Share

CHAPTER 6

Nicole

Tinulungan siya ni Sean na sumakay sa sasakyan nito. Sa wakas, uuwi na siya. Tahimik ang byahe, walang gustong magsalita sa kanilang dalawa.

"Sigurado ka na bang okay ka na?" tanong ni Sean.

Tumango siya. "Oo, okay na ako. Salamat sa lahat ha. Sana hindi ka agad kunin ni Lord ang bait mo eh."

Ngumiti lang ito sa sinabi niya.

"Itabi muna lang dyan sa tabi," sabi niya nang makitang malapit na sila sa may eskinita papasok ng bahay na tinitirhan niya.

Kinabukasan, Lunes, kaya may pasok siya. Pagdating niya sa classroom, naroon na sina Annie at Jemalyn. Kitang-kita sa mukha ng mga ito ang pag-aalala.

"Anong nangyari sa'yo? Hindi ka namin ma-contact, ilang araw ka ring absent?" tanong ni Annie.

Tahimik siyang umupo sa upuan, hindi sigurado kung sasabihin ba sa kanila ang nakita niya at ang nangyari.

"Nung gabing pumunta ako sa condo ni Paul, nakita ko siyang may katalik na ibang babae," nagsimulang magbagsakan ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan. "Tumakbo ako ng condo kasi hindi ko na kayang marinig yung mga ungol nila, kaso paglabas—"

Bago niya pa matapos ang sinasabi, biglang tumayo si Annie, dahilan upang matumba ang upuan na kinauupuan nito at naglikha ng ingay. Seryoso itong lumakad palabas ng classroom.

"Hoy! Annie, saan ka pupunta?" sigaw ni Jemalyn, ang boses niya'y nag-echo sa silid. "Nicole, tara sundan natin siya."

Tumayo sila at sumunod kay Annie, lakad-takbo na ang ginawa nilang dalawa para maabutan si Annie. "Saan ka ba pupunta, hoy? Annie, hoy," tawag-pansin ni Jemalyn dito, pero parang wala itong naririnig at diretso lang sa paglalakad.

Hinawakan niya ang balikat nito nang maabutan niya. "Sabihin mo nga sa amin kung saan ka pupunta."

"Pupuntahan ko ang boyfriend mo. Tuturuan ko siya ng leksyon," sagot ni Annie, puno ng galit ang kanyang boses.

"Paano naman 'yan?" tanong ni Jemalyn. "Tsaka, kumalma ka nga, alam mo ba kung nasaan si Paul? Tapos paano mo siya tuturuan ng leksyon?"

"Puputulin ko yung kaligayahan niya," walang emosyon na sabi ni Annie.

"Paano mo gagawin 'yun? Kailangan mo ba ng kutsilyo o gunting? May gunting ako dito," sabi ni Jemalyn. "Okay na ba ito para maputol ang kaligayahan niya?" Tanong nito habang ipinapakita kay Annie ang mga dala nito na animo'y pinapapili si Annie.

"Okay na 'yan. Tara na, Nicole, nakilala mo ba 'yung babae?" tanong ni Annie, lumingon sa kanya.

"Hindi, hindi ko kasi pinagtuunan ng pansin 'yung babae," parang may bumara sa lalamunan niya habang sinasabi iyon.

"Tumigil na kayo, please," pigil niya sa dalawa, ngunit hindi siya pinansin ng mga ito.

"Hindi ba si Lemuel 'yon? Tanungin natin siya kung nasaan si Paul," sabi ni Jemalyn, habang tinuturo ang lalaking nakatayo sa dulo ng hallway.

Habang naglalakad kami papunta kay Lemuel, lahat ng student na makakasalubong namin ay tumatabi. Ang iba naman ay tumitingin sa kanila na may pagtataka, siguro dahil kita nila ang mga hawak naming gunting.

"Please lang naman, bumalik na tayo sa classroom, nakakahiya na 'to," pakiusap niya. Tinitingnan niya ang mga students, kitang-kita niya kung paano ang mga ito magbulungan.

"Walang nakakahiya sa gagawin namin para sayo 'yun. Hoy, Lemuel, nasaan si Paul?" sigaw ni Annie. Ang boses nito ay umaalingawngaw sa buong hallway.

Kita niya ang pagtataka sa mukha ni Lemuel ng makalapit kami sa pwesto nito. "Bakit? Nasa parking lot siya, may kinakausap doon," hindi siguradong sagot nito.

Lumakad papunta si Annie at Jemalyn sa parking lot, kaya sumunod siya sa dalawa. Kinakabahan siya habang palapit kami ng palapit. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kapag nakita niya si Paul.

Nang makarating kami sa parking lot, nakita namin si Paul na may kausap na isang lalaki na hindi namin kilala. Hindi niya masyadong naaaninag yung mukha nung lalaki.

"Sino 'yon? Tatay niya?" maingat na tanong ni Jemalyn.

"Hindi, ang alam ko patay na papa niya," sabi niya, sinisikap na makita ng mas mabuti yung lalaki.

"Eh sino 'yon? Sugar daddy niya?" biro ni Jemalyn.

Muntik silang mapasigaw, lahat ng may humawak sa balikat nila at tinulak sila ng kaunti.

"Tanga ka ba?" tanong ni Jemalyn pagkatapos sabunutan si Lemuel.

"Lemuel, ano ba, wag ka ngang manggugulat," sabi niya rito habang nakahawak sa kanyang dibdib.

"Gusto mo paputukin ko itlog mo?" masungit na tanong ni Annie.

"Parang kilala ko 'yung lalaki, siya nga," bulong niya sa sarili.

Tiningnan niya ang mga kaibigan. Nagulat siya nang makitang nakatingin sakanya si Annie, may kakaibang ningning ang mga mata nito habang nakatingin sakanya. Saka ngumiti. Kinakabahan siya sa mga ngiti nito.

"Kilala mo siya? Nicole?" tanong ni Jemalyn, nakakunot ang noo na nakatingin ito sakanya.

"Bumalik na tayo sa classroom, kapag nakita nila tayo iisipin nilang mga chismosa tayo," sabi ni Annie.

"Sigurado ka ba? Ayon na si Paul oh, upakan na nati--." Naputol ang sasabihin ni Jemalyn ng takpan ni Annie ang bibig nito.

"Lemuel, magpanggap kang hindi mo kami nakita. Kapag nalaman ito ni Paul, puputulin ko yang kaligayahan mo," banta ni Annie sa isang nakakatakot na boses.

Natatakot na tumango si Lemuel, maski naman siya mas takot pa kay Annie kaysa sa sarili niyang nanay.

Agad kaming umalis sa parking lot at naglakad pabalik. Ngunit sa halip na pumunta sa classroom, lumiko kami papunta sa library.

"Saan tayo pupunta?" naguguluhan kong tanong.

"Sa library," sagot ni Annie sa seryosong boses.

"Ano ang gagawin natin doon? Hindi ba tayo babalik sa classroom?" nagtatakang tanong ni Jemalyn. "Kala ko ba gagantihan natin si Paul?"

"Oo nga pero may naisip akong maganda," saad ni Annie habang may nakakalokong ngiti.

"Ano ang plano mo?" tanong ni Jemalyn.

"Nicole, kilala mo 'yung lalaki na kausap ni Paul, 'di ba?" tanong ni Annie sakanya.

"Oo, noong umaalis ako sa condo ni Paul, nabangga niya ako. Dinala niya ako sa condo nito," sagot niya.

"Oh Diyos ko, ayos ka lang ba? Wala ka naman sigurong amnesia no?" natatarantang tanong ni Jemalyn. Tumayo pa ito para tingnan siya mula ulo hanggang paa, tinitingnan siguro kung may sugat siya.

"Okay lang ako, hindi naman talaga niya ako nabangga. Bali nahimatay ako tapos nakapag preno siya agad."

"Eh bakit kailangan ka pa niyang dalhin sa condo niya? Baka naman gusto ka nun?"

"Baliw hindi iyon, masyado na siyang matanda. Marami na akong problema. Ayaw ko ng dagdagan pa," umiling-iling siya kay Jemalyn ng akmang sasagot pa ito.

"Tama na 'yan, Jemalyn," saway ni Annie dito. "Tapos, Nicole, anong nangyari?"

"Niyayaya niya akong samahan siyang gumala sa Linggo, baka daw kasi maligaw siya," tugon niya rito.

"Samahan mo siya. Malay mo maligaw talaga siya, lalo na at bago pa lang siya dito sa Camarines Norte," nakangiting sabi ni Annie. Kinakabahan talaga siya sa mga ngiti nito.

"Makakapag-relax ka din kapag ginawa mo 'yun," dagdag pa nito. Ang kanyang mga mata ay puno ng kalokohan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status