Share

Chapter Five

"Masaya ako nakita mo na ang magmamahal sa'yo nang totoo, Light," wika ni Gun nang magpaalam sa akin si Ice para kausapin ang dati niyang kaklase sa unibersidad namin.

"Kayo rin naman ni Dino, Gun wedding bells na lang ang kulang sa inyo." pagbibiro ko sa kanya inakbayan ko siya pagkatapos.

"Hindi pa niya ako inaalok," aniya sa akin alam kong hinihintay lang niya na alukin siya ni Dino at magiging masayang-masaya na siya.

"Gusto mo ba na biruin ko siyang alukin ka niya ng kasal?" natatawa kong sambit sa kanya.

Bumaling ang tingin niya sa akin at umiling kaagad at tinuro ang puso niya.

"Kung aalukin niya ako sa bukal sa puso niya at hindi mula sa pang-aasar nyo o nang mga kaibigan niya." sambit na lang niya sa akin.

Umupo ako sa couch nabaling ang tingin ko sa jowa niya kausap ang may-ari nang nightclub.

"Ikaw ba, kailan mo aalukin si Ice ng kasal?" balik natanong niya sa akin napa-isip din ako, kailan ba ako handang alukin siya?

"Katulad ka rin ni Dino, Light na hindi pa bukal sa puso nyo ang pagpapakasal mabuti na lang matitino kami ni Ice—naiinip na rin siyang lumagay sa tahimik ang relasyon nyo." nasambit ni Gun sa akin natahimik naman ako sa sinabi niya.

"Gun!!" narinig naming tawag ni Dino sa kanya natingin kaming dalawa.

"Huwag kang magsalita na parang kaya mo nang lumagay sa tahimik, Light hindi natin hawak ang tadhana natin," aniya at tinapik niya ang balikat ko.

Lumapit sa amin si Dino na may pagtataka sa mukha palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Gun.

"Nagtalo ba kayong dalawa?" pagtatanong ni Dino sa aming dalawa at kaagad akong umiling sa kanya.

"Eh, ano?" pagtatanong pa rin ni Dino sa amin.

"Wala nga, Dino nalulungkot 'yan dahil hindi na niya makakasama si Ice sa gig may iba nang trabaho aasikasuhin eh," wika ni Gun sa boyfriend niya at tinanong kung ano ang sinabi ng may-ari nang club.

"Binigay ni boss ang kita natin sa club natin may sobra pa, bi nagtanong si boss kung sa next week daw pwede pa daw tayo? Ang sabi ko titignan namin anhmg schedule natin busy tayo sa home network natin as solo artist na nabubuo lang tayo kapag kailangan tayo ng network." sambit ni Dino nilingon niya rin ako bigla.

"Tanungin ko ang manager ko—nginuso si Gun," natatawa kong sambit at nakita namin na sinamaan niya ako nang tingin.

"Titignan ko ang notes ko kung libre ang schedule namin ni Light lalo na nagtuturo siya sa dating unibersidad natin," sambit ni Gun sa boyfriend niya nang balingan niya ito nang tingin.

"Okay," wika ni Dino alam nito ang schedule namin, kaya alam namin kung niya 'yon sinabi sa may-ari ng club.

Uminom ako ng alak na nakapatong sa harap namin pagkatapos ng gig pinayagan kami ng may-ari nang club na mag-enjoy pa rin sa club.

Hinihintay kong bumalik si Ice sa amin pwesto at nang makita ko siya kinawayan ko na lang ito. Lumapit kaagad siya at kinausap si Gun hinila ko naman siya para tumabi sa akin.

Siya ang gusto kong makasama habangnuhay pero, hindi pa ako handang lumagay sa tahimik ang relasyon namin.

Tama si Gun katulad lang ako ni Dino na hindi pa bukal sa amin ang lumagay sa tahimik ang relasyon.

"Babe!" tawag niya sa akin napalingon ako sa kanya.

"Oh?" sambit ko sa kanya nakita ko wala na ang mag-jowa sa harap namin.

"Tulog ang diwa mo pero, ang mata mo dilat? Hanep naman..kanina pa sila wala," aniya sa akin at hinila niya ako patayo sa upuan.

"Ewan.." amin ko napa-iwas ako ng tingin sa kanya.

"'Nangyari sa'yo? Inaantok ka pa ba?" puna niya sa akin hinawakan niya ang pisngi ko.

"Hindi, ewan ko.." sambit ko na lang sa kanya.

Lumabas na kami ng night club nagtaka ako ng kunin niya ang susi ng motor ko sa gilid ng pantalon ko.

"Oh?" pagtataka kong sambit sa kanya binigay niya sa akin ang guitar case niya.

"Ako na ang magmamaneho baka mabangga pa tayo sa kalsada kapag ikaw ang nagmaneho," aniya at hinagis niya sa akin ang helmet.

Hindi na lang ako nagsalita at umupo ako sa likod niya pagkatapos nya umupo sa unahan ko.

"Babe, naalala ko bigla si Helga kamusta na kaya siya?" sambit ko bigla ng huminto siya sa 7-eleven store.

Pinarada niya sa gilid ang sasakyan at bumaba kami para pumasok sa loob. Umupo ako sa may tabi ng salamin nilapag ko sa mahabang mesa na katapat ko ang guitar case namin.

"Bibili lang ako," aniya sa akin.

Sinundan ko siya ng tingin pagkatapos niya ako iwan. Napapa-isip pa rin ako sa binulong ng kuya niya sa kanya noong 10th anniversary namin at ng tropa.

Naging tahimik siya ng mabanggit ng mga kaibigan niya ang ULF, anong meron dun?

"Light, ano ang sinasabi mo kanina?" bungad niya sa akin inabutan niya ako ng maiinom.

"Sabi ko, kamusta na kaya si Helga?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ba model na siya ngayon?" sambit niya sa akin kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Talaga? Wala akong alam, paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.

"Friend ko siya sa F******k ko," aniya sa akin.

Tumango na lang ako bigla sa sinabi niya. Iilan lang ang friend ko sa f******k ko, ang babe ko ang mga kaibigan namin at ang pamilya lang namin.

"Ang dami mo kasing friends sa F******k mo," sambit ko.

"Schoolmates natin naging kaibigan ko ang mga member natin noon sa music club at ang tropa maliban pa sa pamilya natin," aniya sa akin humigop siya ng iniinom niya.

"Kahit malayo ang 7-eleven na 'to, gusto mo lagi magpunta dito marami nang nagbago sa harap nito na dating computer shop naging cafe shop na." sambit ko.

Hindi siya umimik sa sinabi ko at nakita kong nakatingin siya sa kalsada.

"Win!" tawag ng isang boses napalingon kaming dalawa napansin kong nagulat ang reaksyon niya.

"Babe," tawag ko sa kanya.

Kumunot ang noo ko sa facial expression ng mukha niya nang mapansin ko na gulat na gulat siya nang makita ang babae.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status