Share

04: Mrs. Copley

Pasado alas 4 na ng umaga ng ako ay magising. Mahimbing pa rin na natutulog si Luke kaya dahan-dahan ko na inalis ang braso niya na mahigpit na nakayakap sa akin. 

Marahan akong tumayo at nag pusod muna ng aking mahabang buhok bago napagpasyahan na bumaba sa kusina. 

Naghilamos ako ng aking mukha at nag mumog muna ako sa lababo bago binuksan ang ref at kumuha lamang ng ilang piraso ng hotdog, bacon at itlog. Nag salang na rin ako ng bigas sa rice cooker na tama lamang para sa aming dalawa ngayong umagahan. 

Malapit ng mag 5am ng makatapos ako sa pagluluto binunot ko na rin ang rice cooker, inaayos ko ang hapag at inihayin ang mga naluto ko sa mesa ng makarinig naman ako ng yabag ng paa pababa sa may hagdan.

"Good morning, mahal ko." Bati sa akin ni Luke habang nagkukusot ng kanyang mga mata nang makapasok siya sa kusina. 

Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti. Ipinunas ko ang aking kamay sa apron na suot bago lumapit sa aking asawa at hinalikan sa kanyang mapupula na labi. Kumawala naman ang malawak na ngiti sa labi ni Luke kaya nginitian ko rin siya.

"Stop smiling, by the way good morning, aking mahal." Bati ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa mesa upang maupo habang nakaakbay siya sa akin. 

"Kain na, para makaligo kana din." Sabi ko habang ipinagsasandok siya ng kanin sa kanyang plato. 

"Gusto ko sabay tayo." Masuyo na sabi niya sa akin bago hinawakan ang bisig ko at hinila papalapit sa kanya. 

Iniupo ako ni Luke sa kanyang kandungan at niyakap ako mula sa likod. Agang-aga mukang lalanggamin agad kaming dalawa.

"Maaga pa, aking mahal, kaya mo namang maligo mag isa." Natatawa ko na sabi kay Luke bago dumampot ng hotdog at kinagat ayon. 

"I like that." Sabi niya at napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi. Like what?

"Nalin, nang hotdog ba?" Naguguluhan ko na tanong at itinuro pa ang hotdog na aking hawak.

"Pakitamdaman mong mabuti." Napatayo ako ng may naramdaman akong matigas at bahagyang gumagalaw sa bandang puwetan ko ngunit hinila niya ako sa bewang at pabagsak na iniupo muli sa kanyang kandungan.

"Luke!" Mariin at medyo pahiyaw na sabi ko sa kanya. 

Tumawa naman siya ng malakas kaya hinampas ko ang dibdib niya bago nagmartyang tumayo at naupo sa katapat niyang upuan. 

"Gusto ko ulit marinig ang pangalan ko na isinisigaw mo, misis ko." Nang aakit na sabi niya sa akin kaya napairap ako. 

"Babatuhin talaga kita ng kutsara kaya magtigil ka, hindi mo ako madadala sa pang-aakit mo." Naasar kong sabi sa kanya. 

Pumasok nga naman si Luke sa banyo ng magisa ngunit ang loko ako pa ang pinakuha ng tuwalya at hayon hinala na ako papasok sa loob at take note mga mars ha, dalawang beses namin ginawa ang kalaswaan na nasa isip niya habang nasa ilalim ng rumaragasang malamig na tubig ng shower. Noong una ay talagang hindi niya ako tantanan pero dahil matalino ang propesor na ayon kaya nakaisip talaga ng paraan, tatanghaliin pa sa iskwela dahil sa pangungulit nito kaya no choice, ginusto ko na rin. 

Yes, no choice lang talaga ako at ayon nga ang lakas ko makaungol HAHAHAHA. Sino ba naman ang hindi mapapaungol kapag sinagad tapos dadalhin ka talaga sa r***k ng kasarapan.

"Hoy, bruha." Napalingon ako sa pagtawag sa akin ni Kevina, ang hilig talagang sumulpot nito sa kung saan at basta na lang mangungulbit, may iniisip pa ako panira naman.

"Ano na naman, may chika kana ulit?" Tanong ko sa kanya habang patuloy sa paglalakad at nakasunod lamang siya sa akin.

"Oo, tungkol sayo." Pabulong na wika niya kaya napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. 

Hindi ko maiwasan ang kabahan dahil baka ipinagkalat agad ni Harold ang nangyari kahapon at tiyak na malaking gulo at chismis ang magaganap pag nangyari 'yon. 

Si Kevina lamang ang bukod tangi na nakakaalam na kasal ako sa aming professor, pero paano kung makarating pa yun kay Anna? Isa naman kasi sa saksi si Kevina sa kasal namin ni Luke kasi ito lang din ang kaisa-isa na pinakamalapit na aking kaibigan noong mga panahon yun..

"A-ano naman a-ayon?" Medyo nauutal kung tanong. 

Humagalpak naman siya ng tawa habang nakahawak sa kanyang tiyan.

"Just kidding, sis." Tawang-tawa na sabi ni Kevina at hinampas ako sa braso. "You should see your face, namumutla ka oh." Dugtong pa niyang sabi kaya simple kung hinawakan ang mukha ko at nag simula ng maglakad. 

"Ikaw talaga Kevina, tayo na nga baka mamaya malate pa tayo sa klase ni Luke." Sabi ko pa.

"Oo, dalian natin baka magbuga pa ng apoy 'yon." Sabi niya at hinila na ako. 

Kailangan ko na makausap man lang si Harold tungkol sa nangyari kahapon, baka kasi mausisa ko ay talagang pinag chichismisan na kami sa school na ito. Ayaw ko naman mangyari na mawalan ng trabaho si Luke, gustuhin ko man ipaalam sa buong mundo na may asawa na si Luke o ako at may nagmamay-ari na kay Luke ay hindi ko magawa at dahil 'yon sa istudyante niya ako, iniisip ko pa rin naman ang trabaho at kapakanan ni Luke. Alam ko rin naman kung gaano kagusto ni Luke ang magturo sa bawat istudyante.

Pero mayaman naman ang pamilya namin ni Luke, hindi masasabi na mahirap at hindi naman kami nagigipit. Imbis kasi na i handle ni Luke ang kompanya ng ama niya ay mas ginusto niya nalang ang magturo sa paaralan

Nang makarating kami ni Kevina sa loob ng silid aralan ay wala pa rin si Harold. Napasibangot naman ako ng maalala ang sinabi ni Luke na siya na ang kakausap kay Harold. 

Hanggang sa pumasok na si Luke ay wala pa rin si Harold, marahil ay liban yun pero ano naman kaya ang dahilan?

"Good morning sir, I'm sorry, I'm late." Halos lahat kami ay napalingon sa pinto ng may mag salita.  Nagulat ako ng makita si Harold at titig na titig kay Luke kakasabi ko lang na baka absent siya pero ngayon ay nandito na at masama ang tingin na ipinupukol kay Luke. 

Hays. 

"Take your seats." Walang buhay na sagot naman ni Luke kay Harold, kahit kailan talaga ang sungit ng dragon na ayon. 

Sinundan ko naman ng tingin si Harold habang papalapit sa aking pwesto. Umupo siya sa tabi ko at hindi ko naman maiwasan na silipin ang mukha niya habang nakatingin sa unahan. 

"Harold." Bulong ko sapat lang para marinig niya.

"Bakit." Mahina din naman na sagot nito. 

"Sabay tayo mag recess." Yakag ko na ikinatango naman niya.

"Oo naman-" sagot niya sa akin.

"Ms. Lindsay, can you please answer the number six on the board, Now!" Napakurap ako ng madiin na bigkasin ni Luke ang huling salita. 

O may gulay! Bakit ba kasi hindi na naman ako nakikinig. 

Nakangibit naman ako habang mabagal na tumatayo, sa totoo lamang ay hindi ko talaga alam ang sagot kasi nga hindi naman ako nakikinig.

Naramdaman ko naman ang pagkulbit ni Harold sa akin at iniipod sa akin ang papel na nakapatong sa desk namin. Naglakad ako papunta sa harapan at dinampot agad ang chalk bago isinulat ang sagot. 

Akmang lalakad na ako pabalik sa aking upuan ng magsalita naman ang aking asawa.

"Go to my office after my class Ms. Lindsay." Napairap naman ako habang patuloy na naglalakad papunta sa aking upuan. 

The fuck! Ano na naman kailangan ng loko na ito. Tsk. 

Hanggang sa matapos ang klase ni Luke ay humingi na lang ako ng paumanhin kay Harold at sinabi ko rito na mamaya na lang kaming lunch mag usap, pumayag naman siya agad sa aking sinabi at sila na ni Kevina ang naka sabay na magrecess ni Harold.

Kumatok ako ng tatlong beses at pumasok sa office ni Luke, maayos siyang nakaupo at nakatutok ang mga mata sa harap ng laptop niya habang may suot itong glasses na mas nakadagdag nang kagwapuhan niya. 

Ang gwapo talaga ng asawa ko. 

"Enjoying the view?" Napapiglas ako ng marinig ang buong boses ni Luke at agad ding napairap ng wala sa oras.

"Yes, at huwag na huwag mong isusuot yan sa labas.” Nakataas ang aking kilay habang binabanggit ang mga kataga na ayon. “Ano po sir ang ipapagawa niyo SIR?" Magalang kung tanong ngunit may diin ang huli. 

"Look at this." Napatingin naman ako sa kulay pulang sobre na ipinatong niya sa harap ng desk malapit sa akin. 

Nang buksan ko 'yon ay bumungad sa mata ko ang litrato ni Shasha, ang kinakapatid ko. 

"We're invited." Simple ngunit halata sa salita niya ang pagka disgusto. 

"Alam nila?" Tanong ko na ikinatango naman ni Luke. " P-paano?" Nauutal kung tanong. 

"Maybe your father told them, hindi natin alam." Imik pa niya at napailing ang aking ulo.

"Hindi tayo pupunta, masisira lamang ang araw ko dahil sa kanila. Alam na alam ko ang likaw ng bituka ng babae na 'yon lalo na si Trisha." Nanggagalaiti kung sabi kay Luke. 

Narinig ko naman ang buntong hininga niya at kalaunan ay sumang ayon sa aking kagustuhan.

Si Trisha ay ang kabit ni papa. Hindi maganda ang aming naging samahan lalo na sa anak nitong si Shasha, hindi ko lubos maisip bakit nalaman nila na kasal na siya kay Luke dahil alam na alam ko na may mangyayari lang na hindi maganda kung dadalo silang mag-asaw lalo't malaki ang pagkagusto ni Shasha kay Luke. 

Hanggang sa natapos ang buong klase namin kay Mrs. Quengco ay laman ng utak ko ang tungkol sa sinabi ni Luke kanina. 

Yong akala ko na pumayag na siya sa gusto ko na hindi dumalo bagkos ay sinabihan ako nito na hindi ko dapat takasan ang lahat, na kailangan kung harapin kung ano ang dapat. Nangako pa siya na hindi siya aalis sa tabi ko kapag nakarating kami doon at agad naman niya akong napapayag. 

Kinakabahan man pero sa kabilang banda ay tama rin si Luke, hindi ko dapat sila takasan. 

"Kevina, parang hindi ko napapansin ngayon si Anna?" Tanong ko kay Kevina. "Ewan ko sa bruha na yun, hindi ko rin siya macontact. Pinaasa lang niya ako noong monday na susunduin raw niya ako sa bahay at sabay kaming papasok dito sa school." Mahabang paliwanag ni Kevina.

"Elle, ano nga pala ang pag uusapan natin." Singit ni Harold, iilan na lang ang kaklase namin na nandito sa loob ng room kaya ayos na siguro na makapag usap kami dito ni Harold. 

Nilingon ko pa si Kevina na nag aayos n kanyang mukha.

"About doon sa nakita mo kahapon ng hapon." Medyo nahihiya ko pang sabi. 

"Ah ayon ba? Wala 'yon." Sabi niya at bahagy na nagkamot ng ulo. "Kinausap na rin ako ni Mr. Copley." Nakangiti nitong dugtong pa. 

"H-ha? Ah. A-Anong sabi sayo?" Kinakabahan kung tanong. 

Lumapit naman siya sa akin bago yumuko at bumulong sa tenga ko. 

"Sana all." Bulong niya sa akin kaya napalayo ako. 

"Oh my God!" Kinabahan naman ako dahil sa pag sigaw ni Kevina. "Lagot kayo, kita kayo ni Sir Copley, bakit mo naman kasi dito pa kayo naghahalikan." Malakas na sabi pa ni Kevina kaya nanlalaki naman ang mata ko sa narinig. 

Agad kung inilibot ang aking mga mata at ayon nga, nakita ko si Luke sa harapan ng pintuan at may masamang tingin sa akin este sa amin pala. Kulang nalang ay bumulagta ako sa sahig dahil sa pamamaraan ng titig niya. 

"Go to my office, may ipapalinis ako Mrs. Copley and Mr. Gutierrez, maglinis ka ng cr. Hindi ito motel, huwag kayo dito magkalat." Napahiya naman ako sinabi ni Luke at nanlaki din ang mga mata ng mapagtanto ang sinabi niya.

Nabingi lang ba ako? Oo, tama. Sala lamang ang nadinig ko.

"Mrs. Copley?"

"Sino 'yon?"

"Hala." Rinig kung bulungan ng ilan, mariin naman akong napapikit. 

Pinanlakihan ko naman ng mata si Kevina na ngayon ay nakangibit na. 

Bwesit! 

Ang totoo ay alam naman ni Kevina ang totoo, pero ang bruha mag bibigay nalang ng statement mali pa! Hindi ko na tuloy alam kung kaibigan ko ba ang bakla na ito o hindi. Akala siguro ni Luke ay hinalikan talaga ako ni Harold, jusko dong! Paano na ako ngayon!!!!! 

Marahan akong naglakad patungo sa office ni Luke, nag iisip ako ng tamang sasabihin kasi wala naman talaga akong kasalanan at hindi naman talaga kiss ayon. 

"Nakausap ko na siya pero kinausap mo pa rin, nasabi ko na rin sayo 'yon kahapon hindi mo ba ako naintindihan." Malalim niyang sabi sa akin ng makapasok ako sa kanyang opisina.

"Ah, sorry na mahal ko. Nag aalala lang naman ako-" 

"Pero hindi mo inalala ang nararamdaman ko, Elle." May pag suko na sabi niya sakin.  Mali ba talaga ako? 

"Pero hindi kiss 'yon, may binulong lang siya sa akin." Pag depensa ko sa aking sarili.

"Kiss o hindi, hindi pa rin 'yon nakakatuwa." Mababang tono na sabi niya at hinilot ang kanyang sintido. 

Ni-lock ko ang pinto at magaan ang hakbang na nagtungo ako sa pwesto ni Luke, niyakap ko siya sa kanyang leeg mula sa likod niya at hinalikan ang kanyang batok. 

"Sorry na mahal ko, huwag kana mag selos please." Nangungusap na salita ko at naramdaman ko ang pag hinga niya ng malalim. 

"Ayoko lang ng sobrang lapit niyo sa isa't-isa. Ayos lang naman na mag usap kayo basta ayoko ng ganong kalapit. Okay lang sana kung 5 meters ang layo niyo sa isa't-isa kapag kayo ay magkausap." Sabi pa niya na ikinatango ko at isinubsob ang mukha sa leeg ni Luke. 

Pinilit ko na lang ang hindi matawa sa kanyang sinabi upang hindi na rin lumalim pa ang tampo niya sa akin. Tanggap ko rin naman sa sarili ko na may mali ako at hindi ako maalam makinig sa kanya.

"I'm sorry, mahal ko." Hingi ko na tawad sa kanya at hinawakan naman niya ang aking kamay bago hinila ako paharap sa kanya. 

Inilagay niya ang mainit na palad sa bewang ko habang nakatingala sa akin. 

"Akin ka lang, Elle." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Sayong sayo lamang po ako." Nakangiti kung sagot at ako na ang yumuko upang gawaran siya ng isang magaan na halik sa kanyang labi.

Gaganti na sana ako sa agrisibong halik ni Luke ng may kumatok doon at pilit na binubuksan ang pinto. 

"Wala yatang tao, asan kaya si Sir Copley." Rinig namin na salita mula sa labas. 

"Balik nalang tayo mamaya." Sabi pa ng isang maliit na boses at nakarinig kami ng yabag paalis. 

Nakahinga naman ako ng maluwag at sinamaan ng tingin si Luke, tumawa naman siya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang sumabay sa tawa niya kaya para kaming mga baliw na tawa lang tawa. 

Pinilit ko naman iwasan si Harold kahit makulit siya at maya maya ay kinukulit ako. Hindi ko pa rin nakakausap si Kevina at malilintikan talaga sakin ang bruha na 'yon kapag lumapit siya sa akin. 

Sobrang hirap pa namang suyuin ni Luke.

Hanggang sa matapos ang buong klase ay hindi talaga lumapit sa akin si Kevina, pakaway kaway lamang siya sa akin mula sa upuan niya na tanaw ko naman dito sa upuan ko. Kapag naman lalapit ako sa puwesto niya ay agad siyang aalis at magsasabi na pupunta raw siya sa banyo kahit halata namang iniiwasan lamang niya ako. Bwesit talaga ang bakla na ayon kulang na lang ay tumaira siya sa banyo ng school na ito. 

Habang solo na naglalakad palabas ng gate ay biglang may humarang sa akin. Napataas naman ang kilay ko ng mapag sino ayon. 

"Mrs. Copley?" Maarte na sabi ni Liza habang nasa likod nito si Marie na tikom lamang ang bibig. 

"Anong problema mo?" Tanong ko sa kanya.

Nag smirk naman siya sa akin at pumapalakpak na parang may banda siyang pinapanood sa paligid kaya sobra din ang energy niya habang pumapalakpak.

"Nilalandi mo si sir Luke, diba?!" Halos sumigaw si Liza  at nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa akin. 

"Bakit ko naman gagawin 'yon aber?" Simple kung sagot kahit gusto kung isobsob sa mukha niya ang marriage certificate namin.

Bakit ko naman aagawin eh, nasa akin na naman talaga.

"Nakita kitang pumasok sa office niya kanina at papasok sana si Marie at Lily kaso naka lock yung office kahit binabantayan kitang lumabas ngunit hindi kita naman kita nakita na lumabas doon!" Gigil na sabi niya sa akin.

"So?" Sagot ko na mas ikinakunot ng mukha niya. "Wala akong panahon sa kapraningan mo, nakashabu ka ba? Paraan nga ako!" Matapang kung sabi kay Liza at sinanggi ang braso niya bago nilagpasan. 

Ngunit halos matumba ako ng pwersa niyang hinila ang aking buhok at iniharap sa kanya. Iniamba ni Liza ang kanyang kamay upang sampalin ako at iniharang ko naman ang aking palad sa aking mukha bago pumikit.

Nag antay pa ako ng ilang segundo sa pagdapo ng kamay niya sa aking mukha ngunit ng mag mulat ako ng mata ay nakita kung napigilan 'yon ng kung sino. 

"Don't you dare to touch my wife again, kundi ibabagsak kita sa klase ko." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status