Share

Chapter 2

It's dark and I am lost but I'm holding someone's hand. We were walking. We kept on walking until darkness starts to fade and light starts to cover the place. I looked at the person I am holding.

"Mama!" I shouted in joy. She's here with me. She just smiled at me and looked somewhere else. I looked at that direction, too and I am beyond glad with what I was seeing.

"Papa!" I joyfully called him as he ran towards us. He wasn't smiling. His face was filled with fear. My mom's hand held me tighter.

What is happening?

I don't know how it started but could already taste my tears. Fear - that's the only thing I could feel.

When my dad's only a meter away, I thought we'll be safe, I thought I could hug him already, I thought he could tell us that everything will be okay. But I was wrong.

He was only a meter away when he fell down. He was looking at us and trying to reach our hands but he fell down even before we realized it.

Then I saw them.

They were holding a gun! They killed my papa! And to my surprise, they started running towards us. They are chasing us! I ran faster. I looked at my mom and I saw fear drawn into her face, she was crying, too.

I looked back and I saw them getting closer. I was so scared but I am more than determined to get away from them.

And then suddenly, everything went black again. I couldn't see a thing we kept running.

Until I fell down.. I felt pain on my right ankle. Before I could react, somebody grabbed me in the arm and took my mama away.

I saw red eyes staring at me! They were scary! It took me a minute before I realized what are they gonna do to me. I was beyond scared.

"W-wag! Maawa po kayo!" I kept on shouting that at them. "W-wag po!"

"Diane, darling, gising na!" Naramdaman ko ang pag-alog sa aking mga balikat ngunit pakiramdam ko pagod na pagod ang katawan ko kaya di ako sumagot sakanya.

"Uhh..." Tanging impit na ungol lamang ang akng nasabi samantalang ang totoo nyan ay gusto ko syang sigawan.

Sasaktan nya ako!

"Diane!" Nabigla ako sa sigaw at sa palad na dumapo sa pisngi ko. Napabalikwas ako sa kinauupuan ko at ang una kong nakita ay si Mama Vicky

"M-Mama Vicky..." Halos yakapin ko sya sa sobrang tuwa dahil andito sya. I feel safe.

"Nakatulog ka at mukhang binabangungot ka ata, pinagpapawisan ka pa." Agad kong pinakiramdaman ang noo ko at oo nga, basang basa ito ng pawis. "Sampung minuto na lamang mag-uumpisa na ang auction. 10 minutes, Diane, mag-ayos ka dyan at dumiretso na sa pinakadulong silid ng hallway sa labas." Matapos nya akong bigyan ng instructions nya ay lumabas na sya sa silid at muli akong naiwang mag-isa.

Nakaramdam ako muli ng takot. Bakit nga ba hindi pa ako nasanay? Gabi-gabi kaming nagkikita kita sa panaginip pero hindi pa rin ako sanay.

Kumuha ako ng tissue at idinampi ko iyon sa mukha ko upang maalis ang pawis, muli rin akong nag-apply ng powder sa mukha ko. Isinuot ko na rin ang itim na stiletto na nakahanda para sakin.

Lumabas ako ng silid at tinahak ko ang daan patungo sa pinakadulong kwarto. Pagkabukas ko nun ay nakita kong nakapila ang samung babae. Lahat sila ay nakaputi. Hindi ko maintindihan. Nagkamali ba sila Mama Rose ng bili sakin ng gown? Bakit lahat nakaputi? Ako lang ang nakaitim.

"Diane, andito ka na!" Narinig ko ang boses ni Mama Vicky kaya agad ko syang nilingon at nilapitan.

"Mama Vicky! Hindi ka ba nagkamali ng bili sakin ng gown? Ako lang ang nakablack!" Hysterical kong tanong dahil ayoko namang mapahiya.

"Alam mo namang ikaw ang star of the auction, Diane!" Natatawa pa nitong sagot. "Itim ang sayo dahil ikaw ang bida." Tapos ay lumingon kaming dalawa sa mga tao sa loob ng silid.

Lahat sila nakatingin sakin.

Nakakailang.

Hinila ni Mama Vicky ang aking braso patungo sa pinakadulo ng pila. "Oh, dito ka na. Lalabas na ako ha. Naku, umayos ka mamaya sa stage, Diane!" Aniya tapos ay lumabas na ito ng pinto.

Si Mama Vicky... sya ang nagpasok sakin sa mundong ito. College student pa lamang ako nung nakilala ko sya. 20 ako nun. Nakita nya akong nagaapply bilang isang waitress sa isang club, nilapitan nya ako at inalok ng mas madali at mas mataas na sweldong trabaho. Naalala ko pa dati, akala ko gagawin nya akong bayaran dahil sinabi nyang pagiging escort ang trabaho na ibibigay nya sakin. Tumawa pa sya sa takbo ng utak ko tsaka sinabing hindi sya nagbebenta ng babae. Nakahinga akong maluwag nang naipaliwanag nya sakin lahat.

Sabi nya ay kelangan ko lamang samahan ang mga mayayamang tao na pipili sakin sa mga party. Escort nga naman. Pero siniguro nyang hindi ako gagalawin ng kung sino man iyon. Maari din daw ako kumita ng Php 30,000 sa isang party lang. Naakit ako sa trabahong iyon. At oo, naging escort ako. Pero pumasok pa rin ako sa club bilang waitress dahil hindi naman siguro laging may mayayaman na nangangailangan ng escort sa party, hindi ba?

Naging escort ako pero sa iisang tao lang. Isang binata at napakayamang negosyante. Hindi naman sa walang pumipili sakin pero sakanya lang ako pumapayag dahil pakiramdam ko ay ligtas ako sakanya. Dalawang taon na sya ang lagi kong sinasamahan sa mga party. Dalawang taon pero limang beses pa lamang na naging escort nya ako. Hindi ko maikakaila na attracted ako sakanya. At bakit hindi? Likas na gwapo talaga ang lalaking iyon.

"Hi!" Nabasag ang pagmumuni-muni ko nang batiin ako bigla ng babaeng nasa harap ko.

Saglit ko syang pinagmasdan at sobrang namangha ako sa itsura nya. Napakaganda nya, animo'y isang anghel. "H-ha? Hi." Ngiti kong sagot sakanya.

"I'm Nica. Ikaw ano pangalan mo? Ang ganda mo naman!" Pagpapakilala nito sakin habang inilalahad nya ang kanyang kamay. Nica...bagay sa mukha nyang napakainosente. "Ay teka! Kilala na kita. Ikaw si Diane. Bakit ko pa nga ba tinanong." Natatawa nyang sabi tapos ay binawi nya ang kanyang kamay.

Nginitian ko bago sumagot. "Nice to know you, Nica..." Sinsero kong sabi.

"Grabe! Di na nakapagtataka kung bakit ikaw ang star of the night. Ang ganda ganda mo!" Madaldal. Oo, madaldal si Nica. Taliwas na taliwas sa inosente nyang mukha. "Nakakainggit ka naman." Pagbibiro pa nito sakin.

"Maganda ka rin naman." Ngiti kong sagot.

"Ikaw yung in demand na escort nung Vicky, diba? Pero maselan ka daw! Kaya ikaw ang napili ng organizer ng event na ito para maging star. Ako p****k ako, in demand din kaya nga number 10 ako dito. Kilala akong bayaran ng mga tao dito, for sure. Ang ayos ng pila dito ay kung gaano ka ka-in demand." Chismis nya sakin.

"Ahh." Nahihiya ko pang sagot.

"Ay, oo nga pala! Ano number mo?" Tanong nya tapos ay binuksan ang dala nyang puting pouch at inilabas ang kanyang cellphone. "Kunin ko ha, para magtextmate tayo para friends pa rin after this night!" Tila excited pa nyang sabi bago iabot sakin ang cellphone nya.

Nakakahiya naman kung tatanggi ako, hindi ba? Kinuha ko ang cellphone nya at inilagay dun ang number ko.

Masaya akong kinakausap ni Nica habang gumagalaw ang pila. Nakaramdam ako bigla ng kaba at takot nang sya na ang susunod na ibebenta.

"Excited na ako! Ako na ang susunod!" Ang laki pa ng ngiti nya sa kanyang mukha habang sinasabi iyon. Masaya sya na ibebenta sya? Ibang klase.

"Next in line is Nica!" Narinig na naming dalawa ang tawag sakanya. Nginitian nya ako bago pa man mabuksan ng tao sa labas ang pintuan. Ramdam ko ang saya nya sa kanyang pag-alis.

Bago pa man tuluyang maisara ang pinto, nahagip ng mata ko ang isang lalaki. Nakasuot ito ng puting amerikana. Andito sya! Nabuhayan ako ng loob kasabay nito ang kaba.

Sana ay mabili nya ako. Sana.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status