Share

Chapter Four

Gumawa kami ng resume niya sa laptop ko. Ipapagawa namin ang laptop niya sa computer technician.

"Tapos na, salamat babe bago ako makapasok sa ULF dapat matapos na gawin ng technician ang laptop ko," sambit niya sa akin pinakita niya sa akin ang resume na ginawa niya.

"Bukas dalhin natin sa technician, babe 5 days na ang pinaka-matagal," aniko at dumantay ako sa balikat niya.

Nagbukas siya ng F******k account niya nakatingin ako sa ginagawa niya.

"Hindi mo nilagay ang status mo sa F******k? Na in a relationship with Bernard Williams." pansin ko at tinuro ang profile niya.

"Hindi eh.." aniya sa akin.

"Bakit? Hindi mo ba ako pinagmamalaki as partner?" simangot kong sambit sa kanya.

"Pinagmamalaki kita, babe ayaw ko lang na hinuhusgahan nila ang pagkatao natin, alam mo 'yan." aniya.

"Manirahan kaya tayo sa ibang bansa? 'Yong welcome ang katulad natin?" aniko bigla sa kanya nang tinangalain ko siya.

Napailag ako sa tabi niya ng tatapikin niya ang hita ko.

"Ayoko! Mas okay na dito tayo manirahan pero, kung habangbuhay na ang relasyon natin sa ibang bansa tayo magpakasal," aniya sa akin natahimik ako sa sinabi niya.

"Kung pinagmamalaki mo ako, palitan mo ang status mong Single to In a Relationship man lang katulad sa akin," aniko sa kanya napatingin siya sa akin at ginawa niya ang sinabi ko.

"Kuntento ka na?" tanong niya sa akin pinisil niya ang pisngi ko.

Sumimangot ako pero, sumungab ako ng halik sa mapupula niyang labi. Tumugon siya sa halik ko at napahawak ako sa batok niya.

Nag-iipon ako para makabili ng engagement ring. Simple pero may ibig sabihin at siya lang ang gusto ko makasama habangbuhay.

My Winter, my Winner, and my Babe...

"Ah.." Nasabi ko na lang at humiga ako ng maayos.

"Mamaya aalis na tayo ah!" paalala niya sa akin ngumiti lang ako sa kanya.

"Oo na!" aniko at humikab na lang at tumagilid ako.

Ilang oras nakalipas, naligo na ako ng gisingin niya ako sa pagkakatulog ko nauna siya naligo sa akin.

"Babe, kumain ka na tapos na ako hihintayin kita sa sala natin," aniya at hinalikan niya ako sa pisngi.

"Sige, babe," sambit ko sa kanya.

Lumakad na siya papunta sa sala namin. Pagkatapos ko kumain hinugasan ko na at binalik sa pinag-lalagyan.

"Tara?" aya ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin tumayo na siya at lumabas na kami ng condo unit. Pumasok kami sa elevator at pinindot ang ground floor.

Nang makarating kami lumabas na kami ng condominium at nilapitan ang motor ko. Sumakay kaming dalawa at umalis na papunta sa address na tinutukoy ng manager namin.

"Win!" tawag ni Gun ng huminto kami sa entrance pinarada ko sa parking lot ang motor.

"Nasaan ang iba?" tanong niya sa dalawang mag-jowa.

"Problem! Sa ngayon, kayong tatlo muna ang mag-gig, pasok na tayo naghihintay na sila sa atin." wika ni Gun at lumakad na kami papasok sa nightclub.

Inayos ng staff ang set ng maliit na entablado. Umakyat kami sa entablado at nagsalita ako.

"Magandang gabi sa inyo, pasensya na kung hindi kami kumpleto." panimula ko at sumenyas na ako sa mga kasama ko.

Nagsimula na kami magpa-tugtog at nag-stream ako sa gitara ko. Bago ako kumanta ng 90s boyband song.

Ginalaw ko ang ulo ko habang nag-gigitara ako. Hindi natuloy ang mga kasamahan namin sa night club.

"Bakit tayo lang, nasaan ang iba?" pagtataka kong tanong sa mag-jowa ng naupo kami sa bakanteng mesa naka-laan sa amin.

"Dapat pupunta si Nina, kaso nagka-problema ang pamilya niya." kwento kaagad ni Gun sa amin.

"Kaya tatlo lang tayo nag-tugtog dito sa nightclub," sabat ni Dino bumunga siya ng usok mula sa sigarilyo niya.

"Sina Eumi at Rachel, ayun hindi na pinayagan ng magulang nila umoo pero, hindi rin pala pupunta nakaka-imbyerna!" tili ni Gun sa amin at napaupo sa tabi ng boyfriend niya.

Inakbayan niya ako at napapikit ako ng masilaw sa liwanag ng ilaw.

"Babe?" tawag niya sa akin.

"Oh?" banggit ko.

"Bakit ba?" inis niyang sigaw sa akin.

"Be my fake boyfriend?" alok ko kaagad sa kanya binitawan ko ang kamay niya.

"Ano?" sigaw niya hinila ko siya palayo sa mga schoolmate namin.

Dinala ko siya sa bakanteng classroom na katabi ng canteen namin.

"Let go of me! What! Are you crazy?" pang-gigil niyang sambit sa akin binalya niya ang kamay ko.

"Be my fake boyfriend, I need your help..." kaila ko sa kanya napaluhod ako sa harap niya.

"Help? Fake Boyfriend? You are really crazy!" sigaw niya nang makarinig ako ng ingay ng taong iniiwasan ko.

"Light! Nandyan ka lang pala." bungad ng taong iniiwasan ko napa-atras ako at nagtago ako sa likod ni Win.

"Hindi mo na ako maiiwasan pa, bakit ba ayaw mo na sa akin? Anong dahilan?" tili ng taong iniiwasan ko huminga ako bago magpakita.

"Don't close to me, and please, that's enough! I have special someone, I don't love you anymore." sambit ko sa kanya nang hahawakan niya ako napa-atras ako.

"Helga!" sabat niya sa taong kausap ko.

"Winter," tawag niya kay Win nakatingin lang ako sa kanila.

Magkakilala silang dalawa?

"Tigilan mo na ang taong ayaw sa'yo, sabi nga niya may iba na siyang mahal." bulalas niya kay Helga.

"Hindi ako titigil hangga't wala siyang girlfriend," wika ni Helga sa amin tinuro pa niya ako.

"Paano kung boyfriend ang meron siya? Titigil ka na?" tanong naman niya kay Helga dahilan para huminto ito sa pagsasalita.

"He's gay? No way!" tili ni Helga sa amin at nabigla ako ng akbayan niya ako sa balkat.

"Mag-kaklase tayo pero, hindi ko alam na ex ka ni Light na karelasyon ko." aniya bigla kay Helga napa-titig naman ito sa amin.

Napatingin ako bigla sa kanya hindi ako alam ito!

"Ano? Kay-" tili ulit ni Helga sa akin tinuro pa niya kaming dalawa at padabog na umalis sa harap namin.

"Winter Kevin, anong-" gulat kong tawag sa kanya napa-harap ako sa kanya.

"Siya ba ang dahilan at gusto mo ako magpanggap na jowa mo?" tanong niya bigla sa akin.

Napayuko ako bigla sa kanya napa-sandal ako sa tabi niya.

"Oo..siya nga, marami na akong pinag-panggap pero nahuhuli niya ako." kaila ko dahil hindi naman lahat totoo.

"Bakit ba kasi nag-hiwalay kayong dalawa? Kung ako hindi ko 'yon iiwanan sexy.." aniya sa akin umiwas ako ng tingin sa kanya may konting pagseselos akong naramdaman.

Nagulat ako sa pag-harap niya sa akin napa-iwas ako ng tingin. Bumilis ang tibok ng puso ko ng humarap siya sa akin at tumingin sa mga mata ko.

Buwisit! Kumalma ka, Light!

"Ikaw ang ka-member ko sa music club na isnabero na at suplado pa! Bakit ngayon lumalapit ka sa akin karibal mo pa naman ang kaibigan ko." sambit niya sa akin.

Huminga siya bago siya lumayo sa akin.

"Pumapa-yag ka na-magpanggap na boy-friend ko?" utal kong tanong sa kanya.

"Oo, dahil paniguradong babalikan ka niya at ipagkakalat niya sa buong school ang sinabi ko sa kanya." sambit naman niya sa akin.

"Sigurado ka talaga?" ulit kong tanong sa kanya inirapan niya ako bigla.

"Ayaw mo ba? Ikaw na nga ang tinutulungan, ikaw pa ang demanding!" irap niyang sambit sa akin.

Umiling ako at napa-yakap ako sa kanya pero, tinulak niya ako palayo sa kanya.

"2 weeks, kapag tumigil na siya sa pang-gugulo sayo tapos na rin ang pag-papanggap nating dalawa." aniya sa akin.

"Deal!" sambit ko na lang sa kanya at umalis na siya sa harap ko.

Pero, pagkakataon ko naman ito para mapa-lapit ako sa'yo, Win.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status