PAGDILAT ko ng aking mga mata ay nasa hospital na ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala akong makita at makausap na tao. Kaya kahit nanghihina pa ako ay nagpumilit akong bumangon. Subalit bago pa man ako tuluyan'g makabangon ay biglang bumukas ang pintp ng ward.Namilog ang aking mga mata nang mapagsino ko ang pumasok. It was Jordan. Hindi agad ako nakapagsalita. Sa halip ay muli akong nahiga."How are you, Sam?" nag-aalala'ng tanong niya saakin."Why are you here, Jordan?" sa halip na sumagot ay tinanong ko rin siya."Vacation." maikli niyang tugon."Ikaw ba ang nagdala saakin sa hospital?""Yeah.""Huh? Paano nangyari 'yon? Bakit hindi si Iñigo ang nagdala sa'kin?""That was supposed to be my question to you, Sam." mariin niyang sambit.Napabuntonghininga muna ako bago ko siya nagawang sagutin. "He's busy.""Busy?" balik tanong niya at pagkatapos ay pagak na natawa. "In this kind of situation ay busy siya? Sam, paano kung tuluyan nga kayong mapahamak ng bata na na
BUONG akala ko ay makakalabas agad ako kinabukasan. Subalit laking gulat ko nang magsulputan sa hospital sina Nicole at Mr. President."Hoy, frenny! Ano ang nangyari sa'yo? Diyis ko, pinag-alala mo ako ng husto!" Anang kaibigan ko na halos hindi na ako makahinga dahil sa higpit ng pagkakayakap nito saakin."Okay na ako. Huwag ka ng masyadong OA diyan! Salamat sa pagdalaw. Actually, kahapon pa dapat ako laabas kaso ayaw naman ni Iñigo.""Hmm...mabuti na rin 'yon para naman mabantayan at maalagaan ka niya rito lahit isang gabi lang Kumusta si baby?""Okay din siya. Eh ikaw, medyo halata na 'yang tiyan mo ah.""Yup, at nagpa-ultrasound na din kami ni Dylan. Mag-gender reveal kami sa sunday. Kailangan nandoon ka ah.""Oo naman! Hindi pwedeng mawala ako do'n." nakangiting pahayag ko.Maya-maya pa ay ang presidente naman ang sunod na lumapit saakin. Si Iñigonay nasa labas. Aasiksuhin niya daw muna ang mga hospital bills ko.Naawa na rin ako sa kanya. Wala siyang maayos na tulog kaga
NANGINGINIG ang aking mga tuhod habang nakatayo ako at tinatanaw ang papalayong bulto ng lalaking nangako saakin ng walang hanggang na pag-ibig.Kaya't wala sa sariling hinayaan ko lang na pumatak ang masasaganang luha sa aking pisngi hanggang sa tuluyan nang lumabo ang aking paningin at hindi ko na nga maaninag pa si Jordan."Hoy, Samantha! Babalatan ko talaga ng buhay ang Jordan na ‘yon kapag nagkita ulit ang landas namin!" Gigil na sambit ng matalik kong kaibigan na si Nicole. Siya rin sana ang maid of honor ko."Aba, isipin mo huh...grabe ang kahihiyan na idinulot niya sa'yo! At saka sayang din ang ginastos niya. Ang bongga pa naman sana nito'ng simbahan oh. Akalain mo 'yon dito ka dapat ikakasal sa pinakamaganda at pinakamalaking simbahan sa Makati. Tapos bigla lang mauudlot." Patuloy pa rin sa pagdaldal si Nicole at wala man lang itong pakialam sa paligid kahit pa nga pinagtitinginan na siya ng mga tao. "Ang tanga talaga niyan ni Jordan! Ni-hindi man lang siya nanghinayang sa an
"NASAAN na ba si Francis? Oorder pa tayo ng isang bucket eh!" ani Nicole na humahaba na ang leeg kakatanaw sa kaibigan namin’g bakla na siyang may ari ng bar na ito.“Hoy, tama na! Nakadalawang bucket na tayo oh, baka hindi na tayo makauwi." protesta ko."Girl, kailan ka pa tumanggi sa alak? Huwag ka nga'ng pakimerot diyan at baka sabunutan kita!" maarteng wika ni Nicole. “Grabe ka naman saakin, Iniisip ko lang naman ang kalagayan natin eh uuwi pa tayo.” Nakairap kong saad."Hoy Sam, huwag ka nga'ng duwag diyan! Ano tayo teenager? Hello...we're both twenty five years old na. Kayang-kaya na natin'g umuwi ng lasing. At saka, nandiyan naman si Sir Pogi. For sure, ihahatid tayo niyan." Napatingin ako sa kabilang mesa kung saan ay nakaturo ang kamay ni Nicole.Laking gulat ko pa ng magkasulubong ang tingin namin ni Iñigo. Bahagya akong napalunok dahil pakiwari ko ay matutunaw na ako sa malalagkit niyang titig saakin.Kumindat pa ito kaya naman ako na mismo ang unang umiwas. Itinuon ko na l
ISANG linggo na pala ang matulin'g lumipas buhat ng iwanan at ipahiya ako ni Jordan. Isang linggo na rin akong parang wala sa sarili. Minsan nga'y naisipan ko na rin ang magpatiwakal na lang nang sa gayo'n ay makasama ko na rin ang aking mga magulang at para hindi na rin ako mahirapan ng ganito. Mabuti na lang at nariyan sina Nicole at Lesley na matiyagang umaalalay at talaga'ng ginagawa ang lahat para lang mapasaya ako.Isang umaga ay nagising ako dahil sa matinding pag-iingay ng aking mga kaibigan."Ano ba 'yan, natutulog pa 'yong tao eh!" Reklamo ko habang tinatakpan ng unan ang magkabila kong tainga."Hoy, bumangon ka na diyan!" Magkapanabay pa nilang sambit.Si Nicole ay umandar na naman ang kakulitan. Pilit nitong hinihila ang mga unan na nakatakip sa aking tainga. Maging ang kumot na nakabalot sa aking binti ay inalis na rin nito kaya't napilitan tuloy akong bumangon."Babangon naman pala eh! Kailangan pa talagang pilitin!"natatawang reklamo nito."Ang ingay niyo naman! Ba't ba
KANINA pa kami palakad-lakad ni Nicole. Sa katunayan ay masakit na ang aking binti at paa dahil sa kakahabol sa kanya. Ang laki kasi ng hakbang nito kumpara saakin kaya naman halos tumakbo na ako para lang makasabay ako sa paglalakad niya."Ano ba? Saan ba talaga tayo pupunta?" Naiinis na tanong ko sa kanya.Sa halip na sumagot ay bigla na lang itong huminto at pansamantalang hinilot ang kanyang sentido.Buong akala ko ay kung ano na ang nangyari dito kaya naman puno ng pag-aalalang nilapitan ko ito."Okay ka lang ba Nics?''tinapik ko pa ito sa balikat."Oo, may iniisip lang ako." Aniya na patuloy pa rin sa ginagawa. "Alam ko dito banda 'yon eh! Nasa'n na ba 'yon?" dagdag pa nito."Hoy, Nicole, umayos ka huh! Anong kalokohan na naman 'to? Ano ba talaga ang hinahanap natin? Masakit na ang paa ko sa paglalakad oh." Reklamo ko dahilan upang mapilitan itong sumagot."Sandali na lang. Iniisip ko pa kasi kung saan banda 'yong building na 'yon.""Tsk...hindi kita ma-gets Nicole!" gigil kong s
NAKAUWI na ako sa bahay ngunit, tila wala pa rin ako sa sariling katinuan."Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Iñigo. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang mapagtanto kong hindi pa pala ako bumababa sa kotse niya."Uhm...so-sorry."Hinging paumanhin ko. Kapagkuwa'y dali-dali akong bumaba ng sasakyan. "Nawala sa isip ko na-"''It's okay. Alam ko naman'g hindi ka pa masyadong nakaka-get over sa mga nalaman mo kanina.""Sa-salamat ulit sir. Kung hindi dahil sa'yo ay paniguradong hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya sa kung ano nga ba ang totoong dahilan ng-" Muli ay hindi niya na naman ako pinatapos sa aking sasabihin." Sige na. Pumasok ka na sa loob. Magpahinga ka na para hindi ka nagkakaganyan. Tawagan mo na lang ako bukas huh, incase na hindi ka pa ready na pumasok sa office. Don't worry, maiintindihan naman kita." Aniya na sinundan pa ng sunud-sunod na pagkaway at ang kaninang ngiti niya sa labi ay hindi pa rin nabubura hanggang ngayon. Kaya't kahit paano ay napilitan rin akong
MAAGA akong gumising kinabukasan. Ako na rin ang nagluto ng almusal namin ni Nicole at ipinagtimpla ko na rin siya ng kape. Para makabawi ako sa matinding pag-uusap namin kagabi. Kaya naman, ang lapad ng ngiti nito nang makita'ng wala na siyang ibang gagawin kundi ang umupo na lang at isubo ang pagkain."Wow, friendship, naninibago ako sa'yo! Mukha yatang maganda ang resulta ng first day of work mo kahapon ah!'' Ani Nicole."Tsk...nagkakamali ka! Sa totoo lang ay mala-impiyerno. At saka, bumabawi lang ako sa mga nasabi ko kagabi. Alam kong nainis ka sa'kin." Nakairap kong tugon. Kapagkuwa'y umupo na ako sa katapat niyang silya at nagsimula na rin akong kumain."Sus, wala 'yon! Sanay na 'ko sa kadramahan at pagiging martyr mo sa buhay!" nakairap niyang sambit. "Hmm...alam mo, naninibago talaga ako sa'yo kasi sa lahat ng nakaranas ng mala-impiyernong buhay sa work place eh, ikaw lang ang nakita kong nakangiti." Dagdag pa niya na bigla ng inilihis amg pagdadrama ko."Eh kasi nga, akala k