybe from a secret admirer." sagot nito sa kanila na nang-iingit.Hindi naman kasi ganoon ka sweet si Jay para bigyan siya
3rd DayMaagang gumising si Paulo para tumulong sa pagluluto sa canteen at paghahanda ng agahan ng mga studyanteng naiwan sa kanilang paaralan. Isa siya sa mga scholar ng school na pinapaaral ng mga nanggaling sa orphanage. Ngunit bilang kapalit ng libreng paaaral niya rito ay ang pagtulong niya sa mga gawain sa canteen at taga linis roon."Paulo, paki tingnan nga kung may tuyong uling sa likod. Ang lakas kasi ng ulan kagabi at nabasa ang uling rito sa lutuan." ani ni Aling Perla habang nag huhugas ng malaking kaldero ng kanin upang mag handa ng mga agahan ng iilang mga studyante."Opo!" sagot nito at kumuha na ng timba at pumunta sa likuran ng canteen para kumuha ng uling.Halos mag panic siya at nag sisisigaw nang makita ang kaklase niyang si Jessa sa karumaldumal na sitwasyon. Agad itong tumakbo papasok sa loob upang humingi ng tulong."Aling Nena! Aling Nena! Si Jessa po na Lechon sa likod ng canteen!" nag papanic niyang sigaw habang nangangant
"Amanda pinapatawag ka ni Sir Bynes sa office niya ngayon." ani ni Charme kay Amanda nang mag kita sila nito sa loob ng canteen matapos nilang kumain ng hapunan.Napansin ni Amanda na tila may kakaiba sa kaniyang kaibigan na hindi niya mawari."Hah? Bakit raw?" nagtataka nitong tanong.Ang sabi sa kanila ay hindi sila pweding mag lalabas labas kapag madilim na kaya nagtataka si Amanda kung bakit siya pinapatawag ni Sir Bynes ng ganitong oras kahit na hindi maganda ang sitwasyon sa loob ng school ngayon."Hindi niya raw mahanapan yung hinatid mong report papers na binigay ni Maam Bangyentos. Sige aalis na ako." tila nagmamadaling ani ng kaniyang kaibigan at 'saka nagpaalam. Napatingin naman si Amanda rito na tila ba nahihirapan itong mag lakad ng matuwid."Charme ayos ka lang ba?" nagtataka nitong tanong sa kaibigan.Nginitian lang siya nito at tumango bilang tugon. Napabuntong hininga na lamang si Amanda at napakamot ng ulo bago nagpasyang m
Matapos nilang kumain ng hapunan ay hinila ni Lyka ang kamay ni Zeil papunta sa waiting shed na nasa labas lang ng kanilang canteen. Agad niyang ipinulupot ang kaniyang braso sa leeg nito at mabilis na hinalikan sa labi ng lalaki. Tinugon naman ni Zeil ang kaniyang malalim na halik ngunit agad din naman itong humiwalay sa kaniya na ikinakunot ng noo ng dalaga.“Babe bumalik na tayo sa loob. Alam mo namang delikado rito sa labas, di ‘ba?” ani ni Zeil sa kaniyang nobya at tumingin sa canteen. Napasimangot naman si Lyka sa sinabi ng kaniyang nobyo.“Babe, saglit lang naman tayo dito eh. Alam mo namang miss na miss na kita. Mashado kayong busy ni Marie this past few days. And I wonder kung anong pinagkakabisihan niyo. Pinagpapalit mo na ba ako sa amazonang ‘yun?” tila nagtatampong ani ni Lyka sa kaniyang nobyo. Napangiti naman si Zeil sa kaniyang narinig at inakbayan ang kaniyang nobya.“Ako rin. Miss na miss na rin kita.&rd
“Nakita mo ba yung magandang babae doon sa kabilang section?” ani ng batang katabi ni Zeil habang naghihintay ng sundo sa isang waiting shed sa loob ng kanilang school. “Oo, Amanda raw ang pangalan n‘ya. Balita ko bagong transfer lang s‘ya rito sa atin.” sagot naman ng batang katabi nito. Hindi naman maiwasan ni Zeil na hindi umusisa sa mga pinag-uusapan ng mga ito. Napabuntong hininga na lamang si Zeil. Puro crush crush lang naman ang pinag-uusapan ng mga y‘un. At kung sino sino pang mga sikat na mga bata sa kanilang paaralan. “Ayon siya oh!” pasigaw na wika ng kaniyang katabi at tinuro ang batang babaeng naglalakad mula sa di kalayuan. “Ang ganda n‘ya 'di ba?” ani ng lalaki sa kanyang katabi. Napadako naman ang tingin ni Zeil sa batang tinuturo nito. Totoo nga, maganda na napaka-cute pa. Mataba ang pisngi nito, medyo may katangusang ilong at may magandang mga mata. Natural din ang mala kulay rosas na labi nito. At kahit na uwian na sa hapon ay mukha parin itong malinis at mabang
Nagising si Zeil dahil sa ingay mula sa ibaba ng kanilang bahay. Agad s'yang bumaba sa kaniyang kama at lumabas sa silid upang silipin kung ano 'yon at kung ano nang nangyayari roon. Nakita n‘ya ang kaniyang mga magulang na nag-aaway at nag-aalitan na naman sa isa‘t-isa. “Saan ka na ba naman galing hah? Parati ka na lang late kung umuwi! Saan ka na naman ba nagpunta? Sa kabit mo na naman ba hah! Nakipaglampungan ka na naman ba sa kabit mong kating kati!” malakas na bulyaw ng kaniyang ina sa kanyang ama habang dinuduro duro ito. “Pwede ba! Pagod ako sa trabaho! Tapos pagdating ko bunganga mo na naman ang bubungad sa 'kin!” sigaw na pabalik ng kaniyang ama. “Huwag ka nang mag sinungaling Wilson. Nakita kayo ng kumare ko! At kasama niyo pa ang anak ng kabit mong namamasyal? Samantalang kami ng anak mo hindi mo man lang mabigyan ng oras! At wow, mukhang ang saya saya niyo pa raw!” muli n'yang sigaw rito habang sinusundan ito patungong kusina. “Wala akong kabit Biatrize! Ano ba ang mga