Dominic's POVHabang nandito ako at busy, sinusubukan kong i-hack ang tracker para malaman ko kung nasaan ba talaga si Zyrille, then I receive someone's message. Pansin mong gaya sa ibang mga nagtext sa aking mga unknown numbers, iba rin ang isang ito. Hindi ko ba alam kung iba't ibang tao ba talaga ang nagte-text sa akin or still the same person pero iniiba lang ‘yung number just to trick me. Pero may kutob din akong trip lang akong paglaruan ng kung sinong may pakana nito, akala niya o nila siguro na madali lang akong mauto at hindi ako nag-iisip.Zyrille's father got an email yesterday at nalaman din naming pati din pala ang Detective Organization ay pinadalhan din ng message na nawawala si Zyrille.I couldn't believe na aabot sa lahat ang nangyayari ngayon, pero hindi ako nagsisisi. Hindi ko pinagsisisihan na pinili ko si Zyrille, na mahalin ko siya, no matter what happen, I will still love her until death. I will still love her until my last breath. "Do you miss your precious
"Mga paki-elamero! Gusto niyo ba talaga akong kalabanin 'no?" Galit na sigaw ng isang lalaki na kanina pa nakatayo sa harapan ng dalawang taong nakagapos, nanghihina sa sahig.Out of nowhere bigla na lamang inihagis at itinulak ng lalaki ang isang mesa na nag dulot ng matinding ingay at lalo pang nagkagulo ang lahat. Mas tumindi rin ang kaba ng dalawang taong nakagapos, gusto nilang tumayo, lumaban ngunit sa sobrang panghihina hanggang tingin nalang ang kaya nilang magawa.Lalo pang nagalit ang lalaki dahil patuloy sila sa paglaban at pagsagot sa kanya."Wala kaming pakielam kung mamatay kami, at lalong hindi kita titigilan hanggang sa huling hininga ko! TANDAAN MO 'YAN!" sigaw ng isang lalaki habang nanggagalaiti sa galit. Siya ang isa sa mga nakagapos."Hindi namin papalagpasin ang lahat ng mga ginawa mong kasamaan at pagpatay sa mga tao rito, magbabayad ka!" sigaw naman ng isang babaeng nanghihina na ngunit pansin pa rin ang tindi ng pagkagalit n
ZYRILLE'S POV*GASP*Agad akong napabangon sa pagkakatulog dahil sa isang panaginip. Isang panaginip na tila totoo kung ito'y susuriin, kakaibang panaginip, ngayon lamang akong nakaroon ng panaginip na ito. Pinagpapawisan din ako at nanlalamig, tila hindi agad ako nakagalaw at hinihingal hingal pa dahil sa labis na pawis. Tumingin muna ako sa aking paligid at nasa kwarto pa rin naman ako, at akala ko'y nasa isang panaginip pa rin ako.Napapikit na lamang ako at humingang malalim sabay ayos sa aking buhok.Sa aking panaginip nasa isa akong madilim na lugar isang malaking kwarto na wala masyadong liwanag, may kasama akong isang lalaking hindi pamilyar ang mukha sa akin. Nakagapos kami, nanghihina, at ang nakakakilabot pa roon, ramdam ko ang panghihina ko kahit na nasa panaginip lamang ako.Pumikit muli ako at saka pilit na inalala ang panaginip ko, isa rin sa mga naaalala ko
Dominic's POV"Tapos na ang dapat pag-usapan, aalis na'ko, wala namang kwenta ang mga pinag-uusapan niyo, wala ring kakwenta-kwentang 'tong kausap ko," prangkang sabi ko sabay tayo, nagsasayang lamang ako ng oras para rito.Pagkatayo ko bigla agad ako hinarang ng mga malalaking taong kasama ni Leo, si Leo ay isang mataas na taong kinatatakutan ng ibang mga mafia dahil sa yaman at kapangyarihan niya bilang leader. Magaling siyang makipag-salisihan ng pakikipag-usap, kaya marami siyang naloloko.Pero sa lahat ng lolokohin niya, sinisigurado kong hindi ako iyon, mas lamang ako ng talino at galing sa stratehiya kaysa sa kanya, kaya hindi niya ako mauutakan sa kanyang mga salita, mas lalong hindi niya ako mahihigitan sa lakas dahil mas malakas ako kumpara sa kanya.Tingnan ako ng masama si Leo, at sabay biglang hugot niya ng baril mula sa kanyang pantalon at itinutok ito sa akin. My eyes darke
Zyrille's POVKakagising ko lang ulit, at una kong ginawa ay buksan ang bintana. Iba talaga ang ihip ng hangin kapag bagong gising, iba ang simoy ng hangin, ang sarap sa pakiramdam, ang gaan sa loob.Sabado rin ngayon kaya kailangan kong magpunta sa Training Center ng agency namin para mag-train bilang isang detective. Pero okay na rin 'yan, para may magawa rin ako kahit sabado ngayon at dapat ay nagpapahinga lang ako.Bumangon na rin ako at niligpit ang pinaghigaan ko, nag-toothbrush na rin at pumunta akong kusina nguniy napansin kong walang pagkain, napa-face palm nalang ako at napahingang malalim, lagi nalang akong inuubusan ng makakain, hmph.Mag-o-order na nga lang ako.Ay, 'wag nalang, mamaya nalang ako kakain after training para bongga 'yung gutom ko at makalamon ako ng maraming maraming sobrang dami.Magbibihis na muna ako, and for my beautiful
Zyrille's POVSa rami ng nangyari, nag-training lang ako at nagpapawis pagkatapos kumain at umuwi na rin ako pagkatapos. Masyadong nakakapagod ang araw na ito, nagpapawis lang ako, nagsisipa na lang ako ng punching bag at pinanggigigilan iyon sa sobrang inis ko sa nangyari sa akin kanina. Nagpapagod lang ako at umuwi na rin, wala rin ang trainor ko kaya saktong makakapagpahinga ako sa sobrang daming naganap ngayong araw, literal na gusto kong matulog. Nakatulog din naman ako agad dahil may pasok pa ako.- FAST FORWARD -Kakagising ko lang ngayon at nawiwindang ako sa alarm clock ko. Sinet ko ito ng 4am pero tumunog na ng 3:47am, grabe talaga parang nananadya, gusto ko pang matulog eh.Napa-face palm na lang ako at agad na bumangon. Isa itong araw na ito sa mga pinaka pinaghahandaan ko.Mag-aayos na ako para maghanda para sa eskwelahan ko. Mga gamit at mga susuotin ko sa aking bagong eskw
Zyrille's POV "Magandang umaga po," bati ko sa aking guro. Ngiting ngiti ako dahil unang klase ko ito, dapat magpa-impress ako, dapat marami akong maging kaibigan dito, pero dapat focus pa rin sa misyon. Wala dapat akong katakutan. Pero agad din iyong napawi nang batiin ko na sana ang mga kaklase ko, pumukaw agad sa mga mata ko ang pinaka-ayaw kong makasalamuha. "Ikaw na naman?" inis kong sabi sabay nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin. "Ikaw na naman?!" inis din niyang tanong sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Pati ba naman dito makikita ko siya? Shems, feeling ko kilala na niya ako ngayon. Baka sabihin pa niya na sinusundan ko siya. Aba, kapal ng mukha niya kung gano'n, tss. Baka maghinala ito agad. "Good morning din Ms?" tanong ng guro namin para mabaling ang atensyon ko sa kanya. Uma
Dominic's POV Nakatitig ako sa tatlong malaking bag habang naka-cross arms. "Ito na ba lahat 'yun?" tanong ko sa isang tauhang nasa harapan ko. Gagamitin ko ang mga ito para linlangin ang isang grupong kakausapin namin mamaya. Nagbebenta sila ng illegal na mga gamit at ginagamit iyon upang pagkakitaan at ibenta sa mga inosenteng mga tao. Kinukuha nila ito sa illegal na paraan kaya hindi ito tama. "Yes sir, all cases ay may kanya kanyang mga laman for exchange," tugon ng isang tauhan. Napansin ko ring habang nagsasalita siya ay nakatitig siya sa may lupa dahil nandito kami sa parking area, tumaas ang kilay ko dahil dito. Mukha ba akong lupa? Sino bang kausap ng hunghang na ito. Ganu'n ba ako kagwapo para hindi niya tingnan at baka maski siyang lalaki ay ma-inlove sa akin? Nakakapanghina naman. "Good, make sure na hindi 'yan madadaya 'pag pinadala 'yan doon, a