Share

Chapter 300: Escort Your Mom And Wife Back Home

NAMULA lalo ang mga mata ni Reymond. Ang salitang binitawan ng anak niya ang tanging natitirang pag-asa niya para maitama lahat ng kasalanan niya pagkatapos niyang isagawa ang heart surgery nito. 

Marahan siyang tumango, “Oo naman. Hindi ako aalis hanggang sa gumaling ka ng tuluyan.” 

Nag-angat ng mukha si Andrei at pinahid ang mga luha ni Reymond, “Bakit ka umiiyak?” 

“Nalungkot lang ako dahil tayo lang dalawa ang narito eh. Wala ang Mommy mo na sana inasahan kong dadatnan siya rito. Marahil nga masaya na siya na bumalik si Carl,” madamdaming tugon niya. 

Umiling si Andrei, “Tulog pa si Mommy nang umalis kami. Late na rin kasi siyang umuwi kagabi, pero tiyak ako kapag nagising na iyon mamaya susunod siya rito

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status