Chapter 19 [Nathaniel's POV.] PABALIK-BALIK ako ng lakad sa likurang bahagi ng silid na ito, hindi ako mapakali. Kapag uupo naman ako'y hindi ko mapigilang hindi i-yugyog ang aking isang paa. Natataranta ako. Bawat pagtunog ng segundo sa orasan dito sa conference room ay ang mabilis namang pagkabog ng aking dibdib. Kinakabahan ako. Huwag ko na lang kaya itong ituloy? "Conference Room sa building na 'tin. 5:00 PM sharp." Iyon ang sinabi ko sa kanya pero nangangalahating oras na ang lumipas nang mag-alasingko subalit wala pa rin siya. Pupunta pa ba siya? Siguro hindi na kasi iniiwasan niya nga ako. Pero paano kung late lang siya tapos pumunta nga siya rito at wala na ako? Argh! Kailangan maayos ko na ito ngayon din dahil nahihirapan akong mag-pokus sa ibang mga ginagawa ko. Malapit na ang Season League at hindi puwedeng nasa ibang dimension ang aking pag-iisip. "Anong ginagawa mo rito? Kanina pa uwian, ah?" Itinutok sa akin ng guard ang lingas ng flashlight na hawak niya. Napaiwas a
Chapter 20 [Snow's PoV.] HINDI KO NA maalala kung ilang taon na ang nakakalipas pero may dahilan kung bakit mga babae lang ang gusto kong maging donor ng dugong kailangan ko. Subalit dahil ayaw kong gawin ang mga gusto nila, umaayaw na sila at papalit-palit ako ng donor na alam kong nakakaabala na kay mama. Kitang-kita na sa mga wrinkles niya sa mukha na madami na siyang isipin, isama pa ang pangungulila niya kay papa na ka-mamatay lang. Kaya naman naisipan kong tulungan si mama, dahil sino pa ba ang tutulong sa amin? Ngayong kaming dalawa na lang ang magkasama sa buhay. Kaya naman nang tumigil na ulit sa pagbibigay ng dugo sa akin ang huli kong naging donor, naisipan kong hindi na sabihin kay mama at ako na lang mismo ang humanap ng sarili kong donor. Laki akong palaging inaalalayan ng mga magulang. Dahil mahina ang katawan ko noong bata ako kaya pinag-home schooling na lang nila ako. Hanggang sa makilala ko ang taong dahilan kaya ko kinakailangang uminom ng dugo. Syempre nasubu
Chapter 21 [Snow's PoV.] Oras na para sa School Festival. Kitang-kita sa mga estudyante ang galak at pananabik na isa-isahing puntahan ang mga booth na itinayo ng bawat section. S'yempre, ang section namin ay may booth din, and it's a maid cafe. Mukhang simple lang sa pangalan pero pagpasok, doon makikita ang twist ng cafe namin dahil hindi mga babae ang maid na waitress dito. . . "Snow, ikaw ang gusto nila sa table 3," sabi ni Malabanan. Nangunot ang aking noo dahil wala pang sampung segundo pag-upo ko ay kailangan na naman nila ako. Napatingin ako sa mga katabi kong nakaupo't nabukaka habang nag-ce-cellphone. Mga kaklase ko silang lalaki at kitang-kita sa mukha nila ang wala sa loob nilang pagsusuot ng maid outfit. Ayaw ko namang umalis ang mga costumer namin kaya ano pa nga bang magagawa ko? Ako na rin ang umaako ng responsibilidad nila. Mabuti na lang at gusto ako ng mga costumer. Tumayo na ako at lumabas sa harang na kurtina kung saan ang pahingahan. Itinaas ko ang magkabil
Chapter 01 [Satsuto's POV.] “MUKHANG MAY parating na bagyo. May dala kang payong Ian?” tanong ko sa ‘king katabi na abala sa pagdutdot ng cellphone niya. Mahina akong natawa ng mapatingin sa puwesto niya. Kahit araw-araw ‘kong nakikita ang ayos ng kanyang buhok ay nakakatawa pa rin. Paano ba naman, parang i-shinampoo niya ang gel sa tigas ng buhok niyang nakatayo na parang buhok ni Goku, tapos lagi pang magkasalubong ang makakapal niyang kilay kaya mukha siyang nakakatakot. Ito rin ang dahilan kung bakit walang magtangkang asarin siya. Napailing na lang ako dahil ang aga-aga nagtutumpukan ang mga kaibigan ko rito sa aking tabi para lang mag-laro ng Mobile Legacy. Pare-parehong nakakunot ang mga noo nila at pokus sa kaharap nilang cellphone. Hindi man lang maistorbo, kahit tanong ko ay hindi na nasagot. Kinuha ko na lang din ang cellphone sa ‘king bulsa at isinalpak ang plug ng headphone na nakalagay sa leeg ko saka nakinig ng music habang may sinusupsop na lollipop sa bibig.Hindi s
Chapter 02LUMIPAS ANG mga araw na naging linggo, noong una pasulyap-sulyap lang ako sa upuan ni Snow dahil naiirita ang tainga ko kapag naririnig na nakikipagtawanan siya sa mga babae. Hindi ko alam kung bakit pero kumukulo ang dugo ko kapag nahahagip siya ng mata ko, nahihirapan akong iiwas ang tingin ko sa kanya dahil sa inis. Ngayon ay naging hobby ko na ata na panoorin ang bawat kilos ni Snow, na para bang hinihintay kong may mangyaring masama sa kanya at tawanan siya ng malakas habang hawak-hawak ang aking t’yan.Ilang linggo pa lang siya rito at marami ng lalaki ang naiinis sa kanya, isa na ‘ko ro’n. Napansin ko rin na marami ng sumubok lumapit sa kanyang mga lalaki na gustong makipag kaibigan pero parang may malaki siyang barrier at plaka sa noo na huwag siyang kausapin, wala siyang pake dahil babae lang ang gusto niyang kausap. Oo, palagi siyang napapaligiran ng mga babaeng
Chapter 03“FUENTES MAY problema ka ba? Hindi maganda ang mga nakuha mo sa exam.” Tanong sa ‘kin ‘yan ni Sir Hernandez pero hindi ko naman inaasahan na ang hindi magandang ‘yon ang maghihila sa ‘kin papuntang pangalawa. Masyado akong nakampante.Wala ako sa sariling lumabas ng classroom dahil sa hiya. Gusto kong mapag-isa at mag-isip kung paano nangyari lahat ito. Tangina! Wala pa ‘kong nadalang lollipop, mas lalong nakaka-bad trip. Pero… paano ako naging pangalawa? Masyado ko na bang napapabayaan ang pag aaral ko? Bakit ko ba napabayaan ang pag aaral ko? Bakit ko pinabayaan? Anong nangyayari sa ‘kin? Hindi ko maisip kung anong dahilan---Bigla akong napaupo sa lupa habang malalim ang iniisip at nag lalakad papunta sa kung saan man ako dalhin ng aking mga paa. Doon lang ako natau
Chapter 04 [3rd Person POV.] NAKIKIPAGTAWANAN SA mga kaibigan niya si Condoriano habang kanya-kanya nilang kinakain ang hawak na chichirya nang bigla siyang napamura dahil nahagip ng kanyang paningin ang bading nilang kaklase. Hindi maatim ng mata niya at talaga namang bumabaliktad ang kanyang sikmura sa tuwing nakikita ang kaklaseng nakapangbabaeng uniporme kahit lalaki naman ito. Suportado ng unibersidad nila ang LGBTQ+ kaya hinahayaan nilang malayang suotin ng mga estudyante ang gusto nilang uniporme. “Hoy Alejandro!” tawag niya sa kaklaseng bading na tahimik na naglalakad papasok na sana ng canteen. Masama siya nitong tinignan at pagalit na nagwika, “It’s Roxan!” “Roxan?! E pangbabaeng pangalan ‘yon!” Nagtawanan ang mga kaibigan ni Condoriano pati na siya. Tumayo si Condoriano at naglakad papalapit kay Roxan. “Ito oh! Lalaking lalaki!” Marahas niyang kinamkam ang pribadong parte ni Roxan kaya napaurong ito sa gulat. Mas lalong lumakas ang tawa ng tatlo habang inaasar ang hiya
Chapter 05HUMAGALPAK NG tawa ang malapit na kaibigan ni Hazel na si Danica dahil sa ikinuwento nito sa kanya.“Seryoso ba siya beh? Pffft---” Tinakpan niya ang bibig habang ang isang kamay ay nakahawak sa t’yan at pinipigilan ang sariling muling tumawa. Walang buhay naman siyang tinignan ni Hazel na medyo mugto ang mga mata at kakagaling lang sa kaunting pag iyak. Kanina pa nito gustong salaksakan ng tissue na siningahan niya sa bunganga ang kaibigan dahil kanina pa siya nito tinatawanan.“Kailangan ‘kong bigyan ng award ‘yang si Satsuto HAHAHA! That was the best rejection I’ve ever heard!” Itinaas pa ni Danica ang dalawang kamay na naka-thumbs up at halos mautas na siya kakatawa.“I guess he’s really a gay,” puno ng lungkot na wika ni Hazel na parang maiiyak na naman habang nakapanghalumbaba.&ld