Author's Note: Please play "Sa susunod na Habang Buhay by Ben&Ben" para ramdam po ang sakit. The truth is, ito dapat talaga ang real ending ng HHS kaso nagbago isip ko. Kaya ginawa ko ng happy ending. Enjoy reading, hopies!SebastianMy world stop for a while when I hold my wife lifeless hand. Pilit ko siyang ginigising. Pilit kong tinatapik ang pisngi niya pero hindi na siya gumagalaw. Nanlamig ako, binalot ng takot buong pagkatao ko. Parang gripo na rin ang luha ko dahil hind ito mapigil sa pag-agos."No. No, wake up. Wake up, wife. Damn, wake up please. Don't do this to me. Hindi ka puwedeng mamatay. Paano na kami ni Draixon? Iris, gumising ka. Gumising ka!" Pagwawala ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa asawa ko. Miski si Devron ay nagsimula na ring mataranta at magwala ng hindi pa dumadating ang ambulansya. Wala na akong pakialam kung puno na ng dugo ang damit at kamay ko."Iris. Iris, nakikiusap ako sa'yo, gumising ka. Misis ko, gumising ka na. Huwag mo'kong iwan,
"What are you doing here?" Magaspang kong tanong pero ngumisi lang siya at diretsong pumasok sa loob ng bahay na inuupahan namin. Habang ako naman ay mabilis siyang sinundan dahil baka makita niya ang hindi dapat makita."Sebastian, why are you here?" Puno ng diin ang lumalabas sa bibig ko kaya napalingon naman siya at tumaas ang sulok ng labi dahil sa narinig. Ako naman ay napalunok dahil sa kabang nararamdaman ko."Where is he?" Malalim ang boses niya ng magsalita siya dahilan para sumibol ang kaba sa dibdib ko. Damn, he knew? Of course, Iris! Malalaman niya because he's not the ordinary man that you met. He's a mafia, a powerful one. "Sinong he? Sino ba ang hinahanap mo?" Nagmamaang-maangan ako kaya lalong nandilim ang mukha niya at dahan-dahan ang paghakbang niya papalapit sa akin. "Nasaan ang anak ko, Iris?" "Gago, wala kang anak. Pinagsasabi mo." Pinatibay ko ang boses ko dahil nalaman niya na nga ang itinatago ko. "Oh really, wife." Pang-uuyam niya at mahinang tumawa. "You
Iris"Papa, parang awa mo na po! Ibaba niyo po ang baril na hawak mo!" Sigaw ko habang nagmamakaawa. Kitang-kita ko rin sa harap ko na ang Nanay ko ay nakaluhod at nagmamakaawa rin sa Tatay kong ibaba ang baril na hawak niya.Nanginig ang dalawa kong kamay at ginamit ko itong pantakip sa tainga ko. Pinilit kong lumanghap ng hangin dahil ang sikip ng dibdib ko gawa sa pag-iyak.Napasigaw na lamang ako nang paputukin niya ang baril. Dahil sa sobrang takot ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay hindi ako ang natamaan kundi ang pader ng bahay namin.Nang tingnan kong muling ang Tatay ko ay mas lalong umusbong ang takot sa puso ko. Tuluyan nag nandilim ang paningin ko ng ilagay niya sa noo ko ang baril na hawak niya.Napabalikwas ako ng bangon. Habol-habol ko ang hininga ko na akala mo ay hinabol ako ng sampung demonyo. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Nanginginig na rin ang buong katawan ko.Pinalibot ko ang mata ko at nakahinga na rin ako nang m
Sebastian Napangisi na lang ako ng makita kong palingon-lingon ang mga bodyguard ko 'di kalayuan sa pwesto ko. Akala mo naman ay may babaril sa akin kapag nawala ako sa paningin. Dahil sa naiinip ako ay kinuha ko muna ang sigarilyo ko at sinindihan ito. Habang binubuga ko ang usok ng sigarilyo ay napahawak naman ako sa earpiece ko ng marinig kong nagsalita ang isa sa mga bodyguard na inutusan ko para hanapin ang isang taong matagal ko ng hinahanap. "Boss, nakita na namin siya. Nakatingin siya sa'yo." Aniya kaya saktong pagharap ko ay nagtagpo ang mata ng babaeng matagal ko ng hinahanap. Tiningnan ko maigi ang mukha niya at natulala ako ng ngumisi lang siya at tuluyan ng umalis. Dahil sa pagkabigla ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong sinusundan siya. Pinigilan pa ako ng mga nagbabantay sa akin pero tumalim ang titig ko sa kanila kaya wala na silang nagawa kundi ang hayaan ako sa susunod kong gawin. Napatigil ako sa pagsunod sa kaniya ng makita ko siyang pumasok sa isang karin
IrisNapaasik na lamang ako nang maramdaman ko ang bigat sa katawan ko. Kaya dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay isang kamay na nakayakap sa bewang ko.Pagharap ko kung sino ang lintek na ito ay mas lalong sumama ang umaga ko. Tulog na tulog siya sa tabi ko at halata ang pagod sa mukha niya.Kaya hinayaan ko na lang siya at tahimik na inalis ang pagkakayakap niya sa akin. Nang maalala kong magpapalit ako ng damit ay napatingin ako sa suot ko. Halos umusok ang ilong ko nang makita kong iba na ang damit ko ngayon kumpara kahapon.Dahil doon ay nanggagalaiti kong hinarap si Devron na ngayon ay sobrang sarap ng tulog. Malakas ko siyang sinabunutan dahilan para mapabangon siya at galit na tumingin sa akin."Langya naman, Iris! Agang-aga nanabunot ka! Ano bang problema mo?!" Inis niyang sigaw kaya aambaan ko siya ng suntok na agad naman niyang sinalag."Ikaw ang nagpalit ng damit ko, 'no?""Ano namang masama kung ako ang nagpalit ng damit mo? Magkapatid
IrisPaglabas ko ng banyo ay naririnig kong nag-ring ang cellphone ko. Kaya dinampot ko ito sa lamesa habang kinukusot ang buhok ko.Kumunot ang noo ko ng makita kong si Devron ang tumatawag. Agad ko'tong sinagot dahil baka importante ang sasabihin."Baby, finally sinagot mo na ang tawag ko. Alam mo bang nakaka-sampu na akong tawag sa' yo pero 'di mo pa rin sinasagot. Ano bang pinagkakaabalahan mo?""Naligo ako. Bakit ka na naman ba tumawag. Ibaba ko talaga 'to kung mambi-bwisit ka na naman sa akin," banta ko pero tawa lang niya ang narinig ko sa kabilang linya."Easy, may ipapakuha lang ako sa cabinet mo. Kaya pumunta ka na at buksan mo 'yon." Pag-utos niya na agad ko namang sinunod. Pagbukas ko ng cabinet ay napasimangot naman ako dahil wala naman akong makitang kakaiba."Tatamaan ka talaga sa akin, Devron. Walang nakalagay dito sa cabinet ko.""Meron, diyan sa ilalim ng damit mo. Iangat mo lang tapos may makikita kang envelope na puti may nakalagay na card diyan."Sinunod ko naman a
Iris"Tarantado ka! Sino ang nagturo sa'yo na magnakaw?" Galit kong saad habang siya naman ay umiiyak na sa harapan ko."Ate Iris, 'wag mo po muna akong saktan. Hindi ko naman po ginusto ang ganitong gawain. Napag-utusan lang po ako." Mahabang paliwanag niya kaya dahan-dahan kong binitawan ang braso niya at hinablot ang wallet ko."Huwag mo akong iyakan diyan, baka mamaya ay mabigwasan pa kita. Sinong nag-utos sa'yo?!"Hanggang ngayon ay mas lalong lumala ang galit ko. Ang ayoko sa lahat ay may mga inosenteng bata na nadadamay. Hindi ba nila alam na maaaring masira ng maaga ang kinabukasan ng mga batang katulad ni Buknoy."Sino sabing nag-utos sa'yo ng gan'tong bagay?!" Hindi ko na muli napigilan ang sarili kong sumigaw dahil sa galit na nararamdaman ko.Pagharap ko ay nasa harapan ko na si Santino na hinahapo at napansin kong nawala ang mga pinamili kong pagkain sa 7/11."Nasaan 'yung mga pagkaing binili ko? At saka bakit sumunod ka pa dito?" Malamig kong saad at tuloy-tuloy na lumaba
Iris"Kumusta Iris? Nagulat ka ba dahil nagkita muli tayong dalawa?" Nakangisi niyang saad habang ako naman ay nakatayo lamang sa harapan niya at blankong tumitig sa kaniya."Anong ginagawa mo dito?" Malamig at walang galang na saad ko. Kaya natawa naman siya at tumingin sa tatlong bodyguard na nasa likuran niya na may bitbit na mga plastic bags.At doon ay napangisi ako nang malaman kong kung ano ang laman ng mga ito. Mga pagkain na pinamili niya at alam ko na kung bakit merong ganito, dahil may gagawin na naman siyang kailangan kong sundin."Hindi mo man lamang ba papapasukin ang Ama mo?"Gusto kong masuka dahil sa pinagdiinan niyang Ama. Gusto ko siyang paalisin at 'wag ng pumunta dito, pero kailangan kong makipagplastikan sa kaniya, dahil kailangan.Gago, wala akong Ama at kahit kailan hindi kitang kinilalang Ama.Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ng harapan pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka may magandang 'di mangyari at may bata pa akong kasama.Kaya niluwagan ko ang pagk