Share

CHAPTER 3

MY PERFECT EVIL BROTHER

(Vaz POV)

"Vaz, after this we will go to karaoke with some girls,okay?" Sabi ni Tobby habang nagaayos ng mga papers ng estudyante ng C.U., parte kase kami ng student council kaya kami nandito ngayon sa room of files.

"I'll go if there will be some beauties!" Sagot ko umupo ng maayos sa bangkong nandoon.

"Maraming magaganda at cool na babae doon matiwala ka! Paano, sasama ka?" Dagdag pa Tobby umupo sa tabi ko.

I sighed.

"I'll go."

"Good then! Lets finish this soon, para makaalis na agad tayo!"

I hate home, that is why I spend almost my whole day and night outside.

I don't like the atmosphere in the house, naalala ko lang ang mommy ko at palagi kong nakikita ang perpekto kong kuya!

5 years ago, ako ay ang perpektong anak,estudyante at bunsong kapatid.

Palaging nasa taas,matataas ang grades,nagaaral ng mabuti,pinupuri at pinagmamalaki.

Pinalaki ako sa pamamaraang gusto nila at maayos ko itong tinatahak.

Hanggang sa na inip ako sa kakatulak nila sa daan na dapat kong tahakin patango sa kinabukasang gusto nila kaya ako lumihis!

Sobrang nadismaya ang mom at dad ko saakin.

Nasayang lang daw ang hirap at pagod nila para saakin.

Kasalanan ko bang ayaw ko sa gusto nilang maging ako?

Binigo ko sila at tinahak ko ang daang gusto ko. Malaya at walang pressure.

Sobrang lungkot ni mom hanggang sa nagkasakit siya at namatay.

Kahit na ganon ang nangyari wala parin akong naramdaman.

Alam kong ako ang sinisisi ni Dad at tingin ng kuya ko saakin ay walang karapatan sa lahat!

Ang kuya kong si Harry, magkapatid kami, mula maliit magkasama na kami, marami na din kaming away pero mula pa man noon ramdam at kita ko na sakanya na kakumpetensya ang turing niya saakin. Lalo na sa kayamanan ng pamilya namin.

Sa likod ng kabaitan ni Harry ay ang sakim niyang puso. 

Kaya sa pagdating ng babaeng yon at Ina niya sa buhay namin, nagaalala ako para sakanila. Knowing Harry, ayaw niya ng may kahati sa ano mang bagay, kahit ako ayaw niyang hatian at bilang stepsister na namin si Amber siguradong patay siya kay Harry dahil kakumpetensya na ang turing sakanya ni Kuya!

"Vaz." Boses sa likod ko kaya napatingin ako sa may pinto.

Ang kapatid kong si Harry at ang girlfriend niyang si Holly.

"What do you want?" Tanong ko sa kapatid ko.

"Saan punta mo,after this?" Tanong nito.

Siningkitan ko siya ng mga mata. Kailan pa siya may pakialam kung saan ako pupunta?

"Karaoke!" Sagot ko at tinuon na na uli sa ginagawa ang atensyon ko.

"Lakwatsa na naman." Iling nito.

"It's non of your concerns to deal with,anyway!" Malamig na saagot ko.

"Well, I don't care. Saka kahihiyan ka naman sa pamilya kaya di na kita babalaang ingatan ang reputasyon natin." Tawang sabi nito.

"Ah talaga, mabuti naman kung ganon. Your nags won't get me anyway." Ismid ko.

"Nga pala, nangako kase ako kay stepsister natin na susunduin ko siya after class. Kaya lang naalala ko may lakad pala kami ni Holly. Hmp pwede bang ikaw na lang ang susundo sa kanya?" Tanong Harry.

"Ano bang pinaplano mo sakanya ha?" Tanong ko hinarap siya at sinamaan ng tingin.

"Oy teka, I'm just being nice to Amber, besides she's a part of our family now Vaz!" Ngiting sagot nito.

"Wag mo nga akong lokohin! Buti sana kung hindi kita kilala Harry haha." Tawang sabi ko.

Tumawa lang ito.

"Bahala ka sa kung ano ang gusto mong isipin little brother. Basta ikaw na muna susundo sakanya ha. " Bilin niya at inakbayan na paalis si Holly.

"And by the way Vaz, you take care,okay!?" Ngiting sambit nito bago tuluyang umalis.

Napaismid ako habang nakatingin sa likod niya papalayo.

"Your brother is so cool. May maganda at seksing girlfriend ,topnatcher,atleta,modelo at sa batang edad kilala na bilang matinik na businessman. He is the answer of your family's expectations." Sabi Tobby tapik ang balikat ko.

"Yeah,he is and I was the total opposite of my perfect brother!" Sabi ko tumayo na at inayos ang gamit para sunduin si Amber sa school nila.

"Done, lets go? Sabay na tayo." Sabi ni Tobby.

"Sorry Tob, kailangan kong sunduin si Amber sa school niya, siguro sa susunod na lang." Tanggi ko pulot ang bag ko.

"Arghh ano ba yan. Sige next time na lang sama mo siya para makilala ko naman." Sang-ayon ni Tob.

"Sige. I'm going." Paalam ko at lumabas na ng student council office.

<Fast Forward>

(Williams University)

Pinara ng guard ng W.U. ang kotse ko kaya huminto ako.

"Sir?" Takang tanong nito pagkabukas ko ng bintana ng kotse at nakita niyang iba ang uniform ko.

"Sunduin ko lang ang kapatid ko, di naman siguro bawal yon hindi ba?" Sabi ko at tiningnan ang guard.

"Ganon po ba, ito po ang daan papunta sa parking!" Sabi niya turo ang daan sa kaliwa.

"Salamat!" Pinasok ko na ang kotse sa ko school papuntang parking.

5 pm. Wala parin si Amber. Naiinip na ako.

Nagpasya akong lumabas ng kotse para makita niya agad ako sakali.

Nagtinginan agad lahat saakin ang mga estudyanteng naroroon.

Napailing na lang ako. Iba kase ang uniform ko.

Ang tagal naman niya! Dumami na Ang nagkukumpulamg estudyanteng gusto akong makita. Mahirapan ako netong hanapin siya.

...

Sa wakas dumating na si Amber!

Akma pa itong bumalik nung nakita ako, nag-aalangan siyang lumapit.

Like the hell?

"Hey!" Tawag ko sakanya nung akma itong umalis.

"What are you doing here?"

"Obvious ba, sinusundo ka!" Iritang tanong ko. Wala akong paki-alam sa mga estudyanteng nandoon nanonood saamin.

"This is embarrassing." Bulong niya.

"What? Embarrassing? Mukha ba akong kahiya hiya? Saka pinaghintay mo ako! Anong oras na?" Napakunot noong tanong ko.

"Hindi yan ang ibig kong sabihin."

Bumaling ito sa kung saan at tiningnan muli ang akin mga mata hanggang sa mukha ko.

"Ano na? Umuwi na tayo. May hinihintay ka pa ba? Wag ka na mahiya, minsan lang kita susunduin dito baka pa nga ito ang huli!" Iritableng usal ko.

"Gosh bakit ba kase ikaw ang sumundo sakin? Saan si Harry? Tanong ni Amber pagkapasok ng kotse ko.

"May lakad siya."

"Ganon ba? Di ka na sana nagabalang sunduin ako. Kaya ko namang umuwi." Nahihiyang sabi niya. So naive, di niya man lang alam ang pamilyang pinasok niya.

Tiningnan ko na lang siya at pinaandar na ang kotse ko.

Tahimik lang ito at ako rin. Naiilang ako sa kanya di katulad sa ibang mga babaeng nakakasama ko. Iba ang nararamdaman ko sakanya, nahihiya ako.

Napatingin ako sakanya at ngumiti naman ito.

Tsss.

Binaling ko ang mukha ko at di pinakita sakanya ang ngiti ko. Nahihiya akong makita niyang masaya ako. Damn!

Napalingon ako uli sakanya at napansing di niya suot ang seat belt kaya pinarada ko uli ang sasakyan upang ayusin ang seat belt niya.

Nilapit ko ang katawan ko sakanya para abutin ang seat belt niya at ayusin.

"What are you doing?" Nagtatakang tanong neto sa mukha ko. Ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko. She is cute pala sa malapitan. Nilapit ko pa ang mukha ko sakanya habang inaayos ang seatbelt sa tagiliran niya.

Napansin ko ang pamumula ng ng mukha niya at pinigilan nitong huminga. Haha, teasable.

Dapat na sana akong lumayo, dahil naikabit ko na ang seat belt niya pero di ko maiwasang titigan siya sa malapitan.

Nakanganga lang siya sa akin. Sa pagkakataong ito ay natahimik, na parang hindi siya makagalaw. I want to claim her lips!

No!

"Tapos ka na ba?"  Nauutal na tanong niya.

Ang mga puting ngipin niya ay kumikislap sa isang mabilis at pilit na ngiti.

"Lumayo ka na!"

Napangiti at kumurap ako. "Her voice brought tingles sa mga laman ko. Kakaiba!"

Ang kanyang isang magandang mukha ay isang bagay na minsan ko lang nakikita. Simple ito pero maganda. Kakaiba.

Nagkalat sa kotse ko ang amoy ng pabango niya. So feminine. Umayos na uli ako ng upo sa driver's sit.

"Di ka ba marunong mag seatbelt. Diba yan dapat ang inuuna mo pagkapasok mo ng sasakyan?" Tanong ko.

Napa-iling siya at napangiti.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Pinaandar ko na uli ang kotse ko at sinisipat siya. Lihim na pinag-aralan ang mukha niya.

Nagmenor ako ng konti kaya nagulat si Amber napatakip ang maliliit niyang kamay sa bibig niya.

Cute.

"Gusto mo ba ng kendi? Meron ako dyan sa redbox malapit sa maliit na unan." Sabi ko.

Naalala ko tuloy si Mommy nung buhay pa siya. Kapag sinasakay ko siya sa kotse ko lagi siyang naghahanap ng kendi kaya lagi akong may kendi sa sasakyan.

Napabuntong hininga ako. Namimiss ko na siya at ang ngiti niya. Lagi niyang sinasabi na piliin kong laging masaya.

Sinabi niya pa saakin na ang tunay na ligaya at saya ay na hihigitan ang pagkakaroon ng maraming kayamanan o ang pagkapanalo sa ano mang kampyonato, ang tunay na kasiyahan ay kapag nagsimula na daw akong umibig.

Kapag umibig ka daw ay doon na magsisimula ang buhay, ang sukatan ng buhay ay hindi kung ano ang ginagawa mo para mabuhay, ang buhay ay kung paano ka namumuhay kasama ang taong dahilan kung bakit ka namumuhay. Hindi ko talaga maintindihan si Mom.

Dahil sa sinabi niya, naghanap ako ng pag-ibig o taong maging dahilan ko para mabuhay, hanggang nakilala ko si Chloe pero hanggang ngayon kulang parin ako.

Damn! Hanggang ngayon di ko parin maintindihan at mahanap ang pagibig na sinasabi ni Mom.

Kinukurot parin ang puso ko sa tuwing naaalala ko si Mom. I miss her so much. Kung maibalik lang sana ang panahon, magpakabait talaga ako para sakanya.

"Are you okay?" Isang boses ang pumukaw sa isip ko.

Napalingon ako kay Amber.

"Yeah,I'm fine." Malungkot na sagot ko.

Paliko na kami sa kanto ng napansin kong di na kumakapit ang preno ng kotse ko!

"Damn!" Sambit ko sinusubukan uling diinan ang preno.

"What's wrong?" Kinakabahang tanong ni Amber.

Pababa na kami sa pababang bahagi ng kalsada.

"Shit! Sinabutahe yata ang preno ko!" Sabi ko pilit hinihinaan ang takbo pero di na talaga makontrol ang takbo ng sasakyan dahil pababa ang daan.

"Ano! Paanong nangyari!?" Takot na tanong ni Amber.

"Pinutol yata ang wiring kaya di na gumagana o kumakapit!" Paliwanag ko.

"Paano yan? Puro bangin ang magkabila nitong kalsada!" Sabi niya habang palinga linga.

Binuksan ko ang pinto ng kotse sa tabi ko.

"Anong gagawin mo?" Takang tanong nito.

"Tatalon tayo!" Sabi ko hawak ang kamay niya habang tinatanggal ang seatbelt ko.

"Ano?!"

"Halika, bilisan mo!"  hila ko siya payakap, tinanggal ko na ang seatbelt niya.

Mabilis parin ang takbo ng kotse ko derederetso pababa.

"Ready?" Tanong ko yakap siya.

"Ready for what?" Di makapaniwalang tanong neto.

"Tatalon tayo!"

Binitawan ko na ang menabela ng sasakyan ko, niyakap siya ng mahigpit, pinotrektahan ang ulo niya gamit ang mga palad ko at tumalon na palabas ng kotse.

Hinigpitan ko ang yakap sakanya habang pagulong gulong kami sa kalsada!

Napapikit ako at di ininda ang sakit.

Mayamaya pa narinig ko na ang pagsabog sa ibaba. Nahihilo man pero kailangag kong tumayo para gumilid sa kalsada baka masagasaan kami.

Inalalayan ko patayo si Amber at paika ikang naglakad sa gilid ng bangin sinilip ang kotse kong nahulog sa bangin at nasusunog ngayon.

Ngayon alam ko na kung bakit ako ang pinasundo ni Harry kay Amber.

Balak niyang patayin kaming dalawa!

HAYOP KA TALAGA HARRY!

...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status