Share

Chapter Ten

Nakatulog ako at nagising na nakahiga sa tabi ko si Klarius. Mabuti at malaki ang kama kundi ay magsisiksikan kaming dalawa.

Alam kong galit siya pero nakuha pa ring tumabi sa'kin. Nang makarinig ng ingay ay sumiksik pa ito sa leeg ko.

Ang maingay kong pamilya ang sumalubong sa paggising ko kaya't niyugyog ko si Klarius para magising.

"Aba, buntis na gagawin pa atang kambal ang magiging pamangkin ko." Nakataas ang kilay ni Ate Adri habang nagsasalita. Hindi naman ito mukhang galit, siguro dahil may soft spot siya sa mga bata.

"YES! May chikiting na naman ang Ronquillos! Shala, dalawang kapatid ko ay buntis. Is this the sign, Lord?" Amary screamed as soon as she enters. "Papabuntis na rin ba ako?"

Buntis na pala si ate Adri? Bakit hindi nila sinabi sa'kin nung dumalaw sila?

Nang makitang naguguluhan ako ay sinagot din 'to ni Amary, "Oo, yes, yup, right. Binuntis din ni Cody si Adri."

Tumikhim si kuya Cody at pinanlakihan ng mata ni ate Adri ang bunsong kapatid.

Tahimik sa gilid si Klar
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status