Share

CHAPTER 15

CHAPTER 15- FAVOR

MARIA

Kasalukuyan ako ngayong nasa opisina at nakatulala lang. Hindi nya na kasi ako binigyan ng mga papeles at sinabing kung gusto ko ay manood nalang ako sa youtube. Hindi ko naman yun ginawa bagkus ay binalikan ko ang nangyari kanina. 

By the looks on his face a while ago, mukhang kinakabahan ito na ewan. Bakit naman kasi sya kasi kinakabahan diba? Never in my life na nakita kong kinabahan ang isang Denrick Moncuedo. And of course I am very thankful na pag dating namin dito ay wala na ang babaeng iyon. 

Naalala ko pa ang pagsigaw sa akin ng bruhang iyon. Akala mo naman sobrang taas na nya para sigawan ako ah. Hindi ba nya alam ang salitang respeto? Sa tingin ko naman may pinag aralan ito. Hindi ba itinuro sa school nila ang Good manners and right conduct?

Napailing nalang ako dahil hindi talaga maiiwasan ang mga ganyang tao. They think high of themselves and didn't even bother to respect other people. Pwede pa din naman sila maging mayaman ng hindi umaapak ng tao. Yes, mababa lang ang antas ng pamumuhay namin but that didn't make us less of a human. Yung iba kasi iniisip nila na mayaman sila kaya kailangan mo silang respetuhin. But no, you need to earn their respect. Minsan, pag marunong tayong magpakumbaba doon pa tayo nirerespeto ng iba. 

Sakit lang talaga yung babaeng yun sa bangs. Hinihiling ko na lang na sana ay hindi na ito bumalik dito. 

"Mukhang malalim na naman ang isip mo hija." 

I lift my head and saw his mother standing beside his sister. They are both smiling at me kaya gumanti din ako ng ngiti sa kanila. Napipictured out nyo na ba yung scene na ganito? 'Tatlong dyosa nag titigan.' 

"Ahm, hindi naman po masyado ma'am hehe kaya ko pa naman languyin." Biro ko kaya mahina silang natawa. 

"You are really so silly hija." Turan ng ginang habang hindi pa rin maalis alis ang ngiti sa labi nila. 

"By the way hija where is he? Nasa office nya ba?" Tanong nito sakin kaya tumango ako. Well speaking of his son. Hindi ko pa rin sya kinikibo hanggang sa makarating kami ng office at kahit nung binigyan ako nito ng chocolate ay hindi ko pa rin sya kinakausap. 

"You didn't look happy when I mentioned my son. May nangyari ba hija? May ginawa syang masama sayo no?" 

Hindi ko alam kung mind reader ba itong si Madam Aria eh. Bakit nya alam na naiinis ako sa anak nya? 

"Hindi po madam." Pagtanggi ko sa ekspekulasyon nito. Tumahimik naman ito ng ilang segundo na para bang inaanalisa nito kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Pagkaraan ng ilang segundo ay bumuntong hininga ito at tumango. 

"Is that so? Then we will going inside." Anito kaya tumango ako at tumayo para ihatid sila sa opisina nito.

Kumatok ako ng tatlong beses at bubuksan na sana ang pinto ng hawakan ng kapatid nito ang kamay ko. Nagulat naman ako at tinignan ito na seryosong tinitigan ang kamay ko. 

Bakit? May mali ba sa kamay ko? 

"Bakit po Ma'am?" Nagtatakang tanong ko pero binalingan lang nito ang ina bago binalik ang tingin sa akin. 

"Why kuya didn't give you an engagement ring?" Takang tanong nito bago pinagkrus na nilagay ang dalawang kamay sa may bandang dibdib. 

"And why did I even ask? Kuya is a jerk and that answers everything." Bulong nito na parang kinakausap ang sarili. 

Napayuko naman ako dahil sa tinuran nito. Ngayon ko nga lang din na realize na hindi pa pala nya ako binigyan ng singsing. Ganoon na ba ka walang saysay sa kanya ang kasal namin? 

With that thought, I felt a pang of pain in my chest. Alam ko naman na hindi ito ang usual na paraan ng kung bakit nag papakasal ang dalawang tao. Pero kailangan bang baliwalain ang mga importanteng bagay-bagay? Nakalimutan nya ba? Pero bakit madali lang nitong nakalimutan iyon? 

Siguro kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa iba't ibang klase ng sakit na ibibigay ng pabor nito sa akin. Dapat kong ihanda ang sarili ko habang ginagawa ko ang plano kong mahulog ito sa akin. I need to be ready for the pain because I am taking a risk. 

I felt a hand on my shoulder. Nilingon ko iyon at sinalubong ako ng ngiti ng ginang. Napabuntong hininga ako bago ngumiti sa kanya. 

"Wag kang mag alala hija. Ako ang bahala sa batang iyon. Masyado nyang pinapasakit ang ulo ng fiancee nya." Pagpapakalma nito sa akin kaya ngumiti ako. 

My smile vanished when I realize what she said. Fiancee? It means? Alam nila? Pero bakit sinabi ng boss ko na pupunta kami mamaya sa mansyon nila? If they already knew about it, then why are we still bothering to go there? For what?

"Alam nyo po?" Tanong ko na nagpangiti sa dalawa. 

"Of course we do." Turan ni Ma'am Artemis kaya nahihiya akong ngumiti.

"Shall we go inside?" 

Tumango kami at akmang papasok na ng may pumigil sa aming isang boses. Pumikit ako at pigil na pigil ang sarili na salubungin ito ng sabunot. Ano na naman ang ginagawa ng babaeng to dito? Alam ko naman na babalik pa talaga ito dito pero hindi ko inaasahan na ngayon agad. Ano? Nagtanghalian lang din ito?

"Hi tita, Hi baby sis." Anito ng makalapit sa pwesto namin. Sobrang lapad ng pagkakangiti nito habang nakatingin sa dalawa habang nung bumaling na ang tingin nito sa akin ay sinamaan ako nito ng tingin.

"Dadalaw po kayo kay Denrick sa loob?" Tanong nito habang nakangiti pa rin kaya gustong mapataas ng kilay ko. Amoy plastic dito ah. 

"Yes, and why did you even ask?" Mataray na tanong ni Ma'am Artemis. 

"Nothing baby sis. Dadalawin ko din kasi sya."

"We didn't ask."

Gusto kong tumawa dahil sa sinagot ng soon sister-in-law ko. Aba't sa unang pagkakataon ay nakita kong natigilan ito. 

"Ahm shall we go inside tita? I am sure denrick will be happy to see you two here." Paglilipat nito ng paksa.

"Of course he will be happy to see us but I am not sure if he will when he see you." Matalas naman na sagot ng ginang na nagpatahimik sa babae. 

Ngiting-ngiti ako ng bumaling ang tingin nito sa akin. Kulang na nga lang ay tumaas ang kilay ko sa kanya eh. Tignan mo nga naman kung sino ang katapat nya. 

Mukhang nainis ito sa pag ngiti ko dahil kitang kita ko ang pagkuyom ng kamao ito. Imbis na matakot ay hinawakan ko nalang ang kamay ng ginang kaya nilingon ako nito at nginitian.

"Oh I forgot. Let's go inside." Anito at hinayaan ang kamay ko sa kanyang braso. 

Nilingon ko ang babae bago ako bumelat sa kanya kaya inis na inis itong nagmartsa papunta sa amin. Nang pumasok kami ay naabutan namin ang boss ko na mukhang may ginagawa. 

Tumikhim ang ginang kaya nag angat ito ng  tingin. Mukhang seryoso ito sa ginagawa kaya hindi nya kami napansin na pumasok. 

Tinapunan nya kami ng tingin bago tumayo at humalik sa pisngi ng ginang at sa kapatid ito. Kahit papaano ay napangiti ako. I witnessed how much he loves his family.

"What brought you here?" Tanong nito. 

"Well we are going to fetch you two." Sagot ng ginang dahilan para kumunot ang noo ng anak. 

"Why?" 

"Because we are going to find Ate Maria a dress to wear later." Mataray naman na sagot ng kapatid nito gamit ang tonong 'Isn't it obvious?'

"Then what's going to do it with me?" 

"Duh! Of course, you are going with us because we will be going straight to the Mansion after buying a dress. And isn't it your obligation to be with Ate Maria?" 

Napabuntong hininga naman ang boss ko dahil sa pagtataray ng kapatid nito. Mukhang sanay na ito dito kaya naman hindi na nya iyon pinatulan pa. 

"And why are you doing here Rowena?" Baling naman nito sa babaeng kanina pa tahimik na nakikinig sa amin. 

"Well I am just here to visit you." Anito habang may matamis na ngiti sa labi nito.

"I don't need you here." Supladong turan nito at hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi. Hindi daw kailangan pero kanina ayos lang na yumapos ito sa kanya. What a great joke. 

Of course. Why did I even think na sya si Denise? Okay, no offense, but I pictured out Denise as a very sophisticated and kind woman. A very contrary to what this woman is showing. I can describe this woman as a piece of plastic. 

Ang lakas kasi ng loob nitong sabihin na sya ang one and only eh. That is why I assumed na sya si Denise. 

"I know you need me here hon." Sweet na turan nito kaya gusto ko nalang sumuka. 

"Watch your mouth woman. Don't you ever call my son like that infront of his fiancee. Understood?"

Nagulat ako sa tinuran ng ginang pero makaraan lang ay simple akong napangiti. 

"Fiancee? He has a fiancee?" Takang tanong nito.

"Yes, he has and if you want to know more just go straight to our mansion later. Tignan natin kung hindi manlalaki ang mga mata mo sa inggit." Imbis na ang ginang ang sumagot ay inunahan na sya ni Ma'am Artemis. Napangiti naman ako sa binulong nito. 

"With that being said, you can now leave my brother's office."

Nang hindi pa rin ito umaalis ay bumuntong hininga ang boss ko at kinuha ang cellphone. 

"Let's go." Turan nito at hinawakan ang kamay ko. Bago pa kami makalabas ay nakita ko pa ang pag ngiti ng dalawa habang ang Rowela naman ay sing taas ng mount everest ang kilay. 

Tinapunan ko ang magkahugpo naming kamay at hindi maiwasang hindi mapangiti. Yan ang nakakainis minsan eh. When you are angry with him but with his simple gesture, all of your anger melted.

Hindi nito binitawan ang kamay ko kahit na ng pumasok kami sa elevator. Pasimple kong kinagat ang ibabang labi at mas lalo pang lumapit sa kanya. Amoy na amoy ko ang pabango nito. I really like his scent. It is so manly but not that strong to your nose. 

"May pahawak ka sa kamay nya but you didn't even bother to buy her a ring kuya?" Pag salita ng kapatid nito habang lulan kami ng elevator. 

"Oh I almost forgot about that." Usal ng ginang na ikinataka ko pero nung lumapat na ang kamay nito sa tenga ng anak ay napatawa na lamang ako. 

Piningot lamang naman ito ng ina at sobrang nakakatawa ng mukha nya. Hindi nya naman pwedeng masigawan ang ina nya. 

"What's funny?" Inis nitong baling sa akin pero binelatan ko lang sya. 

"Don't raise your tone son." Sabi naman ng ginang at mas lalo pa itong piningot.

"Bakit hindi mo binigyan ng singsing si Maria?" 

"Mom stop it."

"Bakit nga?"

"Ouch! Ouch! Mom!"

"Hindi kita pinalaking ganyan Denrick Moncuedo!"

"Mom! Aww! I told Terrence to buy one for me." Sagot nito pero imbis tumigil ang ginang ay mas lalo lang nitong diniinan ang pakapingot.

"At bakit ipinasa mo pa sa kaibigan mo? Responsibilidad mo iyon Denrick." 

"Mom. Ipinabili ko lang kay terrence dahil nasa Europe sya." Sagot nito na may halong pagmamakaawa. Tinigilan naman sya ng ginang ng marinig ang sinabi nito. 

"Really?"

"Yes."

Napa isip naman ako. Pinabili nya pa ang singsing sa Europe? Pero hindi naman ganun ka mahal yung singsing e. Alam ko naman na mayaman sila pero ayaw ko naman syang gumasto ng malaki dahil lang sa singsing. Pero kahit papaano ay nawala ang inis ko sa kanya. I really thought nakalimutan nitong bigyan ako ng singsing.

"Okay good. That's my son." Sagot ng ina nito kaya napabuntong hininga si Denrick. Mukhang nakahinga na ito ng malalim dahil hindi na sya pipingutin ng ina. 

Napangiti nalang ako sa nasaksihan at hindi na umimik pa hanggang sa makarating kami sa Mall. And of course, as usual people stares at them like there is no tomorrow. Sino ba naman kasi ang hindi lilingon kung may ganyang mukha ka na makasalubong? 

Hindi naman nila pinansin ang mga nakatingin sa kanila. Tingin ko ay sanay na sila sa ganito kaya naman hindi na nila inalintana pa ang mga titig. Kung palagi ka ba naman pagtitinginan kahit saan ka magpunta dahil sa ganda mo ay paniguradong masasanay ka na. Well, I am just basing it with my personal experience. 

Pumasok kami sa isang botique at agad kaming binati ng manager. Mukhang kilala na sila dito basi na rin sa pag uusap ng ginang at ng manager ng botique. 

Hinawakan naman ako ni Ma'am Artemis at pinaghila sa kung saan. Marami itong hinuhugot at nilalapit sa akin para tignan kung bagay iyon sa akin. Sumusunod lang naman ako sa kanya at hinahayaan sya sa gustong gawin.

"OMG! I finally found someone to be my model. Nakakainis kaya  pag isang lalaki yung kapatid mo at mas lalo pang nakakainis dahil si kuya pa iyon." Anito at halatang pinarinig sa kuya nyang nakasunod sa amin. 

Natawa ako sa tinuran nito habang napailing nalang ang kuya nya. 

Hinila pa ako nito sa kung saan at mukhang naiinis na ito dahil wala itong makitang napupusuan nya. Well, not until when she saw a dress. Nilapitan nya iyon bago ako balingan.

"Omygosh Ate Maria! Look oh!" Tili ni ma'am Artemis habang hawak ang dress na gusto nito. It is a minty colored dress. Off shoulder sya at hapit sya sa pang itaas na bahagi habang ang sa ibaba naman ay lacey. It has also a silver lining at the edge. Masasabi kong maganda nga ito at hindi ang common  na dress na nakikita ko. 

"That dress will look good on you." Turan pa nito at hinila na ako papasok sa fitting room kaya wala akong nagawa kundi sukatin iyon.

Nang isukat ko yun ay napatingin ako sa salamin at napangiti. I just saw a goddess and it is no other than me. Maybe some might be wondering how come I am this beautiful, well you can ask my parents about it. They will probably give you tips on how to produce a beautiful baby. 

Just kidding.  

Nang makontento ako sa kakatingin sa repleksyon ko ay lumabas na ako. Nahihiya pa nga ako dahil first time kong sumuot ng ganito ka revealing na dress. I have been into formal events but I am not wearing a revealing or too sexy clothes.

Napatigil naman ang lahat sa pag kukwentuhan at binaling ang tingin sa akin. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanila.

"Wow! Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili. It suits you well!" Masayang turan ni Ma'am Artemis habang nakangiti naman ang ginang.

"Gagamitin mo yan mamaya sa party." Turan pa nito kaya kumunot ang noo ko. Party? Saan may party?

"Party po?" Takang tanong ko kaya ngumiti ito.

"Yes! An engagement party!" Sagot nito kaya napaamang ako. Engagement party? Akala ko pamilya lang nito ang imbitado? So that is why his family already knew? At kaya kami pupunta sa bahay nila ay dahil sa party?

"Now lets pay for that dress so that we can shop more." Ani Ma'am Artemis at nag niningning ang mga mata habang sinasabi ang mga katagang iyon. 

Bumalik naman ako sa fitting room at nag bihis ulit.

Engagement party? It is okay with me because I think that is one of his ways to announce that he is getting married, and declaring it means letting the stockholder know it. 

While putting my clothes back, I recall my boss expression when I got out from the fitting room. Well, there is nothing special about it but the fact that he is staring intently at me made me wonder what he is thinking. 

Did he find me pretty or not?

**Written by Stringlily**

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status