Share

CHAPTER 14

CHAPTER 14- IRRITATED

MARIA

I keep on sighing while waiting for the woman to go out from his office. It is been an hour since she entered that room at hindi pa rin ito lumalabas hanggang ngayon. Awhile ago I don't really have the choice but to call my boss. Mabuti na lamang ay kakatapos lang ng meeting nito kaya pinapasok ko na ang babae. Wala naman itong ibang sinabi kundi ang 'okay' ng sabihin ko na may babaeng naghihintay sa kanya sa labas. Kilala ko na ito na maikli talagang mag salita kaya naman I took his words as a sign of letting that woman in. And I didn't get any complain from him.

Isang oras na ang babae doon at hindi ko gusto ang pumapasok sa utak ko. What are they doing inside that room? It's been an hour and still no sign of them going out of that office. I know that the woman's agenda is not about business. I know it. She wants to flirt with my boss and thinking about it makes my blood boil. And to think hindi nag complain ang boss ko. Ano na ang nangyari sa pagiging loyal nito kay denise?

I rolled my eyes before sighing. Sumandal ako sa upuan ko bago kinagat ang ibabang labi. I am still waiting for them to go out but it feels like ayaw ng mga ito. Mukhang may ginagawa ang mga ito na 'importante.' Okay I don't have the right to be jealous because I know my place. Pero sana naman alam din ni Denrick kung paano ako respetuhin bilang babae. He was the one who proposed to me to be his wife but why can't he stay away from women? Ayos lang naman sana if it is about business but it is not. 

I really thought he is different. Sa loob kasi ng dalawang taon ko dito ay tinataboy nito ang mga babaeng gustong pumunta sa opisina nya na hindi tungkol sa negosyo ang agenda. But now what happened? Isang oras na sila sa loob pero hindi pa rin nito tinataboy ang babae. 

Yeah, I admit that I am hurting. Nagseselos din ako kahit wala akong karapatan. Bakit ba kasi pinapasok ko pa ang babaeng yun? Sana sinabunutan ko nalang sya. Yan tuloy pati si baby ay nilalait na din yung babaeng yun. 

I sighed. Tinignan ko ang oras at napabuntong hininga ulit. Sabi nito kanina sabay kaming kakain pero alas 12 na ng hapon wala pa din ito. Akala ko ba mahal nito si baby? Pero bakit hindi nito naisip na baka nagugutom na ako? Mas importante pa ba ang babaeng yun kaysa sa amin ni baby? Well, it feels like it is. 

Kinagat ko ang ibabang labi at piniling kunin na lang ang cellphone para maglaro. Ngunit hindi din naman ako makakapagfocus kasi yung isip ko nasa dalawa. Kaya naman inis na lang akong tumayo at nag paikot ikot sa mesa ko. Tinignan ko ulit ang orasan bago napabuntong hininga. I decided to knock on his door. Kung ayaw nitong sumama sa aking kumain ay bahala sya sa buhay nya.

I cleared my throat before knocking on his door. I didn't heard any response so I move my head to listen to the noise inside. Nang wala akong marinig na di kaaya aya ay binuksan ko iyon at nabungaran ko ang boss ko na may ginagawa sa laptop nito habang yung babae naman ay nakayapos sa kanya sa likod. 

Gustong mapataas ng kilay ko sa nasaksihan. Kaya pala hindi nito napansin ang oras kasi may ka bebe time ito. Kumukulo talaga ang dugo ko ngayon at gustong gusto kong sabunutan ang babae dahil ang kapal ng mukha nito. 

Mukhang hindi ako nila napansin dahil nanatili lamang sila sa kanilang posisyon. Napabuga ako ng hangin bago ko naisipang mag salita. 

"Ah boss lunch time na po." Ani ko kaya umangat ang ulo nila. Nagulat ang boss ko habang tumaas naman ang kilay ng babae. Nagtataka ako kung may ikakagulat ba sa ginawa ko. 

Gustong mapaikot ng mga mata ko pero agad kong pinigilan ang sarili. Hinihintay ko ang sasabihin nito o kahit maalala lang naman nito ang sinabi sa akin kanina. Ngunit makalipas ng ilang segundo ay hindi pa rin ito nagsalita. 

"Gusto ko lang po kayong iinform. Sige po kain po muna ako." Turan ko at tumalikod na. Ang lakas ng loob na sabihin sa akin kanina na sabay kaming kakain ng lunch tapos nung dumating ang babae ay parang nag kaamnesia ito. 

Padabog kong sinilid lahat ng mga gamit ko sa bag bago ako nag martsa paalis. Kumukulo talaga ang dugo ko sa dalawang yun. Masyado silang masakit sa mata!

"Maria wait!" 

Rinig ko pang tawag sa akin ng boss ko pero nagpanggap akong hindi iyon narinig at pumasok na sa loob ng elevator. Paulit-ulit kong pinindot ang button sa elevator na para bang may magagawa iyon para mapabilis ang pag sarado ng pinto. 

Gigil na gigil ako at mabuti nalang hindi ito nakahabol sa akin. Kumuyom ang kamao ko at malalim ang bawat hininga ko. Paulit ulit na bumabalik sa akin ang imahe na nakita ko kanina. 

Nang makalabas ako ng elevator ay mabilis ang mga lakad ko palabas. Tinignan naman ako ng bawat empleyado na nadadaanan ko ngunit wala akong pakialam sa kanila. Masyadong mainit ang ulo ko para pansinin ang mga titig na binibigay nila sa akin. 

"Maria!" 

Mas lalo ko pang dinalian ang lakad ko at agad pumara akong pumara  ng taxi. Hindi ko na sya hinintay at dali-dali ng pumasok sa loob at mabilis na pinaandar iyon sa driver. 

"Hey!"

Hindi ko na sya pinansin pa. Hindi ko alam pero inis na inis talaga ako sa kanya ngayon. Yung tipong gusto ko syang hampasin lalo pa pag naiimagine ko yung mukha nya. Inis na inis talaga ako kaya ako mabilis na umalis. 

Maybe because I am pregnant and hungry. Pinagsama ang dalawang iyon kaya ako napipikon sa kanya. 

"Ma'am saan po tayo?" Tanong ng driver kaya napabaling sa kanya. Nakalimutan ko palang sabihin sa kanya kung saan ako pupunta dahil sa inis sa lalaking iyon. 

"A-ah sa  Vernice Restaurant po kuya."

Tumango naman ang driver kaya bumuntong hininga ako bago sumandal. Pakiramdam ko tumakbo ako ng ilang kilometro dahil parang kinakapos ako ng hininga. Masyado siguro akong kinakabahan na mahabol nya ako. 

Gusto kong mapangisi dahil sa ginawa ko. I don't even know if I am disappointed of him. Akala ko kasi hindi sya yung tipo ng lalaki na maglalandi eh. Maybe wala akong karapatan na magselos dahil wala naman syang nararamdamang pagmamahal sa akin pero dapat alam nya yung limit nya. Hindi naman kasi ako ang nag alok ng kasal kundi sya. Hindi nya man ako mahal pero dahil sa alok nyang iyon ay may binigyan nya ako ng karapatan na magalit. Sana naman alam nya kung paano ako respetuhin. 

Bumuntong hininga ako. Wala naman akong hinihiling na iba eh. Yung magkaroon lang ng kompletong pamilya yung anak ko. Maybe, may iba din akong agenda kung bakit ako pumayag iyon ay dahil inalok nya na sa akin ang lahat ng ito. Doon lang nabuo yung plano ko pero yung pangunahing rason kung bakit ako pumayag ay dahil gusto kong magkaroon ng ama yung anak ko. 

Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagbubuntis ko kaya may tumulong luha sa mga mata ko. Siguro nga dala na din ito ng mood swings. 

"Ma'am nandito na po tayo." 

Lumingon ako sa labas ng bintana bago kumuha ng isang daan sa wallet ko. Binigay ko iyon sa driver at sinabing sa kanya na ang sukli. Nagpasalamat naman ito sa akin at tumango lang ako bago lumabas. 

Naglalakad ako papasok ng restaurant ng may humawak sa braso ko kaya agad akong nagulat at sinapak ang kung sino man ang humawak sa akin. Dahil siguro sa reflexes ko kaya ko nagawa iyon. 

"Aww it hurts." 

Nagulat ako ng makita ko si Denrick na hawak ang panga nito habang ang isang kamay ay nakahawak sa braso ko. Hindi ko naman alam ang gagawin dahil mukhang masakit nga ang sapak ko sa kanya. 

Hahawakan ko na sana ang panga nito ng maalala ko ang ginawa nito kanina sa akin. Bumalik ang inis ko sa kanya at inisip na bagay lang sa kanya ang ginawa ko. Aba kulang pa nga iyon sa ginawa nya e. 

"Why did you punched me?" Tanong nya kaya gustong mapataas ng kilay ko. 

"Ahm nagulat lang po kasi ako sa humawak sa akin." Ani ko at kahit naiinis ay pinilit ko pa ring initago iyon. 

"Fudge." Mahinang usal nya bago inalis ang kamay nya sa panga. Mukhang nawala na ang sakit ng sapak ko. Baka gusto pa nya ng round 2 dahil kaya kong ibigay iyon. 

"Bakit ka po nandito?" Tanong ko dahil ayaw ko naman na mag assume na sinundan ako nito.

"I followed you. Hindi mo kasi pinansin yung tawag ko sayo." Aniya.

"Tinawag nyo po ako? Hindi ko po kasi narinig eh." Sabi ko at bumuntong hininga naman ito.

"Look, what you saw awhile ago---"

"Pasok na po ako. Gutom na kasi kami ni baby." Hindi ko na sya pinatapos mag salita at agad kong kinalas ang kamay nyang nakahawak sa akin. 

Tumalikod na ako sa kanya at rinig ko ang pag buntong hininga nito pero sumunod pa din sa akin. Hindi ko sya pinansin hanggang sa makarating kami sa mesa at nag order. 

"Maria---"

"Gutom na po si baby kaya pwede po ba mamaya ka nalang mag paliwanag?" Ani ko kaya naman tumango ito. 

Kita ko ang pagsulyap sulyap nito sa akin na mukhang pinag aaralan ang reaksyon ko. Hindi ko naman sya pinansin hanggang sa matapos kami at makabalik sa opisina. 

**Written by Stringlily**

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
bakit ayaw mong pakinggan kung ano ang paliwanag nya tungkol sa babaeng nakayapos sa kanya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status