Share

Selos

KINABUKASAN, pakiramdam ko ay mabibiyak na ang aking ulo dahil sa sobrang sakit nito. Tinamad na kasi akong mag-shower kagabi kaya siguro gan'to ang pakiramdam ko. Tapos, nakatulugan ko pa kasi na basa ang aking buhok, dulot ng tubig ulan. Kaya naman heto, maging ang aking ilong ay pinahirapan din ako. Sa tuwing yuyuko kasi ako ay natulo ang aking sipon.

"Lintik naman talaga oh!" Bulalas ko, matapos kong suminga sa tissue na naroon sa ibabaw ng cabinet.

"Hoy! Anong nangyari sa'yo?" Agad na usisa ni Nicole na ngayon ay abala sa paghahanda ng aming almusal.

"Naiinis kasi ako sa sipon ko eh! Ang sakit pa sa ulo! Buwisit talaga!" patuloy na reklamo ko.

"Sus, eh kanino ba'ng kasalanan? Di'ba sa'yo naman talaga?"

"Ba't ako? Eh, hindi ko naman ginustong ma-flat 'yong gulong ko. Kasalanan 'to ng ulan no'h!" Giit ko.

"Tsk...sinisi mo pa 'yong ulan. Alam mo ba kung bakit kasalanan mo? Kasi, nag-inarte ka pa. Dapat tinawagan mo kaagad 'yong guwapong boss mo!"

"Hoy, hindi puwede. Madami ng inaatup
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status