Share

Chapter 6

"You seem to be enjoying my baby, bitch," walang emosyon kong sabi.

Nakita ko namang nanigas ang babae habang si Wyatt naman ay tumigil sa paghalik at nakangising nilingon ako. Tinaasan ko siya ng kilay pero mas lalo lang lumaki ang ngisi nito at muling nilingon ang kahalikan niya kanina. 

Kumuyom ang kamao ko nang paglaruan ni Wyatt ang dulo ng buhok ng babae at biglang lumapit sa gilid ng mukha nito at parang may binulong. Nanliit ang mata ko nang parang nakiliti ang babae kaya nang lumingon ito sa banda ko ay agad ko itong pinanlakihan ng mata.

Napayuko naman ito at tumingin kay Wyatt. Dahan-dahan namang lumayo si Wyatt sa babae at walang emosyon ako nitong tiningnan. Muli niyang binalik ang tingin niya sa babae at matipid na tumango.

Mas lalong kumunot ang noo ko nang tumalon ang babae pababa ng sink at tinaas nito ang tube dress niya. Nakayuko itong naglakad papunta sa pinto nang bigla akong humarang doon kaya tiningala niya ako.

"And do you really think na palalagpasin ko ang ginawa mo? You know me, bitch. Alam mo kung anong kayang kong gawin once you defy my rules! At alam mo kung ano ang rule na 'yon?" mariin kong saad.

Nang hindi ito umimik ay pinanlisikan ko ito ng mata at akmang sasampalin na siya nang magsalita si Wyatt.

"That's enough, Sierra. Just let her go," walang gana nitong sabi habang nakasandal sa dingdig.

"Shut up, Wyatt. Magtutuos tayo mamaya. But for now..." Tiningnan ko ang babae at inirapan siya.

"Answer my question, bitch! What's my fvcking rule?" sigaw ko sa kanya.

Nanginginig naman ako nitong tiningnan at nilagay nito sa likod ng tenga ang hibla ng buhok niya. Kinagat nito ang ibabang labi niya para pigilan ito sa panginginig.

See, that's my impact. As they should. Alam na naman nila kung ano ang mangyayari kapag sinuway nila ang gusto ko. They know what I can do to them pero pinili pa rin nila akong suwayin.

"W-we are not a-allowed to k-kiss, m-make out and f-fvck your obsession, Sierra," nauutal nitong sabi.

Ngumisi naman ako sa kanya at humakbang papunta sa harap niya. Napayuko naman ito at nanatili ang tingin sa sahig. Nilingon ko si Wyatt at nakapamulsa lang ito habang nakasandal sa dingding habang mariing nakatitig sa 'kin. I rolled my eyes on him before looking away.

Nagtatampo pa rin ako sa kanya. After how many hours of waiting for him, tapos ito ang maaabutan ko. If he wants to kiss someone, kahit buong pagkatao ko pa ibigay ko na sa kanya.

"Did you defy that, woman?" I asked while glaring at her.

Ilang minuto pa itong hindi nakaimik kaya inapakan ko ang paa niya gamit ang five inches stiletto ko. Dumaing naman ito at naluluhang tumingin sa 'kin.

"Sierra."

"Wyatt... just shut the fvck up!" pagtitimpi kong sigaw.

Ngumisi naman ito habang napapa-iling. May kinuha ito sa bulsa niya at kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang packed ng cigarette. Kumuha siya ng isang stick ng cigarette at nilagay ito sa bibig niya habang nakatitig sa 'kin.

May binunot ulit ito sa bulsa at nakita ko ang isang silver na lighter. Mariin pa rin itong nakatitig sa 'kin habang sinisindihan niya ang sigarilyo sa bibig niya. Nakagat ko ang labi ko at agad na umiwas ng tingin.

Fvcking calm down, Sierra. 'Wag mong kalimutan ang ginawa niya kanina. He's an asshole. But fvck! He look so damn hot while puffing his cigarette. Bakit 'yung ibang nagyo-yosi, hindi ganito ka hot.

"Alam mo na kung anong mangyayari sa 'yo bukas. Now go, ready yourself for tomorrow. At kahit tumakas ka pa, mahahanap pa rin kita. Bakit mo kasi ako kinalaban?" Humagulhol naman ito sa sinabi ko kaya humalakhak ako na parang demonyo.

"Enough, Sierra. Hayaan mo na siya." Pinanlisikan ko naman ito ng mata ngunit tumawa lang ito ng payak.

"Are you trying to be a hero to her?" taas kilay kong tanong.

"Just let her go. Naiingayan na ako,"

bored na sabi nito.

"It's your fault! Bakit mo siya hinalikan?" 

Suminghal naman ito at inalis ang sigarilyo sa bibig niya at bumuga bago ako nginisihan.

"Why wouldn't I kiss her? I'm single and I can kiss anyone I like. Stop acting like you are my girlfriend because you are not," mariin nitong sabi at tumigil sa harap ko.

Ngumisi na lang ako para pagtakpan ang totoo kong nararamdaman. Pang-ilan niya na ba 'tong sinabi? Sa sobrang dami hindi ko na mabilang. Pero kahit gaano pa karami, wala eh... baliw pa rin ako sa kanya.

Ang tanga-tanga ng puso kong pumili ng taong mamahalin ko. Kung ano ang kinaswerte ko sa pamilya, gano'n naman kamalas sa pag-ibig. Kailan ba 'to mawawala? Mawawala pa ba 'tong nararamdaman ko para sa kanya?

Nilingon ko naman ang babaing tahimik na nakikinig sa 'min at sinamaan ito ng tingin. "Ano pang ginagawa mo? Fvcking get out! 'Wag kang chismosa!" sigaw ko.

Agad naman itong kumaripas papalabas ng banyo kaya kami na lang ni Wyatt ang tao rito. Huminga ako nang malalim para kumuha ng lakas bago siya nilingon. 

Muli na naman itong humithit sa sigarilyo niya at bumuga. 

"Kadarating mo lang dito tapos 'yon agad ang gagawin mo. Pumunta ka lang ba rito baka makipag halikan?" tanong ko sa kanya.

Tumigil naman ito sa paghithit ng sigarilyo at humakbang papalapit sa 'kin. Nanatili naman ako sa pwesto ko at pilit na hindi umatras nang nasa harapan ko na ito.

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit kaya kahit ilang beses niya na akong sinaktan, patuloy pa ring tumitibok ang puso ko sa kanya?

Bahagya itong yumuko para pantayan ako at ngumisi sa 'kin bago nito binuga sa mukha ko ang usok ng sigarilyo mula sa bibig niya.

Napapikit naman ako at napa-ubo dahil sa pagbuga nito ng usok sa mukha ko. Narinig ko naman itong tumawa kaya tumigil ako sa pag-ubo at tiningnan siya nang masama. Pero imbis na makita ko ang tumatawa nitong mukha ay sumalubong sa 'kin ang walang emosyon niyang mukha.

Tumawa ba talaga siya o guni-guni ko lang? But heck! Ang sexy ng laugh niya. Para siyang melody song sa ears ko. Kailan ko kaya siya makikitang tumatawa sa harap ko?

Natigil naman ako sa pagda-day dream nang tinawag nito ang pangalan ko.

"Stop interrupting my doings, Sierra. Wala ng lumalapit sa 'king babae because you keep on threatening them."

"'Yon nga ang gusto ko eh. If you want to make out with someone, then I'll be that someone, Wyatt," may pang-aakit kong sabi.

Ngumisi naman ito bago umatras sa 'kin at muling humithit ng sigarilyo. Nang masense ko na wala siyang balak na magsalita ay agad akong tumikhim kaya naagaw ko ang atensyon nito.

"Kanina pa kita hinihintay, Wyatt. Nadisappoint lang ako kasi super late ka na nga dumating tapos maaabutan pa kitang nakikipag french kiss sa isang higad," nguso kong sabi.

He sarcastically chuckled before he throw his cigarette on the trash can inside the bathroom. Humakbang naman ito papunta sa harap ko at tiningnan ako nang may panunuya.

"I don't care if I disappointed you, Sierra. Can you stop bothering me? It's fvcking annoying. You're starting to get on my nerves." Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya.

"You look so desperate to get my attention. Congrats, you did it. You did grab my attention because of your annoying schemes." Humakbang pa ito papalapit sa 'kin kaya mga five inches na lang ang layo namin.

"Stop it, Sierra. Wala kang pag-asa. Dahil hindi ko gusto ang mga katulad mo. I wouldn't like a woman like you. I'm not going to like a bitch, mannerless, brat and a whore like you."

Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ko ang sarili kong humikbi. Tumingala rin ako para pigilang tumulo ang nagbabadya kong luha. Malalim akong huminga bago ko siya tiningnan nang walang emosyon.

"Fvck you, Wyatt. Just fvck you!" mariin at puno ng poot kong sabi.

He evily smirked. "I don't wanna fvck a woman like you. Go fvck someone else, I don't care," panunuya nito.

Mabilis kong pinunasan ang tumulo kong luha sa mata at pinanlisikan siya ng mata. Nakita ko namang nawala ang ngisi niya sa mukha at napalunok. Ngunit agad na nawala ang ekspresyon nito at walang ganang tumingin sa 'kin.

"Oo! I will fvck someone else! You're an asshole! I hate you! I fvcking hate you, Wyatt! Fvck you for treating me like this. I fvcking hate you!" galit kong sigaw at sinuntok nang malakas ang dibdib niya bago umalis ng banyo.

Lumikha ng malakas na tunog ang pinto nang malakas ko itong sinara. Matulin akong naglakad at mariin na pinunasan ang luha ko sa mata.

Ayoko na, ayoko na ng feeling na 'to. Ayoko nang gustuhin siya. Pagod na ako. Kailan ba mapapagod ang puso kong mahalin ang gagong 'yon? 

Muntik na akong mapaupo sa sahig nang may malakas na bumangga sa 'kin.

"Sierra, nandito ka lang— wait, are you crying?" Mabilis kong pinunasan ang luha ko bago ko nilingon si Zero.

"Bakit naman ako iiyak?" natatawa kong sabi.

He was about to say something nang hinila ko ang batok niya papalapit sa 'kin at mapusok siyang hinalikan sa labi. Naramdaman ko namang nanigas ito ngunit agad ding nakabawi at sinuklian ang mga halik ko.

Sinandal ko siya sa pader at pinagapang ang mga daliri ko sa leeg niya hanggang sa buhok niya at sinabunutan ito nang magaan. Umungol naman si Zero at mas lalong nilaliman ang halik namin. Nanginig naman ang katawan ko nang maramdaman ko ang malaki at medyo magaspang na kamay ni Zero sa likod ko.

Naramdama kong hinihimas niya ang likod kong walang takip at mas lalong pinag-igihan ang halik niya sa 'kin. Umungol naman ako at mariing sinabunutan ang buhok niya.

He labeled me as a whore. He called me that nasty word without knowing na sa kanya ko lang balak na ibigay ang virginity ko. Whore huh, then fine. Tototohanin ko na lang ang sinabi niya.

"Sierra." Nanigas ako at napatigil sa paghalik nang marinig ko ang isang mapanganib at malalim na boses mula sa aking likuran.

Inalis ko ang pagkakasabunot ko sa buhok ni Zero at dahan-dahang nilingon ang tumawag sa 'kin mula sa likod. Nakita ko naman si Zero na napapakamot sa batok.

"W-wyatt... a-anong ginagawa mo rito?" I asked.

Walang emosyon ako nitong tiningnan bago nito binalingan si Zero. "Man, happy birthday. Can you leave us alone?" malamig na sabi nito.

Nagkamot naman sa batok si Zero bago tumango. "Ganda ng bati mo bro ah. Anyway, mauuna na ako sa inyo, Sierra. That was hot," malisyosong sabi nito at umalis na.

Mariin naman akong napalunok nang biglang tumikhim si Wyatt. Parang kanina lang kung ano-ano na ang pinagsasasabi namin sa isa't-isa tapos ngayon natatameme na lang kaming dalawa.

"Sierra." Para namang nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan nang tawagin nito ang pangalan ko gamit ang malalim at medyo paos nitong boses.

I cleared my throat before answering him. "Y-yes?" I asked.

He looks at me like he is scrutinizing my whole being. Medyo nailang tuloy ako dahil parang tagos hanggang buto ang titig niya sa 'kin. Umigting ang panga nito bago huminga nang malalim.

"Sierra... let's talk."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status