Share

CHAPTER 2

REMINDER

(Amber POV)

"Amber, kumusta ang luto ng Uncle mo? Pinaghandaan niya talaga yan para sayo." Ngiting sabi ni mommy.

Nasa hapagkainan kami nina Uncle Van,Harry at Mom. Si Vaz lang ang wala.

Ayaw nga talaga ni Vaz na nandito kami. Halata naman.

Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago sagutin si mom.

"It's super delicious mom. Thankyou so much for the food Uncle." Ngiting sambit ko tukoy ang pagkain.

"How about this place Amber,your room? Hows your sleep? Baka may gusto kang ipadagdag o ipabago." Ngiting tanong ni Harry.

"This place is lovely. My room is super comfortable. Kaya napasarap ang tulog ko." Sagot ko tapon ng tingin ang wall clock.

7 am. 8:30 ang pasok ko kaya may oras pa.

"That's good. Mas okay sana kung kasabay natin si Vaz kumain." Sambit ni Harry.

Yeah, but he seems na di niya gusto ang presence ko.

"Hayaan mo na ang kapatid mo. Baka naninibago lang na may makakasabay na tayo." Sabi ni Uncle Van.

Napatingin ako kay mom. Masaya siya at umaliwalas na ang mukha niya. Nag-iba na Ang awra ni mom. Mukhang gusto niya ang lugar na to, mahal niya si Uncle Van at mukhang mahal din siya neto. 

Isn't it too early to say? Bago pa kaya siguro ganon sila kabait, baka kapag tumagal na biglang mag-iba ang ugali nila.

"Mom, Uncle, kailangan ko nang pumasok kaya di ko na kayo matutulungan sa pagliligpit." Ngiting paalam ko.

"Don't worry Iha, kaya na ng mga maids natin to. Baka malate ka na." Sagot ni Uncle.

"Salamat po sa masarap na pagkain." Sabi ko at tumayo na.

"Thankyou too Amber." Ani Uncle, todo ngiti naman si Mom.

"Get ready and Manong will drive you." Ani pa ni Uncle.

Ngumiti lang ako at humakbang na.

"I'll drive her to her school dad." Ani Harry at tumayo na.

"No,no thanks Harry. Mas malayo ang school ko saiyo." Kako.

"It's fine. 10 am pa pasok ko.Lets go." Ani Harry hila ako papunta sa hagdan.

Napangiti na lang ako.

"May kukunin lang ako sa kwarto ko." Ani Harry pagdating sa harap ng silid ko.

"Sige, kukunin ko lang din ang gamit ko." Kako at pumasok na ng silid ko.

Pulutin ko na sana ang bag ko nung may kumatok sa pinto.

"It's me, Vaz. May I come in." Ani Vaz sa labas.

Si Vaz? Anong kailangan niya?

Binuksan ko agad ang pinto at tumambad saakin ang napakatangkad na si Vaz at mamasamasa pa ang buhok.

Dahan-dahang pinagmamasdan ako ng mga mata niyang kulay light brown, bumaba ang paningin niya papunta sa katawan ko bago bumalik sa mukha mo. For once in my life, wala akong pakialam kung maganda ba ako tingnan o hindi, ngayon lang ako parang nanliit dahil sa tingin niya. Ang puti kong uniform ay medyo masikip kaya alam kong hulma ang aking mga suso, at kurba ng katawan ko. 

Nagmamadali nga akong maka-alis para di siya makasalubong, pumasok naman siya sa kwarto ko.

Sa totoo lang gusto ko ang mukha ni Vaz.

Alam kong mali kakatangahan na maakit sakanya kase may boyfriend ako, pero tumatalon ang puso sa tuwing naririnig ko siya o sa tuwing nararamdaman ko ang presensya niya.

O baka ganyan talaga kapag alam mong binabaliwala at ayaw sayo nacha-challenge ka.

Pero kung tutuusin iba siyang lalaki, di tulad ng ama at kapatid niya. Para siyang isang lalaking cold at mukhang mayabang.

Balita ko may girlfriend na siya.

"Kailangan ko nang pumasok. May kailangan ka ba?" Sabi ko umatras ng konti.

Tinitigan lang ako nito.

"May kailangan ka ba?" Tanong ko uli. Nagmamadali na kase ako at baka ma late pa ako.

Nagulat ako nung tinulak niya ako papasok ng silid ko nilock ang pinto at hinarap ako.

Napaatras ako nung humakbang ito papalapit.

"What is it you want." Natatakot na sambit ko.

Nagulat ako nung hinablot ako nito at napapikit nung diniin niya ako sa dingding.

"Why did you come here!" Matigas na tanong niya.

Obvious ba?

"I'm here for my mom!" Nanginginig na sagot ko.

"Liar!" Diin niya. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa mga balikat ko at ang lapit ng mukha niya saakin. Di ko alam Ang mararamdaman ko kung mamangha ba ako sa kagwapuhan niya o matakot sa pinapakita niyang katapangan!

Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa mukha ko.

"If you do something wrong, I'll shout!" Banta ko sakanya.

Tiningnan lang ako nito.

"I'm serious! Let me go!" Diin ko.

Di ko mabasa ang nakikita ko sa mga mata niya, panghuhusga ba, pangmamaliit o pagkamangha.

Parang gusto ko tuloy maiyak!

Napabuntong hininga ito nung tumunog ang phone ko.

"Magingat ka kay Harry!" Bulong ni Vaz bago ako bitawan at humakbang palabas ng silid ko.

Napahugot ako ng hininga. Kinabahan ako dahil sakanya!

Ako? Magingat kay Harry? Mas malayong mas mabait si Harry kesa sa kanya. Mas nakakatakot nga siya! Pero bakit niya sinabi yon? Babala ba yon? Pero bakit?

Naguguluhan na ako.

Napatingin ako sa phone ko.

=Rhyz Calling=

Ang boyfriend ko pala tumatawag.

"Hello Rhyz?" Sagot ko ng cellphone.

Niyakap ko pa ang sarili ko dahil nanginginig pa ako sa takot dahil kay Vaz.

"Nasa school ka na ba?" bungad ni Rhyz.

"Papunta palang ako, bakit?" Tanong ko ayos ng sarili.

"Ah ganon ba, nandito kase ako sa bahay niyo para sunduin ka pero walang tao at nakakadena ang gate at pintuan. Lumipat na ba kayo? Saan?" sunod sunod na utal ni Rhyz.

"Mahabang paliwanag, sa school ko na lang ikwekwento sayo ha." Sabi ko. Nakalimutan ko papalang sabihin sakanya na lumipat na kami.

"Okay, okay see you then."

"See you."

"Take care. I'll wait you here."

"You too Rhyz. Bye"

"Bye."

Pinatay ko na ang phone at nilagay sa bag.

Kinarga ko na ang bag ko at lumabas na ng silid.

Kailangan ko si Rhyz at Paige ngayon. Kailangan ko ng kausap. Tama ba tong pamilya na pinasok namin?

Lumabas na ako ng silid.

"Shall we go?" Tanong Harry na nasa gilid pala ng pinto.

Nakakagulat naman!

Napatingin ako sa kanya.

Bakit nasabi ni Vaz na magiingat ako sa kapatid niya? Mukhang harmless naman tong si Harry. Baliw na yata yong si Vaz. Haist.

Humugot na lang ako ng hininga at bumaba na ng hagdan. Nasa likod ko si Harry.

Pagkatapos magpaalam sa mga magulang namin nakisakay na ako kay Harry dahil ihahatid daw ako nito sa school.

Nasa garage din si Vaz may dinidikit sa kotse niya.

Di man lang kami nito tinapunan ng tingin hanggang sa nakaalis na kami.

Sa daan papunta sa school ko tahimik lang si Harry at kapag napapatingin ako sakanya ngumingiti naman ito.

Naguguluhan tuloy ako sa sinabi ni Vaz na magingat ako kay Harry. Kainis!

Nadaanan pa namin ang Crown University kung saan nagaaral sina Harry at Vaz.

Mas malapit kase ang school nila sa bahay kaysa sa school kong Williams University.

.....

(Minutes later)

"Sunduin kita mamayang uwian. Hintayin mo ako." Sabi ni Harry, pagkababa ko ng kotse niya.

Di pa man ako nakasagot pinaharurot na neto ang sasakyan niya.

Arghhh ano kaya yun? Weird!

Napatingin ako sa mga estudyanteng kanina pa nakatingin saakin.

Dumeretso na ako sa loob ng school building, umakyat papunta sa room ko na nakatungo lang.

8 am pa. May half hour pa ako.

Tumunog ang phone ko.

"Nasa rooftop ako, beb." Message from Rhyz.

Napailing na lang ako at sumakay ng elevator papuntang rooftop.

Pagdating doon nakita ko agad si Rhyz nakatayo nakatingin sa baba.

"Hi." Bati ko sakanya.

"Ow hi beb, you are here. I have something for you." Sambit niya angat ang isang cute na bote.

Ang ganda ng mukha ni Rhyz dahil nasinagan ng araw. Medyo mahabang tuwid na kulay itim na buhok. Matangos na ilong, ang maninipis pero mapormang mga labi.

"Here beb, sweetened squash. You'll love this one. It's healthy and delicious. Try it." Sabi niya bukas ang maliit na boteng may dessert.

"Here, try it."

Sinubuan pa ako nito.

"How was it?" Ngiting tanong nito.

Tumango tango lang ako. Napatingin ako sa bote. May pangalan.

From: Sophie.

To: Rhyz.

Sabi ko na eh galing sa admirer niya. Laging napupunta sakin lahat ng mga bigay ng admirer niya.

Kapag kasama ko si Rhyz ang gaan ng pakiramdam ko. Palagay ko kami na talaga siguro. 

"Are you alright? Mukhang distracted ka!" Tanong niya lapit ang mukha saakin kaya naginit ang mukha ko.

"You okay? You're so red." Tanong uli nito haplos ang ulo ko.

"Stop patting my head." Sabi ko pigil ang kamay niyang ginugulo ang buhok ko.

"Ow youre such a teasable girl my Amber." Sambit nito pigil ang mga balikat ko. 

Naalala ko tuloy si Vaz!

"Yeah I am." Yoko ko tago ang namumula kong pisngi.

"Lets kiss." Biglang utal ni Rhyz kaya napaatras ako.

"WHAT!? I dont want to!" Sambit ko.

"Di mo naman kailangang magpakipot. Boyfriend mo ako at ang halik ginagawa talaga ng magkarelasyon." Sabi Rhyz.

"Napagusapan na natin to." Sabi ko.

Bumutong hininga si Rhyz at lumayo saakin.

Tumunog ang bell.

Tahimik lang kaming pumunta sa room namin.

Sorry pero di pa talaga ako handa sa ganonh bagay.

<Fast Forward>

Mabilis natapos ang klase at uwian na.

Mukhang nagtampo si Rhyz dahil di ako kinikibo. Si Paige naman absent kaya wala akong napagkwentuhan.

Tumuloy na ako sa parking, naalala ko kasing susunduin ako ni Harry. Baka nandoon na siya.

Pagdating sa parking may kaguluhang nangyayari.

Sumilip ako at nakita ko kung sino ang pinagkakaguluhan nila.

Lalaking nakasandal sa kotse niya at nakasuot pa ng uniform ng ibang school.

Para siyang superstar pinagkakaguluhan!

Nagulat ako nung lumingon ang lalaki at napagtantong si..

Si Vaz, suot pa ang uniform ng C.U. at nasa parking ng W.U.

Anong ginagawa ni Vaz dito?! Saan si Harry?

...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status