Share

(4) Nor conquer

Chapter 04

[3rd Person POV.]

NAKIKIPAGTAWANAN SA mga kaibigan niya si Condoriano habang kanya-kanya nilang kinakain ang hawak na chichirya nang bigla siyang napamura dahil nahagip ng kanyang paningin ang bading nilang kaklase. Hindi maatim ng mata niya at talaga namang bumabaliktad ang kanyang sikmura sa tuwing nakikita ang kaklaseng nakapangbabaeng uniporme kahit lalaki naman ito. Suportado ng unibersidad nila ang LGBTQ+ kaya hinahayaan nilang malayang suotin ng mga estudyante ang gusto nilang uniporme.

“Hoy Alejandro!” tawag niya sa kaklaseng bading na tahimik na naglalakad papasok na sana ng canteen.

Masama siya nitong tinignan at pagalit na nagwika, “It’s Roxan!”

“Roxan?! E pangbabaeng pangalan ‘yon!” Nagtawanan ang mga kaibigan ni Condoriano pati na siya. Tumayo si Condoriano at naglakad papalapit kay Roxan.

“Ito oh! Lalaking lalaki!” Marahas niyang kinamkam ang pribadong parte ni Roxan kaya napaurong ito sa gulat. Mas lalong lumakas ang tawa ng tatlo habang inaasar ang hiyang hiya nang si Roxan. Sa sobrang inis ay itinaas ni Roxan ang kamay at malakas na sinampal ang bastos na humawak sa nananahimik niyang alaga. Tumabingi ang mukha ni Condoriano.

“Aba gago kang bading ka!” Nang muli niyang i-ayos ang ulo ay wala na si Roxan at ngayon ay tumatakbo na papalayo sa puwesto niya upang bumalik na lamang sa classroom. Hinimashimas ni Condoriano ang pisngi. Masakit ito at talaga namang panglalaki ang kamay ni Roxan sa sobrang bigat.

“Tanginang bakla ‘yon, humanda sa ‘kin ‘yon mamaya.” Bumalik siya sa kinauupuan kanina katabi ang mga kaibigan niya. Napapangiwi pa rin siya sa sakit dahil sa bigat ng kamay nang bakla.

Bigla namang may tumigil sa harapan nila kaya itinunghay ni Condoriano ang ulo. Nakatayo ngayon sa harap niya ang isa rin sa kinaiinisan niya, ang class president nilang si Satsuto Fuentes. Nayayabangan siya rito at naiinis dahil sa mata niya ay s*psip ang lalaking ito. Maliban doon ay umaandar ang anti-bading sensor niya sa tuwing nakikita ito. Nagtitigan ang dalawa. Mukhang napansin ni Satsuto ang pisngi ni Condoriano at mabilis itong ngumisi ng nang-aasar at parang sinasabing, ‘buti nga sa ‘yo’.

Agad na uminit ang ulo ni Condoriano at muling napatayo sa kinauupuan. Napailing lang si Satsuto at naglakad na papasok ng canteen habang iniwan naman niya si Condoriano na nakaawang ang labi at kumikirot pa rin ang kaliwang pisngi.

“Those two really gets on my nerves,” bulong niya.

“Now that you said it, ‘yung dalawang ‘yon ang presenter mamayang EAPP,” sabi ng kaibigan niyang si Jackson na nasa kaliwa niya at sunod-sunod na ipinapasok sa bibig ang kinakaing Clober Chips. Inagaw naman ni Condoriano kay Marimo na nasa kanan niya ang hawak nitong bagong bukas na kakabili lang na bote ng tubig. Mabilis niyang tinungga ang lahat ng laman noon at nilukumos ang plastik na bote.

“T-Teka... akin---” Hindi na natapos pa ang sinasabi ni Marimo nang mapasin niyang masama na ang mga tingin ni Condoriano.

Damn, he’s snapped.

Mayamaya pa ay bumalik na sila sa kanilang classroom dahil mag-uumpisa na ang panghapon nilang klase. Magkasalubong pa rin ang mga kilay ni Condoriano at tila hindi maalis ang inis nito habang pasulyap-sulyap sa puwesto ni Satsuto at Roxan na ngayon ay nag-uusap tungkol sa kanilang i-pepresent. Dumating na rin ang guro nila sa English for Academic and Professional Purposes kaya mabilis na nag umpisa ang kanilang klase. Sunod na sunod pa rin ang tingin niya sa dalawang ito na naglalakad na ngayon papuntang unahan. Hindi na niya namalayan na bumati siya ng magandang hapon sa kanilang guro dahil sa kanyang inis.

“Good Afternoon everyone, specially to our beloved teacher, Ma’am Josea. For starter, I’m Satsuto Fuentes and she is my partner for this presentation, Alejandro “Roxan” Montes and we are here to present---”

“Wait! WHAT!?” Napangisi si Condoriano ng putulin niya ang sinasabi ni Satsuto habang nakataas ang kanyang kaliwang kamay.

“Con, what are you doing?” bulong ni Jackson na katabi nito.

“Damn, he gone mad,” si Marimo naman ang bumulong.

“Mr. Cruz? Is their a problem?” tanong ng guro nilang nasa teacher’s desk sa likuran.

Tumayo si Condoriano. “Ma’am yes, there is a problem!” Tinuro turo niya ang puwesto ng dalawa sa unahan.

“They haven’t started yet so what’s the problem Mr. Cruz?”

‘Oh come on, you’re an english teacher and you don’t even know the problem? Is she deaf? Damn!’ asar niyang reklamo sa isip.

“How can they be at 12th Grade if they can’t even use proper pronouns. And even this students, how can you all not notice the problem? Kailan pa naging she ang lalaki?” Humarap siya sa harap at inismiran si Satsuto. Pero mas lalo siyang nainis dahil mukhang hindi umuubra ang sinasabi niya kay Satsuto dahil iniismiran lang din siya nito pabalik.

“Oh well probably because SHE prefers to be called that? Are you that DUMB?” pag didiinan ni Satsuto.

“What kind of name is Condoriano anyway? Were your parents high on something when they named you? I wouldn’t be surprised if you came up with that hideous name yourself,” natatawang dagdag pa nito.

“Tsk!” Pinatunog ni Condoriano ang kanyang dila. Natunton niyang katangahan ang ginawa niya kaninang pagrereklamo. Mabilis siyang tumitiklop kapag pangalan na niya ang pinag-uusapan, hindi niya inaasahan na gagamitin iyon ni Satsuto sa kanya. Asar-talo na naman siya ng plastik na straw nilang class president. Siguro hindi na talaga niya maatim ang dalawang iyon tapos nagsama pa sila sa unahan kaya sumabog na ang emosyon niya at nawala na sa sarili. Ngayon ay sinasampal siya ng katotohanan at gising na gising na siya na gusto na lang niyang tumakbo sa may koridor at tumalon mula sa floor nila.

“Well, I’m just stating the fact here. Why do you have to bringing up my parents? That’s offensive.” Ngumiti si Condoriano na kinuha na ang lahat ng lakas ng loob at kakapalan ng mukha na itinatago niya saka proud na tumindig. Iniwasan niya ng tingin si Satsuto, tapos saglit ulit na sumilip sa puwesto ni Satsuto at ng makitang nakatingin pa rin ito sa puwesto niya ay mabilis siyang muling nag iwas. Napalunok siya at ikinalma ang sarili. Hindi niya alam kung bakit mabilis na kumakabog ang puso niya. Dahil ba ito sa hiya? Natataranta ba siya? Ahhh, hindi ito maganda. He can’t be anxious in front of them right now.

“What a big word Mister Condoriano Cruz, you have no right to talk about being offensive after what you have said earlier to my partner. And about your fact, it was nothing more than outdated thoughts that idiotic people say all the time. We all left homophobia in the past, obviously you weren’t able to keep up. I’m not surprised. I never really expected anything from low-lives like you,” mahabang salaylay ni Satsuto na nakapagpatahimik lamang kay Condoriano habang nakakuyom ang dalawang kamao.

“That’s enough, if you still have a problem Mr. Cruz you can talk to me after my class. Is that okay with you? Can we continue the presentation?” mahinhin na tanong ng kanilang guro.

“Yes, Ma’am. I’m sorry, I just lost it for a moment. I will not do it again.” Tumingin siya sa guro at muli niyang kinapalan ang mukha upang ngumiti rito. Naupo na siya at yumuko, gitgit ang ngipin habang pinipigilan ang sariling muling sumabog sa inis.

At sa kalagitnaan ng kanyang inis ay naramdaman niya ang matinding matang nakatingin sa kanya. Agad siyang napatingin sa puwesto ni Gelo at hindi nga siya nagkakamali, nakatingin ito sa kanya habang may mapaglarong ngisi na nakaguhit sa labi nito. Agad na napalitan ng kaba at takot ang kanyang inis at muli siyang napayuko sa kanyang puwesto.

I’m dead.

“Good. Please continue the presentation.” At nagpatuloy nga ang ipini-presenta nina Roxan at Satsuto.

***

NAPASANDAL si Satsuto sa isa sa mga plastik na upuan na nakapalibot sa mahabang lamesa na nasa loob ng SSG headquarters. Saradong sarado ang silid na iyon at tanging mabibigat lang na paghinga ni Satsuto at ng babaeng nakakandong sa kanya ang maririnig sa apat na sulok ng saradong silid.

Malalim silang naghahalikan ng SSG President na si Hazel Gugudano habang gumigiling itong nakaupo sa hita ni Satsuto. Saglit na ipinipikit ni Satsuto ang mga mata habang nakikipaglaplapan pero agad din siyang mapapamulat at maiinis dahil bumabalik sa isipan niya ang itsura ni Snow noong nasa clinic sila at nasa ibabaw niya ito.

Hindi niya makalimutan ang lambot at tamis ng lasa ng labi ni Snow nitong nakaraang sabado at linggo, kaya nang dumating ang lunes ay agad siyang dumiretso kay Hazel upang makalimot. Gusto niyang pawiin ang pag nanasang hindi niya maintindihan, pero mukhang walang epekto ang ginagawa nila ngayon dahil mas lalo niya lang naiisip si Snow.

Alam na ni Satsuto ang totoo niyang kasarian bago pa man sila magkaroon ng kaswal na relasyon ni Hazel at kaya lang siya may ganitong relasyon sa dalaga ay dahil ayaw siya nitong iwan. Noong una ay sinubukan niya lang saglit pasukin ang sinasabing kaswal na relasyon ni Hazel at nang mapagtantong wala namang mawawala sa kanya ay tuluyan na siyang pumayag sa pansamantalang relasyong iyon habang hindi pa nila nahahanap ang mga taong gusto nila.

Tumigil ang pag galaw ng labi ni Satsuto na mabilis na napansin ni Hazel kaya inilayo niya saglit ang kanyang mukha rito. Napabuntong hininga si Satsuto at itinaas ang kamay upang haplusin ang kanang pisngi ni Hazel.

“It’s Hazel,” bulong nito na parang ngayon niya lang nakilala ang kanina niya pang kahalikan.

Napangiti si Hazel at hinawakan ang kamay ni Satsuto. “Uh-hu, who else would I be?”

Thought it was Snow, damn.

Parang adik ay iniling ni Satsuto ang ulo upang iwaksi muli sa isipan niya si Snow. Muli siyang napabuntong hininga at inisip kung paano niya aalisin si Snow sa isip niya. Kung puwede lang alisin ang utak niya ay nagawa na niya upang hindi na niya maisip pa ang Snow na iyon.

“Hey Satsuto, you know that good movie na kakalabas lang sa sinehan ngayon? I have two tickets for that movie. I heard last week that you’re talking about it with your circle,” ani Hazel saka inilapit ang mukha sa leeg ni Satsuto upang punpunan ng halik iyon.

“Really? Lucky. You can watch the movie twice,” wala sa wisyong sagot nito at patuloy na nagmuni-muni habang nakatingala at nakapikit. Napatigil naman si Hazel sa paghalik sa leeg nito saka bumaba sa hita ni Satsuto. Parang may bumabara sa lalamunan ng dalaga at may nagbabadyang likidong gustong lumabas sa mata niya dahil sa narinig niyang sagot ni Satsuto. Mabilis niyang inayos ang bukas na butones ng uniform niya pati na ang buhok niyang magulo. Minulat naman ni Satsuto ang mata at napatingin ng nagtataka kay Hazel.

“We won’t doing it?” puno ng pagtataka niyang tanong dahil bigla na lamang itong nag-ayos para umalis na.

“Hindi.” Saglit niyang nilingon si Satsuto, “May gagawin nga pala ‘ko. Bye.”

Inabot niya ang kanyang backpack saka mabilis na lumabas ng headquarters. Naiwan namang tulala si Satsuto na bukakang-bukakang nakaupo kasama ang matigas niyang alaga, parehong hindi alam ang gagawin sa mga sarili nila. Hindi siya puwedeng lumabas ng headquarters na nakaumbok ang alaga niya.

Taka pa rin si Satsuto sa naging kilos ni Hazel na ngayon lang ginawa nito sa kanya. Kinapa ni Satsuto ang bulsa at dinukot ang nag iisa na lang niyang lollipop. Binalatan niya iyon at sinubo. Muli siyang tumingala habang nag iisip ng kung ano-ano. Hindi na niya alam ang iisipin pa, tapos bigla pang sumingit sa utak niya ngayon ang grades niya. Paano niya ba ito papataasin?

Kung puwede lang patigasin ang grades para tumaas...

Natawa si Satsuto sa naisip. Tila ba tite niya mismo ang nakaisip noon. Ibinaba niya ang tingin sa alagang nakaumbok pa rin sa pants niya saka tumango tango. Oo nga, ang matigas na ito ang nakaisip noon dahil gising na gising ngayon ang alaga niya kaya nagkaroon na rin ito ng utak para mag isip.

“It’s time for you to go back to sleep. Kailangan ko ng bumalik sa classroom.” Ibinaba ni Satsuto ang lahat ng kanyang pang ibaba saka tumambad ang tayong tayo na niyang pagkal*laki. Ipinalibot niya ang kamay rito habang sinusupsop ang lollipop sa bibig. Sinimulan niyang itaas baba ang kamay at ipinikit ang mga mata. Nag isip siya ng kung ano-ano lalo na ang mga porn na napapanood niya o kaya naman ay kapag nagtatalik sila ni Hazel. Iniisip niya ang nakakalunod na malambot na dibdib nito pero parang walang epekto ang mga iniisip niya. Hindi umuusad ang tigas ng tite niya. Hindi sapat ang mga iniisip niya para labasan siya.

Muling bumigat ang kanyang mga paghinga, napalunok siya at ngayon niya lang napansin ang lasa ng lollipop na sinusupsop niya.

“U-Ughhh...” Agad na pumasok sa imahinasyon niya ang nag-iisang taong bigla n’yang naalala, kasabay noon ay napabilis din ang salsal niya. Ilang segundo pa ay napahigpit ang hawak niya sa kanyang ari at lumabas doon ang katas ng kanyang pinaghirapang sals*lin. Nang makaraos ay hinawakan niya ang lollipop at tinanggal sa kanyang bibig, saka niya ito tinignan at sinamaan ng tingin.

Damn, it’s apple.

-

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status