Share

Chapter four

Ilang araw matapos ang nangyari sa akin ay marami akong nalaman sa mansyon na ito.

Kay Ralph at Kuya Victor na bampira rin noong una ay nahihiya siya sa akin pero kalaunan ay nagihing kumportable na siya.

Lalo na at alam ko na ang pagkatao nila yon nga lang ay kinailangan na burahin ni Ralph ang alaala ni Belinda at Nanay Bening dahil nasaksihan nila ang nangyari sa akin.

Magaling na rin ang sugat sa leeg ko at ang bumakat na kamay ng kapatid ni Ralph kaya nakahinga na ako ng maluwag.

Pero hindi pa rin maalis sa akin ang trauma lalo na kung maliit ang espasyo ng paligid ko at madilim dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga.

Lagi na rin na nandito sa mansyon si Ralph at dinadala na niya ang trabaho niya rito.

Nakapaglibot na rin ako sa buong lupain ni Ralph bukod dito sa mansyon niya ay mayroon rin pala siya napakalawak na lupain at lahat ng iyon ay taniman ng mga iba't ibang prutas at gulay.

Katulad nong unang beses akong dinala rito ni Ralph yong mga na daanan namin ay bahagi ng lupain niya.

Kulang ang isang araw para libutin ang buong lupain nito.

Araw-araw rin ay may dinadal na prutas at gulay dito si Ralph at hindi na ako sa paso nagtatanim ng okra at talong.

Kundi isang lupain ang pinataniman niya ng mga gulay na halos ang buong gulay sa bahay-kubo ay nandoon na.

"Lia halika na naghihintay na si Master Ralph." Tawag sa akin ni Belinda kaya agad kong inayos ang suot ko at napangiti ako sa sarili ko.

"Nandyan na po tapos na ako." Sabi ko sa kanya saka ko sinukbit ang bag ko at lumabas ns ng kwarto.

Nakaabang sa akin si Belinda na nakangiti at napanganga sa suot ko.

"Ang ganda-ganda mo talaga." Mangha niyang turan kaya napangiti ako at inakay na siya pababa ng hagdan.

Ngayong araw ay may pupuntahan raw kami ni Ralph iyon ay ang magiging eskwelahan ko.

Kung na saan man iyon ay hindi ko alam pero nasa bahagi lang raw iyon ng lupain ni Ralph kaya nagtataka man ay tumango na lang ako sa kanya.

Pagbaba ko ay nasa bungad na ng hagdan si Ralph at nakangiti akong nilapitan at hinalikan sa pisngi.

"Parang ayoko ng dalhin ka sa eskwelahan mo." Bulong niya kaya bahagya ko siyang tinulak dahil nandito si Belinda sigurado ako na tutuksuhin na naman ako nito mamaya.

"Halika na excited na ako na makita ang eskwelahan kung saan ka nagtuturo." Sabi ko sa kanya napatawa siya.

"Kayo na muna ang bahala dito Belinda babalik kami mamayang hapon na." Sabi ni Ralph kay Belinda na nakangiti na tumango saka kami lumabas ng bahay.

"Hindi ka ba magtatanong anong klaseng lugar ang pupuntahan natin?" Tanong ni Ralph habang nasa byahe kami si Kuya Victor ang nagmamaneho.

"University maraming estudyante maingay at maraming libro." Masaya ko na sagot sa kanya pero natigilan ako ng maalala ko na bampira pala si Ralph kaya nanlalaki ang mata ko na tumingin sa kanya.

"Wag mong sabihin na Vampire Academy ang papasukan ko?" Kinakabahan ko na tanong sa kanya kaya napatawa siya at tumango kaya napayakap ako sa kanya.

"Pwede ba ako don?" Tanong ko sa kanya kaya tumingin siya sa akin.

"Pwede ka doon dahil ipakikila kita sa mga kapatid ko." Napatingin ako sa kanya at nagtataka dahil naipakilala na niya sa akin ang kapatid niya.

"They are my brother by blood Emilia kasama ko na sila mula noon at matagal ko ng pinagkakatiwalaan." Sabi niya kaya napatango ako sa kanya at hinawakan na lang ng mahigpit ang kamay niya.

Matapos ang ilang minuto na pagtakbo ng sasakyan ay namangha ako ng dumaan kami sa isang tulay at tumambad sa amin ang isang napakalaki ulit na gate kaya napatingin ako kay Ralph.

"Wellcome to my castle my beloved this is the only place that my kind is free to the world." Napatitig ako sa mga mata ni Ralph na nagiba ang kulay ng mga mata namangha ako ng makita ko ang napakatingkad na kulay bughaw niyang mga mata.

Nang makababa kami ay dito ko naramdaman ang tila pamilyar na presensya ng lugar at ang kakaibang pakiramdam dito sa dibdib ko kaya napahawak ako dito.

"Kamahalan maligayang pagdating." Napatingin ako sa isang lalake na nakasalamin at nakalagay ang kanan na kamay sa dibdib.

Napatingin siya sa akin at hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko dahil parang gusto ko siyang yakapin kaya kusa na lang na lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

Halatang nagulat ito pero gumanti siya ng yakap kaya napaiyak ako tila napaka pamilyar niya sa akin kaya hindi ko mapigilan ang hindi maiyak.

"Maligayang pagdating mahal na prinsesa." Bulong niya pero bigla na lanh na may kumuha sa akin sa lalake at naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Ralph.

Kaya dito ako natauhan at nahihiya na napayuko na lang.

"She remember me Ralph my little sister remember me." Narinig ko na turan ng lalake kaya napatingin ako sa kanya.

"Ralph sino siya?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Emilia this is Enrique one of my brother." Pakilala niya sa lalake kaya napatingin ako dito at bahagyang ngumiti dahil nahihiya pa rin ako dito dahil sa ginawa ko na pagyakap sa kanya.

"Ralph nandito ka na pala." Napatingin ako sa lalake tatlo sila na halata ang gulat sa mga mukha na nakatingin sa akin kaya inakbayan ako ni Ralph at lalong pinalapit sa kanya.

"Yeah i already found her my queen." Sabi ni Ralph sa kanila kaya nagulat na lang ako ng sabay-sabay silang napamura at halata ang gulat.

"I can't believe it Ralph!" Sabi ng isa sa kanila.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kilala ako ng mga kaibigan ni Ralph at halata ang saya sa kanilang mga mukha.

Nandito kami ngayon sa opisina ni Kuya Enrique at inaayos ang papeles ko sa pagpasok ko dito.

Teacher pala siya dito at si Gael, Rowan at Andrei ay estudyante na magiging kaklase ko raw at nasa labas sila, kanina ay nandito sila pero dahil nahihiya ako sa kanila dahil nakatingin lang sila sa akin ay pinalabas sila ni Ralph kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Your on class c and this will be your schedule from now on." Inabot sa akin ni Kuya Enrique ang papel na ginawa niya at tinignan ko ito.

Apat lang ang subject ko at tig- kalahating oras lang ang bawat klase ko at dalawa sa umaga at dalawa sa hapon.

"Bakit masyadong maaga?" Napatingin ako kay Ralph na nakatingin sa papel na hawak ko.

Alas otso ng umaga ang una kong klase at alas otso i medya ang pangalawang klase. Ang natitira na oras hanggang alas dose ay pahinga at ala una hanggang alas dos naman sa hapon.

Wala naman problema sa akin ang oras ng klase ko kaya nagtataka ko na tinitigan si Ralph.

"Tanghali na ang alas otso ng umaga Ralph kaya wag kang mag-reklamo sa oras." Seryoso na turan sa kanya ni Kuya Enrique kaya napatango ako.

"Pwede mong gawin ng alas nuwebe?" Giit pa ni Ralph kaya hinawakan ko siya sa braso kaya napatingin siya sa akin.

"Wala naman problema sa akin ang oras kaya ayos lang maaga naman akong nagigising." Sabi ko sa kanya kaya napatingin ako kay Kuya Enrique at ngumiti sa kanya.

Parang hindi siya makapaniwala na mapapapayag ko si Ralph dahil tumango ito sa sinabi ko.

"I can't believe this the great king is nodding on my little sister over his stuborness." Bulong nito pero narinig ko pa rin kaya sininghalan lang siya ni Ralph kaya napangiti ako.

"The three of you will be my beloved bodyguard and will keep an eye to her understand!" Nakatayo ng tuwid si Andrei, Rowan at Gael sa harap namin at sabay-sabay silang tumango kaya parang gusto kong matawa kaya lang baka pagalitan ako ni Ralph.

"Yes King Ralph!" Tugon nila kaya napailing na lang ako.

Bukas ay magsisimula na ako sa klase at kinakabahan ako pero dahil nandito ang mga kaibigan ni Ralph ay wala akong dapat na ika-pangamba.

Nakaupo ako dito sa silid namin ni Ralph at tinitigan ang libro na binigay sa akin ni Ralph sabi niya ay kung gusto kong malaman o maintindihan ang lahi na pinanggalingan niya ay basahin ko lang ito.

Isa itong malaki, makapal at lumang libro na kakaiba ang pabalat itim at sa gitna ay may nakasulat na 'CARTEA VAMPIRILOR' sabi ni Ralph ay ibig sabihin nito ay Book of the Vampires kaya muli ko itong tinitigan.

Kinakabahan pa ako na buksan ito kaya hinaplos ko lang ito at kakaiba ang pakiramdam ko sa bagay na ito.

"Hindi mo ba babasahin?" Napatingin ako kay Ralph na lumabas mula sa banyo at namula ako ng nakatuwalya lang siya at bagong ligo habang nagpupunas ng buhok niya na basa.

Napayuko ako at napatitig na lang sa libro pero naramdaman ko siya sa likod ko kaya kinabahan ako at ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Emilia?" Tanong niya kaya agad akong napatingin sa kanya pero malapit pala ang mukha niya sa akin kaya halos magdikit ang mga labi namin at naaamoy ko ang mabango niyang amoy ang sabon na siyang ginagamit ko rin.

"Magbihis ka muna pwede?" Bulong ko sa kanya kaya napatitig siya sa akin pero ngumiti siya at mabilis akong hinalikan sa labi sa gulat ko.

Napatingin na lang ako sa kanya at pumunta sa walk in closet para magbihis at ako ito halos malagutan ng hininga.

Nahaplos ko na lang ang dibdib ko sa ginawa ni Ralph at napangiti rin dahil hindi naman masama sa pakiramdam ang nararamdaman ko.

Binuksan ko na lang ang libro at dito ay may nalaman ako ang una kong nakita ay ang orihinal na pinagmulan ng kanilang lahi.

Ang kauna-unahan na bampira na nabuhay sa mundong ito si Absalom the Great o mas kilala sa pangalan na Count Dracula sa ibang libro na nagawa noong panahon niya.

Mangha ko itong pinasadahan ng tingin at muling nagbasa.

Ang unang bampira na nabuhay rito ay isang ordinaryong tagasunod lamang sa templo ng diyos na si Hades ang hari ng Tartarus o mas kilala sa tawag na impyerno.

Isang pinakamakapangyarihan na babaylan ang sumumpa dito dahil umibig ito sa anak nito.

Ipinagbabawal noong panahon na iyon ang magkaroon ng kaugnayan ang isang ordinaryong tao sa mga nakatataas na babaylan kaya ganun na lang ang galit nito Absalom.

Gusto nitong maging imortal kaya ginawa nito ang lahat para mapaibig niya ang anak ng isang nakatataas na babaylan.

At hindi ito nabigo dahil nakuha niya ang gusto niya kapalit nito ay ang walang hanggan niyang buhay sa mundong ito.

Sinara ko na ang libro dahil marami na akong nalaman dito nakakatakot pero marami akong natuklasan.

Nakita ko si Ralph na nakabihis na at lumapit sa akin.

"Ralph totoo ba ito?" Tanong ko sa kanya ng umupo siya sa tabi ko kaya kinabig niya ako palapit sa kanya.

"Totoo man o hindi ay hindi na nito mababago ang kapalaran namin na ganito na kami at ang sumpa na ito ang dahilan kung bakit kinailangan namin na magtago sa mga ordinaryong tao." Mahinang turan ni Ralph kaya napatitig ako sa kanya at muling napatingin sa libro.

Marami pa akong matutuklasan sa mga bampira pero ayokong madaliin dahil nandito lang ito.

At kay Ralph kung bakit nila ito tinatawag na hari o kamahalan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status