Share

CHAPTER FIFTY NINE

“INAASAHAN KO NA ‘TO…” wika ni Clarisa kay Helena sa loob ng pribadong opisina nito. “Alam kong magri-report ka uli rito para harapin ako. Kahit kung tutuusin, hindi na dapat sa gan’yang kalagayan mo.” Sa matigas na anyo’y pinagmasdan ng dalaga ang kabuntisan ni Helena habang sinasabi iyon. At para bang nasa kan’ya ang lahat ng karapatan na magalit gayong siya itong nakagawa ng lisya.

“Maupo ka, Risa. Para makapag-usap tayo ng maayos.” Matigas din ang anyo pero hangga’t maaari, gustong manatili ni Helena sa pagiging kalmado, kahit na nga ba, nag-uumigting ang ugat niya dahil sa nag-umpisa nang galit na nadarama niya sa kaharap.

Oo, nag-umpisa na. Dahil noon, ni bahagya’y wala naman siyang nadamang galit dito. Bagkus ay simpatya pa nga dahil hindi nagkaroon ng katuparan ang pagmamahal nito kay Markus. Naawa siya rito. Totoong awa. At itinuring niya pa nga ang sarili na naging hadlang sa damdamin nito sa lalaking mahal nito na asawa niya na ngayon.

Ngayon pa lang siya nakadarama ng gal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
napakawalang kwenta tlga ni Clarisa.. hayyyy naku Jr alam na ni Doña Amanda ung katotohanan kya mag-isip nlng kayo ng paraan paano matulungan c Helena at Markus
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status