Two weeks later...
Bumalik na si Elizabeth sa Maynila kasama ng kuya nito. Si Troy naman ay bumalik na rin sa eskwela. Nangako si George na ibabalik ang kapatid kapag naayos na ang lahat. Ayaw nitong biglain ang ama kaya humingi ng panahon para masabi rito ang tungkol sa kapatid. Nalaman niya na tanging ang daddy na lang ng mga ito ang nabubuhay.
Katulad ng dati, laging minomonitor ng ina ang dalawang kapatid. Sa katunayan ay mas naging mahigpit pa ito, lalo na kay Roxanne. Hindi na nito nais na maulit sa huli ang nangyari kay Troy. Mas lalo itong n
Araw ng Linggo...Maaga silang bumangon. Nakaugalian na nilang magsimba bawat Linggo kasama ang buong pamilya. Ngayon, nadagdagan na ang miyembro ng pamilya nila. Sa mga susunod na buwan ay isisilang na rin ni Elizabeth ang unang pamangkin niya. Natutuwa siya sa isiping ito. Masiyado pang maaga para maexcite dahil tatlong buwan pa lang naman ang tiyan nito ngunit hindi niya na mahintay ang pagdating nito."Handa na ba kayo? Tanong niya sa mga kapatid pagkalabas ng silid. Sabay-sabay sila lagi sa pagpunta sa simbahan."Oo ate, kanina ka pa nga namin hinihintay eh," sagot ni Roxanne."O siya tayo na." Wika niya sabay pulot sa sling bag. "Ang inay?" Hinanap ng kanyang paningin ang ina."Nasa labas na, kausap si Aling Teresa." Sagot nito. Ang magkasintahang Troy at Elizabeth naman ay nagpatiuna nang lumabas matapos magpaalam sa kanya."Ganoon ba? O siya, sige tayo na." Lumingon siya sa kusina at may hinahanap ang mga mata niya.Tumikhim s
Mabilis na lumipas ang mga araw. Nasa ika-walong buwan na ng pagbubuntis ni Elizabeth ngayon. Ipinagpatuloy nito ang pag-aaral sa Maynila at si Troy naman ay ganoon din dito sa probinsiya. Hindi nawalan ng komunikasyon ang mga ito at dalawang beses din sa isang buwan kung lumuwas ang kapatid roon. Hindi naging problema iyon sapagkat hindi nagkulang sa suporta ang pamilya ni Elizabeth. Bagay na ipinagpapasalamat nila. Dahil Christmas break ay naisipan ng mga ito na doon na muna sa Maynila mamalagi hanggang sa makapanganak ito. Ito ang unang pasko na hindi sila magkakasama. Malungkot si Aling Lourdes dahil wala ang bunso nito ngunit nauunawaan naman nito na may obligasyon na ang anak. At isa pa ay excited na rin itong makita ang unang apo. Siya naman ay patuloy sa mga school reports. Ganito kasi ang maging isang guro. Kahit bakasyon ay may mga reports na kailangang isumiti, kahit dis oras na ng gabi ay nakakatanggap siya ng request mula sa school head na madalas ay to
Estella's POV: Pagkatapos nitong patayin ang tawag ay saglit na nablangko ang isip niya. Tinawag siya nitong 'My Estella'?Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ngayon. Parang gusto niyang kiligin na parang gustong kabahan. Liban sa insidente sa elevator at Pasalubong Center ay limang buwan pa lang simulang makilala niya ito, iyon 'yung araw na pumanta ito sa kanila para kunin si Elizabeth. Pangalawang beses naman niyang nakita ito noong inihatid nito ang mga gamit ng huli. At sa pagkakataong iyon ay nagtagal ito ng tatlong araw sa kanila kung saan nakakasabay niya ito sa almusal, tanghalian at hapunan ngunit hindi sila kailan man nag-uusap dahil lagi niya itong iniiwasan.
Christmas day...Ipinagdiriwang ng lahat ang kapaskuhan. Maraming bata ang masayang nagbabahay-bahay upang manghingi ng pamasko. May mga kabahayan rin na nag-vivideoke. Sa bahay naman nila ay may iilang mga inaanak, maging ang mga pamangkin sa pinsan ang naroon. Si Nanay Lourdes ay abala sa pakikipag-usap kay Troy sa cellphone. Si Roxanne naman ay nakikipagkwentuhan sa mga pinsang kasing-edad nito. Matapos niyang ipamigay sa mga inaanak ang mga inihandang regalo ay agad namang nagpasalamat ang mga ito sa kanya."Maraming salamat po ninang!" Ang sabi
Since the day that they have kissed ay madalas na tumawag si George. Enero na ngayon at kabuwanan na ni Elizabeth kaya lumuwas ng Maynila ang nanay niya para maasikaso ang manugang."O Estella mag-iingat ka dito ha? Huwag mong kakalimutang i-lock ang mga pinto bago matulog." Bilin nito sa kanya."Ang inay naman ginawa akong bata." Nakatawang sabi niya."Aba natural, nag-iisa ka lang dito. Sabado at Linggo ka lang masasamahan dito nitong si Roxanne." May pag-aalalang sagot nito."Nay, big girl na 'yang si Ate. May jowa na nga eh," biro naman ng kapatid niya."Anong jowa ang pinagsasabi mo diyan Roxanne?" Saway niya rito."Asus nagmaang-maangan pa 'tong future Mrs. Del Castillo na ito." Nang-iinis na turan nito sabay kiliti pa sa tagiliran niya.Agad siyang pinamulahan ng mukha at hinampas ito ng magazine na agad niyang napulot sa mesa. "Tumigil ka riyan ha!" Singhal niya rito."Sus ang pikon naman nitong---" mang-aasar pa sana i
Sa isang bench sa ilalim ng mayabong na punong mangga niya naisipang umupo. "Ang hirap naman nito," Nahilot niya nang bahagya ang sentido sabay tiklop sa notebook. Kanina pa niya sinusubukang i-solve ang assignment nila sa physics. Parang ang dali lang naman nito kapag idini-discuss ng professor nila, pero bakit ngayon parang nagrambolonan na yata ang isip niya. Hinihintay niya si Odette dahil magaling ito pagdating sa numbers, kaya lang ay wala pa rin ito. "Focus Estella, ilang minuto na lang ipapasa mo na 'to. Nakalimutan niya kasi itong sagutan kagabi. Sinubukan niya ulit ngunit ewan at parang walang pumapasok sa isip niya kaya sumuko na siya. Mabuti sana kung grammar ito, baka natapos niya kaagad. Ititiklop na sana niya ito nang may nagsalita sa likuran niya."Just follow the formula and you'll get the correct answer," anito.Lumingon siya para tingnan kung sino ang nagsalita. "Sino ba 'to?" tanong niya sa isip."Here, let me h
"So bumalik siya ngayon para tuparin iyong sinabi niya?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Roxanne."S-Siguro," nauutal niyang sagot."Paano si Kuya George?" Pang-uusisa nito sa kanya. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon ng kapatid. Nanahimik na lang siya at naupo dahil hindi rin naman niya alam ang isasagot. Kung tutuusin ay wala siyang dapat na ikabahala dahil hindi naman niya naging nobyo si Simon."Ate, mahal mo ba si Kuya George?" Nagtatanong ang mga mata ni Roxanne ng tingnan niya."H-Ha?" naguguluhan niyang tanong.Napailing ito, pagkuwa'y nagsalita, "Dapat ngayon pa lang na hindi pa nagpapakita sa'yo 'yang Simon na 'yan ay magdesisyon ka na. Mamili ka na kung siya ba na matagal nang wala, o si Kuya George na kararating lang." Payo nito sa kanya. Parang matured na ito kung magsalita ngayon.Napabuntong-hininga siya. Pumikit siya at isinandal ang likod sa upuan. "Hindi naman naging kami ni Simon." Sabi niya."Hindi naging k
George's POV:Pasado alas onse na nang makauwi ako galing sa bar na pagmamay-ari ng pinsan kong si Arthur. Sa tuwing pagod galing opisina ay doon ako dumudiritso. Pinagbuksan naman agad ako ng gate ng mga gwardiya. Nakapagtatakang bukas pa ang ilaw sa may sala ng mansiyon. Hindi ko natatandaang may pagkakataon na nakalimutan itong isara ng mga kasambahay. "Then, baka ito ang una," sagot ng isang bahagi ng isip ko.Binuksan ko ang front door gamit ang duplicate key. Mayroon akong susi nito upang hindi makaistorbo kapag late na akong umuuwi. Kahit may mga gwardiya ay nakaugalian na ng mga magulang ko, lalo na noong nabubuhay pa ang mommy na i-lock lahat ng mga pinto at bintana ng mansiyon. Pinihit ko ang seradora at dahan-dahang binuksan ang pinto. Nagtaka ako nang may maaninag na tao sa single sofa. Agad ko itong nilapitan upang tingnan kung sino."Elizabeth?" Nagsalubong ang mga kilay ko nang makilala ito. Tinapik ko nang bahagya ang balikat nito hangga