Share

KABANATA 4

"You're late." Bulong niya at umisog.

Walang imik akong tumabi sa kanya. Inayos ko ang bag at kumuha ng isang ballpen at notebook. Tinignan ko ang harapan at nagsimulang kopyahin ang nasa projector, penepresenta ng isang guro.

"I'll give you my notes." She whispered again and slid her notebook.

I stopped. "I already spent my allowance. I cannot afford it." And continued writing.

Unti-unti niyang binawi ang notebook at bumuntong hininga. "Bad news."

Umiling nalamang ako at hindi siya pinansin.

"Hey," She changed her position. Mas inilapit pa ang mukha sa akin. "Do you know the latest news about your Gregore?"

I stopped again. "I don't know and I am not interested."

"Suplada."

"Chismosa." I fired back and continued what I was doing.

"Ouchy." Lumayo siya sa akin at nakinig na rin sa guro.

"Punta ka cafeteria?" Tanong niya ng natapos na ang aming klase. "Opps. Wala ka palang pera ngayon. Gusto mo umutang?" Ngumisi siya sa akin at tinaas baba ang kilay.

Inayos ko ang gamit at tumayo. "Your interest is too high. I cannot afford it." 

Humagalpak siya ng tawa. "I am a businesswoman, Ery. Not a sponsor."

Tumalkod ako at nagsimulang maglakad. "You are a corrupt businesswoman, Merelle."

Mas lalong lumakas ang tawa niya at inakbayan ako. Seryoso naman ang tingin ko sa daan. 

"Saan pupunta ang supladang Ery? Hmm?" 

"Who's your client this time?"

Lumaki ang mata nito at tinakpan ang baba, umaktong gulat pero hindi naman totoo. "You're so judgemental. Ganun na ba ako ka mukhang pera sayo?"

Hindi ko siya pinansin.

Umikot ang kanyang mga mata. "How did you know?" 

"Hindi ka didikit sa akin kung wala kang motibo."

"Pinagmumukha mo namang may masamang balak ako sayo, ah."

"Always."

Natigilan siya kaya napasama rin ako sa pagtigil dahil hindi pa rin nito inalis ang naka-akbay na kamay.

"You--"

"I'm just telling the truth." kinalas ko ang kanyang kamay at nagpatuloy.

Tumawa siya at sumipol. "Hindi talaga makakalusot, eh." 

Humabol siya at tumabi saakin, kamay ay nakahawak sa bag na nakasampay sa kanyang likod, at ang isa nama'y kinalikot ang cellphone.

"Just like the usual, you know." She shrugged. "Buong araw hindi nagpakita si Gregore, though kalat sa buong school na magaling na ito at pumasok naman kaninang umaga. So Wenmar, Lorrence, Bayron, Greg, Jared and a lot of boys from different grade levels are asking about Gregore's whereabouts. Who am I to disregard the request of these young pals?"

"So you want me to sell Gregore to you?"

"No, of course not! Ang lokasyon mo ang tinatanong ko, hindi ang kay Gregore, Ery. Hindi ko sinasabing traidorin at ibugaw mo ang iyong alaga. Chill. Don't be mad at me. I know you are loyal to her. Ako kasi royal lang. Though, gusto ko rin maging coca-cola--"

"Alam mong pupunta ako ngayon kay Gregore." Nakataas pa rin ang kilay.

Tumawa siya. "That's the point. Sabihin mo sa akin kung saan ang tungo mo at matatapos ang usapan. See? Hindi mo binaliktad si Gregore. You are just being honest to me? Hello?"

Huminto ako at binuksan ang locker ni Gregore. Sumandig naman ng pagilid si Merelle, nakaharap at kinukulit parin ako. 

"It's just the same. Don't fool me." Tinignan ko siya bago sinira ang locker ni Gregore matapos kunin ang iilang libro nito. 

Umikot na naman ang mata nito. "Of course there's a difference!"

Bumuntong hininga ako. "I'm going to the faculty." Gregore still taking her special quizzes. Whole day nitong ginalugad ang oras sa library para lamang sa dalawang quizzes. Kaya mag iissue na naman ako ng letter para sa hindi nito pagpasok sa klase. Mabuti na lamang at walang quiz na naganap kundi dadagdag ang mga gawain ko para kay Gregore.

Lumapad ang kanyang ngisi sa labi at mabilis na kinalikot ang cellphone. Umiling lamang ako at umalis. Napahinto lang nang tinawag nito ang aking pangalan. I looked back.

"The difference is...Your conscience, Ery. Malinis ang konsensya mo na hindi nilaglag ang alaga. Hindi mo ba ako papasalamatan? Clever, right?" She then winked at me before she walked away, not even saying her thanks. 

"That money chaser..." I shook my head.

"I see, you develop a new hobby." 

Napabaling ako sa likod at seryosong tinitigan ang lalaki, hindi na nagulat sa kanyang presensya. Tumaas ng kaunti ang kanyang baba, tila namamangha kaya mabilis akong gumawa ng maliit na pagyuko, muntik ng makalimutan ang pagrespeto.

"A pleasant afternoon, young master Reu." 

Tumaas ang kanyang kilay sa akin, nananatili ang mangha sa kanyang mukha dahil sa medyo hambog kong akto. Agad akong napatingin sa lalaking nasa hulihan niya, nakapamulsa at hawak ang sinasabit na bag sa likod ng balikat. 

Then I remembered Merelle in his actions.

"So you like talking to yourself now, pretty girl?" He raised his brow, insulting me. 

I looked down, hiding my frown. 

Bakit nga ulit ako dumaan sa hallway ng mga Grade 12?

Ah. Kasi mas malapit dito ang papuntang faculty. 

"It's quite weird of you, Irish." Reu chuckled. "Where's my favorite face, hmm? Why are you hiding it?" He touched my chin.

Mabilis akong napaatras sa biglaang interaksyon. Nagulat man sa kanyang ginawa, hindi ko ito pinahalata at pinanatili ang seryosong mga titig sa kanya, salungat sa gusto kong pag-iwas. 

He smirked and hid his hand inside his pouch. "There you are."

"Where's your spoiled Gregore, by the way?" 

"Faculty." I clenched my jaw. If Reu wasn't here, I'd definitely not give attention to Gualin.

Gualin playfully bit his lip. He knew what was on my mind. He saw that coming, but never commented about it. He then tapped Reu's shoulder. Reu looked at him over his shoulder and then raised his brow. 

"Thank me later, Reu." 

"Gualin." I called, but he never looked back. I hissed.

"Interesting." Reu looked at me with his playful eyes. Naglakad siya, kamay sa dalawang bulsa, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, pinalibutan at huminto ulit sa aking harapan. Unti-unting nilapit niya ang mukha sa akin. 

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tinagilid ang ulo. This...This Loureus Zariel Maurus III!

Tumama ang kanyang baba sa banda ng aking tenga. I had goosebumps when he chuckled. Naramdaman ko ang kanyang hininga sa bandang likod ng tenga ko, kaya unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng aking mga pisngi at leeg.

He was too close!

"First name basis? Really, Irish? You call him that?"

I stepped back. 

Umayos naman siya ng tayo at hindi parin nawawala ang laro sa kanyang mga mata. Habang ako, iniiwas ang tingin at pilit na pinapakalma ang pusong hindi normal ang tinitibok.

Walang direktang tinging hinawakan ko ang inaabot niyang sariling bag. Naramdaman ko naman ang pag patong niya ng isang susi sa taas ng mga librong niyayakap ko. 

"Don't include the Physics." He said coldly before he walked away.

Ito ang totoong kulay niya.

Ilang sandali pa, walang imik akong pumunta sa locker ng grade 12 at hinanap ang kanya sabay binukas dito. Napatigil lamang ako sa pagkuha ng kanyang mga kagamitan nang nakita ang nakadikit na larawan sa likod ng pintuan nito.  

This...

Then I remembered my conversation with Merelle a few years back.

"I think Reu got a crush on you, Ery." She nodded like she was so sure of her words.

"You are mistaken." Sabi ko naman habang tinitignan ang likod ng lalaking kakaalis lang matapos akong harangan sa corridor.

"I can see it in his eyes! He likes you! Look." She smiled and showed me her phone. 

Isang larawan na kinuha ilang sandali lamang ang nakalipas. Si Reu ay nakayuko, nakatingin sakin habang nakangisi. Dumepina ang tangos ng kanyang ilong at ang mahaba at makapal niyang mga pilik mata dahil sa anggulo ng pagkuha. Bagsak at bakas pa ang tubig na tumutulo sa dulo ng iilang hibla ng buhok sa kanyang mukha. Habang ako naman ay inaabot ang panyo ko sa kanya, hindi nakatingin dahil ang buong atensyon ay sa paper bag na kanyang binigay. 

"Anong laman?" Nginuso ni Merelle ang hawak kong paper bag.

Napatingin ako rito bago seryosong inilagay sa sariling bag. "His dump clothes, of course." 

  Humagalpak siya ng tawa. "Akala ko chocolates."

"I don't like sweets, anyway." 

Suminghap siya at napatakip ng mga labi gamit ang dalawang kamay. 

Umiwas ako ng tingin. Ang OA. 

"So you like his dump clothes, then?"

Disgusting.

"I'm their servant. Merelle." Mariin kong saad, nagbabakasakali na huminto na siya kakaputak.

"Katulong ka ni Gregore, Ery. Kaya bakit ka inaalipin ni Loureus at bakit ka naman nag papaalipin sa kanya?" Ngumisi siya at pinagdikit ang mga hintuturo, sabay nguso na parang hahalik. "You like him too? Law of attraction ba? The law of lust? The law of affection?"

"His father is my boss. He can fire me in just a snap of his fingers if there's news that I disrespect one of his sons."

"Psh. Why respect him when he can't even respect you?"

Totoo nga. Hindi lahat ng tao ay nakakaintindi ng batas ng kalikasan. At...bakit naman yuyuko ang nakakataas sa mababa? Why would he respect me when I was just their servant?

"Is that enough reason to lose my patience and give up my humility?" I tilted my head. "Should I pay evil with evil deeds or should I pay evil with kindness? Which one is righteous, Merelle?"

"Still..."

Umiling ako. "There's no point in complaining. Better do it and endure. At isa pa...hindi mo naiintindihan dahil gusto mo lang tingnan iyong nakikita ng mga mata mo."

 Bumuntong hininga siya.

"Anong gagawin mo riyan?" 

"Why do you care?"

Tumaas ang kilay ko.

"That's our photo, Merelle. I deserve to know."

Umikot ang kanyang mga mata. "Ibebenta ko, syempre! Hindi ako fan ng love team niyo, no. Ang cheap ko naman pag gano'n."

"Walang bibili niyan. Delete it right now." Matalim ko siyangg tinitigan nang mas lalo siyang ngumiti ng pagka tamis tamis.

"Sinong nagsabing mayroon ba? Hindi naman mabebenta mukha mo, eh. And I'll photoshop this, don't worry. Buburahin ko ikaw at ilalagay ko ang mukha ng mga patay na patay kay Loureus." She winked at me. "Isn't that amazing?"

Tumalim ang tingin ko.

She kissed her phone's screen. "Marami naman akong pera nito! lalong lalo na kagagaling lang sa shower ang ibebenta ko. Hehe. Sarap naman sa eyes at sa bulsa." Napatingin siya sa akin nang hindi ako nagkapagsalita. "Because you keep on insisting na wala siyang gusto sayo, at ikaw din sa kanya...Then wala kang karapatan magreklamo sa gagawin ko rito. Your lost, Ery. You lost dollars, my friend."

"Why you have this photo..." May kalumaan na ito, ngunit walang bakas ng pagpapalit ng mukha ko tulad ng sinabi ni Merelle dati. Parehong pareho parin ang litrato mula sa pagkakaalala ko.

At tulad sa dating alaala, ganun pa rin ang aking sagot, gano'n pa rin ang aking iniisip sa anak ng bilyonaryo.

He wanted to play...To play with me, but never like me. Para sa kanya, isa akong laruan na pag nag sawa siya, maaari na niyang bitawan. I amused him, and as long as it stays that way, I'll be his cup of tea.

Everyone thinks that Loureus is in love with me. But they need to think again. Dahil sa mga tulad niya, I am just a puzzle. A puzzle that needs to be solved. An egg that needs to be cracked. He is just curious because I am not like the other girls. Seldom smile, seldom speak, seldom showing an expression, and most especially, hindi ako kailanman nag  pakita ng interest sa kanya.

Gano'n lang naman ang tao, eh. Pag hindi nakuha ang gusto, pinipilit paring gustuhin. They want the thrill...they depend on their feelings. They just want the ride, not the destination.

 And so, never ever be confused because being curious is far different from being in love. If you want to protect your heart, you better understand the difference between reality and fantasy. 

"A master is not for a servant. Not today...not tomorrow...and never will be.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status