"ELLIE..." Tawag sa akin ni Lolo Ronaldo. Nakaupo ako sa bench habang hinihintay ang paglabas ng Doctor at sabihin ang magandang balita na ligtas na sina Uno at Judah.Parehas na nasa loob ng operating room ang dalawa at parehas na nag-aagaw buhay.I loathed Judah, but I never wished for him to die. Hindi ko rin pala kaya na makita siya na walang ng buhay. Naging parte ng siya ng buhay ko, sa masaya at kasama ko noong mga panahon na akala ko ay tuluyan na akong iniwan ni Uno. Kanina ko pa nararamdaman na gusto akong kausapin ni Lolo Ronalo ngunit tingin ko ay humahanap lang ng tiyempo. Si Logan ay kausap ng mga pulis sa labas. Si Mikhay ay nakaconfine at natutulog na ngayon. Nilagnat si Mikhay dahil naulanan din kami. Dumating sina Logan kasama si Ronaldo para tulungan kami. Mabuti na lang at nakasunod agad sila kaya naitakbo agad ang dalawa sa hospital. Sina Tita Criselda at Tito Lorenzo ay papunta na. Naospital pala si Tita Criselda nang nabalitaan mula kay Sandra na nakasunod di
NAGISING AKO na may luha sa mata at sa boses ng anak ko. Inikot ko ang paningin sa kabuuan ng silid. Puting silid. May dextrose ang isang kamay ko. Nanghihina ang pakiramdam ko at nanunuyo ang lalamunan ko.Nasaan ako?"Mommy?" Nasa gilid siya ng higaan ko at katabi si Reese."Mark, tumawag ka ng Doctor," utos ni Reese sa asawa niya at sinunod naman agad ni Mark. "Kumusta ang pakiramdam mo, Ellie?" Pinilit kong bumangon pero pinigilan ako ni Reese. "Huwag ka munang bumangon. Magpahinga ka muna. Hintayin lang natin ang Doctor."Masakit ang ulo ko. Pinilit ko pa rin talagang bumangon at inabot si Mikhay. "H-i, baby." Pilit na ngumiti ako kay Mikhay."Mommy, okay na po kayo?" I nodded with my daughter's question.Bigla kong naalala si Uno at Judah. "Sina Uno? Kumusta na sila?" Kinakabahan kong tanong dahil ang huling tanda ko sa sinabi ng Doctor ay hindi maganda.Hindi na ako nasagot ni Reese dahil pumasok ang Nurse at Doctor. Chineck agad nila ako. May mga ilan na binilin sila sa akin p
"REYNE, dito ka. Huwag mong harangan ang panunuod ng kapatid mo," saad ni Ellie sa pangalawang anak. Nasa home theater silang lima habang hinihintay ang pagdating ni Uno. Apat na taon na si Reyne, ang sumunod ay si Ysabel na tatlong taong gulang at ang bunso ay si Jacob na isang taong gulang.Nakatayo kasi si Reyne sa gitna at ginagaya ang pinapanuod sa movie. Si Ysabel at Mikhay ay hindi na nakakapanuod nang maayos dahil sa kaniya."I want to sing and dance, mommy." Protesta ni Reyne sa sinabi ni Ellie. Kahit ilang beses na nga ba nilang pinanuod ang paborito nitong movie ay hindi pa rin nagsasawa si Reyne."Your siblings are watching, too.""They've watched it already." Hindi pa rin talaga ito natinag at doon pa rin pumuwesto sa gitna si Reyne. "And you've watched it several times already." Nakangusong sagot ni Mikhay. "Ikaw na lang lagi ang nasusunod sa pinapanuod na movie.""Because I love this movie." Tumigil sa paggaya ng sayaw si Reyne at nilingon ang kaniyang ate. "Girls, s
HABANG nakakatitig si Ellie sa natutulog na asawa ay hindi niya maipaliwanag ang labis na kasiyahan na nararamdaman. She's beyond grateful for everything that God has given to her. Ang makasama si Uno habang buhay at mabiyayaan ng mga anak ang kaniyang labis na pinagpapasalamat. Nabuo ang pinapangarap niyang masayang pamilya na hindi niya naranasan noon. Marahan niyang hinaplos ang buhok ni Uno habang nakatitig siya rito. Ang ngiti niya sa labi ay hindi maalis-alis. Sa tuwing naaalala niya ang pinagdaanan nilang dalawa noon ay hindi niya akalain na si Uno pa rin ang makakasama niya habang buhay. Madaming masasakit na alaala pero higit na madami ang masasaya. Bahagyang gumalaw si Uno at niyakap siya nito kaya napangiti siya lalo. Si Uno ang higit na maalaga sa kanila. Lahat ay binibigay nito at sinisiguro na maayos ang lahat para sa kanila. Hindi rin ito nagkulang na iparamdam sa kaniya ang pagmamahal nito. Palagi pa rin silang nagdedate na dalawa at palagi pa rin siyang sinusurpres
ELLIEPASADO alas sais na ng gabi. Siguradong mahihirapan na naman akong makasakay nito. Nagmadali na akong lumabas ng gusali nang pinagtatrabahuhan ko sa Ayala dahil siguradong marami ng tao ang naroon sa sakayan ng mga pampublikong sasakyan.Rush hour na at Friday pa. Sobrang mahirap makasakay nang ganitong oras at ganitong araw. Bukod pa doon ay napaka-traffic dahil uwian ng mga nagtatrabaho sa mga opisina. Kung minsan nga ay nilalakad ko na lang simula Ayala hanggang sa apartment ko sa Pasay kapag wala talaga akong masakyan. Kahit pagod ako ay naglalakad ako dahil wala akong choice kung gusto kong makauwi agad.“Ellie, wait!” tawag sa akin mula sa likuran ko. Agad akong napahinto at nilingon ang tumawag sa akin.Si Reese, ang bestfriend ko at katrabaho. Matagal ko na siyang kaibigan simula High School pa lang kami. Nagmamadali ang paglakad nito tungo sa kinaroroonan ko.Napangiti ako sa kaniya habang nakatingin sa paglapit niya.“Bakit, Reese?” tanong ko sa kaniya kahit 'di pa siy
ELLIENAGING MALAPIT kami sa isa't isa ni Uno. Palagi niya akong hinahatid at sinusundo sa opisina. Madalas na nga kaming tinutukso nina Mark at Reese at ibang mga kaibigan nina Uno na nakilala ko na rin. Kahit sa opisina ay madalas na rin akong tuksuhin tuwing may nakakakita sa amin na mga ka-officemate ko na hinahatid ako ni Uno at sinunsundo. Ang tiyaga nga niya sa ginagawa niya. Walang araw na hindi niya ginagawa iyon. Kapag weekend ay umaalis kami at namamasyal or out of town. Iyong malapit lang sa Manila dahil may pasok ng Monday. Minsan naman ay sa apartment kami tumatambay o minsan sa condo unit niya. Basta palagi lang kaming magkasama. Tinatanong na nga ako ni Reese kung kami na ni Uno pero todo tanggi ako kasi wala namang sinasabi sa akin si Uno na manliligaw siya o kung may balak siya. Nakakahiya naman kung ako pa ang magtatanong. Iisipin pa no'n ay assumera ako and worst baka mapahiya pa ako. Hahayaan ko na lang muna, tutal nag-eenjoy naman kaming dalawa na kasama ang i
PAGKARATING sa condo ay dumiretso na ako sa room na ginagamit ko tuwing dito ako umuuwi. Tinawag pa niya ako pero 'di ko na siya pinansin."What's wrong?" tanong ni Uno sa akin na nakasunod pala hanggang sa loob ng room ko.Hindi ko siya nilingon. Umupo ako sa kama at nagtanggal ng heels. Nanatiling nakatayo lang si Uno malapit sa pinto."Hey... " Lumapit na si Uno. "If it's about Sandra, I told you I don't like her. She is just a friend." Patuloy lang ako sa ginagawa kong pagtanggal ng sapatos ko. Hindi ko pa rin siya nililingon. Ewan ko ba at nag-iinarte ako bigla."I just want to sleep, Uno. Bukas na lang tayo mag-usap. Goodnight." Malamig kong saad sa kanya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis ko. Tumayo ako't pupunta na sana ng banyo para makapagpalit na ng damit.Lumapit siya sa akin at pinigilan niya ako sa kamay."Tell me what's wrong, hmm?" He gently asked. Niyakap niya rin ako mula sa likuran pagkalapit niya sa akin. Sinubsob niya rin ang mukha niya sa buhok ko.
HINDI NA namin pinag-usapan ni Uno ang namagitan sa amin na dalawa. Hinayaan ko na lang din. Wala akong lakas ng loob para ako ang magsimula ng topic na iyon pero hindi na ulit nangyari iyon. Naisip ko na baka dahil lasing siya at nakainom ako kaya nangyari iyon. Wala namang nagbago sa pakikitungo niya sa'kin. Mas naging sweet pa nga siya at mas naging maaalaga sa akin.Habang gumagawa ako ng report ko ay tumabi sa desk ko ang katrabaho ko at kaibigan na rin na si Veron. Mugto ang mata nito at halatang galing sa pag-iyak."Ano'ng nangyari sa iyo? Umiyak ka ba?" tanong ko sa kaniya. Late rin ito pumasok ngayon. Halos kakarating lang niya."Si Steve kasi..." panimula niya at tila naiiyak na naman siya. Mabuti na lang at may meeting mga head namin kaya hindi kami makikitang nagkukuwentuhan lang ngayon. Tuloy pa rin naman ako sa ginagawa kong report habang nakikinig sa kaniya."Ano'ng nangyari sa inyo ni Steve?" "Ang hirap nang ganito, Ellie. Iyong hindi ko alam kung ano ang papel ko sa