Share

Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss
Immortal Series Book 4: Immortal’s Kiss
Author: charmainglorymae

Prologue

Third Person's POV

BAGO pa nagsimula ang lahat, ang Wysteria ang natatanging kontinente na hindi nakikita o napapasok ng mga tao. Namamahay doon ang mga nilalang na kailanman ay hindi inisip ng mga tao na totoo.

Pinupugaran ito ng mga diwata, halimaw at mga demons. Nakatira ang tatlong uri ng nilalang doon ng walang problema. Ang mga diwata ang pinakamataas na ranggo na siyang sinusunod ng mga halimaw at demons.

Sa angkan ng mga diwata, may tatlong magkakapatid na siyang namumuno sa Wysteria. Sila si Amoroso, Agape at Agamemnon. Ang tatlong magkakapatid na ipinanganak sa magkaparehong bulaklak. Sinusunod sila ng lahat ng mga nakabababa sa kanila.

"Agape, saan ka nanggaling?" Tanong ni Amoroso sa kadarating lang na kapatid na babae.

Si Agape ay napakaganda. Mahaba at maalon-alon ang buhok nito na napakapusyaw. Ang balat nito na halos kasing puti ng niyebe at kasing kinis ng porselana. Ang mga mata niya na kakulay ng amaranthine, mapupulang mga labi at perpektong hugis ng mukha.

Hindi nalalayo ang itsura din ni Amoroso at Agamemnon. Pareho silang tatlo na may taglay na gandang natatangi.

"Binisita ko lang ang fountain of youth. Hindi na ito magtatagal at matutuyo na ito." Tugon naman ni Agape.

Lumarawan naman ang pag-aalala sa mga mata ni Amoroso at Agamemnon. Hindi biro ang suliranin na matutuyo ang fountain of youth dahil ito din ang magiging mitya nang katapusan ng mga diwata.

"Hindi ko pa rin maisip kung ano ang dahilan nito. Isa lang ang alam kong posibilidad ngunit alam ko na hindi naman iyon mangyayari." Saad naman ni Amoroso na may tinutukoy.

Walang nagsalita sa dalawa. Si Agamemnon naman ay malalim ang iniisip ngunit hindi ito nagsalita.

"Alam naman natin na bawal ang magkaanak dahil iyon ang sisira sa atin mga diwata. Ang mga senyales na ito ay patunay na nangyari na iyon." Singit naman ni Agape na malalim din ang iniisip.

"Sinasabi mo ba na may lumabag? Alam ng lahat kung gaano kabigat na kasalanan kung mangyayari man iyon!" Medyo tumaas ang boses ni Amoroso dahil sa narinig. "Kailangan malaman natin kung sino man ang sumuway bago pa mahuli ang lahat.

"Paano natin malalaman, Amoroso? Wala akong maramdaman." Hirap na saad naman ni Agape.

"Gawin mo ang lahat!" Nagtitimping saad ni Amoroso.

Nanatiling tahimik si Agamemnon habang humihigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. Alam ni Agamemnon kung ano ang mga nangyayari ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin iyon dahil alam na niya kung ano ang maidudulot ng pag-amin niya.

Tumingin naman si Agape kay Agamemnon. "Tulungan mo ako sa paghahanap." Saad ni Agape sa kapatid. Napapakunot noo naman si Agape dahil sa kaunting pagkabahala sa mga mata ni Agamemnon na agad din naman nawala. Ngunit hindi na niya iyon inisip pa.

"Hhmmm..." Limitadong sagot maman ni Agamemnon. Wala siyang balak na tumulong. Tumugon lamang siya para hindi siya paghinalaan ng mga kapatid niya.

Sanay na rin ang mga kapatid niya na hindi siya mahilig magsasalita. Madalas ay maiikli lang ang kanyang mga tugon.

"Sige, maiwan ko na kayo." Paalam naman ni Agape at lumipad na ito at kung saan man ito papunta ay hindi alam ng dalawa.

Tumingin naman si Agamemnon kay Amoroso at tumango siya na senyales na aalis na rin siya. Tumango na lang si Amoroso at umalis na si Agamemnon.

Naiwan si Amoroso na malalim ang pagkakakunot noo. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung paanong nangyari na may lumabag. Sa panahon na ito ay imposible na sa mga diwata ang magkaroon ng bagong silang. Matagal na iyon ipinagbawal dahil nakita nila sa propesiya na magiging sanhi ang bunga na ito ng sigalot sa mundo ng mga diwata at pati na rin sa mga tao.

Para magkaroon ng anak ang isang diwata, ang bawat isa ay may isang bulaklak ng buhay. Doon mabubuo ang sanggol ng diwata mula sa dugo at laman ng diwata. Hindi ito katulad ng tao na magbubuntis at manganganak. Sisibol ang bulaklak at sa loob ay nandoon ang bata hanggang sa nasa tamang panahon na ito ay tsaka bubukas ang mga talulot nito at doon lalabas ang sanggol.

Lahat ng bulaklak ng buhay ay nasira na. Sadyang sinira iyon para na rin sa kaligtasan ng lahat. Ngunit ngayon, ang unti-unting pagkakatuyo ng fountain of youth ay siyang katibayan na may ipinanganak na sanggol na diwata.

Hindi naman niya mapaghinalaan ang mga kapatid niya dahil malaki ang tiwala niya kina Agape at Agamemnon. Kung may mas nakakaalam kung gaano kaimporte ang bagay na iyon, wala ng iba kundi ang mga kapatid niya. Kaya ang hinala ni Amoroso ay mga nakabababang diwata ang lumabag. Hindi sinira ang bulaklak ng buhay noon panahon na iniutos niya sa lahat na sirain ang bulaklak ng buhay.

Mas lalo lang sumakit ang ulo ni Amoroso dahil sa kanyang mga naiisip kaya nagpasya na lang siya na lumipad at mag-ikot ikot.

Habang sa kabilang banda naman ay nakauwi si Agamemnon. Maraming bumati sa kanya na mga diwata at tinanguhan lang niya ang mga ito. Agad na pumasok si Agamemnon sa kanyang silid na kung saan ay hindi pwedeng pasukin ng sino man ng walang pahintulot.

Nakita niya doon na nakaupo si Plivar, na may hinihileng sanggol. Si Plivar ay siyang pinagkakatiwalaan niya na isa sa mga diwata. Pula ang may kahabaan na buhok nito pati ang mga mata. Lalaki si Plivar at tahimik din ito katulad ni Agamemnon.

"Maligayang pagbabalik, kamahalan. Kakatulog lang ng prinsesa." Saad naman ni Plivar na mahina ang boses dahil ayaw nitong magising ang sanggol na nasa mga bisig nito.

Hindi sumagot si Agamemnon dahil natatakot din siya na baka magising ito sa boses niya. Dahan dahan naman itong inilagay ni Plivar sa tulugan nito na hugis itlog na ginto ang kulay.

Napangiti si Agamemnon habang nakatitig sa sanggol na mapayapang natutulog. Ang sanggol ay may maputi ay mamula-mulang balat. Ang manipis na buhok nito ay mapusyaw na kagaya kay Agamemnon. Makakapal na pilik mata, matangos na ilong at mapupulang mga labi. Kahit sanggol pa lamang ito ay umaangat na ang ganda ng sanggol. Hindi maipagkakaila na mas lalong magiging maganda ito malaki na.

Minsan na din itong dumilat kahit hindi pa masyadong nakakakita at ang mga mata nito ay kulay kakulay ng batong amaranthine. They are pink and the rarest eye color. Ngunit hindi ito ang bagay na ikakatuwa nino man. Dahil ang kulay ng mga mata ay siyang nagbibigay kahulugan ng buhay. Fairies who has pink eyes are ominous. This only mean they carry a curse.

Ang anak ni Agamemnon, na pinangalanan niyang Erenea ay isang sanggol na hindi dapat sumibol sa mundong ito. Matagal na rin na sinira ni Agamemnon ang bulaklak ng buhay na nasa kanya. Ngunit hindi niya akalain na mag-iiwan ito ng binhi at sekretong tumubo ay lumaki. Ngayon ay nabuo na ang kanyang anak at ipinanganak.

Gustohin man niyang itama ang pagkakamali ngunit naging huli na ang lahat. Oras na maipanganak ang sanggol, ang ama ay makakaramdam ng matinding koneksyon at hindi na nito magagawang saktan o gawan ng masama ang sanggol. Hindi na iyon magagawa ni Agamemnon kundi ang protektahan ito dahil ang tanging nararamdaman niya kay Erenea ay pagmamahal.

Hindi niya alam kung hanggang kailan niya maitatago ang anak. Alam niya na hindi habang buhay ay maitatago niya ito. Nakikinita na din ni Agamemnon ang gulo. His brother and sister will surely command him to kill his child.

Napayukom ang kanyang mga palad. He can sense a strong sense of protecting his child. He will wage war if his brother and sister will instigate the kill.

"Ihanda mo ang mga kawal na poprotekta sa anak ko." Saad ni Agamemnon ay hindi na nagpaliwanag pa kung bakit niya sinabi iyon.

Agad naman na naintindihan ni Plivar kung ano ang tumatakbo sa isipan ng haring Agamemnon. There will be war soon.

"I'll gather the demons, your majesty." Turan naman ni Plivar kay Agamemnon.

"Communicate with the necromancers. I need their force in case there is war." Utos ulit ni Agamemnon.

Mabilis na tumalima si Plivar at lumabas na ito ng silid. Lumapit naman si Agamemnon sa higaan ni Erenea na hugis itlog. The child is solemnly sleeping like there is no upcoming chaos.

"Erenea Anak..." Mahinang usal ni Agamemnon. "May palagay ako na malalayo ka sa akin ano man oras. Natatakot ako na baka hindi na kita maprotektahan." Hinaplos ni Agamemnon ang maliit na ulo ni Erenea.

Kailangan niyang ihanda ang lahat. Alam ni Agamemnon na nalalapit na ang panahon na mawawalay siya sa anak niya. Hindi niya hahayaan na makuha ng mga kapatid niya si Erenea dahil alam niya na hindi hahayaan ng mga ito na mabuhay ang sanggol.

He will build a world only for Erenea. A secluded world where no one can enter, nor can go out. Erenea will live inside that world, free from harm.

Kaya mabilis na ginawa ni Agamemnon ang mundong tinutukoy niya. Sa ilang milyang ang layo mula sa karagatan ng katimogan, ay nabuo ang isang bagay na nagbabalatkayo na halimaw. It's a monster who has sharp teeth surrounding the mouth. It creates a whirlpool and inside that monster, is the world created by Agamemnon. An endless supply of food, where his child will never be hungry. There is no way out from this monster...as of now.

Pinaghandaan na rin ni Agamemnon ang mga ala-ala tungkol sa kanya at mga bagay na kailangan niyang ituro sa anak. Lalabas ito na tila isang panaginip habang lumalaki si Erenea. Kaya matututo ito kahit walang magtuturo.

Ang hinihiling lang niya ay sana maging mapagmahal ang anak niya. Ngunit hindi niya gustong mawalay dito.

"If I can be the sole king, then I can make this happen." Kailangan niyang hingin ang opinyon ng mga kapatid niya kung papayag ba ang mga ito na maging hari siya at mamuno sa lahat.

Alam niyang noon pa man ay pareho silang walang interes na mamuno ngunit wala lang silang mapagpipilian dahil iyon ang iniatas sa kanila. Kung hihingin niyang maging tanging hari, hindi siya sigurado kung papayag ba ang dalawa.

Kaya lumipas ang araw at bumalik si Agamemnon para kausapin ang mga kapatid. Hindi niya ito pwedeng ipagpaliban dahil ano man oras ay pwedeng malaman ng mga kapatid niya ang itinatago niya. He should be the sole king when they find that out so he can buy time for his daughter. With absolute control, they will not be able to punish him right away.

Kinausap niya ang kanyang mga kapatid at mahabang diskusyon ang nangyari. Ngunit pumayag din ang dalawa sa huli. They made Agamemnon as the sole ruler of the fairies. He knows that he's doing this for his own selfishness, but he is not doing this because he wanted to rule the world, but to save his daughter. If he has the absolute power, he can protect her.

Ilang araw ang lumipas ay hindi pa rin nalaman ng mga kapatid niya ang kanyang sekretong itinatago. Pero palaging kinakabahan si Agamemnon dahil alam niyang hindi magtatagal ay malalaman ng mga ito ang iniingatan niyang sekreto.

Hindi nga siya nagkamali, dahil isang araw ay dumating na lang ang mga kapatid niya sa kanyang tirahan na may nang-aakusang tingin.

"Agamemnon, hindi ko gustong paniwalaan ang mga narinig ko. Walang mas nakakaalam bukod sa iyo kung gaano kalaki ang pagkakamali kung magkakaanak tayong mga diwata. I want to end this doubt, so we will search your house." Malamig at matigas na saad ni Amoroso. Kahit sinabi nito iyon ay hindi nabura ang nang-aakusang mga tingin nito kay Agamemnon.

Si Agape naman ay hindi alam kung ano ang sasabihin. Ang nasa isipan niya ay kung totoo man ang mga bintang kay Agamemnon, ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng pagtataksil.

Lahat ng mga diwata ay isinakripisyo ang bulaklak ng buhay para sa ikabubuti ng lahat. Kung hindi sinira ni Agamemnon ang sa kanya, parang hiniling na din nito na wakasan ang kanilang mga buhay.

"I don't know what you are saying, Amoroso." Malamig na tugon naman ni Agamemnon. Ngunit ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa hawakan ng upuan upang mapigilan ang panginginig nun.

"Your highness, totoo po ang balita." Biglang saad naman ng isang lalaking diwata at may hawak itong babae na gustong kumawala. "May anak ang hari."

Agad itong namukhaan ni Agamemnon. Isa ito sa tagapagsilbe sa kanyang tahanan. Binalot ng kaba at takot ang buong pagkatao ni Agamemnon at walang salitang pabulusok na lumipad si Agamemnon na ikinagulat ni Agape at Amoroso.

Mabilis na pumasok si Agamemnon sa kwarto at kinuha niya si Erenea na ngayon ay natutulog sa higaan nitong hugis itlog. Agad naman na naintindihan ni Plivar ang mga nangyayari kaya kinuha din ni Plivar ang higaan ng sanggol at mabilis silang tumakas mula sa tahanan ng hari.

Kasing bilis ng kidlat ang naging lipad ng dalawa sa kalangitan patungo sa mataas na burol na napapaligiran ng mga iba't-ibang klaseng mga bulaklak. Nagtagis ang bagang ni Agamemnon dahil dumating na ang araw na kinatatakutan niya. Ang mawalay siya sa kanyang anak.

Lumapag sila sa tila paraisong lugar. Maraming bulaklak na nagkalat. May mga paru-paru na nagliliparan. Mabango ang paligid dahil na rin sa mga bulaklak.

"Paparating na po sila kamahalan." Saad ni Plivar na kalalapag lang habang bitbit nito ang gintong itlog na tulugan ni Erenea.

"Hindi nila pwedeng makuha ang anak ko. Hindi ako papayag." Matigas na saad ni Agamemnon. Mahina ang pagkakabigkas nun dahil natatakot siya na baka magising ang anak na himbing na himbing na natutulog. Hindi alam na malapit ng sumabog ang digmaan sa pagitan ng mga diwata.

"Gagawin ko ang lahat, maprotektahan lang ang prinsesa." Tugon naman ni Plivar.

Tumitig si Agamemnon sa anak. Ang kanyang mga mata ay punong puno ng pagmamahal ng isang ama. Unti-unting namumula iyon, nagbabadya ng kanyang mga luha. Hindi niya akalain na ito na ang huling araw na makikita ang anak. Alam niya na sa digmaan na ito ay hindi siya magtatagumpay.

Ngunit sapat na ito upang maitakas ang anak niya at maitago mula sa mga diwatang gustong paslangin si Erenea.

"Lumaki kang maging masayahin. Lumaki kang maging matapat at matulungin. Mahalin mo ang iyong kapwa, gamitin mo ang kapangyarihan mo sa kabutihan, Erenea. Mahal na mahal kita, pinapangako ko, poprotektahan kita hanggang sa kahuli-hulihan kong hininga." Tumutulo na ng tuluyan ang mga luha ni Agamemnon. Alam niyang hindi maaaring umiyak ang isang hari sa harap ng ibang panauhin, ngunit wala na siyang pakialam ngayon dahil wala ng mas sasakit pa sa pakiramdam ng isang ama na nawalay sa kanyang anak.

Inilagay ni Agamemnon si Erenea sa loob ng gintong itlog. Tinakpan niya iyon at ngayon ay tila may sumelyo doon at naging ganap na itlog na ito. Niyakap niya sa kahuli-hulihang pagkakataon ang itlog at hinalikan iyon bago niya pinakawalan at tinanggap ni Plivar.

"Ilagay mo ang anak ko sa loob ng Charybdis, na nasa bahaging timog ng karagatan. Mukha itong halimaw, o mas tamang sabihin na nagpapanggap na halimaw ito ngunit ito ang magiging mundo ng anak ko. Mundo niya na walang makakapanakit sa kanya. Doon lang magiging ligtas ang anak ko, doon lang siya magiging malaya. Malayo sa mga gustong pumaslang sa kanya." Saad niya kay Plivar.

Dahil ginawa niya ang Charybdis, hindi gaanong pamilyar si Plivar sa kung ano ang itsura nito ngunit agad itong malalaman kapag nakita na ito dahil na rin sa selyo ng hari.

"Masusunod kamahalan." Sagot nito at maingat na hawak-hawak ang itlog. "Aalis na ako kamahalan, mag-iingat kayo." Paalam ni Plivar at lumipad na ito patungo sa timog.

Nakatayo lang si Agamemnon at naninikip ang kanyang dibdib habang nakatanaw sa pigurang papalayo. Ngayon pa lang ay matinde na ang pangungulila na nararamdaman niya.

May mga kasama din siyang mga diwatang mandirigma. Nagpakawala siya ng kapangyarihan upang tawagin ang lahat ng mga demons. This will buy time for his child.

Hindi nagtagal ay dumating na sina Agape at Amoroso. Bawat isa sa kanila ay may hawak na mga espada. Hindi mahulugang karayum ang dami ng mga diwata na kumampi kina Amoroso at Agape, habang kay Agamemnon ay iilan lang. Ngunit nahulaan na niya iyon kaya ginamit niya ang mga demons.

"Agamemnon!" Sigaw ni Agape na ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari at natuklasan. "Ibigay mo sa amin ang bata!"

Hindi natuwa si Agamemnon. Malamig na tiningnan ni Agamemnon ang mga kapatid.

"You will not touch a strand of hair of my child." Tunog pagbabanta ni Agamemnon. He will not let them.

"Nahihibang ka na ba?! Alam mo ba ang ginagawa mo? Kasalanan ang pag-usbong ng batang iyon!" Sigaw ni Amoroso. May kalakip iyon na galit.

"She's my child! My flesh and blood! Are you that heartless to kill an innocent child? Your own niece?!" Hinanakit na asik ni Agamemnon. Hindi niya matanggap ang katotohanan na kayang isakprisyo ng mga kapatid niya ang sariling kadugo.

Dumilim naman ang ekspresyon ni Amoroso. "You know that no child is supposed to exist. You know this from the very beginning but you chose to hide it. It may be your child but the well-being of our race is our top priority. We rather sacrifice a little life than thousands of us."

Umiling si Agamemnon. "You will never understand the feeling of a father, brother...you will never be able to find my child, even death will befall upon us."

And with that, the war broke through...the once respected and almighty king of the fairies Agamemnon, was soon named of the infamous Dark Lord. The fairy king who colluded with demons to destroy the kingdom. He was just a father, who embraced the darkness to protect his child from harm.

©️charmaineglorymae

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status