Share

Kabanata 7 Mabait sa akin ang Asawa ko

Nataranta si Chloe at agad na umalis sa food delivery app upang maghiwa ng gulay.

“Malapit na! Patience is a virtue pagdating sa masasarap na putahe!”

Hindi na nagsalita pa si Joseph at bumalik ng study room na may dalang tubig. Kung hindi niya nakita ang sunog na broccoli sa lamesa ay baka naniwala siya sa kanya.

Inaamin ni Chloe na ang food delivery app ay isa sa pinakamagandang imbensyon ngayong 21st century. Inilagay niya lahat ng pagkain galing sa takeout container sa mga plato at inayos nang mabuti. Pagkatapos, itinago niya ang containers at ang bag para hindi makita ni Joseph.

Pagkatapos maihanda ang lahat, sumigaw siya, “Handa na ang hapunan. Kain na tayo!”

Umupo ang dalawa na magkaharap sa dining table. Kinakabahang pinanuod ni Chloe si Joseph, at palihim na nag buntong-hininga nang hindi niya nakitang kumunot ang makisig na mukha nito.

Kahit gaano kaganda ang food delivery app, ang katotohanan ay hindi niya ito maitatago habambuhay. Alam niya na kailangan niyang magbigay ng oras para mag-enroll sa mga cooking classes upang mahasa ang kanyang skills.

Habang kumakain, napaisip-isip si Chloe dahil sa mga iba’t-ibang problema. Biglang tinamaan siya ng matinding pananakit sa kanyang puson. Napabuntong-hininga siya dahil sa sakit, at napahawak siya sa kanyang tiyan gamit ang dalawang kamay.

Napansin ni Joseph ang pagkabalisa niya at binaba ang kanyang tinidor, “Anong problema?”

Namutla ang mukha ni Chloe at sinabing, “Wala ito. May stomach ache lang ako. Hanap lang ako ng painkillers. Kain ka lang.”

Hirap siyang tumayo kahit may suporta nang lamesa, dahan-dahan siyang naglakad papuntang banyo.

Napakunot ang mukha ni Joseph, “Sigurado ka bang stomach ache lang iyan?”

“Oo, dati pa ito.”

Habang nasa business trip siya sa ibang bansa, madalas niyang nararanasan ang problema sa kanyang tiyan dahil sa high stress at pagpunta ng mga social events. Madalas nawawala agad ang sakit pagtapos niya mag-take ng painkiller pero di niya alam anong nangyayari ngayon. Hindi nawala ang sakit at unti-unting tumindi ito.

Nang mapadaan ni Joseph sa kwarto ni Chloe, nakita niya ang babae na nakakulot at pinipiga ang tiyan sa sakit. Maputla ang kanyang kutis at kunot ang kanyang mga kilay habang tinitiis niya ang sakit sa nang tahimik, nagmumukha siyang nanghihinang nilalang.

At ‘di na matago ang nakakunot niyang nuo at lumapit papalapit sa kaniya. “Nakaranas ka na ba ng kahit anong problema sa kalusugan mo nuon?”

Iniling ni Chloe ang kanyang ulo habang butil-butil na ang pawis sa kanyang nuo. “Hindi.”

Piniga ni Joseph ang kanyang daliri sa kanyang tiyan at tinanong, “Masakit ba dito?”

“Hindi,” sagot niya.

“Dito?” kanyang tanong, habang pinipiga ang panibagong pwesto.

“Aray! Masakit!” Napuno ng luha ang mata ni Chloe. “Yan yun. Yan yung pinakamasakit…”

Nandilim ang mukha ni Joseph. “Tanga ka. Paanong di mo alam kung stomach ache ‘yan o gastritis?”

Hindi makapagsalita si Chloe dahil sa sobrang sakit.

Agad siyang binuhat ni Joseph at lumabas ng kwarto, nagulat siya na sobrang gaan nito. Hindi niya alam kung bakit inakala ni Chloe na hindi niya alam na takeout lang mga mga pagkain kanina. Ngayon malinaw na kay Joseph ang lebel ng kanyang isip.

Kalahating oras ang lumipas, nakarating sila sa emergency department ng ospital. Tinignan ng may paghihinala ng doktor si Joseph habang hawak nito ang test results.

“Asawa ka ba ng pasyente?” Kanyang tanong.

Nag-aalangang sagot ni Joseph, “Uh, oo…”

Kahit ang kanilang kasal ay peke, totoong legal na kasal sila.

Nagpatuloy ang doktor, “Anong klaseng asawa ka ba? Nasa bingit na ng gastrointestinal perforation dahil sa pagod ang asawa mo, at ngayon mo lang siya dinala?”

Hindi siya pwede sa mamantikang pagkain. Bakit hindi mo alam yan?”

“Please, wag mo siyang sisihin doktor. Nakatira kami sa magkaibang siyudad, at ngayon ko lang din nalaman,” Nanghihinang pagputol ni Chloe.

Pinilit niyang ngumiti habang binaling niya ang tingin kay Joseph, para bang nalantang bulaklak ang kanyang mukha. “Kadalasan, ang asawa ko ay…sobrang bait sa akin.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status