Share

Chapter 4

"What are you talking about? Stop saying nonsense. Matapos mo akong hiwalayan?"

"Don't flatter yourself. I only want your egg cell."

Natigilan ako sa narinig. "My egg cell? Ano bang pinagsasabi mo?"

Nagbuga siya ng hangin at muling sinandal ang likod sa kinauupuan. Kalmado niyang sinalubong ang mga mata ko.

"Ako ang namamahala sa kompanyang ito, pero ayaw pa rin ibigay sa akin ni Lolo ang full authorization. Sa madaling salita, hindi pa nalilipat sa pangalan ko ang buong kompanya."

"And? Ano naman ang kinalaman ng egg cell ko sa company n'yo?"

"Ayaw ni Lolo ng ibang apo."

Lalong lumalim ang kunot sa noo ko. "What?"

"Matagal na kitang pinahahanap, pero magaling kang magtago. Alam natin pareho na matalik na magkaibigan ang mga lolo natin. Ayaw niya ng apo mula sa ibang babae. Ang gusto niya, mula sa angkan ng mga Gaviola."

Nakaramdam ako ng matinding inis sa sinabi niya. Mabilis akong tumayo. "At gusto mo akong buntisin dahil apo ako ni Cosme Gaviola?"

"Yes."

"Baliw!"

Gusto kong damputin ang makapal na glass kung saan nakaukit ang pangalan niya at ibato ito sa kaniya. Pero naisip ko, bakit pa ba ako magagalit? Pabor sa akin itong gusto niya, may anak kami.

Kinalma ko ang sarili ko at muling naupo. "Hindi mo na ako kailangan buntisin, may anak na tayo."

"No. Hindi akin ang batang iyan. That child is Timothy's."

Masama ko siyang tiningnan. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig. Ganoong klaseng babae ba talaga ang tingin niya sa akin? Sabagay, pinagbintangan niya nga akong pabayang ina. At sa akin niya isinisisi ang pagkamatay ng anak namin.

"Ano bang kailangan kong gawin para maniwala ka? Anak mo siya!"

Itinuon niya sa akin ang buong atensyon niya. Nakangisi niya akong tinitigan gamit ang namumungay na mga mata.

"Bakit ngayon lang?"

"Huh? What do you mean?"

"Kung magtatatlong taon na siya, bakit ngayon mo lang sinabi? You said you were pregnant when you left, why didn't you tell me?"

Matagal kaming nagtitigan. Hindi ako nakasagot agad sa tanong niyang iyon. Bakit nga ba? Bakit hindi ko nagawang sabihin sa kaniya?

Lumapad ang ngiti sa mga labi niya. "Because that child is not mine—"

"Because Dayana's pregnant." Mariin akong lumunok nang maramdaman ang bikig sa lalamunan ko.

Mabilis na nag-init ang gilid ng mga mata ko nang maalala ang araw kung kailan kami naghiwalay.

"I asked you, didn't I? Tinanong kita kung magiging masaya kapag umalis ako," mapait akong ngumiti, "and you said yes."

Lumamlam ang mga mata niya nang makita ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. Mabilis ko itong pinunasan at umiwas ng tingin.

"Paano ko sasabihin sa iyo na buntis ako, kung wala ka nang ibang gusto kundi ang makita akong umalis? You want me gone, because you were having a baby with my friend. How can I stay?"

Nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya tanda ng kaniyang paglunok. Bakit pa ba ako nagda-drama? It's all over between us.

"I'm here because your child needs you. Gusto ka niyang makilala."

Muli kong nakuha ang atensiyon niya sa sinabi ko. Hindi ako aalis hangga't hindi niya natatanggap si Thalia.

"May sakit siya sa puso... katulad mo. Kailangan niyang maoperahan."

Nagpakawala siya ng hangin. Nakita kong natahimik siya at ilang sandaling nag-isip.

"Hindi porke may sakit siya sa puso, anak ko na siya."

"Then let's have a DNA test. Siguro naman, kapag napatanuyan sa iyong kadugo mo siya, maniniwala ka na."

Marahan siyang umiling habang mataman na nakatingin sa akin. "It would take a week or two to get the result. I want your answer, now."

"My answer?"

Muling sumeryoso ang mukha niya. "I need a son from you."

***

"Oh, kumusta? Nagkausap na ba kayo?"

Agad na bumungad sa akin ang mukha ni Wena nang makapasok ako ng apartment.

"Where's Thalia?" Hinanap ng mga mata ko ang anak ko.

"Ayon, nakatulog na sa paghihintay. Gusto mong gisingin ko?"

Umiling ako sa kaniya bago pumasok sa loob. Dumiretso ako sa kitchen at uminom ng tubig. Sinabi ko na rin kay Wena ang naging usapan namin ni Dylan.

"E, anong sagot mo?"

"Sabi ko, pag-iisipan ko."

"Diyos ko naman! Bakit pag-iisipan mo pa? Ang ganda na pala ng inaalok sa iyo ng gago!"

Hinarap ko siya, panay akong iling. "I can't do it, Wena. Magsisiping kami para makagawa ng baby? That's absurd!"

"Anong absurd doon? Bakit paano ba ginagawa ang baby?"

"Wena, naman!" Inis akong bumalik sa sala at naupo sa sofa. "Maliban sa ayaw niyang tanggapin si Thalia bilang anak, gusto niyang may mangyari sa amin para magkaanak kami ng lalaki! He's married! At ano? Pagkatapos kong umanak, ano? Kukunin niya sa akin ang anak? No way!"

Dali siyang naupo sa tabi ko. "Malay mo naman, magkabalikan pa kayo!"

Nalukot ang mukha ko sa mga sinabi niya. "Okay ka lang? Anong tingin mo sa akin? Mang-aagaw? Isa pa, ayokong maging kabit!"

"E, iyo naman si Dylan! Inagaw lang ng plastic na Dayana na iyon! Hay, ewan ko ba sa babaeng iyon! Tatahi-tahimik, nasa loob naman pala ang kulo!"

Nakita ko ang pamumula ng mukha niya. Tumayo siya at nakakrus ang mga kamay sa dibdib nang pumuwesto sa bungad ng pintuan.

"Walang utang na loob! E, halos wala na silang makain ng mga kapatid niya noong umiiyak siyang humingi ng tulong sa iyo! Binigyan mo na ng trabaho sa kompanya ni Dylan, inahas pa ang asawa mo!"

Napapikit ako nang dahil sa narinig. "Ayaw ko nang maalala pa ang mga nangyari noon, Wena. Hindi na iyon ang problema ko ngayon."

"Tanggapin mo!" Nakapamaywang siyang bumalik sa harap ko.

"Pero, Wena—"

"It's a win-win situation, Tanya! Mapapagamot mo na si Thalia, makikilala pa niya ang tatay niya!"

"Pero ayaw ko nga sa hinihiling na kapalit ni Dylan! Hindi naman ako inahing baboy na paaanakin at saka kukuhanan ng anak! Hindi ko kaya iyon!"

"Oh, e anong gagawin mo? May pera ba tayo para sa pampaopera ni Thalia?"

Natahimik ako sa narinig. "Wala."

"Oh, iyon naman pala! Give and take lang iyan, Tanya."

"E, puro na lang ako bigay, wala naman akong nakukuha na kapalit maliban sa sama ng loob."

Naupo siya sa ibabaw ng coffee table sa harap ko saka mataman akong pinagmasdan. "Give and take, sister. Bigyan mo ng junior iyang ex-husband mo, at kunin mo ang pera niya para kay Thalia. Ibinigay mo siya noon kay Dayana, ngayon, kunin mo ulit."

Natigilan ako sa mga narinig. Ibang klase talagang mag-isip itong babaeng ito. Kaya siguro hanggang ngayon, wala pa rin jowa.

Buong araw akong hindi mapakali habang nag-iisip sa dapat kong gagawin. Wala na akong pakialam kina Dayana at Dylan, ang gusto ko lang, maoperahan si Thalia. Pero magagawa ko bang sumiping sa dati kong asawa para sa pera niya?

Paano kapag nabuntis na ako nanganak? Makakaya ko ba talagang ipamigay sa kanila ang anak ko? Makalipas ang mahabang oras, pagdating ng hapon ay bumalik ako sa company ni Dylan.

"Sir, bumalik na po si Ma'am Tanya," saad ng secretary niya sa intercom.

"Let her in."

Kabado akong pumasok sa office. Alam kong hindi tama itong gusto niyang mangyari, pero walang tama o mali kapag buhag na ng anak ko ang nakasalalay. Nakahanda na akong gawin ito.

"I've been waiting for you."

Napalunok ako nang makapasok sa opisina niya. Nakatayo siya sa unahan ng kaniyang table at nakapamulsa.

Tumango ako. "Pumapayag na ako, pero sa isang kapalit."

Humakbang siya palapit sa akin. "What is it?"

"Kapag napatunayan nating anak mo nga si—"

"Oo na, ipapagamot ko siya. Of course, I would do that."

"At hihingi ka ng tawad sa akin."

"Paano kung hindi ako ang ama?"

"Talong mo lang ang nakapasok sa pechay ko! Imposibleng hindi ikaw ang ama!"

Sandali siyang natigilan sa sinabi ko, nang makabawi ay mahina siyang tumikhim. "Paano nga kung hindi?"

Puno ng pagnanasang tinitigan niya ako sa mukha. Umangat pa ang kamay niya at marahan akong hinaplos sa pisngi.

"Papayag ka bang maging akin... habang-buhay?"

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Adora miano
hahaha naunsa nani Hindi ko maintindihan hahaha,,Isang laro Ang pag ibig
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
hahahhah ilang round ba gusto mo dylan......
goodnovel comment avatar
Angeline Malapit Dela Cruz
love ...️ ...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status