Share

La Bellezza e il Vampiro
La Bellezza e il Vampiro
Author: Seirinsky

Prologue

Napaiyak ako dahil sa marahas na pagkaladkad sa'kin ni Tiya Tonya, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin kanina ay pinasuot niya ako ng bestidang pula na lagpas lang sa tuhod ko sapilitan iyon kahit hindi ko gusto ay napilitan ako dahil sampal at sabunot lang ang natamo ko mula sa kanya.

At ngayon ay nasa tapat kami ng isang bar dito sa bayan dito niya ako dadalhin naalala ko ang anak ng kapit-bahay namin yong dalawa nitong anak ay dito sa casa nagtatrabaho at marumi ang trabahong mayroon sa lugar na ito kaya labis ang kaba na nararamdaman ko.

"Mula ngayon dito ka na magtatrabaho!" Umiling lang ako kay tiya at umiyak.

"Ayoko po tiyang parang awa niyo na po." Kumapit ako sa kanya pero pinalo niya lang ang braso ko dahilan para mapaigik ako dahil sa sakit, kanina ay nakatamo na rin ako ng ilang palo kaya medyo namamaga na ang mga braso ko.

"Ikaw ang pambayad utang ko kaya ikaw magtino ka dito!" Bulyaw pa niya. "Malaki kikitain mo dito." Dagdag pa niya saka ako muling kinaladkad papasok. Sarado pa ang bar dahil maaga pa pero pinapasok na kami ng lalaki na nakangising nakatingin sa akin.

Kinilabutan ako at takot dahil mukhang ito na ang magiging kapalaran ko, katulad ng ina ko na iniwan ako sa poder ni Tiya Tonya.

"Naku! Ito na ba ang pamangkin mo Tonya?" Isang bakla na puno ng kolorete ang mukha ang sumalubong sa amin at may hawak pa siyang sigarilyo at pamaypay kilala ko siya dahil siya ang may-ari ng bar na ito at isa ring bugaw.

"Oo ito na siya kaya ikaw na bahala dito porsyentuhan mo ako pagkumita na ito ha!" Nagtawanan sila matapos ng napagkasunduan nila.

"Sariwa at magandang bata ito wala ba siyang lahi?" Hinawakan ako ng bakla at sinuri napayuko lang ako at umiwas sa hawak niya.

"Naku malamang ang ama niyan ay isa sa mga naging suki noon ni Esmeralda." Napatingin ako kay tiya alam niya kung sino ang ama ko pero hindi naman nila masabi sa akin nakayuko lang ako habang nasa mga paa ko na may tsinelas na pudpod na dahil sa luma nito kahit nga tsinelas ay hindi ako makabili dahil hindi naman ako nabibilhan ni tiya hiningi ko nga lang ito sa kaklase ko.

Awang-awa ako sa sarili ko ngayon dahil sa magiging kapalaran ko.

"Oh! Siya ito na ang sampung libo na bayad ko." Napatingin ako bigla ng abutin ni tiya ang kumpol ng pera.

"Yan pauna pa lang yan kapag kumita na itong pamangkin mo dadagdagan ko pa yan." Muling bumalong ang luha sa mga mata ko dahil sa narinig ko binenta talaga ako ni tiya.

"Hoy! Ikaw umayos ka kikita talaga ako sa iyo kaya pagbutihin mo kung gusto mo makabili ng mga gusto mo ay magtino ka dito!" Ipinasa na niya ako sa bakla at kaagad naman ako nitong kinaladkad papasok sa bar nagtangka pa akong kumawala sa kanya pero lalo lang niyang diniinan ang pagkakahawak sa braso ko dahilan para mamilipit na ako sa sakit.

"Nasaan si Lorna!" Malakas niyang sigaw sa loob napatigil ang ilang tao na nag-aayos ng mga upuan at tinawag rin ang pangalan ng kung sino man iyon.

"Madam nandito po ako." Sulpot ng isang magandang babae na lumabas galing sa isang kwarto, agad siyang tumingin sa akin at muling bumaling sa bakla na nakahawak sa braso ko

"Paliguan mo yan at ayusan mo magagawan naman siguro ng paraan yang mga pasa sa katawan niya diba?" Sunod-sunod na tumango ang babae at saka ako giniya pero ramdam ko ang dahan-dahan niyang paghawak sa akin.

"Halika na akyat tayo." Malumanay niya turan.

Hindi ako nakaramdam ng takot sa hawak niya para pa nga na iniingatan niya na mapadiin ang kamay niya sa braso ko.

"Diyos ko! ano ginawa nila sa iyo." Napatingin ako sa babae na nakatingin ngayon sa braso ko na namumula at nangingitim na rin.

Napatingin ako sa braso ko na nangingitim saka ako napayuko.

"Halika paliliguan kita at ng magamot ko ang mga pasa mo." Inakay niya ako sa isang banyo na maraming nakalagay na iba't ibang sabon iyon kasi ang pagkakaalam ko dahil minsan ko na itong nakita sa telebisyon.

Pinaliguan nga niya akong buong ingat binihisan kahit hindi niya ako kinausap pa mula kanina umiiyak lang ako at hindi ko na alintana kung n*******d man ako sa harap niya wala naman na akong magagawa pa.

Ang huli niyang sinabi kanina matapos niya akong paliguan at gamutin ang mga pasa ko ay nalulungkot siya para sa akin dahil kagaya niya magiging tulad rin sa kanya ang kapalaran ko.

Ang maging isang GRO dito sa bar at lalo ko iyong ikinatakot ng husto alam ko kung ano iyon at hindi ko mapigilan ang pag-ampat ng luha sa mga mata ko.

"Nakahanda ka na! Ngayon magsisimula kang magtrabaho!" Kinaladkad ako ng bakla pababa at kita ko ang dami ng mga tao mula sa patay-sinding mga ilaw, sa gitna naman ay ang mga babaeng mahinhin na gumigiling na halos wala ng saplot sa katawan nakapalibot dito ay halos mga lalaking nagtatapon ng pera sa mga babae at ang kanta na masakit sa tenga dahil masyado itong sensual.

Ganito kasi ang palabas sa telebisyin na napanood ko na kaya hindi ako makapaniwala na totoo pala na may ganitong lugar.

"Ikaw ang gagawin mo lang ay gumiling ng konte." Napayuko ako sa sinabi ng isang babae itinabi niya ako sa mga nakahilerang babae na gumigiling-giling ang katawan.

Napakislot ako ng may lalaking lumapit sa akin.

"Hey! I like you can you come to my table?" Isa siyang amerikano base sa pananalita niya buti na lang at nakakaintindi ako ng ingles.

Hindi ako umimik at sa takot ko ay umatras ako pero bigla niyang hinigit ang braso ko kaya napaigik ako sa sakit. Lagi na lang ang braso ko sa palagay ko ay ito ang unang bibitaw sa bahagi ng katawan ko.

"I said go to my table now!" Sigaw na niya kaya napatingin na ang ibang tao.

"Ayoko po." Tuluyan na akong napaiyak dahil sa takot hahampasin na sana niya ako pero may isang lalaki na pumigil dito at siya ang sumuntok sa lalaki.

Napapikit ako dahil parang nahilo ako marahil dahil sa takot pa rin ang nararamdaman ko.

Ang mga sumunod na sandali ay hindi ko na masyadong namalayan pa ang narinig ko lang ay ang limang milyon na sinabi ng lalaki at ang matinis na hiyaw ng bakla ang pagpangko ng lalaki sa akin ang huli kong naalala bago ako lupaypay na nakasandig sa malapad na dibdib ng lalaking nagligtas sa akin.

Nagising ako sa isang malambot na kama at napatingin sa paligid hindi ko maigalaw ang kaliwa kong braso dahil namamanhid ito.

Naalala ko ang nangyari kung paano ako kinaladkad ni tiya sa bar at ang muntik ko ng ikapahamak doon.

Kung hindi dumating yong lalake ay baka napahamak na ako ng tuluyan.

Akma na ako na babangon ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na n*******d baro lang kaya napatingin ako sa ibang direksyon.

May tuwalya ito sa ibabang parte ng katawan niya marahil ay sa banyo ito galing.

"Gising ka na pala." Narinig ko na sabi nito kaya napatingin ako dito na nagbibihis na at lumapit siya sa akin.

"Nasaan po ako?" Mahina ko na tanong dito na nakatingin lang sa akin.

"Nandito ka sa hotel na inuukopa ko." Maikli lang nito na sagot kaya napatango ako.

"Ginamot ko ang braso mo na nangingitim na." Sabi niya saka umupo sa tabi ko at kinuha ang braso ko at dahan-dahan na may tinanggal dito dahilan para maging magaan ang pakiramdam ko.

Naigagalaw ko na rin kaya nakahinga ko ng maluwag.

"Bibili lang ako ng pagkain at damit mo sa baba kaya hintayin mo lang ako dito." Seryoso niya na turan kaya napatango lang ako sa kanya.

Napatingin ako sa paligid at para akong nakahinga ng maluwag dahil nakaalis na ang lalaki.

Nakakaintimida ang prisensya ng lalaki at hindi ko alam kung sino ito gayong nagpapasalamat pa rin ako dahil niligtas niya ako sa tiyak na kapahamakan.

Hindi naman ako naghintay ng matagal dito at pagbalik nito ay may dala na ito dalawang malaking paper bag ang isa ay pagkain ng ilabas niya ito at ilapag sa lamesa at ang isa ay binigay niya sa akin.

"Damit mo iyan sa tingin ko ay kasya na iyan sa iyo." Napatango ako at nagpasalamat.

"Maligo ka muna bago tayo kumain." Utos niya kaya napatango lang ako.

Sinunod ko na lang siya at pumasok sa isang pinto kyng saan siya lumabas kanina kaya napahinga ako ng malalim.

Maganda ang loob ng banyo at may mga gamit pambabae inilabas ko ang damit sa paper bag at namula ako ng makita ko na may dalawang pares ng panloob.

Isang simpleng bestida ang napili ko pero pagkakita ko sa presyo ay binawi ko ang simpleng salita dahil napakamahal nito nagdadalawang isip ako kung isusuot ko ito o hindi pero naligo na lang ako at isusuot ko na lang ito baka magalit sa akin ang lalaki at ibalik ako sa bar.

Ayoko ng bumalik doon kaya nagmadali akong maligo at magbihis ng matapos ako ay lumabas na ako ng banyo.

Nakita ko ang lalaki na nasa terrace at may kausap yata sa cellphone pinatong ko ang paperbag sa kama at tinuyo ng tuwalya ang buhok ko.

Ano kaya ang kailangan niya sa akin bakit kaya niya ako tinulungan kagabi? Ito ang mga tanong sa isip ko.

Nagulat ako ng pumasok ito at nagkatinginan kami saka siya lumapit sa akin.

"Kumain na tayo at aalis tayo agad." Seryoso niyang turan kaya napatango ako.

"Ako nga pala si Ralph Rienhart isipin mo na lang na niligtas kita kagabi sa bar na iyon at isasama kita sa bahay ko." Kaswal niyang turan kaya napatango ako nakita ko ang itim niyang hikaw at ang tila peklat sa kaliwa niyang pisngi pahaba ito.

Gusto kong magtanong kung ano ang nangyari dito pero hindi ko na lang tinuloy.

"Anong pangalan mo?" Napatingin ako sa kanya ng magtanong siya habang kumakain kaya lihim akong napangiti akala hindi na niya tatanungin.

"Emilia Vicente po ang pangalan ko." Magalang ko na sagot kaya napatango lang ito at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Alam ko na mabuti siyang tao dahil kung hindi ay baka napahamak na ako kagabi pa kaya nagpapasalamat ako na nakilala ko siya.

Pero ang akala ko na maayos kong buhay kasama siya ay hindi pala dahil dito ko nakita ang isang bahagi ng ugali niya.

Kalbaryo pala na doble ang dadanasin ko sa lalaking nangako sa akin na hindi na ako masasaktan kailanman pero bakit araw-araw akong umiiyak at nasasaktan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status