Share

Chapter 7

I never wanted to love someone because I know it can break me but what if ang puso na mismo ang ayaw pa-awat at ayaw tumigil? Can we really stop it? Mapipigilan ba talaga natin kung mismong ang puso na ang kalaban?

Naisip ko lang kasi, paano kong dumating ako sa puntong titibok ang puso ko sa isang lalaki? I have a goal in life and having a boyfriend around me isn't included in my plan.

Napaiwas ako ng tingin at umayos nang upo. Ramdam ko ang katahimikan sa paligid at hindi ko alam kung narinig ba nila ang sinabi niya kahit na binulong niya lang sa 'kin ito.

Tumikhim ako. "Ahm.... Hindi pa ba tayo o-order?"

I can sense awkwardness in the air but it immediately faded when, Carla and Sheena smiled and talked.

"Ah.. oo nga! Wait, kami na lang ni... Carlo este Carla ang o-order. Anong sa inyo?" sabi ni Sheena at ngumiwi.

"Katulad nung dati sa 'kin," mahinang sabi ko.

"Kung ano 'yong kay Gabriella then that's what mine too."

Kung may iniinom lang ako ngayon ay baka nabulunan na ako sa tawag niya sa 'kin. 

They look at me. Naningkit ang mga mata nila at umiling. I swallowed hard. Alam kung delikado 'to. Tumayo si Ate Lanie at Elvis kaya nataranta ako.

"Sa-Saan kayo pupunta ate?" utal na tanong ko sa sobrang kaba. Ayokong maiwan kaming dalawa ni Migo rito. Kinakabahan ako.

Inakbayan ni Elvis si Ate Lanie. Ate smiled at me.

"May kukunin lang kami sa kotse. Relax ka lang diyan. Hindi naman nangangagat si sir." Humalakhak pa siya at naiwan kaming dalawa rito.

I sighed and bit my lip. My hands are shaking too. Hindi ko alam kung bakit sa t'wing magkasama kami sa iisang lugar o magkatabi man lang kami ay kinakabahan at nanginginig ako. Kahit na magkasama kami sa opisina. Iba kasi kapag nasa office, separated 'yong room kahit nasa iisang floor lang kaya minsan lang kami magkaharap.

"Why are you ignoring me all of the sudden huh? Nahihiya ka ba?" He ask and chuckled afterwards.

"Hindi po sir."

"Then why is that?" He ask after shifted on his seat.

Umiling ako at kinagat ang pang-ibabang labi. Ayoko sana siyang kausapin kasi nga hindi ako komportable sa kanya.

"Sir! Sama kayo sa 'min after nito? Diyan lang kami sa Greenville Bar!"

Thank God someone save me from that awkward moment but wait.. what? Did I heard it right? Greenville Bar? Wala naman silang sinabing ganito ah? Akala ko rito lang sa Da’Shanz?

Kumunot ang noo ko at bumaling kay Carla. Naningkit ang mata niya at kalaunay pinandilatan ako. 

"Sure. I don't have any appointments today and it's also my day off," he said cooly na para bang walang problema kung sasama siya sa amin.

Napatango si Sheena. "Eh 'yong mga kaibigan mo sir? 'Di mo isasama?" Alanganing tanong niya.

"I'll call them later."

Migo played his lower lip with his right hand. Nakakahiya man aminin pero ang hot niya sa t'wing pinaglalaruan ang mapupulang labi niya. He also look dashing in his simple yet makes him hotter more clothes. He's just wearing a ripped jeans that revealed some of his hairy masculine legs and plain black branded t-shirt. Kahit gan'yan lang ang kanyang suot, sumisigaw na ang kagwapuhan niya. He really can make girl's legs trembled even with just in his stares.

Ang kanyang makakapal na kilay ay nagdudugtong sa t'wing kukunot ang kanyang noo. Ang kanyang makakapal at medyo curly na pilik-mata ay sobrang nakaka-inggit. Ang kanyang asul na mata, na kasing asul ng langit sa t'wing tatanawin ko sa umaga, ay sobrang nakaka-akit kahit wala pa man siyang ginagawa. Sa tuwing titigan lang niya ako, nanginginig na ako at bumilbilis ang tibok ng puso. Gustong gusto ko palaging titigan ang mga mata niya. Ang kanyang labi na sa t'wing kinakagat at dinidilaan ay namumula agad. 

His body is no joke. He seems like he gym because of his broad back. He's fit, I can say that even when he's wearing a formal suit everyday in the office. Actually ngayon ko lang siya nakitang naka casual lang at hindi ito nakakabawas sa pagiging gwapo niya. Sobrang unfair naman.

"You done starring at me?"

I stood up and cough hard. Napahawak ako sa d****b ko sa sobrang pag-ubo. Nabilaukan ako sa biglang pagsalita niya kaya inabutan niya ako ng tubig. I drink it immediately before I get died because of too much coughing. Nakakagulat naman kasi siya!

He touch my back at hinimas ito. Parang biglang may kuryente akong naramdaman sa mga hawak niya.

Lumapit sa 'kin si Ate Lanie. "Ayos ka lang ba?"

Agad akong tumango at umayos ng upo. "Opo ate, sorry nagulat lang ako."

Ate Lanie's three years older than me same with his boyfriend which is Elvis. Si Sheena ay ka-edad ko lang at si Carlo or should I say Carla ay one year older than me while si Sir Migo? I don't know.

Umayos na sila ng upo at nagsimula na ring kumain. Carla's busy taking picture of the view and of course taking selfies, minsan ay sinali sali niya rin kami.

"Sir okay lang ba sa 'yo? Kuhanan mo kaming lahat?"

Agad na nanlaki ang mata ko. Saan humuhugot nang kapal ng mukha 'tong baklang 'to at inutusan pa niya s'yempre ang boss namin! Sobra naman yata sa kakapalan ng mukha 'tong baklang 'to.

He smirked and nod. I really thought at first that he's a snob but I was wrong. Kasi mas malayo pa siya sa pagiging snob. Babaero at mapaglaro pala. Kabaliktaran sa iniisip ko. Imagine first day na first day ko ay gumawa na ng milagro sa loob ng opisina? Buti na lang talaga at sa loob ng isang buwang pagta-trabaho ko roon ay minsan lang ako makakita ng milagro. Though may mga agresibong mga babae na inaaway ako dahil lang sa kanya.

He position himself at the front at inayos ang camera para kuhanan kami ng litrato. Magkatabi ang mag jowa while pinag-gitnaan naman namin ni Sheena si Carla.

I awkwardly smile. Nakakahiya kasi parang 'di naman siya nakatingin sa phone kun'di sa akin. 

"Gabriella c'mon, smile!"

Napasinghap ako. Tangina talaga nitong lalaking 'to. 

Wala akong nagawa kundi ang ngumiti. Sobrang dami ng pictures namin, 'di na ako magugulat kung ma-storage 'yon.

"Carlo I'm returning the favor now. Can you take a picture on us?"

Biglang natahimik ang palagid at agad na naging abnormal ang pagtibok ng puso ko nang lumapit siya sa akin at inakbayan ako. 

"Of course sir!" Ngumiti ang bakla at agad kinuha ang iPhone ni sir. Mamahalin kasi yayamanin.

I left with no choice but to cooperate with his damn game para matapos na.

Kakaiba ang ngiti ng bakla. Halatang ngiting nang-aasar. Inirapan ko lang siya.

Ipinakita niya sa amin ang kuha niya. I look so damn flushed in the picture! Pulang pula ang pisngi. Kita ko sa mga mata ko ang kasiyahan. Napailing ako. 

No Shantal. Always remember the rule if you don't want to get fired. Maayos na ang buhay namin simula noong nagta-trabaho ako sa kompanya kaya ayokong sirain 'yon dahil lang sa sariling pangkaligayahan. 'Cause I know that this happiness is just temporary.

"Sa kabila na tayo?" tanong ni Sheena habang inaayos ang damit niya.

Tumango si Elvis at inakbayan si Ate Lanie. Elvis is a good looking man at bagay na bagay sila ni Ate Lanie. Nito ko lang din nalaman na mag jowa pala sila. Kung 'di ko lang nakita sila na naghalikan ay sigurong 'di ko malalaman.

"Tara na, six in the evening na naman kaya I'm sure marami ng fafa sa kabila!" Sheena said and giggled.

Napalunok ako nang bumaling ang tingin sir Migo sa akin at biglang ngumisi. Iniwas ko lang ang aking tingin at tumabi kay Carla habang naglalakad papuntang Greenville. Next to Da’Shanz is some 7/11 then next ang Greenville na kaya nilakad na lang namin papunta ro'n.

"Fuck you bro! Come your fucking ass of here. Tell them or I'll fucking punch you!"

Napangiwi ako nang marinig ko siyang magmura sa katawag niya. We went in and he ended the call before looking at me. He raised his brows. Napansin siguro na nakatitig ako sa kanya. 

"Is anything wrong?" He ask and held my elbow.

Kinagat ko ng mariin ang aking labi. Can he just stop touching me? His touches always sent shiver to my spine.

"Sir pwede po bang pumasok tayo ng 'di mo ako hinahawakan?"

Biglang uminit ang ulo ko nang tumawa siya. Instead of stopping himself on touching me, he just chuckled and hold my wrist tightly. Umirap ako. Ewan ko ba pero nakasanayan ko ng umirap simula no'ng nakilala ko siya.

Nakarating kami sa loob at isa-isa silang umupo sa couch malapit sa bar counter at nagtawag agad sila agad ng waiter para mag order ng drinks. 

"I'll be back later. I'll just call my friends," nag paalam si sir sa amin at akala ko'y aalis na siya pero bumaling siya sa 'kin. "Gabriella, can you come with me outside?"

Wala sa sariling napatango ako kaya hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas habang pinag-titinginan kami ng mga kaibigan ko at ng mga tao sa paligid.

Tahimik lang kami habang siya ay sumusulyap-sulyap sa akin. I can see a little smirk in his lips and my heart beat fast because of that. 

Nakarating kami sa labas at sinalubong ako nang napakalamig na hangin. The air in the outside was more refreshing than the inside. Sa loob kasi ay halo-halo na ang amoy.

"Hey bro!" Sambit no'ng matangkad na lalaki at sinuntok si Migo sa braso ng mahina. May lalaki rin sa likod niya, nakasandal sa kotse at naninigarilyo. They're four.

Gusto ko sanang bumitaw at bumalik na sa loob kaso sa ang higpit ng hawak niya sa kamay ko at wala yata akong balak pakawalan. Every time I tried to pull my hand, he would hold it tightly.

"Hey... Let's get inside fuckers." Malutong na mura niya at hinila na ako papasok.

"Woah! Who's that girl huh? You're fucking rude for not even introducing us to her!"

Napaawang ang labi ko. The tall and handsome guy on our back talk. Even when he's talking, he still handsome.  They're bunch of good looking guy huh? Mayaman din palagay ko. Relo pa lang parang mamahalin na—no mamahalin talaga.

Hindi na sumagot si Migo at hinayaan ang lalaki sa likod na magtalak. Natigil lang siya sa pag-iingay nang nakarating na kami sa loob. The crowds getting wilder as time passed.

It's not my first time going on some bar kasi pumunta kami rito no'ng nakaraan pero kahit gano'n pa man ay hindi pa rin ako sanay sa mga taong kulang na lang ay kainin nila ang isa't isa. May iba pang halos hubarin na ang mga damit sa sobrang kalasingan. This isn't my thing but at some point, the music makes me at peace.

Nabalik lang ako sa aking huwisyo nang may palad na humaplos sa pisngi ko. 

"Sir?" 

Umiling lang siya at pinaupo ako. He look at my friends.

"It is okay with you guys if I let my friends sit here or nah?" He ask.

"Oo naman sir! Asan na sila?" Excited na tanong ni Sheena at luminga pa sa paligid. Kapag talaga gwapo ang pinag-uusapan, game na game niya. She's single and I think there's nothing wrong with that.

Migo smirked and took seconds before his friends came. Nang nagsi-datingan sila ay agad silang umupo sa bakanteng sofa at walang pasabing ininom ang Bacardi sa table.

Biglang tumili si Carla at Sheena. Kapag usapang lalaki, silang dalawa talaga ang nagkakasundo. 

"You won't drink?"

I look at him and shook my head. "Mamaya na."

He look at me and raise a brow. "Why? You came here to drink right?"

"Ayoko ng maulit 'yong nangyari no'ng nakaraan kaya ayoko munang uminom, baka kasi malasing na naman ako. Mahirap na puro pa naman kayo lala—" saka lang ako natauhan sa mga pinagsasabi ko no'ng humalakhak siya.

"Oh the kiss," mapanuyang aniya.

Biglang uminit ang pisngi ko at napayuko ako. Kakasabi ko pa lang na 'di ako iinom pero napainom ako bigla sa kahihiyan. Why do he have to remind me that? Hindi ako 'yon. Lasing lang ako kaya nangyari 'yon. Kaya nga sinampal ko siya at umalis ako ng umiiyak. Ewan ko pero baka naghalo-halo lang lahat dahil sa kalasingan kaya ako napaiyak.

"Please lang sir. Kalimutan mo na 'yon. Lasing ako, lasing ka, lasing tayo." 

He playfully smiled at me and drink. Hindi ko alam kung ano 'yong ininom niya.

"Oh c'mon bro! Fucking introduce us to them!" Sigaw no'ng gwapong lalaki kanina. 

Migo's brows furrowed and throw a dagger look on his friend. Nasa harap namin nakaupo ang apat niyang kaibigan habang sa kabilang sofa naman ay si Ate Lanie at Elvis na nagmi-make out na at katabi nila si Sheena at Carla na nasa dancefloor na ngayon habang sa isang sofa ay kaming dalawa lang ni Migo.

"Fine. This is Shantal, my secretary. That two is also my employee and those two people who are dancing is also my employee, happy now?" Naka-kunot pa rin ang kanyang noo.

The guy chuckled and extend his hand to introduce himself.

"I'm Ridge, nice to meet you pretty Shantal." He then kiss my hand.

Nagpakilala rin 'yong iba niyang kasama.

"I'm Klein." sabi nung katabi ni Ridge na nagsisigarilyo.

"I'm Jameson." Sabi naman nung nasa kanan ni Klein na bored ang expression.

"And that is Clevis and if you're wondering why I'm the one who introduced him it's because he won't talk." 

Napabaling ako sa lalaking itinuro niya. Iyon 'yong lalaking nakasandal sa kotse sa labas na parang walang pakealam sa paligid.

I feel like they want to talk something personal pero 'di lang nila masabi kasi nandito ako kaya tumayo ako.

"Where do you think your going woman?" He ask in a low husky voice.

"Sa dancefloor sir,"

"How many times should I remind you to stop calling me sir huh?"

Narinig kong humalakhak ang mga kaibigan niya at nakatitig sa amin. Napangiwi ako at pilit kinalas ang kamay niya.

Bumuntong hininga ako. "Opo Migo." 

Tumakbo na ako para 'di na marinig ang mga reklamo niya kasi nakakahiya na. 

Instead of going to the dancefloor ay pumasok na lang ako sa comfort room dito sa loob ng bar at pumasok sa isang empty cubicle. Kanina pa kasi ako ihing-ihi, pinipigilan ko lang talaga.

Pagkatapos ay tumayo na ako para maghugas ng kamay. Mabuti naman at walang ibang tao rito sa loob. I have the chance to stare at myself in the mirror. Ang buhok kong nakalugay ay medyo nagulo. Ang mga mata ko ay mapupungay siguro dahil antok na ako. Ang mga pisngi ko ay namumula dahil siguro sa pag-inom ko. Inayos ko ang buhok ko at huminga muna ng malalim. I don't know but I feel so nervous.

Lumabas na ako at sinalubong ako ng taong naghahalikan. Umiwas ako at tinakpan ang ilong sa mga usok na galing sa sigarilyo. I roam my eyes on the crowd to find my friends but I can't find them. Sa sobra ba naman karami ang tao.

I decided to go back to our table since I can't find them. But I never expected my hurt will ache after I reached the table.

May naka-kandong na babae kay Migo habang hinahalikan niya ang leeg ng babae.

I wipe my tears and turn my back. Sabi ko na eh. Delikado 'yon. He's a playboy and he only wants a game, a game I know I won't win.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status