Love for Rent

Love for Rent

By:  Maria Bonifacia  In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 Mga Ratings
55Mga Kabanata
2.1Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Limang buwan na ang nakalilipas ay ibinenta ni Hanna ang katawan at naiwala niya ang pinakaiingatang puri. Isang malaking pagkakamali ngunit kailangan niya ng pera upang maipagamot ang kapatid. Namasukan siya bilang dyanitres sa pinakamalaking kumpanya sa kanilang bayan. Hindi niya akalain na ang lalaking naka-one night stand at ang CEO, ang bilyonaryong si Charles Ethan Rodriguez ay iisa! Inalok siya nitong magpanggap bilang girlfriend. Pumayag siya dahil bukod sa sobrang gwapo at matipuno nito ay babayaran siya ng malaking halaga. Paano kung sa kasunduan nila ay umibig siya sa mayamang binata? Ngunit parausan lamang ang tingin nito sa kanya habang hinihintay nitong bumalik ang babaeng tunay na minamahal. Hanggang saan siya magtitiis para sa lalaking walang pagtingin sa kanya? Hanapin kaya siya nito kung isang araw ay bigla na lamang siyang maglahong parang bula?

view more
Love for Rent Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Mayfe de Ocampo
highly recommended,napakaganda ng kwento,ang galing mo author.........️
2024-04-16 11:50:32
2
user avatar
Mayfe de Ocampo
maganda ang story author,sana tuloy tuloy ang update lhat ng books mo maganda at kapana panabik bawat chapters,. congrats
2024-04-03 20:37:16
1
user avatar
Maria Bonifacia
My dear readers, taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong suporta. Samahan natin si Hanna at Ethan sa kanilang love story.
2024-03-23 19:28:35
3
55 Kabanata
Kabanata 1 Meeting the CEO
Unang araw ni Hannah sa trabaho bilang dyanitres. Inagahan niya ang alis ng bahay upang hindi siya ma-late. Dumukot siya ng pera sa pitaka. Isandaan na lang ang pera niya. Mamayang uwian ay maglalakad na lamang siya. Nakaupo siya sa gawing dulo. Siksikan na naman sa dyip. Ang tagal magsukli ni manong. Kinakabahan siya, nakasalalay dito ang limang araw niyang pamasahe. Baka nakalimutan nito.“Manong, sukli po ng one hundred, pababa na po sa kanto.”“Iha, walang one hundred sa lagayan ko. Hindi ka pa nagbabayad.”Uminit ang bumbunan niya. “Manong driver, hindi ako maaaring magkamali dahil iyan na lang ang pera ko. Inabot ko po ang bayad kanina.” Muli niyang binuksan ang pitaka, wala talaga ang isandaan.Nilingon niya ang katabi. Ang kaso ay ibang tao na ito. Nakababa na ang pasaherong pinag-abutan niya ng bayad.“Iha, kung ayaw mong magbayad, magsabi ka hindi ‘yang nang-iiscam ka.” Malakas na ang boses ng driver.Hindi siya magpapatalo, isandaan ang nakataya dito. “Manong, ibigay mo na
Magbasa pa
Kabanata 2 The Agreement
Natigilan si Hanna. Hindi dapat malaman ni Ethan na siya ang babaeng inarkila nito ng isang gabi. “Eto, naman nagkamali lang po. Kalahating milyon kapalit ng pagpapanggap kong girlfriend mo.”“Okay, deal.”“Sir, akina na ang bayad.” Nakalahad ang kanyang kamay.Umiling ang lalaki. “Matindi ka din, ano? Babayaran kita sa oras na nagawa mo ang pagpapanggap at hindi lang ito isang araw. Kapag kailangan kita ay pupunta ka. Anyway, mamaya ay pumirma ka ng kasunduan at makukuha mo ang paunang bayad sa’yo.”“Okay po, sir.” Pumalakpak ang kanyang tenga. May pampa-chemotherapy na ang kanyang kapatid.“Paanong pagpapanggap po ba ang gagawin?”“Kunwari ay na-love at first sight tayo sa isa’t isa. Wala kang dapat baguhin. Mahirap ka at dyanitres sa kumpanya.”“Sir, parang hindi maniniwala ang parents mo sa ganyang kwento. Isang CEO, ma-iinlove sa dyanitres?”“May itsura ka naman, maniniwala sila na unang kita pa lamang ay nagustuhan kita. Tsaka walang pakialam ang mommy ko, gusto lang niya na mag
Magbasa pa
Kabanata 3 Obsessed with the Scent
“Sir, bakit po kayo intresado sa pabango ko?” tanong ni Hanna sa amo. Wala naman problema kung bading ito. Pero imposible dahil magaling ito sa kama. Namula ang kanyang mukha na naisip.“Babayaran ko. Dalin mo sa akin ang pabangong ginamit mo.”“Sige po,” aniya na nagtataka pa din sa biglang interes nito sa pabangong gamit niya. Itinuro sa kanya ng lola niya ang paggawa ng pabango gamit ang iba’t ibang bulaklak. Ang amoy ng rosas ang kanyang pinakapaborito.“Sige, makakaalis ka na.”“Sir, ang lakas na ng ulan.”“Ayun, may waiting shed. Sumilong ka. Get out!” Taboy nito sa kanya.“Ang dilim po sa waiting shed baka ma-rape ako dyan. Tsaka wala akong dalang payong. Ihatid mo na po ako, please. Kahit sa kabayanan lang po.”Sandaling nag-isip ang binata. “Sige, pero sa isang kundisyon.”“Ano po, sir?”“Paamoy ng leeg mo ng three minutes.”“Po? Aamuyin ninyo ako? Sige po.” Ang weird ng sinabi nito pero okay lang basta ihatid siya nito at malakas ang ulan.“I-type mo ang address sa monitor.”
Magbasa pa
Kabanata 4 Tempting Offer
Muling pumasok sa opisina ng amo si Hanna. Inawat siya noong una ni Ate Mila. Hindi naman daw nagpapalinis sa loob ng private office ang CEO kapag nandoon ito. May dala siyang pamunas at panlinis. Halos pwede nga siyang manalamin sa kintab ng opisina nito. Walang alikabok. Nagpanggap na lamang siyang naglilinis kahit malinis naman. Madali lang pala ang trabaho niya. Malaki ang sweldo at may sideline pa siya.Marahas na bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang stepbrother ng binata, si Lucas Sebastian Tolentino. Tumalikod siya at baka mamukhaan siya nito na isa siya sa dancer noong bachelor’s party nito.“Bakit disapprove ang project ko?” Inihagis nito ang mga folder sa table ng boss.“Dahil basura ang proyekto ng team mo,” anitong hindi man lang nasindak sa galit ng bagong dating.“Gumaganti ka ba dahil ako ang pinili ni Cali? Anim na buwan na ang nakakalipas. Kasal na kami. Hindi mo pa din ba tanggap na natalo kita? The high and the mighty Charles Ethan Rodriguez is a loser!” sarkastikong
Magbasa pa
Kabanata 5 Price Tag
“Sir, ano po ang sabi ninyo?” Kunot ang noong tanong niya.“Inaalok kitang maging fuck buddy or bed partner ko. Aling salita ang mahirap intindihin?”Hindi niya alam ang isasagot sa boss. Kagabi lang ay iniisip niya kung paano niya uumpisahan ang kasunduan nila ng mommy nito. At ngayon ay ito naman ang nagyayayang maging sexual partner siya. Magiging madali ang ipinapagawa ng nanay nito na willing magbayad ng isandaang milyon kapalit ng isang sanggol. Kinilabutan siya sa gulong pinapasok.“May bayad. Tatlong milyon sa loob ng anim na buwan,” anito ng hindi siya agad sumagot.Nakatitig lang siya sa gwapong lalaki. Babayaran na siya ng ina nito kaya hindi na ba siya magpapabayad sa binata?“Huwag mong sabihing naliliitan ka pa. Hindi nga sure kung aabot ng anim buwan, baka isang buwan pa lamang ay magsawa na ako sa’yo.”Naisip niyang sayang naman kung tatanggi siya sa bayad. Kaso parang nag-double compensation siya sa mag-ina. Parang nanamantala naman siya. Takot din naman siya sa karm
Magbasa pa
Kabanata 6 Save by the Beast
Tila siya pagong sa paglabas ng building ng Unicorn Marketing Agency. Tiyak na naghihintay na sa kanya si Don Fausto. Kasal o kulong. May dalawa siyang pamimilian.Hindi na siya sumakay ng dyip. Kung pwede lang pahintuin ang oras ay ginawa na niya. May nadinig siyang busina sa likuran. Ang magarang Bentley car ng CEO, si Ethan! Nagmamadali siyang lumapit sa car window nito at kinatok ng malakas.“Sir, matindi lang ang pangangailangan ko. Kailangan ko po ng one million.”“Hey, kapag nagasgasan mo ang paborito kong kotse, lagot ka sa akin.”“Sir, parang awa mo na. Kailangan ko ng isang milyon dahil kung hindi ay mapipilitan akong magpakasal sa taong hindi ko gusto.”Umismid ang binata. “Ilusyunada ka din. Ano ang akala mo sa sarili mo, bida sa telenobela? Ang sabihin mo ay gusto mong mag-shopping kaya ka nanghihingi ng isang milyon. Nakita ko kung paano mo inubos ang 250,000 na ibinayad ko sa’yo. Nagshopping ka at nagpa-salon. Tignan mo at puro bago ang gamit mo.”Paano ba niya sasabihi
Magbasa pa
Kabanata 7 Never Fall in Love
Si Ethan ang sumagot. “Kasunduan po. Napagkasunduan po namin na huwag ng patagalin pa ang aming relasyon bilang magkasintahan. At nagpaplano na po kaming magpakasal.”Nagningning ang mata ng ama niyang oportunista. “Suportado ko ang pagmamahalan ninyo.” Tinapik pa nito sa balikat ang binata. Kay bait ng ama niya. Naglaho ang sungay at buntot nito.“Sige na ‘tay, aalis na po si Ethan. Goodnight, sweetheart,” aniya. Itinulak na niya ito papasok sa kotse.“Teka lang sweetheart, may sasabihin pa ako sa’yo. Tatay Edgar, ipagpapaalam ko lang po sana si Hanna ng ilang minuto para magkasarilinan po kami.”“Walang problema. May malapit na motel diyan sa malapit. Sa unang kanto, liko ka sa kaliwa.”Nasamid silang dalawa ni Ethan. Wala talagang preno ang bibig ng tatay niya.“Oh, bakit ganyan ang tingin ninyo sa akin. Ano ba ang ginagawa ng magkasintahan? Imposibleng magtititigan lang kayo. Mga bata pa kayo at malakas, kayang kaya ninyo ang ilang rounds. O sige, mauna na ako. Kung gusto ninyo ma
Magbasa pa
Kabanata 8 The Ex-Girlfriend
“Kung in-love ka na sa akin. Condolences sa puso mo. It will be broken into million pieces.” Malamig ang titig ni Ethan sa kanya.Agad siyang bumawi. “Joke lang, sir. Masyado ka namang seryoso sa buhay. Hindi ako ma-iin-love sa kagaya mo. Tsaka may iba akong mahal.” Pagsisinungaling niya. Naging mailap ang mga mata niya. Alam naman niyang hindi dapat mahulog ang damdamin niya sa boss. Langit at lupa ang pagitan nila.“Anong sabi mo?” Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang braso.“May iba akong mahal kaya huwag kang matakot na ma-fall ako sa’yo. Hindi mangyayari ‘yon.”“Binasa mo ba nag kasunduan natin? Hindi ka makikipagrelasyon sa iba habang nagpapanggap kang girlfriend ko. Hindi ko gusto ang may kahati sa kahit ano, bagay man o tao.”“Hindi ko naman siya boyfriend. Naghihintay ako sa pagbabalik niya.”“Akin ka, Hanna. Naiintindihan mo?”Gusto sana niyang kiligin sa sinabi nito pero alam niyang nagbabanta lamang ang binata. Marahan siyang tumango. Tinitigan niya ang gwapong mukha ng
Magbasa pa
Kabanata 9 Still Cherish the Ex
Nakita niya ang takot sa mukha ni Ethan pagkakita sa matanda. “Lola Rosa, mayroon lang po kaming maliit na hindi pagkakaunawaan. Maaayos din po agad namin.” Umakbay ang binata sa kanya.“I saw everything, Ethan. Sinungaling ang dati mong kasintahan. Siya ang naunang makipag-away kay Hanna. Sa susunod, makinig ka muna sa taong totoong nagmamahal sa’yo,” pagtatanggol sa kanya ni Lola Rosa.“Kaya nga po kinakausap ko si Hanna ng mahinahon para malaman ko po ang side niya. Hindi lang po talaga maiiwasan ang pagtatalo kung minsan.”Tumunog ang cellphone ng binata. “Excuse me at sasagutin ko lang po ang tawag.”Tinabihan niya ang matanda. “Salamat po, Lola Rosa. Nakita ninyo po ba ng hilahin niya ang buhok ko?”“Hindi, wala akong nakita. Pinagtanggol lang kita dahil wala akong tiwala sa babaeng iyon.” Alanganing ngumiti niya sa matanda.“Lola Rosa, makakaasa po kayo na mapagkakatiwalaan ninyo ako.”“Hindi pa ako sure kung mapagkakatiwalaan ka nga o isa ka ding oportunista kagaya ng iba. Mag
Magbasa pa
Kabanata 10 The One Who Got Away
“At bakit ikaw ang tinatawagan niya? Hindi ba at may asawa na siya? Dapat una niyang hingin ng tulong ang asawa niya,” sabi ni Hanna kay Ethan.“Wait, Hanna. Ipapaalala ko lang na hindi kita totoong girlfriend. Nagpapanggap lang tayo. Wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko. Bayad ka sa trabahong ito.”Tila siya sinampal sa nadinig. Nabitawan niya ang kamay ng amo. Bakit nga ba nawawala siya sa reyalidad? At bakit nasasaktan siya? Tila nagseselos siya kahit wala siyang karapatan.Tumawa siya upang itago ang pagkapahiya. “Sorry, sir. Sa sobrang ginagalingan ko sa trabaho, akala ko totoo na. Sige po, puntahan na ninyo si Ms. Cali at baka kailangan niya kayo.” Hindi na nagsayang ng ilang segundo ang binata at umalis na ito.Napaupo siya sa malambot na kama. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Tinampal niya ang magkabilang pisngi upang magising sa katotohanang nagpapanggap lamang sila. Imposibleng magkagusto ang CEO sa isang dyanitres.Lumabas na din siya ng condo unit ng
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status