Share

CHAPTER 1

Alexa's Point of View

NAPATINGIN ako sa nakasaradong pintuan ng aking kuwarto nang marinig ang tatlong katok mula sa labas. Isinara ko ang binabasang libro habang nakaupo sa ibabaw ng aking kama. Tinanong ko ito kung sino habang nakatuon ang aking mga mata sa bumukas na dahon ng pinto.

"Ma," usal ko nang makita si mama Maribel na bahagyang ngumiti nang pumasok, "bakit po?"

"Mabuti at gising ka pa, anak," tugon niyang lumapit matapos isara ang pintuan. "Naka-abala ba ako?"

Humalik ako sa pisngi niya. "Hindi naman, Mama. Binabasa ko lang ang book na bahagi ng lesson namin bukas sa Science. May sasabihin ho kayo?"

Tumango siya. Sumiryoso ang mukha. Bigla naman akong kinabahan dahil sa reaction niyang iyon. Lalo na nang hawakan niya ang isa kong kamay.

"Kinabahan naman ho ako," sabi ko na pinilit ngumiti. "Is it a serious matter, Mama?"

"Mafia..."

Nangunot ang noo ko dahil sa narinig na word. Mafia?

"Ano ho ang tungkol sa bagay na 'yan, Mama?"

Tinanong niya ako kung may alam tungkol sa bagay na ito. Sinagot ko naman siya na may nalalaman ko about mafia. May nabasa na kasi akong libro tungkol sa bagay na ito at ang totoo ay nagkaroon ako ng konting interes dito.

"Ang pagkakaalam ko ho sa mafia ay isang clandestine o lihim na criminal group, na ang sabi ho ay laganap na rin dito sa ating bansa," sabi ko kay Mama na ibinase sa aking nabasa. "Ito ho ang gang na nakatuon sa organisadong krimen. Ang ugnayan ho sa pagitan ng mga miyembro ay pinamamahalaan ng tinatawag na "honor code" at ang paglabag dito ay madalas daw ho na ang parusahan ng ibang mga miyembro ay kamatayan..."

Tumango-tango si Mama at halatang nauunawaan ang sinabi ko. Naglaro tuloy sa aking isip na may alam talaga siya tungkol sa mafia.

Bakit? Inalis ko muna sa utak ang malaking katanungang iyon. Ipinagpatuloy ko ang  nais ko pang sabihin habang tuwid na nakatitig sa mga mata niya.

"Ang Cosa Nostra ho at ang Camorra ay ang pinakamahusay na kilalang mga mafias sa Italya. Ang pinuno ng mga gang na ito ay kilala bilang isang don. Siya ang isa na sumasakop sa pinakamataas na lugar sa hierarchy ng samahan..."

Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga, saka nagpatuloy sa pagpapaliwanag.

"Mama, mayroong mga tsino na mafia, Japanese at Albania, na kabilang sa mga pinaka-mapanganib sa mundo. Ang operasyon nila ay naging sikat na kilala mula sa fiction..."

Ikinuwento ko na rin kay Mama na isang nobelista na si Mario Puzo, ang nagsulat ng 'The Godfather' at nagsaysay ng mga karanasan ng pamilya Corleone at ipinakita ang ilan sa mga aksyon na karaniwang isinasagawa ng mga gangster.

"Idagdag ko na rin ho, Mama," sabi ko pang siya naman ang hinawakan ko sa kamay. "Ang libro ho ni Mario Puzo ay inangkop para sa pelikula ni Francis Ford Coppola, kaya ang kuwento nito ay naging sikat sa buong mundo. Iyon ho ang dahilan kaya lalong nalaman ang tungkol sa mafias."

Nagulat ako ng biglang nagsalita si Mama. Hindi ko kasi inaasahan na may alam talaga siya tungkol sa bagay na ito.

"Anak, totoo na mayroon na dito sa bansa natin na mafias. At matagal na panahon na rin silang namamayagpag. May mga grupo nga na ipinagtatanggol ang mga interes nito at kumikilos sila ng walang mga pagdududa kaya tinatawag na rin silang mafia. Pero sa mga kasong ito ay hindi ito organisadong krimen. Bagama't tungkol sa mga aktibidad at pag-uugali na isinasagawa ng walang etika at labag sa batas ay ikinunsidera na rin sila ay mafias,  kahit nga may iba silang patakaran sa kanilang mga grupo!""

"Ang tinutukoy n'yo ho bang mafias ay dito sa bansa natin, Mama?"

"Oo, anak," tugon niyang tuwid na nakatitig sa aking mga mata. "At dahil ikaw ay eighteen years old na at alam kong nasa wastong pag-uugali na... higit sa lahat ay may lubos na pang-unawa ay ipaaalam ko na ang totoo..."

"Na ano po, Mama?"

"Ang Papa mo ay miyembro ng isang mafia!"

"Ho?" Nanlaki ang aking mga mata dahil sa pagkabigla. Hindi ako makapaniwala sa narinig pero isinigaw ng sarili kong utak na totoo ang sinabi ng aking Ina. "A-ang Papa ho ay isang--"

Calixto's Point of View

"MAFIA!" galit at madiin kong sabi sa harap ng isang miyembro ng aming grupo, na hawak sa magkabilang braso ng dalawang ko pang tauhan habang nasa likuran nila ang iba pa. "Mafia tayo at meron tayong batas na pina-iiral. Hindi mo sana kinalimutan ang bagay na iyon at hindi mo ginawa ang nangyari!"

"Boss, sorry. Talaga lang kamag-anak ko iyong taong iyon kaya pinalaya ko. Pinatakas. Hindi ko kasi kayang makita na patayin siya."

"Katrayduran ang ginawa mo, Paulo. Paglabag sa alituntunin ng ating samahan. Walang sino man ang hindi mananagot kapag gumawa ng hindi maganda sa ating samahan. Alam mo iyan..."

"Dapat siyang managot sa ginawang paglabag, boss," sabi ng isang lalaki sa likuran. "Bigyan siya ng parusa!"

Sinang-ayunan ng lahat ang sinabi nito. Magkakasabay pang nagsalita na dapat itong mamatay.

"Boss, maawa ka," sabi ni Paulo na nanginig ang boses. At kitang-kita kong pumatak ang kanyang luha. "Hindi ko na uulitin ang ginawa ko, boss. Patawarin mo ako. Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon."

Nagsigawan ang mga miyembro. Tumanggi ang mga ito at pinagpilitang dapat itong patawan ng parusa.

"Boss, baka dahil sa pinsan niyang pinalaya nitong si Paulo ay mapurnada ang ating mga transaksiyon," sabi ng lalaking nakahawak sa braso nito. "May posibilidad na magsuplong siya sa mga alagad ng batas!"

"Hindi niya gagawin ang bagay na iyon," umiiyak na sabi ni Paulo. "Hindi niya ako ipapahamak. Maniwala kayo. Maniwala ka, boss."

Umiling ako. Natuwa naman ang mga miyembro dahil sa ikinilos kong iyon. Ang iba ay sumigaw pa, na igawad ko na ang parusa.

"Dapat siyang mamatay!"

"Patayin ang traydor!"

"Parusahan!"

"Huwag!" sigaw ni Paulo. " Patawarin ninyo ako. Maawa kayo sa akin!"

"Hindi!" hiyaw pa ng ilan. "Walang dapat maawa sa iyo dahil traydor ka."

Nagtiim ang aking mga bagang, na itinutok kay Paulo ang hawak na baril. Dahil sa isinisigaw ng aking mga miyembro ay lalo akong nag-init. Tila nadarang. Kapag ganito ang sitwasyon ay lalo akong nai-ingganyo na gawin ang dapat bilang pinuno... at ito ay ang paggawad ng parusa sa nagkasala!

"Boss... huwag..."

Kinalabit ko na ang gatilyo ng aking baril. Dahil may silencer ito ay hindi umalingawngaw ang putok. Pero tumama ang bala sa gitna ng noo ni Paulo, na agad niyang ikinamatay. Bagay na ikinatuwa ng mga saksi na nasa loob ng aming tanggulan.

May mga tumulong sa dalawang lalaking nakakapit kanina kay Paulo nang ilabas ang bangkay niya, habang inihahatid ng tanaw ng ilan pang miyembro.

"Nakita ninyo," agaw ko sa atensiyon nilang lahat, "kung ano ang napala ni Paulo dahil sa pagiging traydor niya. Kaya pinangungunahan ko na kayo, na huwag ninyo siyang gagayahin. Huwag ninyong lalabagin ang batas ng ating samahan. Naiintindihan ba ninyong lahat?"

Korong sumagot ng 'oo, boss' ang mga ito. Tumango naman ako at ipinaalam sa kanila, na hindi ko kagustuhan ang ginawa kay Paulo kundi nakabatay iyon sa batas ng aming grupo bilang mafia.

"Kaya umaasa ako na walang sino man ang gagaya pa kay Paulo," seryoso ko pang paliwanag sa kanila. At tumugon naman silang lahat. "Okay. Wala na tayong transaksiyon ngayon at puwede na kayong umuwi."

Nang mag-isa na lamang ako ay umupo sa swivel chair. Pakiramdam ko pa rin ay nanginginig ako, na normal na sa akin kapag pumapatay. Ang totoo ay parang gusto kong ulit-ulit ang ganoong bagay, na sinisikap kong kontrolin.

Hindi ako mamamatay tao, hiyaw ng utak ko. Ginagawa ko lang ito bilang pinuno!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status