Share

Chapter 16

Muli, meron na naman silang surprise exam. Hindi na siya bumaba, pinanood na lang niya ang pamimigay ni Elmer ng papel. Madami palang bobong empleyado sa departamentong iyon at umaasa na lang sa ibang kasama sa pagtatrabaho. Halos mangalahati na lang ang nga ito.

Naririnig niya sa mic ni Elmer ang sinasabi ng mga ito.

"Ang swerte naman ni Jillian, naliligtas sa exam," sabi ni Arcelli.

"Oo nga, laging wala eh," susog ni Eunice.

"Gusto niyo, baguhin natin ang exam?" suhestiyon ni Elmer, "para makabawi kayo kay Jillian?"

"Sige sir! paano?" tanong ni Arcelli.

"One is to all" itinaas pa ni Elmer ang kamay.

"Paano yun sir?" tanong ng mga ito.

"Si Jillian, ay lalabanan niyo isa isa, sa pagtatype, pag gawa ng page, pag gawa ng website ganyan, okay ba yun? ang makakatalo sa kanya, mananatili, ang lahat na matatalo niya, paaalisin, para naman fair ang labanan hindi ba?"

"Pero sir, magaling siya dyan!" reklamo ni Eunice.

"Kaya nga! alam niyong magaling na yung tao, bakit pa pagiexamine? ano to,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status