Share

Chapter 171 [Book 5 of Hiltons family]

Miles Point of view

“Lumitaw ang matamis na ngiti mula sa aking mga labi ng masilayan ko ang pinakamagandang tanawin na nakita ko sa buong buhay ko. Ang sunset, nandito ako ngayon sa may dalampasigan, nakaupo sa isang malaking tipak ng bato habang nag-aabang sa paglubog ng haring araw. Ramdam ko ang bawat halik ng alon sa aking mga paa at ibayong ginhawa ang hatid nito sa aking pakiramdam. Kasamang inililipad palayo ng malamig na simoy ng hangin ang lahat ng mga alalahanin ko sa buhay kaya kay gaan ng pakiramdam ko sa tuwing nandito ako sa tabing dagat.

Sinundan ng aking tingin ang mataas na paglipad ng mga ibon. Minsan ay iniisip ko na sana ay ibon na lang ako, malayang nakakalipad kahit saan nila naisin ng walang iniisip na anumang problema. Sa loob ng ilang buwan na lumipas ay ito na ang nakagawian ko, ang tumambay sa dalampasigan at mag-abang kung kailan lulubog ang araw.

Sa tuwing ginagawa ko kasi ito ay na-nanariwa ang mga alaala nung mga panahon na kasama ko si Xavien sa Isla.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status