"WHAT THE HECK IS GOING ON, TRINIDAD?" gulat na tanong ni Gene nang isang hapon, habang abala siya sa pag-aayos ng truck sa loob ng workshop ay biglang sumulpot si Trini. He had his earphones stuck in his ear while working, at kung hindi pa niya nakita ang pamilyar na anino ng kaibigan ay hindi pa niya malalamang naroon ito.
It was only four in the afternoon and he thought she came home early. Pero paglingon niya'y ano'ng gulat niya nang makita ang kaibigan na nakatayo sa harap ng roll-up steel door ng workshop katabi ang isang malalaking maleta. Sa gilid ng daan— sa kabilang kalsada— ay may nakita siyang truck kung saan may tatlong mga naka-unipormeng lalaki na nagbababa ng mga gamit. And those furniture and appliances looked familiar.
And they look familiar because they were Trini's!
15 MINUTES PAST 7'OCLOCK. Lumabas si Gene mula sa banyo matapos ang mabilisang pagligo. Inabot na siya ng dilim sa pag-aayos ng sasakyan pero hindi pa rin iyon natatapos. He aimed to work on it for another 10mins, pero nawala na naman sa isip niya ang oras hanggang sa nagtuluy-tuloy na. It wasn't really a rushed job, so he would probably continue working on it the next day. Isang linggo ang usapan nila ng may-ari niyon.Sa gabing iyon ay lalabas siya at magtutungo sa pub sa kabilang bayan na madalas nilang puntahan ni Trini. Naging abala siya nitong nakalipas na ilang linggo kaya hindi na siya gaanong nakalalabas, dagdagan pang naging abala na rin si Trini kay Deewee kaya walang nagyayaya sa kaniya.Nang maaalala ang kaibigan ay may namutawing ngiti sa mga labi niya. Sa buong maghapon, matapos itong mainis sa ginawa niya, ay hindi na nagpakita pa si Trini. Pasado alas seis na nang makaalis ang truck at alam niyang abala si Trini sa pag-aayos ng mga gamit sa katapat na bahay.Matapos m
ALAS TRES NG MADALING ARAW NANG DUMATING SI GENE SA HARAP NG KANIYANG BAHAY SAKAY NG MOTORSIKLO. Inalis niya ang suot na helmet saka ini-sabit sa handle ng motorsiklo bago iyon itinulak patungo sa workshop nang matigilan siya.Nakabukas ang lamp sa living area ng bahay niya. Nakikita niya iyon mula sa bintana.Ibig sabihin ay nasa loob si Trini.Napa-iling siya."Ano pa ang silbi na bumili siya ng bahay sa harap kung dito pa rin siya matutulog sa bahay ko?" kausap niya sa sarili bago inituloy ang pagtutulak sa motorsiklo. Nang marating ang nakasarang roll-up steel door ay ibinaba muna niya ang stand upang itayo ang motor, saka siya naglakad palapit sa pader kung saan nakadikit ang control system ng pinto. He opened the plastic-made cover and pressed the code. Ilang sandali pa'y unti-unting bumukas ang automatic steel door.Binalikan niya ang motor, at nang tuluyan nang umangat ang bakal na pinto ay saka siya pumasok. Ini-garahe niya iyon sa sulok katabi ng pick-up truck niya. Matapos
"OH SHOOT, I'M LATE!"Naalimpungatang nagmulat si Gene nang marinig ang tarantang bulalas ni Trini. Sumalubong sa kaniyang mga mata ang liwanag kaya itinaas niya ang braso upang itakip sa mga iyon."What the heck is going on?" aniya. Lumulutang pa ang diwa niya."I'm late! And I can't be late dahil mapapagalitan ako ng boss ko! Pang-ilang late ko na ito ngayong buwan!"Akma niyang sasabihing huminahon ito nang mapa-uklo siya matapos nitong aksidenteng maapakan ang paa niya. Mariin siyang napapikit saka sunud-sunod na nagmura."Nasaan na ba ang cellphone ko? Bakit kasi hindi iyon nag-alarm?"
SANDALING PINATAY NI TRINI ANG STOVE nang makarinig ng pagkatok sa labas ng pinto ng bago niyang bahay.Hindi niya alam kung sino ang naroon, pero umaasa siyang ang taong nasa harap ng front door ay ang taong sumira ng umaga niya. And she hoped he went there to apologise for ruining her day.Sa malalaking mga hakbang ay tinungo niya ang pinto, binuksan iyon, at natigilan nang ang bumungad sa kaniya at siyang unang kumuha sa pansin niya ay ang cellphone niya.Gene was handing it to her right in front of her face. What a great gentleman he was—and of course, she was being sarcastic."Found it in the bathroom. Naiwan mong nakapatong sa rim ng bath thub."Kunwari ay umirap siya bago iyon hina
ALAS SINCO NG HAPON nang matapos si Gene sa ginagawa sa workshop.With his hands all greasy, he pressed the button of the automatic roll-up door to close it down. He was done for the day and was ready to chill. Sa kusina ay nakasalang ang bulalo na inihanda ni Trini; sandali itong nagpaalam sa kaniya para lumipat sa bahay nito.Nang sumara ang steel door ay saka siya pumasok sa kusina. Dumiretso muna siya sa lababo upang maghugas ng mga kamay, at habang nagsasabon at sinulyapan niya ang may kalakihang boiler kung saan inilagay ni Trini ang karne. Mahina ang apoy, at nakabukas ang takip. Nasa ibabaw pa ng lababo ang mga nahugasan nang sangkap tulad ng yellow corn at pechay. Ibig sabihin ay hindi pa luto ang hapunan; he still had time to shower and change his clothes.
"WHY ARE YOU ACTING WEIRD, ANYWAY?" Salubong ang mga kilay ni Trini nang humarap kay Gene. Nasa mga labi ang pinong ngiti."It's nothing." Umiwas ng tingin si Gene. Itinaas ang dalawang kamay sa likod ng ulo at humilig sa sandalan ng couch. "I just realized that I'm losing my bestfriend now that she's busy with her new man."Sandaling natigilan si Trinity-- at ganoon din si Gene. Hindi nito napigilan ang sariling sabihin iyon. He thought he was still talking to himself, but what he didnt realized was that he was actually talking loudly and Trini was able to hear what he just said."Wait, what?" Manghang napangiti si Trini. "Are you getting—"
10 MINUTES PAST ELEVEN O'CLOCK. Dalawang oras na halos na naghihintay si Gene sa paghimpil ng puting Ford Ranger ni Deewee sa harap ng bagong bahay ni Trini subalit hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa rin.Bandang alas otso ng gabi nang huling nagpadala ng mensahe si Trini at nagsabing hindi na ito makasasabay sa hapunan sa kaniya dahil nasa San Nicolas pa rin daw ito kasama si Deewee, na-cancel daw ang lakad nito kinabukasan kaya nagpasyang mag-extend. The two were having Italian dinner, habang siya naman ay padabog na nagluto ng instant ramen sa kusina niya.Fuck. Masyado siyang nasanay na si Trini ang nagluluto, tuloy... heto siya. Hindi alam kung ano ang kakaining mag-isa. Sure, he could order his meal. But he always lost his appetite in
MAAGANG NAGISING SI TRINI KINABUKASAN. She opened her eyes, stretched her arms up, and stared at the ceiling of the room, wondering where she was. Ilang segundo muna ang lumipas bago niya napagtantong nasa silid siya ng bago niyang bahay.It's been a week since she moved in to the house and she's still getting used to it. Sa tuwing gigising siya ay nagtataka siya kung saan siya naroon. Ilang taon din siyang nanirahan sa apartment niya malapit sa bayan at iyon ang lugar na nakasanayan niya.But she knew she'd get used to it. To this room. She had already paid the full amount and she would be waking up in this room for the rest of her life. She had to get used to it.And while thinking about it