Share

Love Until Last 01: My Professor
Love Until Last 01: My Professor
Author: Isaacrys

01: Something's Went Wrong

Elle’s Point of View

It’s Saturday, kaya dapat linis day rin! Bulong ni Elle sa kanyang isip. Inabot na kasi siya ng tanghali at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakatapos sa pag iimis.

Nagwalis lang siya sa kanilang kwarto, inayos ang patas ng mga bag, shoes at sandals niya. Inilabas na rin niya ang ilang damit na nagulo kapag nagmamadali silang kumuha ng damit ng kanyang asawa.

Nagmadali naman siyang nagtungo rin sa side table na malapit sa kanilang kama at agad na sinagot ang tawag ng tumunog ang telepono na nakapatong doon.

“Hello?” Bungad na sagot niya.

“Elle! Mabuti naman at sinagot mo!” Rinig kung imik sa kabilang linya. Nakakasiguro ako na chismis na naman ang kanyang dala.

“Ano na naman ang kailangan mo?” Tanong ko sa kanya.

“Ouch naman, talaga bang kapag natawag ako ay may kailangan ako sayo?” Feeling nasasaktan na sagot niya sa akin. Napairap na lang ako sa hangin dahil sa kaartehan na taglay ng aking kaibigan.

She’s Anna Mendez matalik kung kaibigan. She’s kind ang beautiful, magaan ang loob ko sa kanya maliban na lang sa isang bagay.

“Ay ano nga kasi ayon?” Sikmat niya bago inilagay ang telepono sa pagitan ng kanyang tenga at balikat.

Nagpatuloy naman si Elle sa pagtitiklop ng kanilang damit habang hinihintay ang sasabihin pa ni Anna.

“Pwede ba ako pumunta sa bahay mo?” Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig at agad siyang napatayo.

“A-ah, wala ako sa bahay bruha.” Sagot niya sa kaibigan. Narinig naman niya ang pagtawa ni Anna sa kabilang linya.

“Sa totoo lang Elle, pinagbubuksan na ako ng yaya niyo dito sa harap ng gate.” Agad siyang tumakbo malapit sa may bintana dito sa taas ng bahay. Nakatapat pa rin sa tenga ni Elle ang telepono na bahagya ng nahigit habang palinga-linga niyang nakita si Anna at ng tumapat sa kanya ang mata ng kaibigan ay may pagkaway pa itong nalalaman sa kanya.

Napapikit siya ng mariin dahil doon, sinilip niya ang orasan sa ibabaw ng TV dito sa loob ng kwarto nila ni Luke. Malapit ng mag tanghalian at natitiyak niya na baka pauwi na rin sa mga oras na ito ang kanyang asawa.

Wala kasing kaalam-alam si Anna na pamilyado na siyang tao. Nagmamadali namang lumabas ng kwarto si Elle at bumaba ng hagdan na kamuntikan pang matalisod dahil sa kaba na nararamdaman.

Hindi naman sa hindi niya pinagkakatiwalaan ang sariling kaibigan pero alam niya mula ulo hanggang paa na si Anna ay mahilig madulas ng mga sasabihin na hindi naman dapat ipagsabi. Kung baga walang sikreto na maitatago kay Anna kaya hindi niya magawang sabihin dito na kasal na siya.

“Basta-basta ka na lang napunta ng hindi man lang nagsasabi.” Bungad niya kay Anna na palinga-linga sa kung saan.

“Ilang beses na naman ako nagsabi sayo pero lagi mo akong tinatanggihan, para saan pa’t magkaibigan tayo.” Sagot niya sa akin.

“Nag iimis ako ng bahay, Anna.” Imik niya na may pagsuko at pagputol sa kung ano pang sasabihin ng kanyang kaibigan.

“Ayaw mo ba na nandito ako?” Nahimigan niya ang boses ni Anna na may pagtatampo.

“Wala naman akong sinabi na ganun.” Sagot niya sa kaibigan. “Tutal tanghali na dito ka na lang mag tanghalian bago ka umalis.” Sunod ko pa na sabi ko at sumilay naman ang ngiti sa labi ni Anna.

“Okay! Susunduin na lang kita sa monday para sabay tayo sa pagpasok.” Nakangiti pa nitong sabi sa kanya.

“Nako, huwag na si Kevina na lang ang sundin mo, magdadala na lang din ako ng sarili kung sasakyan.” Pagtanggi ko sa kanya. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita ang pagtango niya.

“Manang!” Tawag niya sa kasambahay, pero para kay Elle ay itinuturing na niya itong parte ng kanilang buhay ni Luke dahil simula noong ikasal sila ay nandito na si Manang Josefa sa bahay simula pa lang noon.

“Oh, bakit hija?” Tanong ng matanda ng makapasok ito sa salas.

“May luto na po ba kayo? Medyo damihan na po ninyo dahil dito rin kakain ang kaibigan ko.” Nakangiti niyang usal kay Manang.

“Siya sige hija.” Simpleng sagot lang sa kanya ni Manang at nginitian rin naman siya nito bago tumalikot at magtuloy papunta sa kusina.

Sa totoo lang ay parang may kung anong mga kulisap ang gustong kumawala sa dibdib ni Elle, hindi naman sa ayaw niya na nandito ang kaibigan pero ayaw naman niya na may makaalam pa na kasal siya sa lalaki na siyang hinahangaan ng lahat. Kahit kasi ang kaibigan niyang si Anna ay alam niya kung paano hangaan si Luke kahit mula sa malayo.

Paano kung makauwi agad si Luke? Ano na lang ang sasabihin sa kanya ni Anna?

Napailing siya sa naiisip at napalingon kay Anna ng marinig niya itong magsalita.

“Pwede ba akong maglibot sa bahay niyo?” Tanong ni Anna sa kanya, kulang na lang ay pagpawisan siya ng malagkit dahil sa naging tanong sa kanya ng kanyang kaibigan.

Nahirapan na nga siyang tanggalin ang picture nila ni Luke noong ikinasal sa dingding tapos gusto pa niya maglibot?

“Nag iimis kasi ako Anna, sa ibang araw na lang pwede?” Pagpapalusot niya sa kaibigan at nakahinga naman siya ng maluwag ng tumango si Anna sa kanya at komportable na nakaupo na lang sa sofa dito sa sala.

“Hija, handa na ang pagkain.” napalingon silang dalawa ni Anna ng magsalita si Manang sa kanilang bandang likuran.

Tumayo siya at niyakag si Anna na may paghawak pa sa kanyang mga kamay habang isini-swing ang kanilang magkatagop na palad.

Hindi naman siya mapakali sa kanyang pwesto dahil pasado alas dose na ng tanghali. Baka kasi abutan pa sila ni Luke, tiyak na mabubuko siya ng kanyang kaibigan pag nagkataon.

“Elle, pwede last na? Pwede ko ba pasukin ang kwarto mo? Tsaka nasaan nga pala ang mga magulang mo?” Natigilan siya sa naging tanong sa kanya ni Anna, hindi agad siya nakaimik.

“Patay na ang kanyang ina, kinse anyos pa lang noon si Elle, hija.” singit ni Manang.

Binalot naman ng katahimikan ang buong hapag at siguro’y nakaramdam din si Anna ng pagkailang kaya agad niyang tinapos ang pagkain.

“Sorry Elle.” Hinging paumanhin ni Anna sa akin.

“Para saan naman?” Natatawa niyang tanong sa kaibigan kahit alam na naman niya ang sagot kung bakit himihingi ito ng sorry sa kanya.

“Basta! Mauuna na rin ako Elle, nagtext na rin kasi sa akin si mama.” Sabi pa ni Anna sa kanya.

Ngumiti na lang siya ng bahagya dahil sa totoo lang ay ayaw naman niyang pag usapan ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina. Halata rin naman kay Anna na palusot na lang niya yun dahil sa pagkailang at sa pagkakaalam ko ay hindi naman nakakasama ni Anna ang kanyang ina.

Inihatid niya si Anna sa labas ng gate, kumakaway pa sa kanya ito hanggang sa hindi na niya nakita ang papalayo na si Anna.

Bubuksan na sana niya ang pintuan pabalik sa loob ng makarinig naman siya ng busina mula sa gate. Napangiti siya ng makita ang sasakyan ng kanyang asawa. Agad siyang naglakad palapit sa gate at muling binuksan ayon. Sinalubong niya ng isang mahigpit na yakap si Luke at ganun rin ang ginawa sa kanya nito.

“Ciao amore mio [Hello, mahal ko.]” Bati niya sa akin habang nakayakap at binigyan niya ako ng isang magaan na halik sa labi.

“Tigilan mo ako sa pag iitalyano mo.” Suway niya sa kanyang asawa at narinig naman niya ang marahan na pagtawa nito.

“What is this?” Binitawan naman ni Luke ang pagkakahawak sa kanyang bewang at bahagyang yumuko bago may dinampot. It’s a red happy face, marahil ay kay Anna ito at nahulog ng hindi namamalayan.

“Alam ko kung kanino yan, akin na.” Imik ko at nilingon niya naman ako. “Kanino?” Tanong niya sa akin.

“Kay Anna, nagpunta siya dito actually ay kakaalis-alis lang din niya noong dumating ka.” Paliwanag ko at para namang natigilan muna si Luke bago makabawi.

Hanggang sa makarating sila sa sala, ay napansin naman ni Elle ang kunot-noo na itsura ng kanyang asawa napangiwi naman si Elle ng mapansin niya na ang tinitingnan ni Luke ay ang nawawalang litrato nila sa wall noong sila ay ikasal.

“Ah, inalis ko lang saglit baka kasi makita kanina ni Anna.” Pangangatwiran niya ngnunit hindi siya nilingon ng kanyang asawa bagkus umalis si Luke sa kanyang harapan at umakyat ng hagdan papunta sa kanilang kwarto.

Napabuntong hininga si Elle dahil tiyak niya na nagtatampo sa kanya ang kanyang asawa. Kaya naman lumapit siya sa malaking frame kung saan nakalagay ang litrato nila ni Luke. Bahagya pa siyang napangiti habang tinititigan ang larawan na yon at muling ikinabit kung saan mismo ito nakasabit.

Nang matapos niyang ayusin ang dapat ayusin sa sala ay nagtungo siya sa kanilang kwarto, wala si Luke doon at nakarinig na lang siya ng pag-agos ng tubig mula sa banyo marahil ay nandoon si Luke at naliligo.

Ipinagpatuloy na lang niya ang pagtitiklop ng kanilang damit, maya-maya pa’y lumabas na si Luke sa banyo. Pinagmamasdan lang niya ang bawat kilos ng kanyang asawa hanggang sa siya ay lingunin ni Luke.

“Okay, fine. Next time huwag mo ng uulitin yun. Hayaan mo na makita nila.” Malalim na boses na pagkakasabi ni Luke sa kanya. Ngumiti naman siya dahil sa pinansin na rin siya ni Luke at inimikan.

Hindi pa rin naman niya maiwasan ang kabahan at isipin kung ano na lang ang mangyayari once na malaman yun ng lahat sa kanilang school. Pero dapat nga ba niya yun ikabahala kung si Anna lang naman ang makakakita?

Pwede rin kasi na mawalan ng trabaho ang kanyang asawa dahil ito mismo ang kanilang propesor.

Sa pagkakaalam niya kasi na isa yun sa patakaran at pinagbabawal, na magkaroon ng relasyon ang guro o professor sa kanyang estudyante.

“I’m sorry.” Hingi niya ng tawad sa kanyang asawa.

Lumapit naman sa kanyang pwesto si Luke at naupo sa kanyang tabi.

“No, hindi mo kailangan humingi ng sorry. Ako dapat dahil, nagtatampo ako kahit sa maliit na dahilan.” Paliwanag niya sa akin.

Inihilig naman ni Elle ang kanyang ulo sa maskulado at matipuno na balikat ng kanyang asawa. “I’m just scared, mahal. Baka kasi kung ano ang sabihin nila lalo na sayo.” Bulong niya sapat lang para marinig ni Luke ang kanyang sinabi.

“Salita lang yun, as long as hindi nila tayo sasaktan physical hayaan lang natin sila. Kung doon sila masaya pagbigyan natin sila.” Paliwanag niya sa akin.

Hindi na nag salita si Elle dahil baka mauwi lang sa pagtatalo ang kanilang usapan. Tinulungan na rin siya ni Luke na magtiklop ng kanilang damit at maayos na ipinatas yun sa kanilang malawak na closet.

Nang matapos nilang ayusin ang kanilang kwarto ay nagtungo sila sa kusina para kumain. Tahimik lang sila na kumakain at wala ni isa ang naimik kaya’t tunog lang ng kubyertos ang maririnig sa apat na sulok ng kusina.

“Maliligo lamang ako.” Paalam niya kay Luke.

“Okay sige, dito lamang ako sa may sala.” sagot naman sa kanya ng kanyang asawa at tumango na lang siya.

Nilingon pa niya si Luke at nakita niya ito na may binubutinting sa kanyang cellphone. Nagpatuloy pa rin siya pag akyat sa kanilang kwarto at doon ay naligo.

Pakiramdam niya ay ang layo-layo niya sa kanyang asawa ngayon. Parang may mali pero imbis na pangunahan ay ipinilig nalang ni Elle ang kanyang ulo at iniwasan ang mag isip ng hindi tama na pwedeng ikasira ng kanilang relasyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status