"PAKASALAN MO AKO. PANAGUTAN MO ANG BATANG DINADALA KO SA SINAPUPUNAN KO. SAGIPIN MO AKO SA PROBLEMANG IBIBIGAY KO SA LOLA KO SAKALING MALAMAN NIYA NA NILOKO LANG AKO NG LALAKING PINAGTIWALAAN KO. TATAPATAN KO ANG PABOR NA IBIBIGAY MO SA AKIN, MR. ANGELES. NAME IT AND YOU WILL HAVE IT."NASA bus na siya pauwi sa kanila pero hindi maalis sa isip ni Markus ang mga salitang iyon na binitiwan sa kan’ya ng amo niyang si Helena Montenegro. Paulit-ulit iyon na tila ba sumisigaw sa isipan niya. Na buhat kanina’y nakapagkit na sa utak niya.Ma-awtoridad. Hindi nakikiusap kun’di tila nag-uutos. Dahil ba empleyado lang siya nito? Dahil ba ang akala nito, kaya nitong bayaran ang kan’yang dangal? Na kaya nitong tapatan ng salapi ang kahirapan ng pamilya niya?Nagtagis ang bagang ng binata. Ngunit sa isang sulok ng puso niya, ay may bumubulong. Ang tinig din ni Helena.‘Pakasalan mo ako…’At parang ibig niya iyong sagutin ng ‘oo.’ Dahil kung ang pagbabasehan ay ang pagtatangi niya sa amo, gugustohi
ILANG oras nang nakahiga si Markus buhat nang makauwi siya mula sa pagkikita nila ni Helena pero hayon at hindi siya dalawin ng antok.Paano niya ba makakalimutan ang pinag-usapan nila ng among babae? Ang proposal nito sa kan’ya? Na kung sakaling tanggapin niya, ang kapalit noon ay kaginhawahan ng buo niyang pamilya.Tumayo si Markus. Inaninag sa pusikit na liwanag ang relo sa dingding. Pasado ala una na ng madaling araw pero sa halip nga na naghihilik na siya, heto at gising na gising pa rin ang kamalayan niya.Sinilip niya ang mga kapatid sa silid ng mga ito. Malungkot niyang pinagmasdang isa-isa ang tatlong kapatid. Nadama niya uli ang awa sa mga ito na katulad niya, mula nang isilang ay kahirapan na ang kapiling sa buhay.Kung sana ay natapos niya ang kolehiyo, disin sana’y mas maganda ang trabaho niya ngayon. Mas malaki ang suweldo. Hindi isang pipitsuging staff lang sa accounting department ng kompanya ni Helena. Maaaring doon din siya nagta-trabaho ngunit nasa may kataasang pos
“MAG-K’WENTO ka naman, oy!” ani Clarisa kay Markus nang magkita sila nito ng hapon na iyon. Sinadya ng binata ang kaibigan sa bahay ng mga ito para makumusta na rin ang nanay nitong may sakit. “Tungkol naman saan?” “Sa lakad mo kahapon. ‘Di ba, nagpunta ka sa bahay ng boss mo kahapon?” “Wala ‘yon. Trabaho lang.” “Kuu, ako nga’y ‘wag mong charutin, Markus! Trabaho lang, pinapunta ka pa sa mans’yon niya sa Alabang?” “Eh ano naman? Anong masama doon? Para kang si Aling Lora…!” “Aling Lora?” “Nanay ko! Maurirat!” Kinurot ni Clarisa si Markus. “Kasi naman, malihim ka na ngayon!” “Kailangan ba lahat ipaliwanag ko sa ‘yo? Dyowa ba kita?” biro ng binata. Lumabi si Clarisa. ‘Sana nga.’ Sabi ng isip nito. “Kumusta nanay mo?” “Okay naman. Kinausap ko si Aling Aning. Na umpisa bukas, samahan niya dito sa bahay habang nasa trabaho ako. Para mabantayan at maiwasang hindi na atakehin uli.” “Tama ‘yon. Mahalin mo nanay mo. Nag-iisa lang ‘yan.” “Naman! Kaya nga kahit nahihirapan na ako s
NANG magising si Doña Amanda ay ang magandang mukha ng nag-iisa niyang apo na si Helena ang bumungad sa kan’ya. Buong pagmamahal itong nakamasid lang sa kan’ya.“I-iha…” anitong nakangiti. Hinaplos niya ang pisngi nito.Si Helena nama’y hinaplos ang buhok ng matanda at kinintalan ito ng halik sa noo. “Kumusta na ang pakiramdam ng pinakamamahal kong lola?” malambing na saad ng dalaga habang matamis na nakangiti rito.“I’m fine, I’m fine, iha.” Masigla ang boses na sagot nito. “Pero, ano ba ang nangyari sa akin at nandito ako?” Inilibot pa ng matanda ang mga mata sa kabuuan ng silid.“You had a mild attack after your trip from Bicol, lola. But we don’t have to worry about it. According to your Doctor, napagod ka lang sa biyahe. Tamang pahinga lang daw para bumalik uli sa dati ang pakiramdam mo and at the same time, you’ll undergo some tests while you’re here para mabigyan ka na rin ng ibang meds and vitamins.”Tumango-tango si Doña Amanda. “Napagod nga siguro talaga ako, iha. Nanibago n
SA LOBBY ng ospital, nag-usap pa muna uli sina Markus at Helena bago nagpas’yang umuwi ang una. “Maraming salamat, Markus.” ani Helena na hinawakan pa sa braso ang binata. “I promise, you won’t regret it.” Napangiti ang binata. "Hindi na ako natahimik matapos ang pag-uusap natin, Mam…” “Helena, Markus. Helena na lang. Kahit sa papel lang tayo magiging mag-asawa, binibigyan kita ng karapatan na maging kaswal na lang sa akin.” Nakangiti si Helena. Halata ang labis na kasiyahan. “Kahapon pa, nakabuo na ako ng desisyon, H-helena. Pero kanina, nang makita ko kung paano ka nahihirapan sa pagbubuntis mo, at lalo na nang makita ko rin kung gaano kahalaga sa ‘yo ang lola mo, idagdag pang may sakit pala siya at hindi puwedeng bigyan ng mga alalahanin, mas tumindi ang hangarin ko na matulungan ka sa problema mo…” “Naaawa ka sa akin, ‘di ba?” Malungkot na napailing ang dalaga. “Ayoko sana ng kinaaawaan, Markus. But then, salamat sa simpatiya. And yes, tama ka. Napakalaking tulong ang gagawin
SA DATING restaurant na una nilang pinagtagpuan, doon uli humantong sina Markus at Helena kinabukasan matapos ang appointment ng huli na may kinalaman sa kan’yang kompanya ng araw na iyon.Nauna si Markus sa tagpuan nila. Medya ora na siyang nandoon nang dumating ang dalaga.“I’m sorry, Markus. I’m late. Kanina ka pa ba?” ani Helena na agad naupo sa harap ng binata.Nasa isang sulok uli sila ng restaurant na iyon. Doon sa hindi gaanong pansin ng iba pang mga kustomer.“Sobrang traffic din kasi at saka may dinaanan din kasi ako.” paliwanag ng dalaga.“Hindi mo kailangang magpaliwanag, M-ma --- ah, H-helena...!" Parang mahirap sanayin ni Markus ang sarili na tawagin ang mayamang amo sa pangalan lamang nito. "Okay lang ‘yon. ‘Di pa naman ako gaanong katagalan dito.”“Yes, but then, nakakahiya din na naghihintay ka sa akin. Teka, ba’t ‘di ka pa nag-order?” sinenyasan ni Helena ang waiter.“Okay lang ako. Busog pa naman ako, eh.”“Hmmnn…ayoko ng laging ‘okay’ lang, ha? Soon, hindi na tayo
GUMAWI sa tabing bintana si Markus. Tahimik na nanungaw doon. Waring nag-iisip nang malalim. Maya-maya ay humarap uli ito sa pamilya.“Gusto ko sanang umalis tayo rito.” anito. Seryoso.Napamaang ang dalawang matanda.“Alam kong pag-uusapan lang tayo sa lugar na ito kapag nagpakasal na kami ni Helena. Ayaw kong pati kayo ay malagay sa kahihiyan ng dahil sa akin.”Nagkatinginan sina Mang Berting at Aling Lora.“Matagal na tayo sa lugar na ito, anak.” Naisatinig ni Aling Lora.Tahimik lang si Mang Berting.Tumango-tango si Markus. “Pero ang bahay na ito ay hindi sa atin ‘Nay. Nangungupahan lang tayo rito at nakatirik ito sa lupang pag-aari ng gobyerno. Isang araw, babawiin ito ng gobyerno sa kasera natin at paaalisin din tayo rito.“Tutal, binigyan tayo ng pera ni Helena, at galing man iyon sa maling paraan, gamitin na lang natin ito sa tama. Upang sa ganoon, kahit sa pamamagitan lang noon, maging tama ang sitwasyon ng pamilya natin.“Si Elsa, college na sana kung ‘di nahinto sa pag-aa
NAKITA ni Markus ang labis na pagtutol sa anyo ni Helena nang sabihin niya rito kanina ang mga ‘kondisyones’ niya hinggil sa pagpapakasal nila.“Ayoko sana ng engrandeng kasal, Helena. Ang gusto ko’y sa civil lang tayo magpakasal. Sa harap ng Mayor o ng Judge. At pagkatapos ng kasal, ayaw ko rin na sa mans’yon ninyo tayo tutuloy. Hahanap ako ng maliit na bahay na titirhan nating dalawa at ng magiging anak mo…n-natin.”Napamaang si Helena. “B-baka hindi pumayag ang lola, Markus. Pinapangarap niya na makita akong naglalakad patungo sa altar. Na siya ang maghahatid sa akin. At --- gusto niya rin na kahit may asawa na ako, mananatili ako sa piling niya at hindi ko siya iiwan.”Napabuntong-hininga siya. Paano niya ba ipaliliwanag kay Helena na gusto niyang magreserba ng kahit kaunting respeto na lang sa pagkalalaki niya?“P-pero, once na nagkausap na kayo ni Lola, I’m sure, maiintindihan niya ang gusto mong mangyari, Markus.” bawi naman ni Helena pagdaka.Napatango siya. Tumawa pagkuwan. “