Share

Chapter Three

Bernard/Light POV

Paano nga ba nagsimula ang love story namin ng babe ko?

Haha! Hindi ko ma-imagine pero nagsimula ito nung naging ka-member ko siya sa music club noon.

Isa akong, Homosexuality is romantic attraction, sexual attraction, or sexual behavior between members of the same sex or gender. Homosexuality is "an enduring pattern of emotional, romantic, and/or sexual attractions" to people of the same sex. It "also refers to a person's sense of identity based on those attractions, related behaviors, and membership in a community of others who share those attractions.

Kilala nyo na ako... Kung ano at sino ako.

Noon pa man ganito na ako pero, mas naipapakita ko ang sarili ko sa malalapit kong kakilala at pamilya.

Nakipag-relasyon na rin ako sa babae, siya si Helga. Para malaman ko kung sino ba talaga ako!

Mas gusto ko ang kapwa ko, lalaki.

Pero, isang lalaki lang ang nagpatibok sa pihikan kong puso. Si Winter Kevin, isang law student.

Freshmen siya sa school namin at ako naman junior na sa unibersidad. Nag-recruit ang lider namin ng mga bagong member para sa music club at isa sa na-recruit niya si Win noong panahon na 'yon.

Noon pa man nakikita ko na siya sa school namin kaso, mailap siya kapag nandun ako kung saan nandun siya.

Hindi ako 'yong nakikipag-usap sa hindi ko lubos na kilala.

Paano nga ba nagsimula ang lahat at naging ganito kami ngayon ng babe ko?

"Matunaw na 'yan, Light." wika ng kaibigan ko ng sundan ko ng tingin ang papalayong pigura ni Win.

"Oo nga, ang torpe mo naman!" sita ng isa pa naming kaibigan natawa pa siya pagkatapos.

"Paano ko sasabihin na tulungan niya ako? Eh, nandyan nakadikit ang mga kaibigan niya lalo na, ni Drake." bulalas ko sa kanila nakatingin ako sa taong pinag-uusapan namin.

"Gusto mo siya, crush mo siya hindi ba? Maliban sa may humahabol sayo na baliw na babae dahil sa gwapo mong mukha! Bakit hindi mo lapitan at sa kanya ka humingi ng tulong? Pagkakataon mo na rin para mapalapit sa kanya, Light." banggit ng kaibigan ko na si Mike at tinapik niya ako sa balikat sinundan ko ng tingin ang pag-akbay ni Drake sa balikat ni Win.

"Nakakaramdam ka ng iritasyon? Haha! Hala, aalis siya sundan natin." wika ng isa ko pang kaibigan na si Chana tinuro niya si Win na naglalakad palayo sa mga kaibigan nito.

Nakita namin na pumasok siya sa restroom.

"Dito lang kami, ikaw na lang pumasok kausapin mo siya." sambit ng kaibigan ko sa akin.

"Eh?" angal ko na lang feeling tumambol ang puso ko.

"Sige na, mag-babantay kami dito kung sakaling may pumasok tatawagin ka namin." sabat isa ko pang kaibigan sa akin.

Pumasok na ako nakaramdam ako ng kaba ng tignan nya ako saglit. Na-estatwa na ako at napa-titig ako sa kanya. Hindi niya ako pinansin at nang aalis na siya bigla ako nagsalita.

"—W–w—" utal kong tawag sa kanya inangat ko pa ang kamay ko.

"Ano!" sigaw niya sa akin at sinamaan niya ako ng tingin.

"I need your help!" sigaw ko sa kanya at bigla ako umiwas ng tingin sa kanya.

"Kung tungkol 'yan sa kaibigan ko huwag na—" putol niyang sambit ng takpan ko ang bibig niya.

Inalis niya ang kamay ko sa bibig niya at nagsalita ako.

"Not about your friend—" utal ko at bigla ako umiwas ng tingin sa kanya lumakad na siya palabas ng banyo at binalikan ang mga kaibigan niya sa tambayan nila.

Ang tanga mo!

"Anong nangyari at nakasimangot ang mukha nun?" bungad ng dalawa kong kaibigan sa loob.

"Hindi ko nasabi kinabahan ako bigla!" inis kong sambit sa kanilang dalawa.

Bumalik sa alaala ko kung paano ako kinabahan ng lalapitan ko siya noon. Nalingunan ko siya ng sumagot siya sa manager namin.

"Hindi, hindi ko aayawan ang sa akin maiba ang ginagawa ko sa buhay at humanap ng ibang trabaho," sambit niya sa manager namin.

Napasimangot ako ng binanggit niya si Drake ang karibal ko sa kanya.

"Bakit?" tanong niya sa akin ng balingan niya ako ng tingin.

"Hindi ko kasundo si Drake baka magtalo lang kaming dalawa," sambit ko sa kanya inakbayan ko siya sa balikat tinabihan ng manager namin ang boyfriend niya.

"Pansamantala lang naman at kakausapin ko siya huminto na siya sa pag-tugtog mas pokus siya sa soccer nya at pagiging teacher ng architect." sambit niya sa akin.

"Updated ka pa rin sa buhay niya kahit hindi na kayo magkasama nagseselos pa rin ako sa kanya," aniko at napailing na lang siya sa akin.

"Napaka!" aniya sa akin.

"Mahal mo naman!" sambit ko sa kanya hinalikan ko ang ulo niya.

"Kayo na ang happy love life!" sabat ni Nina sa amin ng lumapit siya.

"Kailan ka ba nag-boyfriend? Malapit ka na lumampas sa kalendaryo ikalat mo kaya ang lahi nyo." sambit niya sa kaibigan namin.

"Decades na ang relasyon nyong dalawa, kailan ba kayo magpapakasal?" tanong ni Nina sa amin.

Napatingin siya sa akin at ako na ang nagsalita.

"Hindi naman kami nagmamadaling lumagay sa tahimik," sambit ko sa kaibigan namin.

"May gig kayo sa nightclub mamayang 8:00pm to 11:00pm, pwede ba kayo?" tanong ni Gun sa amin naka-kandong siya sa boyfriend niya.

"Pwedeng-pwede kami! Extra income din 'yan, magkano?" tanong ni Rachel sa manager namin.

"46k, mas mataas sa dalawang vocalist natin, tag-8k kayo at sa guitarist natin kay Win 6k, sa amin ng jowa ko 7k at sa dalawa 5k." pag-compute ni Gun ng makukuha naming pera.

"Bakit iba ang matatanggap namin?" tanong ni Rachel sa manager namin.

"May favoritism kasi sa manager ng night club, sabi ko hindi naman sila magkaibang banda, iisa ayaw nila ng pumayag  na ako ngumiti sila sa akin, kaysa walang tayong pera!" wika ni Gun sa amin.

"MUKHA KANG PERA!" sigaw ni Rachel sa manager namin at padabog na umupo siya sa kabilang couch.

"Ab—'t, umayos ka! Hindi lang pera ko ang iniisip ko para sa atin 'to!" sigaw ni Gun sa amin.

"Pantay-pantay man lang sana tayo sa kita, manager 5k? Kulang pa sa ipon ko 'yon eh!" ungot ni Rachel sa manager namin.

Napalingon kami sa kumatok at tumayo ang manager namin sa hita ng boyfriend niya. Binuksan niya ang pintuan at nagtanong siya.

"Handa na ang set para sa inyo, manager Gun sa kabilang studio kayo pupunta." Bungad ng taong sumilip sa pintuan.

"Saglit lang!" wika ni Gun at inayos lang namin ang itsura namin bago kami lumabas ng dressing room.

Umingay ang mga humahanga sa aming banda. Kinanta namin ang original song namin sumabay ang mga tao sa pagkanta namin ni Eumi.

Nag-palakpakan ang audience sa amin pagkatapos namin kumanta.

"Salamat sa pagkanta nyo sa aming morning show," wika ng host sa amin.

"Salamat din po!" wika namin sa mga host.

Bumalik na kami sa dressing room at nagpalit kami ng damit.

"Magkita na lang tayo sa address na ito sa mismong entrance ng nightclub," paalalang banggit ni Gun sa amin napabaling ang tingin namin sa kanya.

"Okay, manager." sigaw naming lahat.

Lumabas na kami ni Ice sa dressing room. Nag-titilian ang mga empleyado ng network sa aming dalawa.

"Pwede sila maging celebrity, ang gwapo nila." wika ng mga nasasalubong namin.

Inakbayan ko si Ice sa balikat at ngumiti sa mga empleyado nasasalubong namin. Bitbit namin guitar case kung saan nakalagay ang guitar namin at ang duffel bag o mas kilalang pangalang gym bag.

"Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Kukuha ako ng requirement para OJT ko," aniya nya sa akin napatingin ako sa kanya.

"Anong requirement ba ang kailangan para sa OJT?" tanong ko.

Nang makalabas kami ng network lumakad na kami papunta sa parking lot kung nasaan ang motor ko.

"All academic certificates, Birth Certificate, National Identification Card, Resume, at iba pa," nasambit niya sa akin.

"Unahin kaya natin ang resume?" sambit ko.

"Sige, meron din ako 'yong voter's I.D ko at SSS ko pati ang all academic certificate hindi lang ako sigurado kung nasa case ko pa ang all academic certificate ko," aniya sa akin.

Sumakay na kami sa motor ko at pinaandar ko pauwi sa condo unit namin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status