Share

Chapter 2

TATLONG-ARAW na ang lumipas. Ngunit wala pa rin akong nakukuhang perang pangpiyansa sa tatang ko. Sinubukan ko ng lumapit sa mga charity at ibang pang org para humingi ng donasyon pero hindi 'yon sapat para mailabas ko ang itay.

“One night stand? Gusto mo?” alok ni Marites, kapitbahay kong GRO. Nagtatrabaho siya sa isang club sa bayan.

Si Marites ang unang babaeng nakilala ko at naging kaibigang matalik mula nang mapadpad kami sa dito Tondo. Madali kong nakagaanan ng loob si Marites dahil sa pareho naming ugali, hindi man kami pareho ng way pero pagdating sa pamilya gagawin namin ang lahat.

“Jusko! Virginity na nga lang ang meron ako, mawawala pa ba?” natatawa kong sabi.

Umirap siya at nagsindi ng sigarilyo.

Inalok niya ako ng stick pero agad akong tumanggi. “Virginity? Uso pa ba ‘yun? Maganda ka, sexy, makinis at birhen. Tiyak sa isang gabi lang Jackie paniguradong kinabukasan malalabas mo sa selda ang tatay mo baka nga makapag-aral ka pa.”

Napangisi ako at umiling-iling. “Ayoko, wala na bang iba?” tanong ko.

“Kung ayaw mo e'di bumalik ka sa dating gawi,” simpleng sagot niya.

“Ano? Holdaper? Scam artist? Carnapper? Snatcher? Alin sa mga ‘yun? Kung babalik ako baka ako naman ang makulong.” Maraming beses na ako muntikang mahuli ng mga pulis no'n. Swerte lang dahil palagi akong nakakalusot ako.

“Bakit hindi? Edi ba d‘yan naman kayo nabuhay sa mahabang panahon?” Natahimik naman ako. Tama si Marites. Ilang taon din akong kumapit sa patalim at kagaya ng sinabi ko hindi alam ‘yun ng tatay ko. Nakakakonsensya man pero wala akong maggagawa saka ko na ipapaalam kapag okay na ang lahat.

“Tandaan mo Jackie, ang mga katulad nating mahihirap kadalasan ito na lang ang paraan. Huwag kang mag-inarte dahil ito ang realidad ng mga kagaya natin. Tignan mo ako, gusto kong mag-aral pero dahil sa hirap ng buhay at kawalan ng sapat na edukasyon. Eto, ako ngayon p****k pikit matang tinitiis ang amoy ng mga customer kapag chinuchuperks ako pero atleast siguradong makakain kami ng tatlong beses o higit pa sa isang araw at ‘yun ang importante sa‘kin,” mahabang lintaya niya sabay ngiti.

“Pero ikaw, kung ayaw mo sa alok ko at gusto mong makalaya ang tatang mo sa mabilis na paraan lumapit ka kay Brando siguradong tapos ang problema mo.” Tumayo na si Marites at inupos ang sigarilyong hawak.

“Si Brando? este si Buknoy? Yung ex mo?”tanong ko. Tumango siya. Si Buknoy ‘yung kabitbahay namin dito sa Tondo. Kilala itong kasapi ng isang sindikato. Minsan na rin akong inalok ni Buknoy na sumapi sa grupo nila pero tumanggi lang ako dahil masyadong malalaking tao ang binabangga nila at talagang delikado. Hindi katulad ko kung sino lang ma-targetan sa Quiapo  ay yuon na. Balita ko ay nagtutulak rin ng droga ang mga ‘yon.

“Sige na aalis na ako kailangan ko ng kumayod at sampung tao ang umaasa sa‘kin, pag-isipan mong mabuti. Alam kong nagbabago kana pero pwede mo pa din naman gawin ‘yon. Isipin mo na lang ang tatang mo. Masyadong malaking pera ang kailangan para makalaya siya at hindi kakayanin sa paghingi lang ng donation o kahit manlimos ka pa,” prangkang usal niya at tinapik ako sa balikat. Tumalikod na si Marites at naglakad paalis habang ako naiwang isip-isip ang mga sinabi niya.

“Saan ka ba galing? Kanina pa sila naghihintay. Ano sigurado kana ba dito Jackie? Alam mo namang sa oras na pumasok kana sa loob wala ng atrasan ‘to,” paalala ni Buknoy.

Tumango ako kahit sa loob-loob ko kanina pa ako nanginginig sa sobrang kaba.

“Siguradong mailalabas mo sa kulungan ang tatay mo Jackie lalo na kapag nakuha mo ang rasom money,” sabi niya no'ng naglalakad na kami papasok ng kanilang hideout na isang abandonadong gusali na matatagpuan lang din ilang metro mula sa aming Barangay.

“Ano bang gagawin ko?” Nginisian niya ako. Tumigil na kami sa harap ng isang pintuan at saka niya binuksan ito.

Bumungad sa akin ang limang lalaking nag-iinuman sa isang bilong na mesa. Sa itsura at dating nila ay halatang kawatan at di mapagkakatiwalaan.

Bigla tuloy akong napaatras. Tama ba ‘to? Tama ba itong pinasok ko? Napansin ko rin ang mga baril nilang nasa lamesa at droga.

“Kalma lang Jackie, ako bahala sa‘yo,” nakangising sabi ni Buknoy nang mapansin niyang namumulta na ako sa takot at kaba. Tinapik niya ako sa balikat at sumenyas na sumunod.

“Mga boss!” tawag niya sa mga lalaki.

“Sino ‘yan?” seryosong tanong nung isang lalaki. Siya ata ‘yung leader. Malaking tao ito at mataba. Sa totoo lang lahat sila ay malalaking tao, mabalbas at may mga bandanang pula sa ulo.

“Bagong bata natin boss Randy!” sagot ni Buknoy.

“Pinagloloko mo ba kami Buknoy? Baka sumabit tayo dyan?” sabat nung isang makapal ang bigote at tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Napalunok naman ako ng mapadako ang tingin ko sa lider, matiim itong nakatingin at halatang sinisipat ako.

“Nako boss Joey! Malabo! Magaling ‘tong si Jackie dating scam artist, holdaper, snatcher at carnapper ‘to!” proud na pakilala ni Buknoy.

Ngumisi naman ang mga lalaki at bahagyang natawa.

“Ibalato mo na lang kaya samin to Buknoy? Ng lumigaya naman kami diba?” banat nung isang mahaba at kulot ang buhok at binigyan ako nito ng isang malagkit na tingin, bigla tuloy akong kinilabutan.

“Pasensya na Oscar! Palampasin mo na ‘tong si Jackie, gusto niyang mapabilang sa atin,” sagot ni Buknoy.

“Totoo ba sinasabi ni Buknoy?” nakangising tanong nung boss Joey habang nagsisindi ng sigarilyo.

Lumunok ako at tumango. “Magkano ba kailangan mo?” tanong pa niya.

“P-pitong daan libong piso b-boss.” sagot ko. Yun kasi ang halaga na kailangan ko para mailabas ang itay.

“Handa ka bang maging kidnapper?” Mabilis akong tumango dahilan para mas lalong lumawak ang pagkakangisi nito.

“Ano boss? Isasama ba natin ‘to?” baling ni boss Joey sa leader.

Hindi ito sumagot sa halip ay may inilapag siyang picture sa lamesa.

PICTURE ng isang gwapong lalaking nakasandal sa sports car at pinalilibutan ng limang babae.

“Siya si Sebastian Cain Guevarra, nag-iisang anak mula sa angkan ng mga Guevarra, isa sa pinaka mayamang negosyante sa bansa–siya... siya ang aming target...

matagal na namin pinag-aaralan ang pagdakip sa lalaking 'yan pero nahihirapan kami dahil masyado siyang maraming bantay.

At dahil andyan ka na bilang bago naming kasapi, at tutal napagalaman namin na mahilig sa babae ang isang 'yan, naisip kong pwede mong gamitin ang pagkababae mo para makuha ang loob niya. Pag nagawa mo 'yon doon kami papasok.

Si Sebastian ang sagot sa problema mo bata. Milyon milyong ang ransom na ipapatong natin sa ulo niya sa oras na magtagumpay ka sa gagawin mo,” mahabang paliwanang ni Boss Randy saka ngumiti ng nakakaloko.

“Sangayon ka ba? Jackie?” tanong ni Buknoy at nilahadan ako ng baril. Napalunok akong muli habang nakatingin sa baril na 'yon. Ngayon lang ako nakakita ng totoong baril sa buong buhay ko.

Hindi ko maikakaila ang pagtaas ng balahibo ko sa takot.

Ilang segundo pa ang lumipas bago ko ito tuluyang inabot. Ipinaliwanag pa nila sa'kin ang buong detalye ng pagdakip sa target. "Hindi ka pwedeng pumalpak bata dahil sa'yo nakasalalay ang lahat. Ikaw ang aming pain dahil sa oras na sumabit ang grupo ng dahil sa'yo..."

Sandali itong tumigil sa pagsasalita at kinasa ang barili na hawak at itinutok sa'kin. " Tandaan mo pumapatay kami ng babae," seryosong banta ni Boss Randy bago tumawa ng parang demonyo.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Aaminin ko, sobrang takot ang naramdaman ko ng mga oras na 'yon.

Pero wala nang atrasan 'to. Desperada na ako. Kailangan kong galingan para magtagumpay kami. Handa akong itaya ang kalayaan ko.... ang buhay ko. Mailabas ko lang sa kulungan ang itay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status