Share

Chapter 2

Alessia's POV

"KHLEO, bakit mabagal ang konstraksyon ng templo?" Hindi ko mapigilan na magtanong lalo na at lumipas na ang isang buwan at hindi pa ito tapos. Dapat mabilis lang ang konstraksyon lalo na at marami naman mangagawa.

Napakamot naman ng batok si Khleo. He's a man, but oddly, his name is Khloe. Pero habang patagal ay nagiging natural na rin ang kanyang pangalan sa pandinig na tila akma sa kanya ang pangalan na iyon.

"Hindi kasi magkasundo ang mga ministro doon. Gusto nila ay maraming ginto ang disenyo at medyo matagal ang paghulma ng mga rebulto gamit ang ginto. Pero wag kang mag-alala, matatapos na din ito oras na mabuo na ang rebulto. Iyon ang hinihintay bago ito maipasok sa loob kaya hindi ito matapos tapos." Paliwanag na tugon naman sa akin ni Khloe. His long hair is flowing, it's brownish red which is rare.

Napatangu-tango naman ako. This is the struggle of greek temples, most of them wants gold and it's not easy to sculpt gold because we will depend on the miners and the process of cooking it and then mold it.

"Sige. Aalis ako ngayon at baka hindi na ako makabalik dahil magsasite visit ako." Paalam ko naman kay Khleo. Pupunta pa ako sa ospital at titingnan ang sitwasyon doon.

Nagthumbs up naman ito sa akin. "Goodluck. Hindi namin gamay ang ospital kaya mas makabubuti kung ikaw ang titingin." Turan naman niya sa akin.

Tumango lang ako at hindi na ako nagsalita pa. Inayos ko naman ang mga blueprints na nasa lamesa ko. Walang gagalaw nito dahil alam ng mga kasama ko kung gaano kahirap gumawa ng blueprint at hindi ito pwedeng masira o mawala.

Umalis na si Khleo sa harapan ko kaya tumayo naman ako para makaalis na rin sa opisina at pupunta sa site. Nagpaalam naman ako sa aking mga kasamahan na abala sa kanilang mga gawain kaya nagtuloy tuloy na akong umalis.

Pagkalabas ko naman sa opisina ay sumalubong sa akin paningin ang mga iilan mga mamamayan na naglalakad papunta sa kung saan. May nakaabang na rin doon na ordinaryong karwahe. Ito ang transportasyon na pag-aari ng builders association. Ginagamit ito tuwing may site visit ang mga inhenyero at arkitekto.

"Magandang umaga sa iyo, Binibini!" Bati naman sa akin ni Topazio, na siyang nagmamaneho ng karwahe.

Ngumiti naman ako kay Topazio. "Magandang araw din, Ginoong Topazio." Ganting bati ko sa kanya.

He's been working with the builder's association for a long time as a coachman. Pinagkakatiwalaan ito dahil sa magaling ito sa kanyang trabaho. Wala pang insidenteng nagaganap kaya may tiwala din ako sa kanya.

Sumakay na ako sa ordinaryong karwahe. This is an enclosed space with windows and door. There are two pairs of two seater sofa inside and red drapes.

Komportable akong naupo at tsaka tumakbo na ang karwahe. Sanay na ako sa Caracass, ngunit malawak ang lugar na ito kaya hindi ko kayang lakarin ang papuntang ospital. It will take me almost an hour by walking and that's a waste of time already. Unlike with carriage, it will only take around twenty to thirty minutes.

Hindi na ako nag-abala pa na tingnan ang labas. Sumandal lang ako sa upuan at pumikit. My head is throbbing due to stress. Ilang araw na rin akong kulang sa tulog dahil sa mga tinatapos ko na blueprints. Mabilis akong magtrabaho, ngunit marami naman ibinibigay sa akin na mga proyekto kaya mahirap pagsabayin.

I tried to decline others since it's not appropriate to have an overload. I should accept jobs that will not jeopardize my personal time, but the Governor is pressuring the builder's association and the builder's association is pressuring us, Engineers. It's a domino effect and my personal time for my family is affected too.

I am just lucky that Aiden is unlike ordinary kids who will create tantrums just to get some attention. Aiden will never do that. He will just quietly sit in a corner, reading his book and watching me while I work. He never bothers me if I am busy. He's such a considerate child and sometimes, I really wish he will act like a cute child. But I know I will never have that chance.

As of now, everything is already prepared. In the next four years, Aiden will be sent to the mortal realm. There is already a family who will adopt him like their own. Lolo said that it was his friend and they are willing to take Aiden in.

But I am still worried, knowing that they are not our blood related people. What if they will mistreat Aiden? But thinking about Aiden's traits, it's more like he will be the one who will torment them. They cannot easily bully my child with that personality of his.

Aiden is already aware that he will leave soon. Habang mas maaga pa ay sinabi ko na sa kanya ang totoo na mga mangyayari. Hindi ko gusto ang paraan na wala siyang alam. Pagkarating ng araw ay magugulat na lang siya dahil malalayo siya sa amin. I made sure that his emotion and mental state is prepared so he will not be too sad when he leaves. It might hurt him, but not as bad as concealing the truth from him.

Aiden accepted those facts. He said that he understands the situation and he will not be a burden. Pigil ang mga luha ko ng yumakap siya sa akin ay sinabi niya I will cherish every moment while I still have you mommy. Don't cry...I am not sad, mommy...I will not be sad. Ngunit tumutulo ang luha ni Aiden habang sinasabi iyon kahit pilit niyang itinatago iyon sa akin.

Tila piniga ang puso ko sa mga oras na iyon. He was trying to say that he's okay, when the truth, he was not. He may be mean to others but he will always a sweet child to me. He will only let his guard down when he's around me. Aiden, my precious son. Even I have seven years to prepare, I know my heart will never be ready for him to leave.

Napabuka na lang ako ng aking mga nata nang huminto ang karwahe. Kaya sumilip naman ako sa labas at nakita ko na nasa harap na kami ng binubuong ospital. The structure is almost done. It's made of arch and post design.

Bumaba naman ako sa karwahe. Agad naman na may sumalubong sa akin na isang head builder base na rin sa kasuotan nito.

"Binibining Alessia, nagagalak ako at nakarating kayo." Bati naman sa akin ng head builder. Tumango naman ako sa kanya at hindi na nagsalita. "Sasamahan ko na po kayo—"

"Huwag na. Alam ko na marami kang ginagawa. Kaya ko ng maglibot. Magpapatawag na lang ako ng builder kung may ihahabilin ako." Seryosong saad ko naman sa head builder. Ayoko siyang abalahin lalo na at alam kong may mapapabayaan itong trabaho kung sasama siya sa akin sa paglilibot. Time is running and I don't want him to waste it.

"Pero—"

"Please." Pigil ko naman sa kanya. Kaya walang nagawa ang head builder kundi ang sumunod sa gusto ko.

Umalis na ito kaya naman ay malaya akong bumuntong hininga. I like checking the site alone so I can concentrate. This is the reason why I studied the blueprint before going here. To be familiar with the run arounds.

Kaya nagsimula na akong malibot. I inspected every corner and floors. Napapakunot noo naman ako dahil may napapansin nga akong hindi tama sa disenyo. The main problem is the accessibility. It will take time to reach the other room. I took notes for the things that needs to be change. The emergency room is also small. It will not be able to cater large number of people. This needs to be at least, 400 square meters.

May mga kakulangan din pagdating sa palikuran. I don't think it would be enough to have just one rest room in every floor. It should be at least four. Napapailing iling na lamang ako. How did this design passed even though it doesn't even reach the substandard design in the first place? Ngayon ay naisip ko kung sino ang gumawa ng disenyo na ito.

I don't think it's Khleo or Ales will create such big mistake about the design. The design is indeed fancy, but it destroyed the accessibility of the facility. Ngunit wala naman akong maisip kung sino nagdisenyo nito. Kadalasan na mga inhenyero ay mga lalaki. Dalawa lang kaming babae ngunit di ko naman nakakasama ang isang babae. Tatanungin ko na lang si Ales mamaya.

Kaya pagkatapos kong malibot ay tiningnan ko naman ang landscape mula sa itaas ng building. It's beautiful, at wala akong maipintas. The landscape planner is indeed a master. This can serve as a rehabilitation field.

Kaya pagkatapos kong tingnan ang landscape ay bumaba na ako at lumabas ng building. I was walking down the isle and reviewing my notes. Pupuntahan ko ang head builder para kausapin sa mga pagbabago na gagawin tungkol sa gusali. Hindi pwedeng hayaan ko na magiging ganito ang gusali.

Habang inisa-isa ko ang nasa listahan ay napahinto na lang ako sa paglalakad dahil sa ingay mula sa di kalayuan. Napaangat ako ng tingin at may nakita ako doon na mga iilan na panauhin na base sa kasuotan nila ay mataas ang posisyon ng mga ito. I just don't recognize them since I am not into politics.

"Hindi mo pwedeng pakialaman ang desisyon ko. I need the statue on this spot!" Sigaw ng isang lalaki na may mahabang buhok at medyo malaman ang katawan. His belly fat is protruding.

"Chancellor, alam ko po na gusto niyong ilagay ang rebulto, ngunit hindi maaari dito dahil—"

"Wala akong pakialam! Kung pipigilan mo ako, iisipin ko na kalapastangan ito sa hari!" Bulyaw ng Chancellor.

Napakunot noo naman ako dahil malinaw na rebulto ang pinagtatalunan ng Chancellor at ng head builder. Kaya naman ay tahimik kong ibinaling ang tingin ko sa isang rebulto. May takip ito ngunit bahagyang nakabukas iyon kaya nakikita ko kung ano ito.

It's a statue of the King. It's almost the same replica, if this is not made of gold. It's shiny and extravagant. I uttered nothing looking at the statue. I felt nothing.

"Pero Chancellor, hindi namin pwedeng sirain ang plano ng nga inhenyero. Mailalagay ang rebulto ng hari, ngunit hindi pwede sa lugar na gusto mo." Sagot ng head builder na mas lalo lang ikinagalit ng Chancellor.

Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumapit sa kanila lalo na at nandoon ang head builder na siyang kailangan kong kausapin. Hindi naman ako gumawa ng ingay kaya hindi kaagad nila ako napansin. They are seriously fighting over the placement of the statue.

"Mawalang galang na po, pero maaari ko bang malaman kung ano ang problema?" Saad ko nang makalapit ako kaya natigil naman ang dalawa sa pagtatalo.

Kilala na ako ng builder kaya yumukod naman ito sa akin. Ang Chancellor naman ay natigil at halatang nagulat ngunit nakabawi naman kaagad ito at tsaka lumawak ang ngiti na tila nakakita ito ng isang interesanteng bagay.

"Magandang binibini, ako ang Chancellor ng Caracass. Isang kaaya-aya na makita ang isang magandang dilag sa araw na ito." Saad niya. He looked at me with leering eyes.

I felt disgust but I did not let it show on my face. I gave him my professional smile but it did not reached the depths.

"Ikinagagalak ko na makilala ka, Chancellor. Maaari ko bang malaman kung ano ang pinagtatalunan niyo?" My smile did not falter so he confidently answered.

"Ang lalaking ito." Tinuro niya ang head builder. His smile has mockery and arrogance. "Pinipigilan niya akong ilagay dito ang estatwa ng Hari. Hindi niya alam na isa ako sa pinakamalapit at pinagkakatiwalaan ng hari dito sa Caracass. Gusto ng hari na ilagay ang estatwa niya dito ngunit ayaw niyang pumayag." Paliwanag sa akin ng Chancellor.

Trusted? I don't think Elijah is capable to trust with anyone. Obviously, this man is just currying favor from the King by doing this. Elijah may turned into a Mad King, but he is not unreasonable as this.

"Binibini, hindi naman namin sa hindi pinapayagan na ilagay ang estatwa, ngunit wala pa ito sa plano at kailangan—"

"Tahimik! Nagdadahilan ka pa!" Sigaw naman ng Chancellor.

Tumigil naman ang head builder ngunit halata na nagpipigil ito dahil na rin sa pangangalit ng mga panga nito.

"Chancellor, mas maganda siguro kung sundin na lang natin ang head builder. Sigurado ako na may mas magandang lugar sila na pinaplano para ilagay ang estatwa." Nakangiting saad ko sa Chancellor. I am trying to convince the Chancellor in the most peaceful way, without shedding some blood.

His leering stare and wide smile changed the moment I uttered those words. He looked offended. He felt I am taking the builder's side which is true.

"Sinasabi mo ba na mali ako?" His frowned was pasted on his forehead. Pleasantry was gone.

Umiling naman ako. "Pasensya na kung ganoon ang dating sa inyo, ngunit mas makabubuti na sundin natin ang head builder dahil mas alam nila ang trabahong ito." Tugon ko sa kanya. I know he will be enraged after my remarks.

His face crumpled. "Ano ba ang alam mo sa trabahong ito? It's better for your to shut up than interfering works intended for men. A woman like you doing in this area can tarnish your reputation." He rudely responded.

I did not waver. I know his remarks is being sexist, but this is common with these people. They have culture since ancient time, where women cannot work like men...more like women does not have the right to do so.

"Chancellor, sinabi niyo na po na alam niyo kaya dapat naiintindihan mo rin kung ano ang ipinupunto ng head builder. Kung ilalagay dito ang estatwa, magiging sagabal lang ito." Kalmadong paliwanag ko sa kanya. Hindi ko pina-iral ang personal na damdamin ko.

"Sino ka ba?! Bakit ka ba nangingialam dito?! Umalis ka dito dahil wala kang silbe sa pangingialam mo!" Bulyaw niya bigla sa akin. Nakita ko na nagulat ang head builder.

I did not fazed by his show of anger. I know people will resolve everything by anger. They think if they will get angry, we will allow them to do what they want. They can get angry as long as they want but I am not letting them do what they want.

"Kung sino man po ako ay hindi na importante iyon, Chancellor. If you will insist on putting the statue here, I am afraid it will be destroyed as it will be considered as obstruction." Paliwanag ko sa kanya. May ngiti sa aking mga labi, ngunit ang klase ng ngiti na iyon ay hindi na kaaya-aya.

Nakita ko na namutla ang kanyang mukha. Alam ko na hanggang ngayon na may mga mataas lang na posisyon o kaya naman ay mga may dugong bughaw lang ang nakakapagsalita ng Royal language. He might think that I am someone with a high position. The paleness of his face is the proof.

"H-hindi niyo pwedeng baliin ang kagustogan ng hari." Pilit nito kahit halatang naiilang na ito at kinakabahan.

I flicked my finger. "Hindi naman nila pinipigilan ang paglagay ng rebulto. They just want to have a proper plan for perfect location. Don't blame the builders. Don't insist that it's the king's order. It's you who's insisting and making difficult for the builders to do their job." I uttered with a blank expression. Hindi na ako ngumiti at mas lalong hindi na ako nagpanggap na natutuwa.

"Walang kang alam dito para sabihin yan!" Sigaw niya sa akin.

"Siya ang inhenyero sa proyektong ito, Chancellor. Kung may nakakaalam man dito sa atin ng mas maigi ay siya iyon." Hindi na napigilan ng head builder na sumabat.

Lumathala naman ang gulat sa mukha ng Chancellor. I know he did not expect it.

"What?! How come an Engineer is a woman?" Hindi makapaniwalang tanong niya. His voice is laced with discrimination.

"Is my gender has something to do with my line of work? A job is not determine by gender, but abilities. Now, put aside that statue. I will look for a proper location. Don't insist anymore, Chancellor. Your words has no power against us." Matigas na saad ko sa kanya.

I hate how he discriminate me just because of my gender. I know this is the culture of ancient people, which I despised the most.

The Chancellor was left gawking unable to believe that he was trashed my a woman. By me.

©️charmaineglorymae

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status