"Ang kapal-kapal ng mukha niya akala mo kung sino. Anong feeling niya na makukuha niya ako sa mga bulok niyang moves," gigil na sabi ko pagkasara ko ng pinto.Nasa warehouse ako ng tumawag si Felix at sabihin na hinahanap ako ni Mark. After ng event sa backstage ay hindi na ulit ako nagpakita dahil hindi ako komportable na kaharap siya. Aaminin ko noon lang ulit ako nakaramdam ng pagkailang sa isang lalaki. Hindi ko maipaliwanag pero kahit paano ay naapektuhan ako sa presensya niya. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na may plano siya na hindi maganda kaya dapat ay lumayo ako at umiwas. Kinuha ko ang phone ko sa bag at tinawagan si Joshua para ipaalam na hindi ako makakasama sa kanila mamaya. Lalabas dapat kami mamaya para mag-celebrate pero dahil sa Mark na 'yon ay nasira na ang plano ko. Pumayag na kasi si Danica na magturo sa school na ipapatayo namin at salamat sa tulong ni Dominic. Ang company ni Dominic ang bahala sa lahat ng pagpapagawa bilang donation. Ang iba naman na kaila
"Queen, another flower!" sigaw ni Danica mula sa labas. Hindi ako tumugon at nag-abala na tingnan dahil hindi naman ako interesado. Katatapos ko lang maligo at kasalukuyang namimili ng damit na susuotin. May guest appearance ako ngayon sa isang branch ng La Bella. Pagkatapos kong magbihis ay sinunod ko naman ang mag-apply make up at ayusin ang buhok ko. Kapag mga ganitong event ay hindi ko na pinapatawag si Pops ang makeup artist ko para mag-ayos sa akin dahil kaya ko naman. Nang masiyahan sa nakikita sa salamin ay lumabas na ako ng kwarto bitbit ang susuotin kong heels at bag."Okay ba?" tanong ko kay Danica pagdating ko sa sala. "As usual, pretty as always with or without makeup. Wala naman atang damit o ayos ang hindi babagay sa iyo Bakla. Kering-keri mo dalhin," nakangiti na puri ni Danica at kinindatan ko siya. "No doubt kaibigan nga talaga kita," natatawa na sabi ko habang nagsusuot ako ng sapatos. "Kanino galing?" tanong ko kay Danica habang hawak niya ang bouquet ng white
"You mean my father gave that as payment? Payment for what?" naguguluhan na tanong ko. "That time your father didn't tell us the details he just ordered us to process the papers," sagot ni Raymond. Kasalukuyang nag-rereport sa akin ang mga taong tinalaga ko para mag-imbestiga. Matagal ng empleyado ng kumpanya si Raymond at nakaka-sigurado ako na mapagkakatiwalaan ko siya. Habang binabasa ko ang records ng asset at transaction ni Papa for the past five years nakita ko na bumili siya ng dalawang hectares land sa Batangas pero nakalagay 'yon sa pangalan ng ibang tao. Gustuhin ko man tanungin si Papa pero katatapos lang ng operation niya at ayaw ko muna siya istorbohin. "Pero Sir base sa ginagawa naming investigation ang taong 'yan ang nagpalaki kay Ms. Hernandez. At ngayon ang lupang 'yon ay isang bahay ampunan. Nakita rin namin sa record nag-donate ng one million si Mr. Jack kasabay ng titulo ng lupa. Were assuming na 'yon ang ginamit na pampagawa ng bahay," dagdag ni Enrico at napai
"Dan, okay na ba lahat?" tanong ko kay Danica pagkalabas ko ng kwarto."Okay na po ang lahat," tugon niya at napangiti ako.Ngayon ang punta namin sa Batangas at super excited na ako. Tinawagan ko na si Eugene para ipaalam niya kay Lola Sol na pupunta na kami pati na rin ang mga taong in charge sa construction ng school. "Bes, salamat sa lahat." paglal at niyakap ito mula sa likuran. Laki ng pasasalamat ko kay Danica kasi hindi lang sa pumayag siya na magturo sa school pero dahil may makakatulong na si Lola sa pagpapatakbo ng foundation. Hindi kasi ako sigurado kung nandito pa ako by that time na matapos ang school kaya malaking bagay na nandoon si Danica. Wala pa akong pinagsabihan ng plano ko dahil gusto kong ma settle muna ang lahat. Lalayo lang naman ako ng ilang taon at babalik rin. Gusto ko lang maranasan magkaroon ng katahimikan."Hay naku eto na naman po kami. Hindi ba sinabi ko naman sa iyo na suportado ko lahat ng plano mo at saka pabor naman sa akin ang lahat ng ito. Maka
Naiwan akong tulala pagkaalis ni Queensley. Hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ko makontrol ang sarili ko kapag napapalapit ako sa dalaga. Usually I'm always in control and don't let my emotions get in my way but not when I'm with her. I'm not sure anymore kung na challenge lang ba ako sa kanya. I don't know either kung part ba ito ng scheme niya para mas lalong mahumaling at maghabol ang isang tulad ko sa kanya. Naguguluhan ako sa tuwing kaharap ko siya."Bakit ko nga ba ito ginagawa? Ano nga bang kailangan ko sa kanya?" tanong ko sa sarili. Ilang minuto lang ay nag-decide na ako na bumalik na ulit sa loob. Desidido akong makausap ang taong in charge dahil marami akong gustong malaman mula sa kanya. Marami akong katanungan na gusto kong makuha ang sagot. Pabalik na ako ng makita ko ang isang may edad na babae na may kausap na lalaki. Familiar ang mukha ng kausap niya na lalaki at hindi nga ako pwedeng magkamali."Anong ginagawa niya rito?" nagtataka na tanong ko habang nakatingi
"Ano ba Queen nahihilo na ako!" galit na sigaw ni Joshua. Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan ko siya ng masama. Nagtaka ako kung bakit magkasama sila ni Mark at nabanggit nga niya na nagkausap sila kanina "Bakit ganyan ka makatingin? Siguro naman may karapatan siya na makarating dito dahil kung hindi dahil sa pudra niya ay waley itong lugar na ito," katwiran niya at nilakihan rin niya ako ng mga mata. Naiinis talaga ako hindi dahil ayaw kong makarating dito si Mark pero dahil pareho kaming nandito. Sa tuwing mag-cross ang landas naming dalawa kung ano-ano na lang ang nangyayari at nararamdaman ko. "Ano ba kasi ang inaalala mo? Bakit ba balisang balisa ka? At ska bakit ba ganyan ang reaction mo?" tanong ni Danica at bigla akong napatingin sa kanya saka natigilan. "Bakit nga ba ako nagkakaganito? Eh ano naman kung nandito siya? Bakit ba ako nag-paapekto sa kanya?" tanong ko sarili at tumungo. "Ayaw ko lang nakikita ang pagmumukha niya," sagot ko at nakita kong nagkatinginan
Habang nililibot namin ni Lola Soledad ang kabahayan ay marami akong nalaman. Hindi lang tungkol sa dalaga pati na rin sa mga tao sa ampunan. Natutuwa rin akong makita ang mga bata dahil lahat sila ay mababait, masigla at magalang. Bukod sa mabait ang mga tao ay talaga naman maganda ang lugar. Nakita kong umalis na ang mga bisita pati na rin ang mga kaibigan ni Queensley. Nakatayo siya sa labas at tanaw na tanaw ko siya mula sa bintana. "Excuse lang po," paalam ko sa kanya."Sige lang Hijo. Sisilipin ko lang ang mga bata bago ako pumasok sa kwarto para magpahinga," sagot niya."Maraming salamat po," sabi ko at nakangiti na tumango lang siya.Kanina ko pa siya gusto lapitan pero hindi ako makuha ng tyempo lalo ng makita kong nakaakbay ito kay Dominic. Na curious tuloy ako kung totoo ba ang balita tungkol sa kanila. Napansin ko rin na umiiwas siya kapag nakasalubong niya ako. Hindi rin ito sumabay sa amin ng tanghalian at alam ko na kung bakit. "Hi!" bati ko pagpasok niya sa loob ng b
"Queen tumawag nga pala si Dan magkikita tayo mamaya para pag-usapan ang update sa construction ng school," sabi ni Joshua. Nasa dressing room kami at naghahanda para sa pictorial. Next month na ang launching ng bagong collection kaya magiging super busy na ako. Ito na rin siguro ang magiging huling project ko sa La Bella. "Okay," simpleng sagot ko pagkatapos ng make up ko. "Pwede mo ba kaming iwan muna," nakangiti na pakiusap ni Joshua sa makeup artist ko.Tumango naman siya at inayos ang mga gamit sa lamesa saka lumabas ng kwarto. Nagtataka naman akong napatingin kay Joshua. Pinagana ko agad ang isip ko kung anong pwedeng maging dahilan para kausapin niya ako. Kung pagbabasehan ang ekspresyon ng mukha niya mukhang seryoso ang pag-uusapan namin."Care to explain this?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.Lumapit siya sa bulaklak na nakapatong sa lamesa. Tiningnan ko lang ang tinutukoy niya saka binalik sa salamin ang atensyon ko. Ilang linggo na ang lumipas mula noong gabing