Share

Jojo and Coco's Unexpected Love
Jojo and Coco's Unexpected Love
Author: Aurora Summers

Kabanata 1 Business Trip

Nang maagang natapos ang tatlong buwang business trip, excited na dumiretso si Chloe Johnson sa apartment ni Jake Cooper upang sorpresahin siya.

Ngunit sa paglagay niya ng fingerprint at pagbukas ng pinto, nawala ang kanyang ngiti at nanlumo ang kanyang puso. May mga damit na nagkalat magmula sa entrance hangang sala, at may mga ingay pa na nagmumula sa kwarto.

Siya ay niloloko na!

Nang kanyang na-realize, nanlamig ang dugo ni Chloe habang paunti-unti siyang lumalakad patungo sa pinagmumulan ng tunog.

Nagulat ang mga tao sa kwarto nang malaman nilang mayroong taong nakatayo sa pintuan ng kwarto at dali-dali nilang kinuha ang kalapit na kumot para takpan ang kanilang sarili.

Nang makitang nagpa-panic ang dalawa, nablanko ang isip ni Chloe. Kumulo ang kanyang tiyan at nakaramdam ng pagkahilo. Naisip niya na ang lahat ng mga masasamang maaaring mangyari, ngunit ‘di niya akalain na lolokohin siya ni Jake at ng kaniyang half-sister!

Pinilit niya ang kanyang sarili na huminahon and sinabing, “Kailangan ko ng paliwanag.”

“Coco…” ‘Di makatingin sa mata niya si Jake at at huminga ito nang malalim. “Okay ka naman, pero mas bagay sakin si Ava.”

Kung sa personality at background pagbabasehan, walang pintas si Ava. Siya ay malumanay at sexy, at not to mention na siya ay mas makakatulong sa kanyang career. Si Chloe naman, ayaw niyang makipagtalik sa kaniya at kinasusuklaman siya ng mga Johnsons.

Malaki ang kanilang pagkakaiba at malinaw kung sino ang kanyang pipiliin.

Namumula ang mga mata ni Chloe habang tutok ang kanyang mga mata sa lalaking ito na hinahabol siya simula pa nung high school. Pakiramdam niya ay isa siyang malaking katatawanan.

“Coco, I’m so sorry,” dagdag ni Ava, puno ng luha ang kaniyang mga mata. “Mahal ko lang nang sobra si Jake. Kasalanan ko ito lahat. Nagmamakaawa ako ‘wag ka nang magalit sa kaniya.”

“Huwag mong sabihin yan, Ava. Hindi mo ‘to kasalanan. Matagal ko nang gustong makipaghiwalay kay Chloe. ‘Di lang ako makahanap ng tsempo dahil busy siya sa trabaho niya,” wika ni Jake, habang pinagtatanggol si Ava sa likod niya.

“Sa totoo nga, malapit na kaming ma-engage ni Ava. Coco, siguro dapat na tayong maghiwalay at—”

Smack!

Sa pagsampal ni Chloe kay Jake nang napakalas ay namanhid ang kaniyang kamay.

Sa hindi inaasahan, agad na nabalik ni Jake ang kanyang postura at sumigaw, “Baliw ka na ba?!”

“Oo, baliw ako! Kaya mo nga ako naging girlfriend!” Nakayukom ang kamao ni Chloe, bumabaon ang mga kuko niya sa kaniyang balat. Ngumisi si Chloe at seryosong tumingin kay Ava at sinabing, “Huwag kang humingi ng tawad. Ako dapat ang magpasalamat sa pagtulong mo na i-expose ang hamak na ‘to. Sayo na siya.”

Nang marinig ang kanyang sinabi, tumulo ang mga luha sa mata ni Ava. Pilit niyang pinipigilan ito na para bang siya ang ginawan ng mali.

“Hindi mo kailangang magmukhang matapang, Coco. Alam kong mabigat ang nararamdaman mo.”

Nagpakita ng mapanuksong ngiti si Chloe at kaniyang sinabi, “Ano naman? Exciting bang matulog sa boyfriend ng kapatid mo, huh? Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Para kang nanay mo. Parehong walanghiya homewreckers na gustong manira ng pamilya ng iba!”

Hindi na niya gustong masayang ang kanyang oras sa kanila. Tinapon niya ang regalong binili niya sa basurahan at umalis sakay ng taxi papunta sa lugar ni Emily Patel.

Nang makita si Chloe ng kaniyang bestfriend na si Emily ay nagtanong ito ng “Nag-away ba kayo ni Jake?”

“Hindi, hiniwalayan niya na ko,” kaniyang sagot, nangangalit ang kanyang ngipin sa galit.

Nalaglag ang mga panga ni Emily sa sobrang gulat. Matapos ang lahat, pinaghirapan ni Jake makuha ang loob ni Chloe kaya kung sino man ang dapat tumapos ng relasyon nila, si Chloe dapat iyon.

“Anong nangyari?”

Inisa-isa ni Chloe ang mga pangyayari at nanatiling tahimik si Emily bago niya sabihing, “Kaya ba naging interesado si Jake kay Ava dahil siya ang paboritong anak ng mga magulang mo? Kaya ba siya…”

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat, pero alam ni Emily lahat. Si Karen Smith, ang nanay ni Ava, ay iniimpluwensyahan ang kanila amang si Benjamin Johnson. Tuwing gabi ay binubulungan niya ito sa tenga. Dahil dito, mas binibigyan ng pansin ng mga Johnsons si Ava at binibigyan ng pinakamagagandang resources habang si Chloe tumatanggap ng mga mahihirap na gawain. Kasama rito ang kamakaylang tatlong-buwang, high-pressured business trip sa abroad.

Basa ng mga luha ang eyelashes ni Chloe habang siya ay nakakulot sa isang sulok, hawak ang kaniyang ulo. “Siguro… pero sobra na kong pagod para isipin pa yan ngayon.”

Hindi na kaya ni Emily na makita ang malungkot na estado ng kaniyang kaibigan. Hinawakan at hinila niya ang kamay ni Chloe at dinala palabas.

Naguguluhang tinignan siya ni Chloe. “Saan tayo pupunta?”

“Mag se-celebrate tayo ngayon dahil single ka na at available na ulit! Hindi ka deserve ng sira-ulong tulad ni Jake!”

Dinala ni Emily si Chloe sa bar. Pagkatapos ng three rounds ng beer, namumula na ang mukha ni Chloe, na nagbigay ng mas mapang-akit na itsura.

“Kailangan kong pumunta ng banyo.”

Nag-aalala si Emily sa kaniyang kaibigan sa kanyang lagay kaya ibinaba niya ang kanya baso. “Sasama ako sayo.”

Nang lumabas si Chloe ng banyo, napansin niya si Emily na nakatitig sa isang direksyon.

“Nakakita ka ba ng pogi?” Kaswal niyang tanong.

Mataimtim na tumango si Emily. “Oo, meron.”

“Kung ganon, babalik na ko sa pag-inom.” Wika ni Chloe.

“Teka. ‘Di ka ba curious? ‘Di lang siya ordinaryong pogi. Tiyuhin siya ni Jake—nakababatang kapatid ng nanay niya.”

Natulala si Chloe. “Nakababatang kapatid ng nanay niya? Diba nasa ibang bansa siya?”

Narinig na niya ang tiyuhin ni Jake nuon. Tulad siya nang ibang mayaman at magandang lalaki. Nang siya ay twenty-eight, may-ari na siya ng ilang kompanya sa abroad. Mas mayaman pa sya kaysa sa pinagsamang Coopers.

Sabi nila na kalahati ng investments sa ilalim ng Cooper projects ay binili ng taong ito.

“Apparently, bumalik siya dahil sa trabaho,” wika ni Emily sabay turo niya sa high-end na booth.

Panumpang sinabi ni Chloe na kahit kailanman ay hindi pa siya nakakakita ng kasing kisig ng lalaking iyon. Ang kanyang side profile lamang ay sapat na para mahigitan ang mga kilalalang lalaking artista kung ang itsura lamang ang pagbabatayan, not to mention ang astig at marangal na aura na kaniyang nilalabas. Hindi kalabisan na sabihin na ang kanyang matalim na mga tingin ay kayang makapatay ng tao.

Kung may salita man na makakapaglarawan sa kaniya, ito ay “perfect.”

Pinagmukha niyang karaniwan ang lalaking naka-upo sa harapan niya na masasabi mong gwapo.

Marahil ay masyadong matindi ang titig ni Chloe. Biglang tumingala ang lalaki at sinalubong ang mga mata niya. Sa sandaling iyon, isang mapangahas na ideya ang pumasok sa isip ni Chloe.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status