Share

CHAPTER 7

"Nicole, gumising ka na," sabi ng mama niya habang inaalog-alog siya. "Naghihintay na si sir Sean sayo sa sala."

"Eh, inaantok pa ako, ang aga-aga namin eh," bulong niya habang nakapikit pa.

"Bumangon ka na dyan, kausap ng papa mo si Sean. Mahiya-hiya kang bata ka, paghihintayin mo pa yung tao," sermon ng ina habang ibinabangon siya sa higaan.

"Sean?" antok na tanong niya sa ina. Nang narinig niya ang sinabi nito, bigla siyang napabangon, dahilan kung bakit siya muntik mahulog sa double deck. Napakabilis ng kabog ng dibdib niya.

"Sean? As in Sean ma? Yung boss ni papa?" Tanong niya sa ina. Seryoso ba pumunta talaga yung kapre na 'yun?

"Oo, kanina pa yun nandito," tugon ng ina.

Mabilis pa sa alas-kwatro na tumayo at nagmamadaling bumaba siya ng double deck, saka pumasok sa banyo. Nakahubad na siya ng damit nang maalala niyang wala siyang naihandang damit para sa banyo na siya magbibihis.

Jusko naman, talaga bang nagpaalam ito kay papa? Lakas ng loob niya. "Diyos ko po, Lord, help me."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status