Share

KABANATA 1

"What do you think of them?" Nginuso niya ang isang barkadang dahilan ng ingay sa buong cafeteria. 

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa.

To: Harold

Where are you?

Napaangat ako ng tingin ng may isang crumpled paper ang tumama sa aking noo. Walang imik ko naman itong kinuha at nilagay sa aking bulsa. Nagkakalat, eh.

"I'm asking you, pretty girl." Ngumisi siya sa akin at tinignan muli ang barkada hindi kalayuan sa aming pwesto. 

Tinignan ko rin ang mga ito. Lahat ay mga babae, lahat ay maganda. Nakasuot ng mamahaling damit, nakasuot ng magandang palamuti. Makinis, maputi, at kaakit-akit ang kurba ng kanilang mga katawan. Lahat ng tao, lalaki o babae man, ay napapatingin sa kanilang banda. 

"Kawawa." Bigkas ko at inayos ang gamit nang nag reply na si Harold na malapit na ito.

No, scratch that. They are not pitiful but pathetic. Totoo ngang hindi kayang pag takpan ng karangyaan ang totoong pagkatao.

Humalakhak ang lalaking nakaupo sa aking harapan.

"You pity them, huh. Why is that?"

Napahinto ako sa ginagawa. "They invest too much on their faces. They forgot their brains."

Invest in worthless things, and it will make you forget what matters the most.

He wet his lip. "Harsh, as always."

"You want me to lie, then?" Tumayo ako, sinuot ang bag, at kinuha ang aming pinagkainan. 

Dalawang kamay sa bulsa, sumunod siya sa akin at habang naglalakad katabi ko, maraming tao ang pumapansin sa kanya. Walang ekspresyon naman akong nag tungo sa counter, hindi pinipiling maapektuhan sa populidad ng lalaki. 

"Thank you, Ery." Mahinhing saad ni Polly, isang working student sa cafeteria. 

Tumango ako at inabot sa kanya ang hawak.

"Why did you say so?" Tanong muli ng lalaking nasa aking tabi, hindi pa rin makalimutan ang aking sagot sa tanong niya. 

Hindi ko siya pinansin at nag patuloy sa paglalakad. Humina lamang ang aking mga hakbang nang papalapit na kami sa pwesto ng barkadang pinag-usapan.

"You saw Gregore's make-up? It's too thick!" 

"I bet that's the reason why men are drowling at her. She fooled them with her fake beauty!"

"What a slut."

"I bet she's ugly without her make-up."

"I bet she has many pimples! Eww."

Sabay-sabay silang tumawa. Nawala naman ang aking atensyon sa kanila nang tumawa rin ang nasa aking katabi. He raised his brow at me when he saw that I was looking at him. 

"Hindi mo ipaglalaban si Gregore?" He asked me while still smirking. 

Testing me, huh.

"Why would I? It has nothing to do with my job." Umiling ako at binilisan ang lakad. Naramdaman ko naman ang kanyang pagsunod. Sumisipol, eh.

"She chose to be the talk of town. She chose that for herself. That is not my life. That's not my decision. Her life, her decision. She makes trouble? Then she finds a way out of that trouble."

"Now you're introducing your principle?" 

Hindi ko ulit siya pinansin. 

"So you are saying that you are on their side, then?" He asked again, still testing me.

Nilingon ko siya sa likuran, nakukulitan na. "Those gossipers?"

"Uh-huh."

"No. Bakit ko kakampihan ang mali? Only a fool will take the side of fools." Tinalikuran ko siya at nilabas ang cellphone at ni-dial ang numero ni Harold. "What a waste. They're all beautiful, pero masyadong immature lang."

Talking worthless things makes you worthless, too. 

"Now, you judged them." I heard him chuckle. "I thought your principle is 'your life, your decision. Their lives, their decisions.' Then why did you just judge them, Ery? Why do you care now? Buhay mo ba ang buhay nila?"

Natigilan ako. He twisted my words.

This rascal. 

Hinarap ko siya ng tuluyan. "You heard them gossiped, I heard them gossiped. Tell me, did I judge them? Did I just accuse them without any evidence?" Seryoso ko siyang tinitigan. He tilted his head, still doubting me. No, scratch that. He was playing with me.

 "There is a difference between a fact and making an assumption."

Lumapad ang kanyang ngisi. "You said it yourself...why accuse them of being immature if their gossips were true? Isn't that foolish too? In other words...you're a fool like them, pretty girl."

Unti-unti akong ngumisi. His eyes flickered.

 Boy, he really knew how to pick the right words. 

At kung hindi ako mag-ingat sa kanya, ako ang mabibilog niya.

Magsasalita na sana ako ng may narinig na boses mula sa aking hawak na cellphone.

Tinignan ko ang lalaki bago itinapat sa tainga ang hawak.

"Saan ka? Nasa gate na ako."

"I'm coming." 

"Okay." 

"Okay." I replied. Ibababa ko na sana ang tawag nang nagsalita muli ito.

"Sa western gate ako naghihintay." 

Nangunot ang noo ko. Kadalasan ay sa southern gate ito naghihintay sa akin. bakit may pagbabago ngayon?

 Bago pa man makapag tanong, siya na mismo ang nag patay ng tawag.

Umiling na lamang ako at tinahak ang ibang direksyon. Sumunod pa rin ang lalaki sa akin. 

Walang nag salita sa aming dalawa, maliban na lamang kong may nakasalubong kami at binabati siya. Umiling na lamang ako sa kasikatan ng lalaki at mas binilisan pa ang lakad upang hindi na madamay pa. 

Nang natanaw ang itim na sasakyan sa harap ng gate, tumigil ako at binalingan siya. He also stopped and raised his eyebrow at me. 

"Can you identify colors?" I asked him out of nowhere.

"Do you think I am dumb?" 

"Do you think I am dumb?" I asked him too, not changing the expression on my face. 

Natigilan siya.

"You know that identifying colors is so easy. And I can identify them too...Just like identifying what's right and what's wrong." Lumapit ako sa kanya at pinulot ang isang bato sa kanyang paanan. "Humans have a moral consciousness- can discern what's right from wrong. Am I not human to you? Wala ba akong ganon?"

Hinarap ko siya, at tinitigan mata sa mata.

"They gossiped...they slandered. Don't you think it's the right thing to do? Yes, Gregore wore heavy make ups. So what? Why do they care? Why do you care?" 

 Lumapit pa ako at mas mariin siyang tinitigan sa malapitan. "Lack of respect means you lack knowledge. And if you lack knowledge, you act like a child. And children are immatures, don't you think? They still need discipline, they still need milk." I shook my head. "Those girls...their ages are not proportioned to their brains. What a pity. That's why people like them are labeled as fools...and don't argue with me because they deserve the title." 

Kinuha ko ang isa niyang kamay at ipinatong dito ang batong hawak. "I'll go now. Hurt me with this if you think gossip is not one of the doings of a fool. Be the judge, Gualin." 

Tumalikod ako sa kanya at nag patuloy sa paglalakad. 

"Very wise indeed, Ery." Humalakhak siya.

I continued walking, not minding him anymore.

"Why western gate?" Tanong ko agad pagkabukas palamang ng pintuan ng sasakyan.

Harold looked at the back. Sinundan ko ang tingin niya at napatikom na lamang ng bibig nang makita ang prenteng naka-upo na lalaki, nakatanaw sa labas ng bintana suot ang earphones nito. 

Kaya pala.

Awtomatikong napayuko ako nang bumaling ang mata nito sa akin. "Señorito." I greeted him even though I knew he couldn't hear me. 

"Get inside." Bulong ni Harold. Tumango ako at inayos na ang posisyon sa shotgun seat. 

Pinaandar na nito ang engine at dahan-dahang tinahak ang lugar papunta sa Mansion ng mga Maurus. Sumunod naman sa amin ang dalawa pang sasakyan, pinagkalooban ng mga bodyguards. At nanguna ang panibagong sasakyan sa aming unahan, laman pa rin ay mga bodyguards. 

I tightly closed my mouth, seldom blinking, and I never ever took my eyes away from the road. Because once I divert my attention, I might snatch what's not mine, I might snatch the spotlight of the main character. 

In this story, I was not a protagonist...but just a mere extra. The extra girl who lived by the command of her masters. The extra girl who didn't have her own freedom. 

-

Tuwid ang upo, tuwid ang tingin sa daan, walang may nangahas na mag-ingay sa loob ng sasakyan. Not until my phone rang.

Sabay kaming napatingin sa rare-view mirror bago nag palitan ng tingin sa isa't isa. 

"Si Sancho." I whispered.

Tumango siya. "Sagutin mo..."

Nangunot ang noo ko. "He's not our butler."

"Ery..." May pagbabanta sa tono ng lalaki.

I looked away and answered the call.

"Sakay niyo ba ang Señorito?"

Tumingin ulit ako sa rare-view mirror. Hindi naman sadyang nagtama ang aming mga mata. I automatically bowed my head down.

"Yes."

"You fetch the wrong one, Ery." Galit nitong saad sa kabilang linya. "You and Harold are assigned to assist Lady Gregore! And not because she's sick and not around, e pwede niyo na palitan ang babantayan! You know the danger very well and..."

Tahimik kong inilayo ang cellphone sa tainga at tumingin ng diretso sa daan. Ibinalik lamang ito nang tumahimik na ang kabilang linya. 

"Yes, I understand, Sancho." Seryoso kong saad, tila walang ginawang kabulastugan. 

Why waste my time when I knew he would never listen to any of my explanations.

"Make sure this will never happen again, Ery! I will report this to the head Butler! If you don't want to lose everything you have, you better do your job properly. Iuwi niyo ng walang kahit anong galos ang Señorito! Kahit isa! Nakasalalay sa inyo ang buhay niya--don't take this lightly, you stubborn girl! I'm warning you..."

Nilayo kong muli ang cellphone at inilagay ito sa dashboard. Seryoso kong tinignan si Harold nang maramdaman ang mga nakaw nitong tingin. 

"Disrespectful." He mouthed.

"He's not the butler that is assigned to us." I mouthed back. Sancho was a butler and he was assigned for the security of the senorito, not for lady Gregore. 

"Kahit na, dapat mo pa rin itong respetuhin." He whispered.

Hindi ko siya pinansin. 

I respect him enough not to talk back.

At bakit ko pa sasayangin ang oras ko sa pakikinig sa kanya? Papagalitan din naman kami mamaya ng Butler na naghahandle sa amin. Different words, but same reason. At 'yun ay kung bakit nandito ang Señorito sa aming sasakyan. I don't want to hurt my ear from hearing the scolding of two naggers. One is enough.

"Stop the car." 

Sabay kaming napabaling sa rare-view mirror.

"No." Malamig kong saad at tinawid ulit ang tingin.

"I said stop the car." Mariin niyang sabi.

"I said no, Señorito."

He knew the protocols, so he better obey us.

Ngunit ang traidor na Harold, hininto ang sasakyan sa gilid ng convenience store. Huminto rin ang dalawang sasakyan na sumusunod sa amin. Kunot noo ko namang tinignan ang lalaki sa aking tabi. Hindi naman siya makatingin.

Very submissive.

Very loyal.

"Harold..." Banta ko sa kanya. Malalagot kaming lahat sa kanyang ginawa. At alam na alam niya iyon. 

Hindi kami ang nakatalaga para bantayan ang Señorito. Kaya kaunting bodyguards lamang ang dala. Walang sapat na proteksyon, walang sapat na mga armas para lumaban kung sakaling mayroon mang mangahas na saktan ang binata.

Ang pagbiyahe ng kulang sa mga armadong lalaki ay delikado sa kapakanan ng Señorito, mas lumala pa ang pag stop over namin. At alam na alam 'yun ni Harold.

Aangal pa sana ako kay Harold nang tuluyan nang binuksan ng Señorito ang pintuan. 

I quickly grabbed my phone and followed him outside. No time to scold Harold. Señorito's safety comes first.

Dali-dali akong humakbang pasunod sa kanya habang sinisenyasan ang mga body guards na bantayan ang buong lugar. I dialed Harold's number, and he answered my call right away.

Tinulak ko ang pintuan ng convenience store. "Tell the bodyguards to hide while guarding the whole place. Huwag niyo kaming sundan sa loob. We cannot make a fuss here. Stay low, act normal. Be alert and be ready for a retreat. Call the Mansion for back-ups. We need to guarantee the safety of Señorito. Remember, don't be suspicious. Don't attract people's attention. Less attention, less threat."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status