Share

Chapter 7: Mud

“Hindi ka ba nag-iisip, Gringo? Hindi ka ba makapaghintay na makauwi ako roon para sagutin iyang tanong mo?” iritadong tanong ni Santana matapos nila tumigil sa may cottage. Walang tao roon na pagala-gala kaya roon siya tumigil para makapag-usap silang dalawa mag-asawa.

Hindi mawala sa isip niya ang mga taong nakasaksi ng sagutan ng dalawa na kung hindi lang siya pumagitna ay baka nauwi na naman iyon sa suntukan kagaya noon. Hindi alam ni Santana kung posible pa iyon gayung malalaki na sila pero hindi niya pa rin inaalis ang posibilidad. Hindi basta-bastang mga mamamayan sina Gringo at Connor sa bayan nila. Batid niyang pagpipiyestahan iyon ng mga tao.

“Bakit hindi? Alam mo kung gaano kahalaga ang plantasyong iyon sa mga Villaruel tapos bibilhin mo?” bigong tanong ng asawa sa kaniya. Kung makatingin ito sa kaniya ay para bang siya na ang pinakamasamang tao sa buong mundo.

“May plano akong bilhin pero hindi ko pa sila nakakausap kung papayag sila,” pagkaklaro niya.

Natawa nang pagak s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status