Share

(6) As much as eastern sky

Chapter 06

I WONDER WHEN did I started to be like this?

I don’t really know.

The last time I remember, I was at my 7th grade. Mayroon akong naging kaklaseng babaeng ibang iba sa lahat nang nakilala ko. Asul ang mga mata niyang kasing kulay ng karagatan at parang kristal, mestisa at kasing kulay ng araw ang natural niyang kulot na buhok. Oo may lahi nga siya at hindi maalis ang atensyon ko sa kanya.

‘Gusto ko siyang makuha.’

Iyan agad ang mga salitang pumasok sa isipan ko kaya naman inumpisahan kong lumapit sa kanya hanggang sa magkakilala kami. Naging madali lang ang lahat para sa akin dahil halatang gusto niya rin ako. At habang tumatagal ay nalaman ko na ang lahat sa kanya at sa huli, napagtanto kong kagaya lang din siya ng ibang babae. Boring. Pang labas niya lang ang kakaiba at sa tagal na naming laging nagkikita sa school ay agad din akong nag sawa sa kanya.

Ganoon ko lang siya kadaling iniwan. Sa una lang talaga ang lahat. Nakakawalang interes na ang mga bagay kapag tumagal. Parang buhay.

Mas lumala ang kasunod na nakapukaw ng interes ko. Isang libro. Tungkol ito sa mga mythological creatures na hindi ko pa alam noon. Masyadong mahal at madami ang librong iyon kaya hindi ko na lang pinansin pero may paulit ulit na sumisigaw sa isipan ko at hinahanap hanap ng mata ko ang librong iyon. Ilang araw akong hindi nakatulog, walang focus—wala sa sarili.

Napansin iyon ni Mama kaya paisa isa niyang binili ang mga librong nakita ko. Mabilis na bumalik ang sarili ko sa dati at mabilis kong natapos ang mga librong napag interesan ko. Sa huli, nang nabasa ko na lahat iyon ng paulit ulit ay nag sawa na ako.

Yes, I have this incurable shitty personality for years that’s why whenever I desire something, I need to get it or else I will just crave more of it until it control me.

***

NAWALA na sa pagbibilang ng buntong hininga ni Satsuto ang tatlong sina Dexter, Ian at Gelo. Kanina pa wala sa sarili ang kasama nila nang matagpuan nila itong mag isang preskong nakahiga sa damuhan sa likuran ng building nila. Hindi nila mapagtanto kung ano bang nangyari sa usapan ng dalawa kanina at ganoon na lamang ang kalagayan ni Satsuto nang matagpuan nila. Natatakot naman ang mga itong magtanong at hahayaan na lang sana nila itong umuwi pero kusang sumama si Satsuto sa kanilang lakad. Hindi tuloy nila ma-enjoy ang ginagawa nila sa tuwing mapapatingin sila kay Satsuto na magkasalubong ang kilay at malakas na bubuntong hininga.

“Argh! Hindi ko na ‘to kaya!” sigaw ni Ian at nauna siyang maglakad sa tatlo sabay harang sa dinaraanan ni Satsuto. Nagawa niyang mapansin siya nito pero parang nangatog ang mga tuhod niya ng masama siya nitong tignan.

“Dude.” Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang balikat ni Satsuto saka nag wika, “Kung wala ka sa mood gumala hahayaan ka naman naming umuwi e. Anong nangyari sa inyo kanina ni Benesisto? Sinapak ka ba niya?”

Tinignan ni Ian ang magkabilang pisngi ni Satsuto. “Mukhang hindi ka naman niya sinapak. Initlugan ka ba niya? Kanina ka pa buntong hininga nang buntong hininga, kulang na lang ay mamatay kami sa sangsang ng amoy ng hininga mo,” masuka suka niyang sabi at ipinaypay pa ang kamay sa tapat ng ilong niya.

Muli lang napabuntong hininga si Satsuto.

“Shut your trap,” masungit nitong sabi kaya naman napaurong na si Ian sa puwesto at pumunta sa likuran nina Gelo at Dexter.

“Gago ka Ian, mas lalo mo lang kinulo ang dugo niya.” Binatukan siya ni Dexter. “Pero seryoso, ano ngang nangyari? Hindi naman sa gusto kong malaman talaga pero hindi lang ako makapaniwalang kinausap ka niya. Laging masama ang tingin niya sa ‘yo sa tuwing nakikita ko siya kaya hindi ko inakalang---”

“Ano?” putol ni Satsuto. “What do you mean masama ang tingin niya sa ‘kin?”

“Hindi mo pansin? Lagi siyang nakatingin sa ‘yo kapag hindi ka nakatingin sa kanya. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro may world war 3, 4, 5 and so on na dahil sa inyong dalawa kasi ang intense lagi ng tingin ninyo sa likuran ng isa’t isa.”

Sinapo ni Satsuto ang kanang kamay sa bibig at pasikretong napangisi.

E, so he’s looking at me huh. Like I do.

“Ano? Lumabas na ba ang totong ugali ng Snow na ‘yon? Hinamon ka ba niya ng away---” Mabilis na tinakpan ni Gelo ang bibig ni Dexter.

“Dude, stop prying na. Maybe school stuff lang ‘yon. After all si Satsuto ang class president, right?” tinignan siya ni Gelo. Tumango na lamang naman si Satsuto para matahimik na ang tanong ng mga ito.

Naglakad lakad pa sila ng kaunti at hanggang sa makarating sa sakayan. Punuan pa rin sa mga oras na iyon ang mga jeep kaya nahirapan sila sumakay. Huli nakasakay si Satsuto dahil sa ibang direksyon ang jeep na sasakyan niya. Pagkasakay ay nakahinga siya ng maluwag. Akala niya maaalis na sa isipan niya ang mga nangyari kanina kung sasama siya sa lakad ng mga kaibigan pero mas lalo lang siyang ginulo nito.

Nababaliw na siya. Oo, baliw na siya kakaisip kay Snow. Hindi na niya ito matanggal pa sa isipan niya. Hindi niya alam kung paano. Maayos namang gumagana ang utak niya rati noong hindi niya pa nakikilala si Benesisto. Ano nga bang ginagawa niya noong mga panahong iyon? Ano bang mga iniisip niya? Paano niya aalisin ang lalaking ito sa isipan niya? Para itong virus na sinisira ang utak niya.

Ghad, please. I don’t want this. Make it stop.

Gusto na niya ito matigil. At may isang paraan para matigil ito at hindi niya ito magawa dahil hindi niya matanggap na mali siya. Oo, mali siyang poot ang nararamdaman niya kay Snow. Mali siyang isinusumpa niya ito. Hindi niya matanggap na kay Snow lalabas ang tunay na kulay niya.

Napahawak siya sa kaliwang dibdib at kinuyom ang unipormeng suot niya. Ramdam niya ang malakas at mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Dammit, stop. Stop beating this so fast. I don’t want it.

Alam niya ang pakiramdam na ito. Matagal na rin nang huli niyang maramdaman ito. At alam niya na kapag hindi niya sinunod ang bugso ng kanyang nararamdaman ay kokontrolin siya nito. At ayaw niyang mangyari ‘yon. Pero ayaw niya ring sundin ang nararamdaman niya, ayaw niyang tanggapin na nagkamali ang isip niya.

Sobrang lalim ng iniisip niya na hindi na niya namalayan kung paano siya ngayon nasa kama na niya at nakabaluktot na nakahiga habang may lollipop sa bibig. Nakatingin siya sa dingding ng kanyang silid. Tulala.

Pagod na siya. Sobrang pagod na ang isipan niya sa pag iisip kay Snow at pati mata niya ay pagod na. Kaya naman ipinikit na niya ang mga mata at hinayaang magpahinga ang kanyang isipan.

‘No, I don’t like him. I don’t want him.’

Paulit-ulit niyang paalala sa sarili hanggang sa tuluyan na nga siyang makatulog.

***

NAPAMURA sa isipan si Nathaniel ng makita sa babasaging bintana ng convenience store ang kanya pisngi na sinapak ng lalaking kanina na unang beses niya lang nakita.

“Ano kasing ginawa mo? Hindi ka naman sasapakain ni Dino basta-basta,” natatawang sabi ni Miguel saka ininom ang coke na binili niya.

“Paano ko malalaman e nginitian ko lang naman siya? Gago ‘yon ah. Tapos noong nakita ko siya kanina pag uwi bigla ulit akong sinapak sa parehong pisngi! Tangina ang sakit talaga!” pagrereklamo ni Nathaniel kay Miguel na para siyang batang inagawan ng lollipop ng kalaro at maiyak-iyak na dahil sa sakit na nararamdaman niya.

“Bakit hindi mo siya tanungin? Samahan kita bukas, saka hindi naman palaaway ‘yon si Dino. Halos nga kaibigan niya lahat ng nasa team at mabait pa.”

Hindi makapaniwala si Nathaniel sa mga narinig habang kinakain ang kakabili niya lang na keso na ice cream na nasa 1.5 liters na lalagyan. Napapatingin ang mga taong nakakakita sa kanya pero wala siyang pake sa mga ito dahil may mas malaki siyang problema ngayong iniisip. Iniisip niya kung ano bang naging mali sa naging kilos niya kanina. Pero kahit anong pag iisip ang gawin niya ay napupunta siya sa konklusyon na naingayan ito sa kanya. Mismo!

“Seryoso kang mauubos mo lahat ‘yan?” Pilit na napapangisi si Miguel habang nakatingin sa nasa harapan niyang si Nathaniel na nanghingi pa talaga ng plastik kutsara sa convenience store.

Sinamaan siya nito ng tingin at itinago sa mga bisig ang ice cream na binili. “I won’t giving you dude.”

“Dude hindi ako nanghihingi. Gague ang takaw mo.” Napapailing si Miguel.

“Basta bukas sasamahan kitang makausap si Dino.”

***

AT iyon ang naging plano pero nang makita ni Dino si Nathaniel, at bago pa man niya ito mabati ng may malawak na ngiti sa mukha ay malakas na naman siyang sinapak nito sa kaliwang pisngi at mabilis na tumakbo paalis.

Nang mga oras na iyon ay tuluyan ng naputol ang mga rason at pasensya ni Nathaniel at hinahabol na niya ngayon ang mabilis na tumatakbong si Dino.

“What the heck just happen! Aish!” Ginulo ni Miguel ang buhok at mabilis din sumunod sa dalawang naghahabulan. Nag aalala siyang mag away ang dalawa.

Mabuti na lang at mas mabilis tumakbo si Dino at naabutan ni Miguel si Nathaniel. Hinawakan niya ang kanang braso nito at pinigilang habulin pa si Dino.

“Hey Migs. Bitiwan mo ko,” kalmado pero puno ng pagbabanta ang boses ni Nathaniel. Lumingon ito sa kanya at pilit itong nakangiti na para bang tuluyan ng naubos ang pasensya niya sa lahat-lahat. At nang mga oras na iyon ay naramdaman niyang mas nanganganib ang buhay niya kaysa buhay ni Dino kaya mabilis niya itong binitawan.

Sunod-sunod naman ang mabigat na paghinga ni Nathaniel at napahawak pa siya sa magkabilang hita niya. “See? Sino ang may problema sa ‘ming dalawa? Saan ako nagkamali?”

Pati si Miguel ay nalilito sa kilos ng kanyang kaklase.

“Kakausapin ko siya pero puwedeng huwag mo siyang gagantihan? Or else you need to say goodbye to this school.”

“What do you mean? Bakit? Anak ba siya ng chancellor ng university na ito? Siya ba ang taga-pag-mana ng isang malaking kompanya para kayanin niyang patalsikin ang isang dukhang kagaya ko sa eskwelahan na ito?” natatawang tanong ni Nathaniel.

Nanlalaki naman ngayon ang mga mata ni Miguel dahil sa tinuran niya, “H-How did you know?”

Napaurong ang dila ni Nathaniel at parang nanuyo ang lalamunan niya dahil sa sinabi at naging reaksyon ng kaibigan niya.

“E-Eh? Gago pare sa mga palabas lang mayroong gano'n! Anong itsura ‘yan hu?” Pabiro niyang hinampas ang balikat ni Miguel.

“Lolo ni Dino ang Chancellor ng university na ito at siya ang taga-pag-mana ng AeroSoft Inc.”

Nanigas si Nathaniel. He can’t believe that Dino guy was a big shot.

That AeroSoft Inc.? Holy shit!

“H-Hey Migs. W-What did I do? Hindi ko talaga alam promise!” Hinawakan ni Nathaniel ang magkabilang balikat ni Miguel. “BAKIT SA LAHAT NG FIRST IMPRESSION BAKIT BAD IMPRESSION PA! WAAAH!”

Parang bata ay pakunwari siyang humagulhol sa balikat ni Miguel.

Pero ang totoo ay gusto na talaga niyang maiyak dahil mukhang delikado ang college life niya.

-

pyarirish

Heyoo this is you author, pyarirish. I just want to thank and greet my first two subscribers who add this book onto their library. Thank you very much and enjoy reading~ mwah!

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status